7 Important Tips sa Sari-Sari Store Business


May Sari-Sari Store business kami na sara-bukas at umikot na sa aming magkakamag-anak. Kung tutuusin bongga dati kasi iilan pa lamang ang  kakumpentensya sa  lugar namin at bongga din ang dami ng paninda ng 1 st owner …pero in two to 4 years ay nagsara. Tapos 2009 -2013 ang ma-PR na 2nd owner ang humawak. Marami itong  kaibigan pero  sa 2009-2013 ay  on and off  ang kanyang business affair.  2014 nang i-take over uli nung 1st owner  ang tindahan pero around February 2015 ay nagsara ulit ito.  Kaya ito naman ang tips ko base sa karanasan at sariling business lessons.

sample small store talaga! Clay All Day store at the art fair

  1. Okay ang maraming paninda pero dapat madali mo rin silang maibenta

Ito ang unang mistake na nakita ko dun sa past.  Maganda  naman ang rason  na nakakagana na maraming naka-display para  hindi  na lilipat ang  mga customers kasi  kumpleto kana.  Iyon nga lang….

  • Maraming customers na kapag pupunta ng tindahan alam na nila ang brand na gusto  nila.  May chance man na bumili ng alternative brand pero maliit yung percentage.  So I suggest kung maglalagay ka ng alternative brands medyo untian mo. Kung same yung dami doon sa mas mabiling brand ay matatambakan ka lang  ng inventory at matutulog ang pera na sana  ay ginastos mo para doon sa mas mabili.
  • Maraming customers na ngayon ang sinisipag na mag-supermarket ,unless ang puwesto mo ay malayo sa kabihasnan like dun sa tindahan sa inakyat ko sa Mt. Pamitinan 😛 kaya better watch your inventory.  Sa lugar namin, sipagin lang talaga ang customer na maglakad nang malayo ay makaka-avail siya ng cheaper price na mga wholesaler. So dalawang tips/ lessons dito:
    1. Calculated dapat ang dami ng bibilhin mong paninda
    2. Maglagay ka ng kaibang paninda na halos ikaw lang ang mabibilhan. Sa akin,  two of my choices ay prepaid load at school supplies na puwedeng mabagal ang bentahan regularly pero hindi  ma-e-expire naluluma  ( alagaan mo lang) at forever  kailangan ng sangkatauhan.   Malapit din ako kahit  papaano sa mga school at small offices e.

 

2. Huwag magpapautang! Though mayroong times na makakapagpautang ka, make it minimal or better not at all – why? Isa sa ito sa nangungunang nagpapabagsak sa lahat ng negosyo especially sa small time business (hindi lang sari-sari store) na nalaman ko. The moment na nagpautang ka, hindi lang  product ang hiniram sa iyo, kundi maging ang kita mo at oras na napaikot/ napalago mo na sana ang  iyong  *cash flow.

Ang Cash  flow – ang literal  na  pera na  hawak mo  bilang  kita , para panukli, pambili ng supply,  pambayad sa kuryente  at iba. Ika nga ay kung may “Content is King” sa blogging, sa business ay “Cash is King.”

*Business lesson tungkol sa utang: Naaala ko yung mga kapit-bahay na umuutang sa 1st owner na halos  1-3k worth of paninda na aabot ng  1-2 months (or never) bago bayaran.  Siempre ang gagawin naman ni 1st owner ay maglalabas ulit ng capital or uutang (interest) para itapal na pambili ng mga paninda.   Kahit ata  bumalik ang utang in one month  talo na s’ya kasi ang babayaran niya sa 5/6 ay 20% interest. Magkano ba ang kinita niya sa pinautang nya Php 200-Php 300?

Personally, hindi ako fan ng  business model  na ipapautang ang biniling produkto.  Iba ito sa networking at multilevel marketing ha, kasi doon ang totoong puhunan ay laway. Ibebenta mo yung produkto na hindi naman iyo pero kumita ka.  I rather sell na konti lang ang kita pero benta talaga. Natutunan ko  ito lalo na sa mga Chinese  businessmen.

