Negosyo 101: Bakit, Paano mag-inventory sa store?


Isa sa mga questions na natatanggap ko ay ‘paano mag-inventory.” Ito ay matapos kong ibigay ang 7 important tips ko sa pagtitindahan o sari-sari store. Pero kung sino naman silang interesado ay tama sila sa pag-iisip  na mahalaga ang mag-inventory sa sari-sari store, grocery, at anumang business. Iyan ay kahit oo nakakatamad at nakakaloka gawin ito, apir!

Bakit mahalaga ang mag-inventory?

Para pampagana at reminder sa iyo (at sa akin na rin) kung bakit natin pag-aaksayahan ng panahon ang inventory management (wow big words)…ahmm… kasi hindi lamang ito simpleng paglilista ng lahat iyong mga produkto/ items.    

By the way, “inventory” din po ang tawag sa mga produkto/ materyal na kinokunsidera na ibebenta o pang benta.

Let me share you my motivations bakit tayo dapat mag-inventory:

  • Makakapag-adjust sa galawan ng iyong sales. I realize na may sayawan din pala sa pagbebenta para mag-survive sa business. Pero sa halip na tugtog ng mga kakumpentensya ang sayawan mo, dapat ay mas sa music ng mga customer mo. Ano ang kinalaman nito sa pag-i- inventory?

Kung alam mo ang bilis at bagal ng turnover ng products mo ay alam mo na kung alin ang mabili at hindi sa tindahan mo. Alam mo rin kung kailan ka na dapat bumibili sa iyong supplier para bago maubos ay napalitan mo na. Maniwala ka, mas malaki ang chance na umalis ang customers kaysa subukan n’ya ang alternative products na inaalok mo kaysa sa gusto niya. Alam mo rin dapat kung saan ka tututok (business path).

Kung alam mo rin kung alin ang mabagal at malapit na mapanis, mapu-push ka na ilako ito or i-sale na lang. In the end, maaksyunan mo kung alin ang dapat alisin na mga produkto sa tindahan mo. Magiging obvious din kasi na hinihila na nito pababa  ang business mo (in terms of losses).

Business tip 1: Mas bet ko ang customized service para sa aking customers, kaysa generalized approach. Kung ano need nila ay ‘yon ang susundan ko (base sa inventory), lalo na kung ma-secure ko na sa akin kukuha parati. Mas masarap na damhin yung ‘di ka lang seller sa kanila, kundi ikaw ang supplier nila, di ba?

Patalastas

  • Maproprotektahan ang iyong kitaan/ cash flow. Kung marunong kang magpasok ng pera, aba dapat marunong ka rin mag-kontrol at protektahan ito mula sa pagkalugi (this is  the real business management, Mars and Pars). Ganyan din sa inventory, kailangan ma-monitor ang bilang, expiration date, halaga ng benta versus sa pagkakabili mo etc.

Business tip 2: Ayoko talaga ng food waste/ product expiration dahil talong-talo ka sa mga ito. One more time, talong-talong ka sa mga ito. Sabihin na natin na bottled energy drinks, binili mo sa kung saan with pamasahe, oras at effort. Tapos ire-ref mo pa? So may gastos pa sa kuryente at space. Tapos ‘di mo maibebenta? Shakit sha pocket besh.

Eto pa…Kapag ‘di mo naman nabayaran ang mga ‘yan ay considered ‘yon na bad debt, butas sa cycle ng kitaan mo, o sabihin na natin na liability. So, you have to monitor your inventory, if you want to protect your money.

Business tip 3: Kung legal entity ka na ay napakaimportante ang inventory sa accounting at booking.

3 Simpleng Steps ng pag-i-inventory

May iba-ibang paraan/ style ng pag-i-inventory at binabagayan. Sa mga manufacturer  ay iba, kasi pati ‘yong raw materials ay binibilang. Itong isi-share ko ay madalas na ginagamit ng karamihan, pinaka-effective, at pina-accurate daw na paraan? Ang tawag dito ay manual inventory system (naloka ka sa name?)!

  1. Bilangin ang lahat ng iyong items – As in name, brand, flavor, variant, measure etc. Ideally, magandang gawin ito bago ka pa mag-grand opening ng iyong tindahan para bilang na bilang mo mula sa simula ang iyong mga items.

Doon sa medyo matagal na sa operasyon ay may lingguhan, weekly, at monthly na rechecking of inventory. Siempre, need ito dahil mayroon din namang bagong ipinapasok na produkto (purchases).

    2. Ilista ang mga produkto na nabibili sa iyo kada transaksyon. Kung nagreresibo ka lalo na yong electronic Cashier /POS (Point of Sale) ay madali na ito.

Daily Inventory sample by hitokirihoshi
Daily Inventory (naglagay ako ng name kasi gusto ko lang maalala sino bumili/ kanino mabili)

  3. Ibawas ang mga nabiling produkto doon sa iyong listahan. Puwede naman itong gawin ng lingguhan kung marami-rami ka naman stocks, pero the best ay araw-araw.

Puwede mo gawin sa papel o excel file ang pag-i-inventory. Pero siempre mas mapapabilis at paperless kung nasa excel gaya ko. May automatic formula rin kasi bawas sa kaka-calculate hehehe.

Weekly Inventory sample by Hitokirihoshi
Weekly Inventory

Business tip 4: Puwede mo pang i-customize ang mga paraan na ito, depende kung saan ka mapapadali.  For example by category ‘yong inventory – cooking products, school supplies, frozen etc.

a part of Memory Lane Store nung bumili kami

Business tip 5: Gusto mo magseryoso sa pagnenegosyo? Simulan mo sa pag-aaral ng pag-i-inventory.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

30 thoughts on “Negosyo 101: Bakit, Paano mag-inventory sa store?