Mabuhay to you if you have clear business idea at gusto mo itong i-purse. Pero kung ang pumipigil sa iyo ay pera parang pang capital ay heto ang aking tips kung paano ka magkaroon ng pera o kapital pangnegosyo? Ang mga tips at tricks ko ay base sa aking sariling opinyon, karanasan, at nabasa. Mas bagay mga ito nagbabalak pa lang at sa small time businesses.
Pangunahing hakbang nang may pangnegosyo?
- Identify your dream business at pag-aralan ito
Mahalaga na malaman mo kung anong trip o lucrative business for you. Tapos, magkaroon ka ng clear estimate kung magkano kailangan mong puhunan para rito. May advantage ang may solid idea dahil sa flexibility at adaptability sa gastos. Pero hindi ibig sabihin nito ay sky’s the limit and random na lang ang pagpili ng negosyo. Kasi kahit anong mura ng puhunan kung hindi naman pakikinabangan ang negosyo, eddie waley.
Mainam din na roon ka sa medyo mahal na business pero gusto mo na kahit anong mangyari. Gagawa ka ng paraan para pagkakitaan at palaguin ito. Tandaan na ang pagbi-business ay hindi lang about pera, ito rin ay mind-setting at lifestyle.
Isa pa sa advantage kung alam mo na ang iyong gustong negosyo ay mas may focus at mapag-aaralan ito ng mabuti. Halimbawa ay gusto mong mag-franchise business ng beauty salon. Eddie trim down na ang pag-iisip kung kaninong individual o financial company ka lalapit base sa kanilang sistema, reputasyon, at investment fee.
- Magkaroon ng personal savings at pataasin ang iyong creditworthiness
Siempre ang unang puwedeng pang-finance ng business ay personal savings. Kung gusto mong makaipon ay I recommend yung 30-70 rule in saving. Mayroon din akong (weird) money saving tricks at mayroon din yung ultimate tipid mode. Ang ultimate tipid mode scheme ko bilang empleyado ay ganito — kung 2 beses akong sumasahod sa isang buwan, ang unang beses ay ang pinaka-budget ko na sa aking expenses at yung pangalawa ay ilalaan ko na para ipunin. Dahil dito sa scheme na ito nakilala ang lahat ng street food, jolly jeep, at walkathon kada akense:P
At gaya ng karamihan ay nagsimula akong mag-ipon sa alkansya at garapon. Pero may advantage kung ang itinatabi mong pera ay idedeposito mo sa bangko. Oo, nakaka-imbierna ang magpunta sa bangko at mag- maintain ng balance (pero may type ng savings account na wala). Pero matuturuan ka nito sa displina, pagpapalawak ng iyong kaalaman sa pera (financial literacy), at creditworthiness. Ano ang creditworthiness at bakit need mo ito? I will tell sa item no. 5.
Tips para makaipon na pang-business
- Time is gold, take part time jobs
Kung nakilala mo ako noong mga panahong fresh grad pa ako, masasabi mo na itong taong ito ay hindi magbi-business (‘yong seryoso). Ang focus ko ( gaya ng karamihan ng Pinoy) ay magkaroon ng magandang trabaho sa sikat na kompanya na mataaas din ang pasahod. Sinuwerte ako makapagtrabaho sa ilang prestihoyoso kompanya at gustong-gusto ko naman ang ginagawa ko. Kaya alangan akong iwan, pero I don’t think (kahit ngayon ko pa isipin) wala akong maiipon na ekstra kung ang focus ko lang ay magkaroon ng iisang source of income.
Then, one time I realize na bakit hindi ako mag-freelance o mag-part time work? Kung ang pasok ko ay Monday to Friday from 9-6 pm ay marami pa akong oras kaysa manood lang ng TV series. So dito pa lang ay mapapatunayan natin na mahalaga ang pagamit ng oras . Puwede itong masulit para kumita, matututo ng kasanayan o ma-develop pa ang iyong pagkatao. Bale, halos ever since natutuhan ko ang rumaket, doon na rin ako nag-start hindi na manood ng TV.
Sabihin na natin na Php 1500 to Php 3000 lang iyong kikitain sa iyong part time job. Maliit? Eh kung ‘yon buong halagang na iyon ay maitatabi mo at hindi mo magagalaw. Isipin mo kung naka- anim na buwan, isang taon o limang taon mong naitatabi ‘yon? Maliit pa rin? Posible iyon lalo na kung mayroon kang day job o regular job na pantustos sa iyong monthly expenses.