3. Huwag ka lang umupo, mag-marketing and promotion ka rin. Puwedeng hindi mo na ito kailangan depende sa trip mo  o kung  okay ka na sa lakas ng bentahan sa  sari-sari  store  mo.   Pero I think sa dami nga ng retail stores ngayon  you have to  do something extra na hindi masyado magastos.  My suggestion ay gamitin mo na ang iyong mobile phone  para rito.  Inform mo sina kamag-anak, kaibigan, katrabaho at iba pa na may ganito kang  paninda.  Para  may kailangan   sila   ay sa iyo  sila  lalapit  either for pick  up  nila ng  ganitong  oras, reservation o kaya kung mapapadaan ka sa kanila .

 *Business Lesson:  Naranasan  ko na magbenta sa  opisina na  kinukuha ko sa  2nd owner.  Nagsimula lang ‘yon sa nagtatambak ako ng   pagkain sa   cabinet ko. Busy ako sa work para bumaba  parati sa convenience store na  laki ng  patong. Aba yung kakainin ko na lang, binibili pa ng mga kaopisina ko kahit dagdagan ko pa  konti ng presyo.  Kinagat ko nga yung idea, tapos sabi ko text na lang nila sa akin sa  gabi  para dalhin ko sa morning yung   gusto nila.   That was a good experience for me kasi kahit guards at bosses sa akin na bumibili hehehe.

4. Palaging mag-inventory check at bookkeeping/accounting – Aaminin ko nakakatamad ang gawain na ito pero ang laking bagay kahit estimation lang pala. Hindi naman kailangan na complicated basta malaman mo ang totoong  gastos, bad debt  ( yung wala ng balikan na gastos),  at   kita mo. Ginagawa ko ito sa Excel.

Kung di ko ito nalaman, baka magaya ako sa nalulunod sa  mataas na gross  sale pero iyon pala ay hindi kumikita  (revenue).   Di  ba kung  empleyado ka  ang totoong kita mo ay “Net Income” at  hindi  ang iyong  gross  income kung saan  ibabawas  pa ang tax, late, benefits  at iba pa.  Actually mas mainam pa ang ikinakaltas sa sahod kasi halos  alam mo na kung magkano agad  ang binabawas- sa business hindi. If you monitor your inventory mapagtatanto mo rin kung ano ang need na i-promote, bawasan sa susunod na pagbili mo, at halaga ng expenses mo versus sa kinikita.

  1. Huwag na huwag paghaluin ang pera mo sa personal at business mo. Para sa akin isa  pa sa leading cause ng ‘di paglago ng  sari-sari store ay ang  gawin itong free grocery  o stock  room lamang  ng   inyong pamilya.  Sabi nila usually ang retail stores ay for livelihood lang at hindi business, iyong pantustos lang talaga sa pangangailangan. ‘Pag ganito na ginagamit din ay ni hindi  nga for livelihood ito.

6. Mapapangatawanan mo ba?  I think  dapat  alamin mo  ring  kung itong  business type na ito  ay tugma sa iyong personality. Kung outgoing ka at nasa daan ang customers mo, ‘wag kang magtayo ng physical store na  iniiwan mo palagi. aheem. Unless may  kukunin kang taga-bantay na maasahan at  same kayo ng wavelength.

7.  Matuto ka rin mag-cost cutting, compounding o maging financially literate (Money Management) at usaping legal– Ito yung nilalaban ko  na hindi puwedeng sa “livelihood program” ay paggawa lang ng kandila, sabon, siomai at iba pa ang ituturo. Dapat kasama sa programa  ay yung may  kinalaman sa tamang paghawak ng pera o Money Management.  Gaya nung items 4 and  5, kapag di mo alam ito ay gagawa ka ng bagay na  siguradong  ikakalugi mo pala.


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *