The National Shrine and Parish of Saint Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas


Kakaiba sa ibang trip ko rati sa Batangas ay talagang nagsimba lang kami sa National Shrine and Parish of Saint Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas.  Ang akala ko na mahabang viaje at buong araw na gala ay kaya naman pala ng ilang oras lamang. Ito na rin bale ang ikalawang simbahan na napuntahan ko sa Batangas at simbahan na dedicated kay St. Padre Pio.

Bakit, anong mayroon sa National Shrine and Parish of Saint Padre Pio?

Ang nag-aya sa akin dito ay ate ko na may kaarawan. May kaibigan s’ya na nagrekomenda nito dahil marami na raw sa kahilingan n’ya ang natupad.  Napag-usapan din siguro  nila ito noong nag-Visita Iglesia sila sa Saint Padre Pio Chapel  sa Eastwood, Quezon City.

Iyon din ang unang simbahan na narating ko na may kinalaman kay Padre Pio ng Pietrelcina, Italy. Nandoon ako madalas lalo na  noong nagwo-work pa ako sa Eastwood. Maganda at napaka-solemn din naman kasi sa simbahan na iyon, bukod pa sa mga patotoo sa akin ng mga kaibigan ko na may mga magulang na may sakit na cancer. Ang nanay ko rin na na-mild stroke ay naisisimba ko roon at sa ngayon naman ay naka-recover na s’ya.

Kaya na-excite ako sumama dahil sa impresyon ko kay Padre Pio  at sa simbahan n’ya sa Eastwood.  Pagdating din sa architecture ay mayroon din kasi akong certain expectation sa mga simbahan sa probinsya. Ito ay kung ‘di historical at magara, ay talagang extra-ordinary. By the way, ang una kong napuntahan na simbahan sa Batangas ay ang Taal Church o Basilica of St. Martin of Tours. Ito ang pinakamalaking simbahang Katolika sa Pilipinas at buong Asya. Isa rin ito sa must-visit places sa Batangas.

Paano papuntang National  Shrine at Parish of St. Padre Pio?

Sa pagkakaalam ng ate ko ay may viaje papunta rito ang Jam Liner (Kamuning or Taft). Sa nabasa ko sa travel story sa Lazy Pen ay mayroon din sa Jac Liner, DLTB, at Lucena Lines.  Pero sa Jam Liner na kami sumakay dahil convenient sa amin. Tama rin si Lazy Pen na nasa Php 107 lang per passenger ang bus fare at ang best time ay bago mag-4 AM ay nasa terminal na.

More or less ay two-hour lamang ang aming viaje (daily commuting time ko papuntang Ortigas from Commonwealth especially ‘pag rush hour) at madali itong matunton.  Kung sa Jam Liner kayo ay sakay kayo papuntang Lucena/Calabarzon pero para sure siempre ay magtanong sa driver o conductor sa area.

Kung nasa Sto. Tomas, Batangas na kayo o ‘pag sinabing malapit na ang Padre Pio Church ang landmark ay Jollibee na may katapat na mini palengke. Pagkababa sa San Pedro (eksaktong lugar) ay sasakay  sa trike papasok.  Tatlo kaming sumakay at ang singil sa amin ng tricycle driver ay Php 40.

Patalastas

Sa Saint Padre Pio National Shrine

Malawak ang vicinity proper ng Saint Padre Pio National Shrine. Hindi ko alam alin ang eksaktong pinakamalawak, pero sa mga napuntahan ko so far ay maihahambing ito sa lawak ng Manaog Church (Pangasinan) at Our Lady of Lourdes Grotto sa San Jose del Monte, Bulacan.  May dalawa o tatlong mala-dome and clam shell-style churches dito na nagpapaalala sa akin sa Sto. Nino de Paz sa Greenbelt, Makati at Parish of Holy Sacrifice sa U.P.Diliman. Pero unlike sa dalawa ay hindi naman ito ganoon ka-circular na puwede ka pumasok sa kahit anong direksyon pero tila mas native ang mga ginamit na materyales dito.  Sa Divine Mercy chapel kami nakadalo ng misa. Every misa ata ay ibang venue ang ginagamit like after sa Divine Mercy, ang next na misa ay ginanap na sa Jubilee of Mercy church na. Sa loob ng Divine Mercy ay mahangin at maliwanag ang paligid na halos walang wall maliban sa kung ano ang nasa altar side.

