5 Moneymaking Ventures, Businesses to start for 5000 pesos


I believe the true value of 50, 500 or 5000 pesos depends on personal factors, and not only because of inflation.  Puwedeng 500 ay mukhang 50 pesos lang sa iba, habang 500 ay parang mala-Php 5000 naman sa iba pa.  Dito papasok ang lifestyle, financial knowhow or mindset ng isang tao.  So what if you have 5000 pesos to use for something. Where are you going to spend it? Here are my moneymaking ventures or business suggestions based on what I learned from other people and my own experiences:

(Invitation! SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel now for more money management tips and stories.  Salamat and Mabuhay  🙂

Mag-invest sa mutual fund or stock market. Lalo na kung busy ka sa work, ito ang magandang paglagakan ng iyong Php 5000. Bakit?  Kapag nagtatrabaho ka at need mo talagang kumita, whether you like or not ay ang oras, isipan, at enerhiya mo ay dapat nasa trabaho mo. Active income e! Kung ibubuhos mo iyong pera  sa isang negosyo, kahit worth Php 2500 lamang,

  • kung ‘di mo talaga trip mag-business,
  • wala kang oras,
  • at lalong-lalo wala kang tiyaga

ay yun na yon, mahihirapan lang palaguin at worst ay i-survive. Remember din na hindi lahat ay first love ang business. So why not, put your 5000 pesos sa investment na kahit iwan mo muna ay kikita kahit papaano gaya sa mutual fund or stock market. Masarap naman sigurong isipin din na “oy may share ka sa SM or Jollibee kahit worth Php 5000 only. 

Dealership. May nag-o-offer ba ng franchising biz ng halagang ng Php 5000? Kung mayroon man, pag-iisipan ko pa rin siguro. Bakit? May commitment issue kasi ako, charrot! Karamihan kasi ng franchising business ay may madugong contracts at nagse-set ng boundaries. Naiintindihan ko naman na kailangan ganun para na rin sa  kapakanan ng franchisor, franchisee, at sa franchise business in general. Pero hindi pa ba sapat na limitasyon ang Php 5000 para magpa-limit pa sa isang klase ng produkto na hindi ka pa sure kung may return of investment o ROI.

Kung ‘di ka aware ay may mga popular and reputable company na pumapayag sa dealership ang kanilang produkto. Ang usapan doon ay pagbili ng certain amount para makuha mo sa mas mababang presyo. Kung gusto mo ng tarp o ibang paraphernalia, eddie mag-add ka ng fee.  Bahala ka na sa diskarte mo kung paano ibebenta basta walang “royalty” at clause na ito lang ang puwede mong ibenta. Gusto mo ng sample? Visit Hoshi’s Market page 😉

Blogging/ Vlogging.  Kung may talent ka sa pagsulat, photography, at videography ay bakit hindi ka mag-blog, podcast, o vlog.  Kung yung iba nga walang talent (noong una) ay kumikita na rito, bakit ikaw hindi?   Isipin mo na ang alin man sa mga ito ay ang outlet mo to share kung anong mayroon ka at paraan mo na rin para ma-explore ang buhay. Ganun ko rin kasi ito tingnan J

Patalastas

May nagtanong sa akin kailan lang  kung anong partikular na post o article ko na nagpabago ng buhay ko. Nagka-dandruff ako sa pangangati ng ulo ko, wala akong makuhang sagot sa anit ko.  Pero I am sure na mas tumatagal ako sa pagba-blog ay marami ako natutuhan at na-e-explore ganoon lang. Kung hindi mo susubukan, hindi mo malalaman. Kung hindi mo pag-aaralan, hindi mo matutuhan. Kung hindi mo i-experience, eddie hindi mo mare-realize kung ito ay para sa iyo at ang iba pang magagawa sa iyo ng blogging, vlogging, o podcasting.

Bakit naman dito ilalagay ang Php 5000 mo?

Totoo na may free version naman, pero do you know, na hindi ka makakapaglagay ng ad sa ganoon? At mag-i-start ka sa scratch ulit ‘pag nag-dotcom ka na?  So why not don ka na mag-start kung decided ka na?  Isa pa’y ‘di ba masaya na habang nagba-blog ka ng gusto mong topic, kumikita ka na rin? Pagkasyahin mo sa Php 5000 ang pagbili ng domain (na puwedeng nakapangalan sa iyo) at pagkuha ng webhost service? If masuwerte na may nanlibre sa iyo ng domain at webhost, I suggest use your Php 5000 to buy gadget you need or attend a seminar para matutuhan mo i-monetize? By the way, ang site mo ay puwede mo ring maging digital portfolio for your career or other business.      

Buy and sell. Whether you do it online or offline, buy and sell for me is one the cheapest and easiest to do, but lucrative type of business.  Bumili ka ng tingin mo ay magandang produkto sa mababang halaga saka mo patungan nang sapat para maibenta online or offline.  Ito ang bumago ng pagtingin ko sa social media actually. Besides for blogging, and messaging purposes- ginagamit ko na ang social media for business-related transactions. Paano naman yung offline at marami ng online sellers?  Alam mo ba ang ibig sabihin ng O2O o Online to Offline business model? Ibig sabihin lang n’yan ay magtatawag ka lang ng customers online para puntahan ang puwesto mo o magkita kayo offline. Ganern!

Ayon sa napuntahan kong seminar na ang speakers ay  foreigners even sa South Korea at US ay ito pa rin ang effective na business model at branding sa ibang bansa. Sa mga Pilipino, I think ganito rin tayo. We search online pero feeling natin na mas legit  ang ka-transaksyon natin kapag  face-to-face at nakikita natin ang physical store. Ako rin bilang customers, pinupuntahan ko muna lugar (ala stalker) bago ako makipag-transact nang malakihan or online.

Avail ad slots sa google, facebook or OLX. Like sa blogging, may options naman na makapag-advertise ka for free. Pero iba rin kasi ang boost kapag nag-avail ka ng ad slots sa Google Adwords, Facebook Business at OLX.  Kailan mo kailangan ng service ng mga ito at bakit?

Kung babalikan ko ang item no 1. puwedeng may produkto ka na pambenta pero kulang ang oras mo to find customers or market your products. Busy ka sa work e.  So why not, gamitin mo ang mga ito na kanang kamay mo para makahanap ka ng customers at maka-transact sila online. Katunayan, mabibigyan ka ng detailed idea ng analytics ng Google at Facebook na magagamit mo sa pagbi- business.  All these for less than Php 5000.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.