I believe the true value of 50, 500, or 5,000 pesos depends on personal factors, not just inflation. Puwedeng 500 ay mukhang 50 pesos lang sa iba, habang 500 ay parang mala-Php 5000 naman sa iba pa. Dito papasok ang lifestyle, financial know-how or mindset ng isang tao. So what if you had 5,000 pesos to spend on something? Where would you use it? Here are my money-making ventures or business suggestions based on what I have learned from other people and from my own experiences:
(Invitation! SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel now for more money management tips and stories. Salamat and Mabuhay 🙂

1. Mag-invest sa mutual fund or stock market. Lalo na kung busy ka sa work, ito ang magandang paglagakan ng iyong Php 5000. Bakit? Kapag nagtatrabaho ka at need mo talagang kumita, whether you like or not ay ang oras, isipan, at enerhiya mo ay dapat nasa trabaho mo. Active income e! Kung ibubuhos mo iyong pera sa isang negosyo, kahit worth Php 2500 lamang…
- kung ‘di mo talaga trip mag-business,
- wala kang oras,
- at lalong-lalo wala kang tiyaga
ay yun na yon! Mahihirapan kang palaguin at worst ay i-survive. Remember din na hindi lahat ay first love ang business. So why not, put your 5000 pesos sa investment na kahit iwan mo muna ay kikita kahit papaano gaya sa mutual fund or stock market. Masarap naman sigurong isipin din na “oy, may share ka sa SM or Jollibee kahit worth Php 5,000 only.

2. Dealership. May nag-o-offer ba ng franchising biz ng halagang ng Php 5000? Kung mayroon man, pag-iisipan ko pa rin siguro. Bakit? May commitment issue kasi ako, charrot! Karamihan kasi ng franchising business ay may madugong contracts at nagse-set ng boundaries.
Naiintindihan ko naman na kailangan ganun para na rin sa kapakanan ng franchisor, franchisee, at sa franchise business in general. Pero hindi pa ba sapat na limitasyon ang Php 5000 para magpa-limit pa sa isang klase ng produkto na hindi ka pa sure kung may return of investment o ROI.

Kung ‘di ka aware ay may mga popular and reputable company na pumapayag sa dealership ang kanilang produkto. Ang usapan doon ay pagbili ng certain quantity o amount para makuha mo sa mas mababang presyo. Kung gusto mo ng tarp o ibang paraphernalia, eddie mag-add ka ng fee. Bahala ka na sa diskarte mo kung paano ibebenta basta walang “royalty” at clause na ito lang ang puwede mong ibenta.
3. Blogging, Vlogging o Content Creation. Kumpara dati ay napakadali na ngayon maging content creator. Mas marami ang platform at mas mababa ang puhunan. Kahit nga talent lang sa pagsulat, photography, videography, pagkanta, pagsayaw o pag-arte ang kailangan. Kung yung iba nga na walang talent (noong una) ay kumikita na rito, bakit ikaw hindi?
Isipin mo na ang alinman ang talent mo sa content creation ay ang outlet mo to share kung ano ang mayroon ka. Paraan din ito para ma-explore ang buhay, kasama na kung paano ka kikita.
Kung hindi mo susubukan, hindi mo malalaman. Kung hindi mo pag-aaralan, hindi mo matutuhan. Kung hindi mo i-experience, hindi mo mare-realize kung ito ay para sa iyo. Who knows talaga kung ang magagawa ng blogging, vlogging, podcasting o content creation sa buhay mo.
Bakit naman dito ilalagay ang Php 5000 mo?

Totoo na may free version naman sa socmed at platforms. Pero may ROI din kung mag-i-invest ka sa paid versions. Halimbawa sa WordPress ay may free at paid version. Noong nag-transition ako sa paid or dotcom ay nag-start ulit ako sa scratch. Kailangan ko ulit magpakilala at i-campaign ang aking mga content. So why not mag-invest ka ng konti sa web tools. Iyan ay lalo na kung decided ka ng maging content creator or influencer?
Pagkasyahin mo sa Php 5000 ang pagbili ng domain (na puwedeng nakapangalan sa iyo) at pagkuha ng web host service? If masuwerte na may nanlibre sa iyo ng domain at web host, I suggest using your Php 5K to buy the gadget you need. Puwede rin na mag-attend ka ng seminar para matutuhan mong mag-monetize ng content nang effective at sustainable? By the way, ang site mo ay puwede mo ring maging digital portfolio for your career or other businesses.

4. Buy and sell. Online or offline, buy and sell is, for me, one of the most affordable and easiest yet highly lucrative business ideas. Bumili ka ng tingin mo ay magandang produkto sa mababang halaga saka mo patungan nang sapat para maibenta online or offline. Ito ang bumago ng pagtingin ko sa social media actually. Besides blogging, and messaging purposes- ginagamit ko na ang social media for business-related transactions.
Paano naman yung offline at marami ng online sellers? Alam mo ba ang ibig sabihin ng O2O o online-to-offline business model? Ibig sabihin lang n’yan ay magtatawag ka lang ng customers online para puntahan ang puwesto mo o magkita kayo offline. Ganern!
Ayon sa napuntahan kong seminar na ang mga speaker ay foreigners, even sa South Korea at US, ay ito pa rin ang effective na business model at branding. Sa mga Pilipino, I think ganito rin tayo. We search online, pero feeling natin na mas legit ang transaksyon natin kapag face-to-face at nakikita natin ang physical store. Ako rin, bilang customer, lalo na kung damit o gadget ay pinupuntahan ko muna ang lugar bago ako makipag-transact nang malaki o online.
5. Maging online seller. Like sa blogging, may options naman na makapag-advertise ka for free. Pero iba rin kasi ang boost kapag nag-avail ka ng ad slots sa Google Adwords, Facebook Business at OLX. Kailan mo kailangan ng service ng mga ito at bakit?
Kung babalikan ko ang item no 1. puwedeng may produkto ka na pambenta pero kulang ang oras mo to find customers or market your products. Busy ka sa work e. So why not, gamitin mo ang mga ito na kanang kamay mo para makahanap ka ng customers at maka-transact sila online. Katunayan, mabibigyan ka ng detailed idea ng analytics ng Google at Facebook na magagamit mo sa pagbi- business. All these for less than Php 5000.