Masusulit din ang pagdayo rito dahil sa iba’t ibang tampok na bahagi nito gaya ng Holy Water Sanctuary, Fountain of Hope, Relic of the Holy Cross,

Mother of Mercy Belfry,

at iba pa.  Siempre kasama rin dito ang sindihan ng mga kandila at souvenir shops.  Samantala, may mga ginagawa pang istraktura at baka mayroon pa kaming hindi napuntahan pero itong mga nabanggit ko ay talagang  mga atraksyon.

Sanktuaryo ng Banal na tubig. Isa sa na-excite akong puntahan ay ang Holy Water Sanctuary, nabasa ko sa blog ni Blue Dreamer 27 na may jars ng holy water rito as in sagana.  Sa ilang simbahan na napuntahan ko  talagang  pipila ka, dito kahit ilang salukin mo (pero ‘wag ka naman over dahil baka igib na gawin mo, chuz lang). Hindi ako sure kung pwede nga inumin ang nasa  jars pero may nakikita akong umiinom.

Ang magara rin sa disenyo sa Sanctuary ito ay ang focal point nito. Ito ang higanteng rebulto ni Padre Pio na nakaupo. Iyong upuan n’ya ay nakapatong sa bukal ng tubig at wishing well.  Ang nakikita  ko naman rito ay hinihilamos na ng mga tao.  Join the club naman ang peg namin, hohoho! 

Bukal ng Pag-asa.  Mayroon din itong lugar na kung tawagin ay Fountain of Hope o Bukal ng Pag-asa.  Ang sentro nito ay ang higanteng rebulto ni Padre Pio at ni Hesus. Nakapako ang isang kamay ni Hesus at habang isa naman ay nakahawak sa likod ng nakatingalang si  Padre Pio.

May umaagos na tubig sa  paligid ng mga rebulto. Pero ang agaw -pansin sa bahaging ito ay ang hilera ng mga panyong nakatali.  Noong una ay hindi ko mawari kung anong meron dito, pero noong nakita ko na ang prayer sa pagla-lock ay kuha ko na.  Iyong iba hindi kandado ( may nabibili rin sa lugar) ang nilagay kundi panyo, bandana, o balabal.

Prayer candles.  Sa Padre Pio National Shrine ay may 8 kulay na kandila

Brown candle- for thanksgiving, aniversaryo, at kaarawan

Green candle- Good health

Blue candle – Job, travel, at exam

Yellow candle – materials and financial blessings

Orange candle – family and friends

Pink candle – love and having a baby

Violet candle – forgiveness and reconciliation

Red candle – Life Crisis

Tandaan na hindi pare-pareho ang sinisimbulo ng kulay ng kandila sa mga simbahan.  Ang orange sa pagkakaalam ko sa Monasterio De Santa  Clara ay business at financial, habang ang green sa   St. Peter Shrine  (Commonwealth) ay abundance of wealth. Sa ibang church din ay tinanggal na ang kulay, sa St. Jude Shrine ( Mendiola, Manila) ay white and  red or brown na lang.

Imahe ng Mother of Perpetual help sa loob ng Holy Water Sanctuary

Important notes:

Buwan September ang anibersaryo ng National Shrine of Saint Padre Pio. Noong October 2018 dinala rito, at maging sa iba pang simbahan sa bansa, ang kanyang hindi pa naaagnas na puso. Iyon ay sa kabila na September 23, 1968 pa s’ya namatay. Sa Maynila, idinaos ang veneration sa Heart Relic ni Padre Pio sa Manila Cathedral at UST Church.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.