Personal Finance 101: Mayayaman, Matatalino lang ang yumayaman?


Matalino lang daw ang yumayaman? Kahit papaano nakatulong din sa work, personal finance, business at pagiging competitive ko ang mentality na ‘yan. Iba rin kasi tingin ng mga Pinoy sa mga nagtapos  na may honor at nakakurbata o naka-blazer kapag pumapasok sa trabaho.  Pero sa paglipas ng panahon, I realize that it’s not how smart you are, but how you work smart. Furthermore, humility and open-mindedness can give you great and lot of opportunities.

Gaya mo siguro, lumaki ako sa mentalidad na iba kapag may honor at pride kang maipagmamalaki. Iyong tipo bang  dapat  yung dingding n’yo tadtad ng medal at ribbon o kaya naman ay  mayroon kang mesa o cabinet na lalagyan ng mga trophy. Hay sarap tingnan!  Paano na lang kung isa ka lang average Pinoy– hindi katalinuhan, hindi kaguwapuhan o kagandahan, at sapat-sapat lang ang pera? Pera teka malas pa ba yun?

Earnings: Product of  your Sikap at diskarte

Maniniwala ka ba na may mga magtataho, tindero ng banana cue  at iba pang street vendors na mas mataas pa ang kita sa mga nag-oopisina? Mababa lang ang tingin sa kanila pero kung aanalishahin  natin ay malaki ang kanilang sahod na nauuwi sa kanilang pamilya. Kaya  para sa akin hindi kataka-taka na may napagtatapos  silang anak sa pag-aaral sa pag-iikot nila sa kalye maghapon. Sa totoo hangang-hanga ako sa mga lalaking ganun, sa mga tatay na ganun.

Pagkumparahin natin… ito ay para ma-point ko na hindi basta-basta  sina  Manong at Manang na naglalako.

Tipid Mode  Calculation My Ortigas days *from commonwealth My Makati days*from commonwealth Street vendors
Gastos:Fare: 8+31+31 = 70 (+12 pag tinamad/maulan) 8+46+46 =100 wala (depende sa’n puwesto)
Gastos: Food Lunch P70 100 100? Buong pamilya na
Oras: Transpo time 2 hours 2.5 – 4 hours Wala
Oras:  para kumita 8 hours (chaka  may traffic pa)  8 hours (chaka  may traffic pa) 8-16 hours?
Oras: magpahinga Break time o pag-uwi Break time o pag-uwi Pagtapos ng lako eddie uwi o kung tinamad eddie uwi
Income Kung ano sweldo + overtime Kung ano sweldo + overtime Kung ano ang kita at iba  pang sideline

Banana Q at Turon

Nakita mo ang differences? Siguro hindi ganun ka-accurate, pero hindi rin naman ganun kalayo.  Hindi ko pa isinasama d’yan yung iba pang  ikinakaltas sa kita ng mga empleyado  gaya  ‘pag late, leave, at tax.  Isa pa’y mas lapitin sa gastusin ang mga nag-o-opisina dahil sa aya ng barkada at  malalapit na establishments . Kung madiskarte si Manong at Manang  kaya nilang i-push sa Php1500 to Php2000 ang maiuuwi nila araw-araw  at may time sila sa kanilang pamilya.

Siempre yakang-yaka rin ng mga empleyado  na magkaroon pa ng  extra income depende sa diskarte nila at sa pagkakataon na mayroon sila. Hindi mo naman  mapipilit na mag-sideline lalo na yung mga  nasa medical at food industry dahil  “toxic”  ang kanilang work sched, gayon  din naman ang mga nasa marketing, advertising and media industry dahil  “ngaragan” at “erratic” ang work time. So ang isa rin magandang tingnan dito ay paano mo ini-spend ang precious time na mayroon ka sa bawat araw.  At the end of the day, it’s about your will and capacity.

Being Smart is uplifting, but being Street-smart is also life-changing

Definitely, hindi ko tinitira ang mga matatalino (para sa akin mas ma-appeal sila kaysa mapopogi),  but I am against to those who belittling others because they think they’re supreme (lucky me lang ang peg?) .  In relation to argument that wealth is not really about being smart, educated, and rich – I find ‘How Rich People Think” author Steve Siebold’s perspective so relevant.

Patalastas

“The biggest thing about [Donald] Trump is that he’s a very driven guy. His ability to sustain focus on a business project has nothing to do with taking tests. I’ve interviewed eighth grade dropouts that are multi, multi-millionaires. What about college professors at Duke or Yale or Harvard — why aren’t most of those people rich?”  Tsika ni Siebold tungkol relasyon ng IQ sa pagnenegosyo na inilathala ng MarketWatch.com.

In terms of what separates the wealthy from the average person, it starts with their beliefs about money. Guys like Trump and other rich people tend to have positive beliefs about money. The average person tends to believe that rich people are narcissists. America wouldn’t exist without rich people,”  dagdag pa ng manunulat at wealth coach na ayon sa Marketwatch ay  nag-i-interview ng mga milyonaryong tao mula ng siya’y nasa kolehiyo pa lamang.

Sa ganang akin, hindi ako mayaman at hindi rin ako wealth coach (kahit pa  tumbang preso coach) pero masasabi ko na malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng awareness at right mindset para maging maayos ang iyong kabuhayan.  Hindi iyan dahil sa nag-o-oopisina ka o nagtataho ka lang at honor student ka o average person kalang.

Katunayan  may mga nabasa ako na sa halip na makatulong, ay makapigil pa sa pagiging mahusay na negosyante ng isang tao ang kanyang pagiging matalino.  Ilan sa sinasabing problema sa mga matatalino according sa librong “Why Smart People Make Big Money Mistakes and How to Correct them” nina Gary Belsky and Thomas Gilovich ay:

Loss aversion – o pagbabase ng desisyon sa mawawalang kita, kaysa dun sa  posibleng kitain. Example  investing in stock market

Decision Paralysis – kakakaisip ng  kung ano maganda, wala ng  ginawa at nagawa.

Anchoring–  yung tipo bang paniniwalan mo yung  mga news at information na  tutumpak sa  hinala mo.  Eh kaso may  tinatawad din na case to case basis.

Over confidence– ‘lam na

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

One thought on “Personal Finance 101: Mayayaman, Matatalino lang ang yumayaman?