Php 1500 x 6 months = Php 9000 (puwede ng pang-online selling or buy and sell)
Php 1500 x 12 months = Php 18,000 (puwede na T-shirt printing/ maliit na sari-sari store)
Php 1500 x 60 months (5 years) = Php 90,000 (mini grocery store na ito)
- Mag-sideline business o magkaroon ng investment portfolio
May pagkakataon na may pera ka pero maliit pa lang. Puwede mo rin itong palakihin gamit ang ibang mas madali at maliit na business. Magagawa mo ito basta gamitan mo ng compounding method.
Sa investing ang “compounding” ay kita sa kita. Halimbawa, kumikita ka sa prepaid loading. Kung susumahin ang liit-liit ng kita rito, pero subukan mong hindi galawin ‘yung kita. Tapos ‘yong capital at yung profit, pagsamahin mo para ipang-load wallet mo. Baka from Php 1000 initial loadwallet ay umabot ka ng Php10,000 dahil sa compounding method mo. Kung ang pinakabalak mong business ay nasa Php10,000 ang capital, eddie achieved na!
Ang isa pang magandang subukan ay investment portfolio. Ito ay ‘yong mutual fund, forex, T bond, stock market, at iba pa. Sa aking opinyon ay mas maganda ng ilang times ang mga ito kaysa ordinary time deposit. Pero kailangan mag-invest ka sa mapagkakatiwalan at ideally ay 5 years mong ilalagak ang in-invest mong pera.
Tricks para may ipang-business kung walang pera
- Use your credit card as your initial capital
May kumukuha ng business loan, cooperative at iba pa. Okay ang mga iyon lalo na sa mga long term at malakihan na type of business. Pero let’s say short term, maliit lang naman ang iyong kailangan, at sure ka na buwanan ay mababayaran mo ang iyong utang- why not use a credit card?
Sa store ko ay ginagamitan ko ng dedicated credit card ang ilang pinamimili ko rito (yung iba kasi cash only) o ibang transaksyon ko para rito.
Kung babalikan ko ang item no. 2, nakuha ko ang credit card ko ng walang ibinibigay na requirements. Iyan ay dahil sa aking creditworthiness. Wala akong ibang maisip na dahilan pa kasi mababa lang ang savings account ko (wala pang Php 10,000,) pero wala akong credit card debt, at ang bank account ko ay lagpas 5 years na.
Actually bago noon ay naglalaro na sa isipan ko mag-credit card ulit for business purchases. Pero nagdalawang-isip ako kasi noong nag-ask ako sa isang financial institution ay hindi ko ma-meet ang ilang requirements nila especially yung monthly income. Then, isang araw ay sumadya ako sa bangko ko para sa ibang transaction. Voila, may new ATM card at inalok ako ng credit card ng walang kahirap-hirap.
Ang creditworthiness ay ang basa o pananaw ng mga financial company sa iyo para pautangin ka. Tipong pauutangin ka kasi kapani-paniwala na makakapagbayad ka. Isa sa basehan ay iyong wala ka namang utang o may utang ka pero nababayaran mo naman nang maayos.
Paano magagamit ang credit card sa iyong small business na hindi ka sumasabit? Sabihin na natin bibili ako ng grocery items na worth Php 4,000 at ititinda ko within a month. Siempre bukod sa patong na presyo ay sa loob ng isang buwan ay mababawi ko na Php 4000. Kahit ‘yon man lang para sa initial. Iyong mga grocery items naman especially ‘yong nasa lata at bote ay aabot ng 3-6 months so hindi na talo. Kung gagamitin ko ulit yung credit card ay para roon na sa mabilis maubos o mabili. Malamang din ay yong mga susunod na hihiramin ko sa credit card ay mas mababa na ang halaga.
Ang special tip ko sa paggamit ng credit card ay be mindful sa cut off and due date. Ipinangbabayad ko rin ang credit card ko sa utility bill ko. Ang due date ng Meralco bill namin ay every 29th of the month, habang ang cut off ng credit card ko ay every 22nd of the month. Kung magbabayad ako ng 21st of the month or pababa sasama yung babayaran ko Meralco sa ibang ginamitan ko ng credit card. Pero kung ipambabayad ko ito after ng 22 ay sa next statement of the account pa ito a-appear at babayaran ( may halos lagpas isang buwan na gap). Eddie yung pambayad ng kuryente ay napaikot mo pa sa negosyo, di ba?
In fact habang tumatagal at maayos ang iyong credit history ay mas lalaki rin ang iyong credit limit.
sana nakatulong, ikaw may suggestion ka pa?