Basilica of St. Martin of Tours ang pinakamalaking simbahan sa Pilipinas at Asya. Ito ang mga magic words ni Mhona kaya nagkainteres sa kanyang paanyaya. Pero maliban sa simbahan ay marami pang makikita na magandang spots sa paligid nito.
Kasama na rito ang sumusunod:
- Galleria Taal (Camera Museum),
- Don Juan Boodle House (first Boodle Restaurant in Taal),
- Bahay ni Leon Apacible
- at Our Lady of Caysasay Church.
Invitation! SUBSCRIBE to my YouTube channel for more interesting travel tips and stories. Salamat and Mabuhay 🙂
Discover the Grandeur of St. Martin in Taal
Paano makarating sa Taal Church? Sumakay kami sa Jam Liner (near Kapuso Network) in Kamuning para makarating ng Taal, Batangas. Inabot kami nang halos tatlong oras bago dumating doon. Samantala, para mapadpad kami mismo ng Taal Church ay sumakay kami ng jeep papuntang Lemery.
Ang façade ng Basilica of St. Martin of Tours ay may taas na 96 metro at lapad na 45 metro. Maihahambing ko ito sa mga napanood kung sa school buildings at castles sa Europe. Pero hindi na ito pininturahan siguro para mapanatili ang classic look nito. Para sa akin ay okay na okay yun!
Pagdating sa kabuuang itsura sa labas, naalala ko roon ang facade ng Manaog Church. Naalala ko rin ang vibe ng Antipolo Church. Iyon panahong wala pang gaanong establishments sa paligid. Ito kasi yung klase ng simbahan na malayo pa lamang ay matatanaw mo na. Pero kadalasann talaga sa mga old catholic churches sa Pinas ay strategically nakapuwesto sa mataas na area.


Ayon sa marker at iba ko pang nabasa, ang kasalukuyang puwesto nito ay pinaglipatan na lamang. Ang orihinal ay nasa San Nicolas malapit sa Taal Volcano ito. Kasama sa in-evacuate ang simbahan nang sumabog ang munting Bulkang Taal noong 1754.
Ang nasa likod ng pangalawang konstraksyon ng Taal Church ay si Father Marcos Anton na kinuhang architect si Luciano Oliver. Kung tama ang aking nasaliksik, si Oliver ang architect din ng renovated San Agustin Church (Manila) noong 1854. Ang orihinal na gusali ng Taal Church ay itinayo noong 1575 sa pangunguna ni Padre Diego Espina.
Pagpasok sa loob ay doon mo na madadama ang natatanging kariktan ng simbahan. Conservative ang mga kulay dahil halos naglalaro lamang sa gray, brown at white ang pintura. Iyong mga paintings ay litaw na litaw bilang accent. Mahuhusay talaga ang pagkakapinta. In fairness naman talaga sa painters sa mga simbahan dito sa Pilipinas—detalayado, grandyosa at may angas.






Gusto ko pa sana maglibot sa gilid-gilid ng simbahan. Madalas inikot ko ang areas din for baptism, sindihan ng kandila at iba pa. Iyon nga lang ay madali mode na kami.
Nasa harapan naman ng simbahan ang malaki ring church bell nito sa bansa, mukha itong malaki pero ang sabi ang pinakamalaki ay nasa Panay Church.
Was St. Martin of Tours a Lakwatsero Saint?
Pagkapasok naming ng simbahan sa sawsawan, may mga nakasulat na foreign slogan sa kisame. Tinanong ako ni Mhona, kung ano ang wika iyon. Ang hula ko talaga ay Italian yon at hindi Spanish. Puwede pa siguro Latin kung hindi. Nung nagbabasa na ako kung sino ba si St. Martin nagkaroon ako ng idea. Siya pala ay naninirahan sa Pavy, Italy pero ipinanganak sa Hungary at tumanda’t namatay sa France.

Kung si Harry Potter ay may invisibility cloak, si St. Martin ay sikat sa kanyang miraculous cloak. Ayon sa kwento ng Catholic Online, isang araw ay nakatodo postura ang mandirigmang si Martin. Nakakita siya noon ng isang pulubing halos hubad na sa kanyang gula-gulanit na damit. Sa awa n’ya sa pobreng lalaki, pumunit siya ng isang bahagi ng kanyang white cloak at idinamit dito. Nang gabi daw iyon, napanaginipan ni Martin si Jesus na suot-suot ang kalahati ng binigay n’yang cloak. Pagkatapos noon ay bininyagan na siya sa edad na18-taong gulang.
Pero hindi lang natatapos sa cloak ang kanyang kwento. In fact gaya ng ibang Christian ay marami sa siyang dinanas na hirap sa iba’t ibang paglalakbay. Kasama na rito ang pagkakatanggal sa kanya sa militar, pagtakwil sa kanya ng kanyang ama, at ang pagluklok sa kanya bilang Bishop. Hindi ng simbahan, kundi ng mga residente sa Tours o Turonensis sa France.