Basilica of St. Martin of Tours ang pinakamalaking simbahan sa Pilipinas at Asya, ito ang mga magic words na sa akin ni Mhona (parang advertisement lang) kaya taas agad ng interes kong sumama. Pero maliban sa simbahan ay marami pang makikita na magandang spots sa paligid nito gaya ng Galleria Taal (Camera Museum), Don Juan Boodle House ( first Boodle Restaurant in Taal), Bahay ni Leon Apacible at Our Lady of Caysasay Church. (isa-isahin kong i-feature ito sa mga susunod kong posts).
Invitation! SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel for more interesting travel tips and stories. Salamat and Mabuhay 🙂
Basilica of St. Martin of Tours, Ang Taal!
Sumakay kami sa Jam Liner (near Kapuso Network) in Kamuning para makarating ng Taal, Batangas. Inabot kami nang halos tatlong oras bago makarating at ang pamasahe ay Php 178 per head. Samantala, para makarating kami ng simbahan ay sumakay kami ng jeep (Php 8) papuntang Lemery.
Pagdating sa façade ng Basilica of St. Martin of Tours ( may taas na 96 metro at lapad na 45 metro), maihahambing ko ito sa mga napanood kung sa school building ni Miss Minchin ng Sarah, Ang Munting Prinsesa at ni Matilda pagdating sa laki. Pero hindi na ito pininturahan siguro para mapanatili ang old flavor nito , na para sa akin ay okay na okay. Pagdating naman sa kabuuang itsura sa labas, naalala ko noon ang facade ng Antipolo Church noong wala pang mga establishments sa paligid. Ito kasi yung klase ng simabahan na malayo pa lamang ay matatanaw mo na sa laki at taas nito.
Pagpasok naman sa loob ay doon mo na madadama ang natatanging kariktan ng simbahan. Conservative ang mga kulay dahil halos naglalaro lamang sa gray, brown at white ang pintura. Iyong mga paintings naman ay litaw na litaw bilang accent dahil sa mahusay na pagkakapinta. In fairness naman talaga sa painters sa mga simbahan dito sa Pilipinas– detalayado, grandyosa at may angas.
Gusto ko pa sana maglibot sa gilid-gilid ng simbahan kung saan ang area for baptism, sindihan ng kandila at iba pa iyon nga lang madali mode na kami, Ayon sa marker at iba ko pang nabasa, ang kasalukuyang puwesto nito ay pinaglipatan na lamang dahil ang orihinal ay nasa San Nicolas malapit sa Taal Volcano. Kasama sa in-evacuate ang simbahan nang bonggang nagmaktol ang munting Bulkang Taal noong 1754. Ang nasa likod ng pangalawang konstraksyon nito ay Father Marcos Anton na kinuhang architect si Luciano Oliver. Kung tama ang aking nasaliksik si Oliver ang architect din ng renovated San Agustin Church (Manila) noong 1854. Ang orihinal na gusali ng Taal Church ay itinayo noong 1575 sa pangunguna ni Padre Diego Espina.
Nasa harapan naman ng simbahan ang malaki ring church bell nito sa bansa, mukha itong malaki pero ang sabi ang pinakamalaki ay nasa Panay Church.
Sino ba si St. Martin of Tours? Lakwatsero ba siya?
Pagkapasok naming ng simbahan sa sawsawan, may mga nakasulat na foreign slogan sa kisame. Tinanong ako ni Mhona, kung ano ang wika iyon ang hula ko talaga ay Italian yon at hindi Spanish. Puwede pa siguro Latin kung hindi. Ngayon nagbbasa na ako kung sino ba si St. Martin nagkaroon ako ng idea. SIya pala ay naninirahan sa Pavy, Italy pero ipinanganak sa Hungary at tumanda’t namatay sa France.
Kung si Harry Potter ay may invisibility cloak, si St. Martin ay sikat sa kanyang miraculous cloak. Ayon sa kwento ng Catholic Online ay isang araw na nakatodo postura ang mandirigmang si Martin, nakakita siya ng ng isang pulubing halos hubad na sa kanyang gula-gulanit na damit. Sa kanyang awa sa pobreng lalaki ay may I slash siya ng white cloak n’ya at idinamit dito. Nang gabi daw iyon ay napanaginipan ni Martin si Jesus na suot-suot ang kalahati ng kanyang cloak na ibinigay. Pagkatapos noon ay bininyagan na siya sa edad na 18-taong gulang.
Pero hindi lang natatapos sa cloak siyempre ang kanyang kwento niya, in fact gaya ng ibang Christian ay marami sa siyang dinanas na hirap sa kanyang iba’t ibang paglalakbay. Kasama na rito ang pagkakatanggal sa kanya sa militar, pagtakwil sa kanya ng kanyang ama, at ang pagluklok sa kanya bilang Bishop, hindi ng simbahan, kundi ng mga residente sa Tours o Turonensis sa France.
[hana-code-insert name=’Batangas Travel Book’ /]