Top Picks Fernando Poe Jr. Films


Usually, ayoko nanood ng TV sa bus dahil nahihilo talaga ako, lalo na kapag naka-tune in sa local channels. Nakaka-distract at madalas malabo naman ang signal.  Pero iba noong isang araw…napanood ko ang pinakapaborito kong Fernando Poe Jr. film.

Credit: Wikipedia

(Invitation! SUBSCRIBE to my Hitokirihoshi YOUTUBE Channel for more celebrity and entertainment stories.  Salamat and Mabuhay  🙂

Nanood talaga ako at gusto kong itulak iyong hahara sa harapan ng TV.  Ang palabas kasi ay ang pinakapaborito kong movie ng namayapang King of Philippine Movie na si Fernando Poe Jr. Isa siyang kapitan dito ng isang barangay at ang love interest niya ay si Nanette Medved. Sirit?  Eh Dito Sa Pitong Gatang.

Basta kahit pa sabihin ang cheesy-chessy at ang kengkoy, na-e-enjoy ko pa rin ang panonood. Hindi mabigat sa dibdib at napapangiti talaga ako sa mga litanya. Namana ko na talaga ang pagkahilig ng mga kamag-anak ko sa kanya. Anyway, narito ang Hoshi’s Top Picks Fernando Poe Jr. films ko (parang Ang Pinaka lang hehehe)

  • Isang Bala Ka Lang – dito ay partner n’ya ulit si Nanette at talagang nung binitawan n’ya ang linya sa corrupt na politician para “pong bang-bang”ang asinta. hehehe
  • Mabuting kaibigan, Masamang Kaaway – ang movie na ito (best friend n’ya ang namayapa na ring si Vic Vargas) ay para sa mga traydor at okay lang isanggalang ang friendship para lang sa sariling interes, gaya ng kapangyarihan at kayamanan. Nagamit ko na ata itong linyang ito sa totoong buhay.
  • Kahit Konting Pagtingin – Siyempre pagsamahin ba naman ang The King at Megastar (Sharon Cuneta), eddie panalo. Ikaw na ang magsabi na “ang hirap naman kasi sa iyo huli ka ng ipinanganak.”
  • Wanted: Pamilya Banal – Ito ang pelikula niya na nagpakaba sa akin. Parang sige takbo kayo, proktektahan mo ang pamilya mo kay Aaawitan kita (Armida Siguion-Reyna). Ikaw na ang umalala sa pamilya mo ‘di ba? Asawa n’ya rito si ABS-CBN’s Exec. Charo Santos-Concio.
  • Kapag Puno na ang Salop – Kalaban niya rito ang isa sa kanyang favorite kontrabida na si Eddie Garcia (ako rin). Dito na ata sumikat ang mga Valderama e. Si Eddie ay si Judge Valderama at si FPJ si Tenyente Guerrero. Tandaan Tenyente hindi Leon 😛
  • Panday – Alam n’yo kahit ilan pang gumanap na bagong Panday, kahit na iyong may crush sa akin na si Echo. Eh iba pa rin ang tatak FPJ. Hindi ko kumpleto siempre ang serye ng pelikulang ito kasi kung wala pa ako sa plano ng Nanay ko noon, malamang nasa kuna pa ako. As in mga re-run na lang ang naabutan ko.  Ang pinaka-favorite ko ay nang maging matandang hukluban si Dang Cecilio at si Bentot ang julalay ni Panday. hehehe
  • Hindi pa Tapos Ang Laban – dito isa siyang kawawa muna na, then lumaban ng sabayan kahit mahina ang kanyang kartada. Dito yung pinaluhod siya ni Paquito Diaz sa putikan na may ebs ng kabayo.
  • Epimaco Velasco – ito yung years na kung wala kang tiwala sa mga parak, maniwala ka sa mga ahente (NBI agents).

Ilan pa sa gusto ko , pero ‘di ko na matandaan ang content ay ang Ang Probinsyano at Kahit Butas ng Karayom.

my pinaka-favorite FPJ movie


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

30 thoughts on “Top Picks Fernando Poe Jr. Films

  • ricky pet

    for me, these are my top 5 fpj movies.

    1. isang bala ka lang (part 1)
    2. kahit konting pagtingin (part 1)
    3. kapag puno ang salop (part 1)
    4. ang maestro
    5. muslim .357

  • Hoshi Post author

    sige nga ma-check yag padrino mo. pero tingin ko napanood ko na yan. hindi ko na lang maalala ang istorya. hindi ba yan, the godfather? hehehe

  • Hoshi Post author

    actually, nahirapan pasa sa iba pero yung top 5 nandoon na yun. hehehe

    hindi ko gaano nagustuhan yung isusumbong. parang nag-OA dun si Juday. heheh

  • len

    ‘Di ka naman ba nahirapang salain sa dami ng movies ni FPJ?
    Gusto ko rin ung Dito sa Pitong Gatang, Kahit Konting Pagtingin at Isusumbong Kita sa Tatay ko. ;p

  • Hoshi Post author

    i’ll definitely watch it Sir, kung yung Perlas ng Silanganan ay hinanap ko. Ito pa kaya. makapunta na nga sa Video City. hehehe

    mabuhay and welcome to Hoshilandia Jr.
    Thanks din po sa tips!

