Filipino Organizations launch Feeding, Back-to-School Programs for kids


Nitong magkasunod June at July ay iba-ibang organisasyon ang aking na-encounter na may programa para sa mga kabataan. Ito ang  Sinag (Sining at Gabay) Foundation, Humanist Alliance Philippines, International (HAPI) at  Habitat for Humanity. Para sa akin ay nakakatuwa itong ipabigay-alam sa lahat  dahil hindi lamang talaga gobyerno ang maasahan kundi may iba-ibang institusyon ang namamahagi ng  tulong.   Sa totoo lang ay isang realization ito sa akin na marami pa rin talagang mapagkawang-gawang Pinoy na hindi kailangan ipagsigawan sa mundo ang kanilang ginagawa.

Sinag Foundation sa Payatas B  Elementary School Annex

Personal akong nakasama sa grupo ng Sinag Foundation sa kanilang Brigada Eskwela donation drive sa  Payatas B  Elementary School Annex na ang school administrator ay si Ginang Delia Sibulo. Ang mga bata  rito ay disiplinado at  karapat-dapat na mabigyan ng tulong dahil na rin sa kanilang kalagayan.

Bukod sa ang school  ay wala pang computers, nangangailangan din ito ng feeding program para sa nutrisyon ng mga bata at dagdag na tulong na materyal para sa kanilang paghahanda sa nakaambang matinding lindol. Ang Payatas  ay hindi nalalayo sa West Valley Fault Line kaya naman mahihirapan ang mga residente dito kapag naganap ang earthquake. Wala man silang megaphone at sa ngayon ay nagtatyaga sila sa batingting na actually ay isang lumang tangke ng gas.

Tungkol naman sa mga ipinamigay na mga kagamitan, ang Sinag Foundation ay namigay sa lahat ng antas. Ang bawat isang plastic envelope ay may mga nakapaloob ng notebook ( kuwaderno), lapis, ballpen , krayola at ipa pa.

 HAPI for Batang Riles in Alabang 

Ang alam ko parte pa rin ng Metro Manila ang Alabang at sa matagal kong impression sa lugar na ito na mayayaman ang mga tao not until nang malaman ko ang tsika sa akin ng isang volunteer ng HAPI na  itatago ko sa pangalang Grace Muniz. Ang grupo na ito ay nasa 7-C Alabang noong July 12 para sa feeding program ng may 500 kabataan na tinatawag ding mga Batang Riles.  Biruin mo ang mga  HAPI volunteers and sponsors ay mula sa iba’t ibang panig ng Pinas at mundo na nagsama-sama para makapaghatid ng tulong sa mga kabataan nasa depressed areas ng Alabang.

Ayon sa aking napagtanungan, ang mga batang kanilang natulungan ay mula sa pamilyang hikaos sa buhay at ang kanilang common na kinakain ay mga junk foods para makatawid lang sa gutom.

Back-To-School Campaign of Habitat for Humanity

Hindi lamang desenteng pabahay ang nais na tutukan ng Habitat for Humanity kundi maging edukasyon ng mga kabataan. Sa bagay ano ba ang bahay kung hindi sa mga taong nakatira rito lalo  ng mga musmos na nangangailangan ng kalinga. Nitong June ay inumpisahan na rin ng international organization na ito ang kanilang back-to-school campaign. Isa rin itong panawagan para mabigyan ng kamalayan ang lahat tungkol sa malaking papel na ginagampanan nang maayos na bahay  para sa paghubog sa mga kabataan partikular na sa kanilang edukasyon.

“According to Rothstein (2013), a child who lives in inadequate housing, has limited ability to enrich themselves, stunting their growth and development in their crucial formative years. It takes a direct toll on the child’s capacity to develop and fully realize the skill sets and potential they possess.

“Consequently, these children are more likely to become exposed to violence, crime and drug abuse, further postponing their development (Urban Institute, 2012),” nasaad sa report ng Habitat.

“Children have the right to have a healthy home and neighbourhood which provides them a sound learning environment – where learning is easy, and cherished. If we focus on giving children the decent homes they not only deserve, but have the right to, our future will be prosperous,” sabi ni Charlie Ayco, Managing Director and CEO of Habitat for Humanity Philippines.

Para sa mga mga organisasyon na may ganitong mga programa at aktibidad, bukas ang Hoshilandia para sa inyong kwento.

Gayon din kung nais ninyong makatulong sa mga kabataan, go-go-go! Maaari kayong makipagtulungan alin man sa mga grupong aking  nabanggit.

Mabuhay!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Old Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

One thought on “Filipino Organizations launch Feeding, Back-to-School Programs for kids