Ano ang pakiramdam kapag nakikinig ka ng Original Pilipino Music (OPM)? Para sa akin, parang ako lang iyong sumulat ng kanta o kaya naman ay parang may kakwentuhan ka lang na nakaka-relate ka. Kamakailan ay hindi lamang paklikinig, kundi nakadaupang palad at nakausap ko pa ang ilan sa mga lider ng OPM sa pangunguna nina Ogie Alcasid, Noel Cabangon, Dingdong Avanzado, Bayang Barrios, Mel Villena (Singing Bee musical director), Jong Cuenco (flutist), PhilPop associate Exec. Dir. Patricia Hizon and others.
Kasama ng pamunuan ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA) sa pangunguna ni Chairman Felipe de leon at Bactidol ay idinaos sa My Brother’s Mustache (Sct. tuazon, Quezon City) , ang media conference para sa Linggo ng Musikang Pilipino nakapaloob sa Pinoy Music Festival. Isa itong makasaysayang pagdiriwang dahil sa malaki, maingay at ngayon pa lamang ito mangyayari sa kasaysayan ng local music scene. Kaya naman kaisa ng mga dumalong panelista ay nakaka-excite para rin sa akin ang kaganapan na ito. By the way, ang week-long event na ito na gagawin na annually ay naisakatuparan sa bisa ng Proclamation no. 933 ni Pres. Benigno “Noynoy” Aquino. Ito ay iyong nag-aatas na sa tuwing huling Linggo ng Hulyo ay magkakaron ng Linggo ng Musikang Pilipino.
“To train the spotlight on the rich musical heritage of Filipinos and raise awareness of original compositions across all genres,” ang rason sa nasabing proklamasyon na nilagdaan Disyembre 2014 ni P-Noy.
Big events you should watch OPM fanatics during Pinoy Music Festival
Magaganda ang nakahaing programa para sa Linggo ng Musikang Pilipino na tiyak na dapat abangan at daluhan ng Pinoy in support sa ating sariling musika. Una na rito campaign run na tinaguriang Mission: EO 255 na gaganapin sa UP Diliman Academic Oval sa July 19, 2015.
Para sa kaaalaman ng lahat, ang executive order 255 ay inisyu noon ni Pres. Corazon “Cory” Aquino nag-uutos sa lahat ng radio stations sa bansa na magpatugtog ng may 4 na kanta o higit pang OPM song kada oras. Teka ano naman ang pinagkaiba ng OPM song sa iba pang kinakanta ng Pinoy singers. Ayon nga kay Filscap Pres. Noel Cabangon basta orihinal na komposisyon ito ng isang Pinoy kahit English, Filipino, Visaya o Ilocano pa yan, yan ay masasabing OPM.
Bar hoppers and concert goers, #PalakasinAngBosesngOPM at Battle of the Bars are perfect for you. Damhin ang naghuhumiyaw na galing at husay ng Musikang Pinoy sa iba’t ibang bars sa Metro Manila gabi-gabi. Kasama ang OPM lovers venues na Teatrino ( San Juan) Saguijo Bar, My Brother’s Mustache, Strumms, 12 Monkeys, Route 196, 19th East, at Conspiracy Bar sa maghahatid ng palabas na inyong maiibigan lalo na’t kasama rin ang mga ito sa magtaatgisan para sa Battle of the Bars.
Narito ang kwento ni Siquijor vice governor and OPM corporate sec. Dingdong Avanzado tungkol sa Battle of the Bars
Street Performances & Grand Concert of Pinoy Music
Samantala kung nasa Bonifacio High Street ka between July 25 and July 31, aba’y be high sa “My OPM Playlist.” Isa itong exhibition of OPM songs. Pero kung pagala-gala ka sa alin man sa Kamaynilaan, watch out na lang sa busking performances na magagana tuwing 6pm to 8pm sa loob ng Linggo ng Musikang Pilipino.
Kung gusto mo naman talaga yung ultimate at grand –eddie go ka sa Grand Finale Concert na magaganap sa Ayala triangle sa July 31, 2015. Ang tema nito ay “Ano’ng OPM Playlist mo?” Ako tanungin mo nito naka-category pa ( kung by band, solo, noon at ngayon, at top).
Para sa ibang detalye, pina-explain ko na kina Sir. Noel at Ogie da Pogie hehehe
Kasama rin sa Pinoy Music Festival ang ang Philpop na kung saan itinatampok ang mga bagong komposisyong Pinoy.