Pinoy Music Festival’s Battlecry ‘PalakasinAngBosesNgOPM’


Pinoy Music Festival leaders Mel Villena, Patricia Hizon, Jong Cuenco, Bayang Barrios,  Felipe De Leon,  Ogie Alcasid,  Dingdong Avanzado, Noel Canagon,  Bactidol official and an OPM artist.

Pinoy Music Festival leaders Mel Villena, Patricia Hizon, Jong Cuenco, Bayang Barrios, Felipe De Leon, Ogie Alcasid, Dingdong Avanzado, Noel Canagon, Bactidol official and an OPM artist.

Ano ang pakiramdam kapag nakikinig ka ng Original Pilipino Music (OPM)? Para sa akin,  parang ako lang iyong sumulat ng kanta o  kaya naman ay parang  may  kakwentuhan ka lang na nakaka-relate ka.  Kamakailan ay hindi lamang paklikinig, kundi nakadaupang palad at nakausap ko pa ang ilan sa mga lider ng OPM sa pangunguna nina Ogie Alcasid Noel Cabangon, Dingdong Avanzado, Bayang Barrios Mel  Villena  (Singing Bee musical director), Jong Cuenco  (flutist), PhilPop associate Exec. Dir. Patricia Hizon and others.

Kasama ng pamunuan ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA)  sa pangunguna ni Chairman  Felipe de leon  at Bactidol ay idinaos sa My  Brother’s Mustache  (Sct. tuazon, Quezon City) , ang  media  conference para sa Linggo ng Musikang Pilipino nakapaloob sa Pinoy Music Festival.  Isa itong makasaysayang pagdiriwang dahil sa malaki, maingay at ngayon pa lamang ito mangyayari sa kasaysayan ng local music scene.  Kaya naman kaisa ng mga dumalong panelista ay nakaka-excite  para rin sa akin ang kaganapan na ito.   By the way, ang week-long event na ito na gagawin na annually ay naisakatuparan sa  bisa  ng Proclamation  no. 933 ni Pres. Benigno “Noynoy” Aquino. Ito ay iyong nag-aatas na sa tuwing  huling  Linggo ng Hulyo ay magkakaron ng Linggo ng Musikang Pilipino.

“To train the spotlight on the rich musical heritage of Filipinos and raise awareness of original compositions across all genres,” ang rason sa nasabing proklamasyon na nilagdaan  Disyembre 2014 ni P-Noy.

Big events you should watch OPM fanatics during Pinoy Music Festival

Magaganda ang nakahaing programa  para sa  Linggo ng Musikang  Pilipino na tiyak na dapat abangan at daluhan ng Pinoy in support sa ating sariling musika.  Una na rito  campaign run  na tinaguriang Mission: EO 255 na gaganapin sa  UP Diliman Academic Oval sa July 19, 2015.

Para sa kaaalaman ng lahat, ang executive order   255 ay inisyu noon ni Pres. Corazon  “Cory” Aquino  nag-uutos sa lahat ng radio stations sa bansa na magpatugtog ng may 4 na kanta o higit pang OPM song kada oras.  Teka ano naman ang pinagkaiba ng OPM song  sa iba pang kinakanta ng Pinoy singers. Ayon nga kay Filscap Pres. Noel   Cabangon basta orihinal na komposisyon  ito ng isang Pinoy kahit English, Filipino, Visaya o Ilocano pa yan, yan ay masasabing OPM.

Bar hoppers and concert goers, #PalakasinAngBosesngOPM  at Battle of the Bars  are perfect for you.  Damhin ang naghuhumiyaw na galing at husay ng Musikang Pinoy  sa iba’t ibang bars sa Metro Manila gabi-gabi.  Kasama ang OPM lovers venues na   Teatrino ( San Juan) Saguijo Bar, My Brother’s Mustache,  Strumms, 12 Monkeys, Route 196, 19th East,  at Conspiracy Bar sa maghahatid ng palabas na inyong maiibigan lalo na’t kasama rin ang  mga ito sa magtaatgisan para sa Battle of the Bars.

Narito ang kwento ni Siquijor vice governor and OPM corporate sec. Dingdong Avanzado tungkol sa Battle of the Bars

 

Street Performances & Grand  Concert of Pinoy Music

Pinoy Music Festival leaders Mel Villena, Patricia Hizon, Jong Cuenco, Bayang Barrios,  Felipe De Leon,  Ogie Alcasid,  Dingdong Avanzado, Noel Canagon,  Bactidol official and an OPM artist.

Pinoy Music Festival leaders Mel Villena, Patricia Hizon, Jong Cuenco, Bayang Barrios, Felipe De Leon, Ogie Alcasid, Dingdong Avanzado, Noel Canagon, Bactidol official and an OPM artist.

Samantala kung nasa Bonifacio  High Street ka between July 25 and July 31, aba’y be high sa “My OPM  Playlist.” Isa itong exhibition of OPM songs.  Pero kung  pagala-gala ka sa alin man sa Kamaynilaan, watch out na lang sa busking performances  na magagana tuwing  6pm to 8pm  sa loob ng  Linggo ng Musikang Pilipino.

Kung gusto mo naman talaga yung  ultimate at grand –eddie go ka sa Grand Finale Concert  na  magaganap sa Ayala triangle  sa July 31, 2015.  Ang tema nito ay “Ano’ng OPM Playlist mo?” Ako tanungin mo nito naka-category pa ( kung by band, solo, noon at ngayon, at top).

Para sa ibang detalye,  pina-explain ko na kina Sir. Noel at Ogie da Pogie hehehe

 

Kasama rin sa Pinoy Music Festival ang  ang Philpop na kung saan itinatampok ang mga  bagong komposisyong Pinoy.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Old Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.