Essay: Why Philippine History is Important in Modern Times?


Ang Philippine History o Kasaysayan ng Pilipinas ay isa sa nakakabagot na asignatura sa eskwelahan, bagaman madali. Aminado ako na isa rin ako sa minsang napapikit sa klase habang si teacher ay nagmumuwestra tungkol kina Gabriela SilangGen. Antonio Luna, Gen. Gregorio Del Pilar, Apolinario Mabini, o dami e. Pero teka-teka bakit nga ba kailangan pang pag-aralan ito? Why Philippine History Matters in Modern Times?

Sa aking teorya kaya nakakabagot ang Araling Panlipunan gaya ng Kasaysayan ay dahil:

  • It is so easy to understand. Parang walang challenge ‘di gaya ng Math dahil para ka lang
    kinuwentuhan ng mga istorya na taong namuhay sa nakalipas.
  • You have to memorize. Maliban sa ka-birthday mo si Rizal o ma-declare na national holiday ang isang date, parang doon lang ito may importansya.
  • The Past is in the Past. Sa modern living ngayon, na kung saan advance na ang technology, medicine, architecture, communication at iba pa ay napakaraming dapat aralin at intindihin para balikan pa ang mga tapos na.

Siguro may iba pang rason kaya nakakabato ang pakikinig at pagbabasa ng Kasaysayan pero let me give you…


5 Reasons Why Philippine History Still Matters Today

  • To become globally competitive – Kapag nakakausap ka ng foreigner, puwedeng ma-conscious ka o maiparamdam sa iyo na there’s something about you’re being Filipino. Papasok ngayon sa edge at disadvantage mo kung gaano mo kaalam ang iyong pinagmulan, pagkakakilanlan, yaman na mayroon ka at saan ka tutungo bilang Pilipino. Why are you conservative? Bakit ang mga kable sa ‘Pinas ay nasa taas ng poste, hindi gaya sa Japan na nasa ilalim ng lupa?  Kung may kanya-kanya mentality ang mga Pinoy, paano naisulong ang first non-violent revolution sa buong Mundo o People Power Revolution (EDSA Revolution)?  To cut it short, knowing your origin is great. By the way, advantage din ng mga Pilipino ang pagkakaroon natin ng pamilyaridad sa wikang Espanyol, Nihongo at Ingles.

Ninoy Aquino Monument
Ninoy Aquino Monument
  • To  make smart choices – Kung ano ang nangyayari ngayon ay puwedeng resulta ng nakalipas. May ilang dapat baguhin at gayon din naman ay dapat panatilihin. Kung baga, magandang may basehan at pag-aaralan para sa progreso ng ‘Pinas.

Kamakailan nga ay nag-research ako tungkol sa investing in real estate (pang-hinaharap). Nabasa ko ang trend gaya kung saan magandang manirahan na hindi binabaha at hindi gaanong maaapektuhan sakaling lumindol (pangkasalukuyan).  Dito naman pumapasok ang malaking aral na idinulot ng Bagyong Ondoy (history) na kung saan hindi naligtas sa flash-flood ang prominenteng villages sa Metro Manila. Partida high end na yun ha?

Ayon pa sa ilang nabasa ko ay kaya proglematic ang mga daan at kalsada sa Pinasy ay dahil sa obsolete urban planning. Nakamodelo pa sa mga imprastraktura noon panahon pa ng Espanyol (history) ang mga daan. Hindi akma ito sa lahat ng pagkakataon, lalo’t iba ang intenstyon. Isang halimbawa na nito ay walled city o Intramuros na kung saan itsa-puwera ang mga Sangley at Indio.

To boost our know-how in current affairs – Sa pulitika, problemado tayo sa ilang politiko dahil marami kasi sa atin ang hindi natututo sa mga nagdaang eleksyon. Hindi natin kino-consider na masyado ang background at credential ng isang kandidato. I would agree sa isang meme sa Facebook na some people defend don’t defend what is right, but what and who they like. Sa modus operandi ng mga scammers, may naloko na before sa pyramiding pero may napapaniwala pa rin sa mali at quick money schemes. Tandaan hindi ka maloloko nang mga manloloko kung hindi ka magpapaloko kasi may alam ka at critical thinking.

Rizal Park
To strengthen our tourism. Kapag tinatanong ka kung ano ang magandang puntahan sa Pilipinas, ano ang isasagot mo at bakit?  Pagkatapos ng beaches ano pa?  Lumang simbahan? Museum?  Kweba? Bundok? Park?

Patalastas

Ang  isang lugar o bagay ay nagkakaroon ng priceless value dahil sa kasaysayan nito.  Halimbawa ay Rizal monument sa Luneta. Kung hindi nilibing dun si Rizal ay magiging tourist attraction ba iyon?

  • To know yourself (strength and weakness) – Ito simple pero malalim… hindi ka lang anak nina Mr and Mrs,  nag-aral sa mababang paaralan at nagtapos sa pamantasan ng… Isa kang Pinoy sa dugo’t laman pero puwedeng hindi sa puso’t diwa.  Hindi mo kakayaning mahalin ang Pinas, kung hindi mo kikilalanin ang background nito. Kung hindi mo kikilalanin ang background nito,  hindi mo makilala ang pinagmulan ng lipi ng mga magulang at kapit-bahay mo. Kung hindi mo kikilalanin ang lipi ng magulang at kapit-bahay mo, hindi mo nasasalamin ang kabuuan ng pagkatao mo.

Hindi kasi puwedeng individual ka lang, you are part of a group or community. Ano nga ba ang misyon mo sa buhay? Para saan ka bumabangon sa umaga?  Kung hindi mo naiintindihan ang diwa ng pagkatao mo? ‘Yan ang isang malaking problema mo para sa pag-unlad ng iyong  buhay  at ng personality development mo.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 21 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Babe, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.