  • Hoshi Post author

    wow mabuti naman at nagkaka-relate-an tayo. ano nga ba ang title noog movie na yun. Kung tama ako si maritoni fernandez ang kontrabida nila. hehehe

    ay oo gusto ko rin ang mag old films ni maria at alam ko rin yang family tree na yan… hehe masarap manood dyan sa cinema one pag madaling araw. pang madaling araw din ang palabas. hehehe dyan ko napanood ang mga de-kalibreng old filipino films.

  • Joseph Peter R. Gonzales

    Hoshi, I suggest that you also watch Bato sa Buhangin. That’s the late FPJ with Vilma Santos. It’s a super “kilig” vehicle which was a certified hit in the ’70s. One factor is the popularity of the theme song sung by Cinderella featuring Yolly Sasis. FPJ and Vilma have good screen chemistry. Even in their last film together, Ikaw ang Mahal Ko, it was still evident. But of course, Bato sa Buhangin is still different. Definitely a classic!

  • Hoshi Post author

    wahhhh impressive! na-isip mo pa ang mga ending na yun. may isa ka pang nakalimutan. kahit tirik ang araw ay naka-leather jacket sila at kahit ang labo ng buwan ay naka-shade. hehehe

  • Tim

    Nung panahon ni FPJ, ok pa yun, pero after a while, nakakasuya na, lalo na’t napakaraming ginawa ni FPJ na movie na ganun ang tema. Pero pareho pa rin ang kalidad ng action movies after FPJ eh. Porke sya hit na hit, akala ng iba yun na ang tamang formula. Ganun din si Dolphy. Sobrang dami nyang nagawang pelikula at siya maituturing na ama ng slapslick, pero hindi pa rin maka-graduate ang Pinoy comedy doon. Ang ibig ko lang sabihin, nakagawa na ng pangalan si FPJ at Dolphy sa mga larangan nila. Dapat yung iba, gumawa naman ng sarili nila. 😉

    Saka maidagdag ko lang, lahat halos ng action movies, iisa ang ending, at iyon ay bakbakan sa isang lumang warehouse o gusali, at laging may habulan sa ginagawang subdivision. Kung may nasisirang kotse, laging mga super luma na circa 70’s to 80’s na sasakyan na hindi mo akalaing tumatakbo pa, much less gamitin ng mga kriminal para makatakas.

  • Hoshi Post author

    oi huwag mo namang lahatin. mayroon naman at nangunguna na roon yung mga FPJ movie.

    sinasalamin naman ng mga action films ang ilang isyu gaya ng diskriminasyon sa paniniwala o lahi at ang katiwalian.

  • Tim

    Wala naman kasing nagsusulat ng magandang concept / script para sa action movie eh. Kung hindi naman kasi rip-off ng Hollywood film, corny naman, o ‘di kaya all of the above. LOL.

  • Hoshi Post author

    ay teka gusto ko rin pala yung mga old films ni Ramon Revilla na pnapanood namin sa TV. yung orig ng Joaquin Bordado at Nardong Putik.

  • Tim

    Iconic talaga yung mga banat ni FPJ sa mga movies nya. Sayang nga at namatay na ang action movies dito sa atin. Although hindi na kasi mare-replicate yung klase ng action movies ni Da King.

  • Hoshi Post author

    yeah taya ka Eloiski. heheeh

    okay lang ‘yon. ako nakalakhan ko lang yung mga kapatid at kamag-anak ko na nanood ng FPJ Films. Siguro naabot ko na talaga yung sa Dito Pitong Gatang na napanood ko rin noon sa TV. hehehe

    mabuhay!

  • Jowyow

    hahahahah super relate ako hahahaha… isa akong TV addict kaya halos lahat pinapatos kong panoorin, nakakaaliw yung mga movies ni FPJ lalo na yung pakner niya si ara mina laftrip yun 😆 tapos diba sa cinema one sa cable yung mga old movies nila maricel yung super inday saka yung family tree hahahahaha am so adik…

  • Hoshi Post author

    tumpak ka dyan. pero aminin din natin na kakainin lang ang mag local films sa kahihiyan kapag hindi tayo nakasabay sa special effects ng ibang bansa. kadalasan kasi sablay sa story ang ibang films (siempre bukod dun yun kay FPJ)at acting. Bano talaga sa acting kahit yung mga leading ladies.

    yung “ilang” last action films kasi na nagawa ( na siempre hindi gawang FPJ) ay makapagpakita lang ng violence and sex, okay na, action movie na. kahit wala na halos values. by the way, ilan sa nagustuhan kong action films ay yung kay Monsour del Rosario, iyong “Romano Sagrado,” yung kay Eddie Garcia na life story ng Pulis at Grease Gun Gang ni Robin Padilla.

    basta ayoko ng hard action at may isang action star na ni isnag pelikula wala akong nagustuhan.

  • eloiski

    kahit isa wala pa akong napapanood dito. as in wala! grabe lang!
    kaya di ko masyadong magets ang entry mo ‘te! hindi ako makarelate!
    pero yung kwento malamang panday lang ang alam ko!