Why are you Reading: Essay tungkol sa Kahalagahan ng Pagbabasa


May nagtanong sa akin kung bakit daw ba ako nagbabasa? Bigla– ‘yong mga ideya sa kokote ko ay parang isang daang tao na gustong lumabas sa iisang pinto nang sabay-sabay.  Kaya naman sa rami ng rason na naiisip ko ay halos mautal akong sumagot.  Pero sa bandang huli, ang gusto lang palang maipaliwanag ng kausap ko ay kung papano ko  malalaman ang laman ng isang libro nang hindi ko kailangan maglaan nang mahabang oras.  Paano nga ba? Ano nga ba kahalagahan ng pagbabasa?

Ang pagbabasa ay karanasan

Hagdan by Sherma Benosa inside page

Nirerespeto ko ang opinyon ng kausap ko at naniniwala ako na mas palabasa s’ya sa akin at mas matagal pa.  Ang totoo niyan ay second year high school na ako nang ma-motivate na magbasa para gumanda ang mga grado ko. Kaya roon sa mga nagsasabi na hindi palabasa, pero natuto at mataas ang marka sa eskuwela, e ‘di kayo na!

Balik tayo doon sa suggestion ng  kausap ko tungkol sa paraan na mapadali ang  pagbabasa. Kung tama ang intindi ko sa sinabi niya ay maghanap na lang daw ako ng taong nakabasa na o eksperto doon. May punto siya in a way, kasi sa totoo lang ang kalaban ngayon ng tao ay bilis ng oras. Subalit sa ibang banda, ang  napagtanto ko na problema dito ay ang interpretasyon.

Halimbawa na lamang ay ang pagbabasa ng biblia, halos sa bawat chapter nito ay may iba-ibang kahulugan, depende sa paniniwala ng isang tao. Kung paano ang isang kulay ay iba rin ang dating sa bawat tumitingin dito. Kaya naman may butas din na ipagkatiwala sa ibang tao na basahin niya para sa iyo ang isang libro, lalo na’t  nasamahan na n’ya ng sarili niyang pagkakaintindi.

Translation problem

Isa rin ito sa mga problema ng mga translator ng libro, telebisyon at pelikula. Nakakahiya rin kasi sa manunulat (book author/ scriptwriter) kung iibahin nila ang mensahe nito maitawid lamang ang pagsasalin. Subalit kung iisipin din naman ay may mga salita sa bawat wika na walang direktang translation.

Oo nga kukunsumo sa oras ang pagbabasa pero kung tutuusin ito ay isang makabuluhang paggamit ng iyong libreng oras—para bang…

  • Panonood ng sine na dinadala ka ng director, artista at scriptwriter sa kanilang kwento
  • Pagdalo sa seminar na iyong binayaran para matuto sa paksang nais mo
  • Paglalakbay
  • Pag-arte sa entablado

Nagbabasa ako kasi…

business and financial books

Tinanong din ako ng kausap ko kung  anu-anong mga libro ang mayroon ako. Ang sagot? Hindi ko saulo ang eksaktong pamagat. Pero may kinalaman sa personal finance, business, communication, at iba pang self-help books.  Bilang sa palad ang nagbasa ako ng novel na walang kinalaman sa pag-aaral gaya ng Little Women  ni Louisa May Alcott, Mga Ibong Mandaragit ni Amado Hernandez at The Alchemist ni  Paulo Coelho.  Pansin mo medyo makaluma at ‘yong dalawang huling nabasa ko lang kasi may mga kopyang pahara-hara lang sa amin, na  ngayon ay tagong-tago ko na. Samantala natapos ko na rin ang  How I Made my First Million Through Direct Selling by Chinkee Tan ( at ang bookazine  na How to Set Up an Online Business 2015) at  Got a  Question About Taxes by Mon Abrea  (na later on ay malaki ang natulong sa aking withholding tax. )

Patalastas

Para sa akin kasi ang pagbili ng libro at magazine ay investment.  Dami na kayang pagkakataon na napagtanto ko na, “buti na lang nabasa ko ‘yon” o ginagawa ko na ‘yong natutuhan ko.  Isang halimbawa nito ay ‘yong pagkakatuklas ko sa investing sa stock market.   Noon may idea lang ako na isang uri ito ng investment, pero hindi ko pinapansin hanggang isang araw… bumili ako ng libro na feeling ko ay interesante. Hanggang sa iyong natutuhan ko sa libro ay nagbunga at nagamit ko para matupad ang dream ko na subukan na magnegosyo.   Siguro kung ‘di man ‘yon ang pinaka, isa ang pagbabasa ng book ni Bo Sanchez ang naging daan.    Tingin ko ganun din  ‘yong pag-asam ko na mahubog pa ang knowledge ko sa business, communication, at sa freelancing.

Kaya naman sa kabuuan, para sa akin ang pagbabasa ay…

Malictionary 1
  • Karanasan
  • Investment
  • Pinaka-convenient na paraan para matuto dahil nasa iyo kung saan, kailan at paano ( ‘di ba nga uso na rin ang audiobook at e-book) mo gagawin.
  • Isa sa mabisang paraan lumawak ang iyong vocabulary
  • Fulfillment

Ikaw bakit ka nagbabasa?



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.