Cool Travel: Cold Spring in Laguna


The Tag-Araw feel ay cool sana kung ‘di naman OA ang init.  Minsan kahit tapat, tutok, todo na ang electric fan sa face mo ay waley- tagaktak pa rin ang sweat mo all over.  Maliban sa na-experience kong tubig sa Mother Falls or Ditumabo Falls (Baler, Aurora)  ay hindi ako aware na may cold spring pala talaga. Kaya tara,  let’s discover the Cold Spring treat sa Laguna.

Bago ang election, bumyahe kami ni ex-classmate Valedictorian at former teacher Victorian sa San Pablo, Laguna. Ang main aim ay mag-overnight  at magtampisaw sa Bato Springs Resort. May sinundan din kaming  tsika sa blog, so ganito:

  • Sakay kami sa Jac Liner ( Halos tabi Victory Liner at tapat ng Jam Liner) sa Kamuning (Quezon City) nasa Php 140 ata ang pamasahe
  • Baba kami sa planta ng Meralco sa may San Pablo at saka kami  nag-hire ng tricycle, Php 50 per person, ang papuntang Bato-Bato Resort sa Brgy. San Cristobal
  • Ang entrance sa day ay Php 80 at Php 120 para sa overnight – ang Overnight ay magsisimula ng 6pm hanggang 4pm kinabukasan.
  • Pagkatapos namin sa Resort ..sakay kami ng trike pa-highway Php 150
  • Then sakay kami ng jeep (Php 40) papuntang Liliw ( yun ang next trip namin)

Bato Springs Resort: The Inconvenience

Kung aasa ka sa online reservation or via phone call, ‘wag. Maiging pumunta ka na lang nang maaga para makapag-reserve. Nakakaba rin na wala kang makuha lalo na at maraming tao pero marami rin naman ang kuwarto nila. Ang next mo na lang problema ay kung maselan ka sa kuwarto lalo na kung ang trip mo ay overnight. Hindi lahat ay may personal na CR kahit pa maganda na yung kuwarto at medyo mahal na ang presyo. Kaya kung pipili ka ng kwarto siguraduhin mo muna na may CR ( kung handa ka magbayad ng mahal)

Cold Spring Resort: The Relaxing part

Pero kung day or night swimming lang naman at cowboy kayo, wala  naman sigurong magiging problema. Sapat ng dahilan ang kanilang pool na may natural at napakalamig na tubig na direktang nagmumula sa Mt. Banahaw.  Kayang burahin noon sa  diwa mo na mainit sa ‘Pinas at saka gusto ko yung tamang lilim sa mga ito. Hindi na masakit sa balat dahil sa chlorine at sikat ng araw. Oh sadyang gusto lang ng mata ko ang hindi nakakasilaw na paligid, mapuno at matubig.

Para sa adik sa pictures, may ilang spots din naman masarap magpakuha partikular na roon sa dikit sa  mga pader na mababato. Parang nasa paanan ka lang ng Mt. Banahaw at rumaragasa ang tubig.  Sumubok kami sa gabi mag-swimming, kami rin ang sumuko sa lamig.

Bawal sa Bato

Hindi maselan sa  pananamit kapag nagtampisaw ka na sa pool, ang bawal ay mag-dive  dahil mabato nga at ang babaw lamang  ng mga pool. Ang pinakamataas na siguro ay 5 feet. So ang feel ay tamang babad ka sa  napakalaking bathtub na mabato at napakalamig na tubig.

Sa ibang banda, may nakausap kaming tricycle driver na nagsasabi na mas malamig sa Taytay  o Imelda Falls sa Majayjay ( mas marami roon). Pero hindi na naming kinakaya sa San Pablo, kumusta naman kung doon pa.  Baka hindi na kami kusang aangat dun, iaangat na kami ng ibang tao :p

Patalastas

Mainam din naman magpunta sa bahaging ito ng Laguna dahil maraming puwedeng puntahan gaya ng mga ilog at lumang simbahan sa Nagcarlan, Liliw, at Majayjay.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.