Valentine’s day is coming and lahat ng affected ay nagpi-prepare para maging special naman ito. I believe ito yung date na nasa iyo if you want it extraordinary que sweetheart kang katabi o wala. Ngayon dun tayo sa event that possibly a way to let you give, feel, experience or think that February is month of arts too.
Tara na sa Luneta: National Arts Month na
Kung basag ang puso mo, mayroon nang katambal o nagbabaka sakaling magkaroon ng kulay, ipahayag ang iyong nararamdaaman gamit ang nanahimik mong sining sa katawan. Hayaan mong mabuhay ‘yan sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga aktibidad ng NCCA ngayong Pebrero. Katunayan ay sa unang araw pa lang ng buwan din ng mga Puso ay mayroon na silang buweno manong handog.
- Sa ika-3 nang Hapon ay mayroong caricature making,
- parada ng mga Higantes sa pagdako ng 5 pm
- at pagkagat ng dilim bandang 6pm ay tuloy na ang Concert at the Park.
Love and Arts or Love in Arts
Sariwa pa sa aking alaala ang mga turo ng aking mga guro. Ang paggawa ng tula, ang pag-arte sa entablado, ang pagsasayaw ng pandanggo, at ang pag-ukit sa punong mangga sa isipan na ang sining ay hindi lamang pangkasiyahan. Ito ay pamamahayag, bahagi ng iyong pagkatao at lunas sa iyong puso.
Lalim ano? Dahil Pebrero pagbigyan ang pagiging madamdamin di ba?
Kung nadadaan lang sa salita ang lahat,
ano pa ang simbolo ng pinta, ukit at tula?
kung letra at pagbasa lamang
ano pa ang mahika at lohika ng mga kanta?
kung lakad, pagtakbo at pagtalon lamang ang katapat
ano ngiti at saya na dala ng pagsasayaw?
Ang sining ng Pinoy ay matagal ng pinupuri ng mga banyaga. Nawa’y bago ang iba, tayo muna ang maging taos-noo sa ating natural na mga talento. Magaling tayong mga Pinoy!