Ang mga libangan o hobbies ay swak na pang-relaxation o stress-reliever. Kung baga sa desert (of work/ business stress) ay ito ang oasis. Subalit, minsan nakakatanggap din tayo ng comment against sa ating kinahihiligan. Puwedeng may point, lalo na kung sa halip na stress-reliever ay pinagmumulan na ng problema. But what if bukod sa leisure ay pwedeng source of income na rin ang ating hobbies?
So ito na nga ang Part 2 ng Part 1: 7 Stress-Reliever, Money-Maker Hobbies
Shopping – Kung ako ang tatanungin ay ‘di ko hobby ang mag-shopping. Pero isa ako sa matiyagang maghanap ng sulit na items lalo na kapag kailangan ko ang mga ‘iyon at kapag nandoon na ako sa isang shopping area gaya ng Divisoria, Raon, at Quiapo. Paano ka naman kikita sa magastos na hobby na ito?
- Be a Personal Shopper – Indirectly ay nasusubukan ko na rin halos ang maging personal shopper (kapamilya ko). Bibigyan ako ng list of items na bibilhin, tapos siyempre bibigyan ako ng pang-transpo at pagkain ( tipong worth ng isang value meal). Pero hindi man damit o grocery items, ay puwede kang mag-act sa personal shopper ng iba lalo na iyong wala talagang time na mamimili.
- Online selling – Maraming online sellers na puwedeng nag-start na shopaholic. Mahilig sila bumili ng kung anu-ano, tapos ibebenta kapag need nan magtipid, sobra ang nabili, at nagsawa na (usually gadgets). Hello kaya nga ‘di ba nauso ang Sulit (OLX) at AyosDito.com 😛
Reading – Naniniwala ako sa mahahalagang dulot ng pagbabasa, kahit ano pa ang binabasa mo. May ilan na rin akong nakilala na bagaman hindi tapos sa pag-aaral, pero dahil wild reader at bookish, ay malayo ang narating. Minsan mas sensible at masarap silang kausap. May mga kakilala rin ako na naging writer at editor dahil sa kanilang pagiging bookish kahit malayo ang course/ field nila sa pagsusulat.
- Be a book reviewer/ summarizer– Puwedeng iparaan mo sa pagba-blog or youtube para may pa-ads ka sa mga nabasa mo. Pero puwede rin na tumanggap ka ng ipapabasa sa iyo tas ire-review mo. Or mas madali kang makakatulong sa mga estudyante na gumagawa book review. By the way, may mga sites/ companies na rin na nagbabayad sa pagbo-book review bukod sa libreng kopya na matatanggap mo.
- Selling old books – Na-try ko na magbenta sa mga personal kong kakilala at sa Recto Avenue (bumili rin actually) ng mga lumang libro. Pero bukod sa lugar na iyon ay marami pang mapagbebentahan mga book stores at novelty stores.
Tips: Mas madali mabenta ang books/magazines kung walang sulat, punit, at plastic cover ( oo ayaw nila kahit maganda pa pagkakabalot mo Bes). Siyempre importante rin kung ano bang klaseng babasahin ang ibinebenta mo. Maganda pa rin yung hinahanap ng mga estudyante at classic.
Travelling – Kung mayroon man akong magastos na hobby, bukod sa panonood ng pelikula sa sinehan at pagkolekta ng original vcds/dvds), pagta-travel na iyon. Feeling ko mas lumalalim ang pagkatao ko at mas nagiging grateful ako sa blessings ng buhay kapag nakakarating ako sa iba’t ibang lugar. I think ganito rin naman ang iba pang travelers, bakasyonista, ekskarsyonista, at gala 😛
- Mag- Buy and Sell – May mga items na nabibili lamang sa isang lugar o kaya doon lang may best quality. Halimbawa, ang facial masks/ BB Cream ng South Korea, Suha ng Davao, Bagoong Balayan/ Kapeng Barako ng Batangas, bangus ng dagupan. at iba pa. So kung may extra money ka bili na at ibenta di ba. Puwede rin na mag-ala personal shopper ka.
- Maging Travel Agent- Mahirap gumawa ng itinerary, mag-book ng flight, at hotel acommodation kung di ka traveler. Pero kung ikaw ay traveler, gamay mo na ang lugar at may koneksyon ka pa sa mga lugar ay puwede ka na mag-ala travel agent. May 2 akong friend na napakagaling sa ganitong bagay at nagagawa nila na makapag-ayos ng travel out of town dahil lang sa kanilang researching at computing skills. Before ay may nag-inquire din sa akin kung kaya ko na mag-arrange ng travel sa Rizal Province especially sa mga simbahan at iba pang tourist spots doon. Kung may sasakyan lang ako papatulan ko e, pero i think ang kakayanin ko ay…
- Maging Travel guide- If you like me to guide you for a day tour around Manila City, Rizal Province (especially Angono), Laguna (Liliw/Majayjay/Nagcarlan/San Pablo), and Quezon City. Puwede kita i-Visita Iglesia, ipalengke tour, zoo/museum visits, o i-Photowalk! Just message me lang Bes, charrot!
Pero seriously, kung maalam ka sa isang lugar (kasama na ang history/ culture) at pasado na ang communication skills mo ay puwede na. Sa Palawan at Boracay, mga bangkero talaga ang masasabi kong travel guide namin. Sa Hong Kong, ang travel guide ay kung mabilis lang magsalita ay hindi ko maiintindihan. Pero okay naman sila. Ang importante din ay mapagkakatiwalaan ka, marunong ka magbalik ng tiwala, at alam mong makisama.
- Maging travel blogger/vlogger
Ang nabanggit ko ay ilan lamang sa mga hobbies na akala natin ay wala, pero meron-meron pa lang mai-offer sa atin na iba pa. May alam ka pa ba na maipagmamalaki na kapaki-pakinabang at masayang libangan? Interesante sa akin ang fishing, trekking, at archery e. Please comment below⇓