Fantastica ang third movie ni Vice Ganda na napanood ko sa sinehan. This time ay dalawa ang leading men n’ya, sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes. Kasama rin sa cast ang three Kapamilya love teams DonKiss (Donny Pangilinan at Kisses Delavin), LoiNie (Loisa Andallo at Ronnie Alonte), at MayWard (Maymay Entrata at Edward Barber).
Movie Review: Fantastica’s good points
- Colorful and Creative! Entrada pa lang ay gusto ko na ang visual creativity sa Fantastica. Kung sinuman nakaisip na isama ang shadow play ng El Gamma Penumbra, mabuhay sa iyo! Ang witty ng pagkakalahad ng backstory dahil doon. Maiba sa animation (gaya ng ginawa sa Harry Potter: Deathly Hallows) at mai-feature din ang ibang klase ng arts. Natipuhan ko rin ang paggamit ng distinct voice para sa katauhan ni Fairy God Mother (Bella Padilla). Gayon din ay nakakatuwa na maipakita ang talento at buhay ng mga taga-perya o circus.
Type ko rin iyong makeups at costumes, especially ni Vice Ganda sa Perya Wurtz Bach. Doon pa lang naipapakita yung sweet, vulnerable, at loving Belat. Konti na nga lang talaga ay makakalimutan ko na hindi s’ya babae, at maniniwala ako na maiibigan s’ya nina Prince Pryce ( Richard Gutierrez) at Dong Nam ( Dingdong Dantes). Well sa pagiging Princess Drilon n’ya, tinanggap ko na lang (hohoho), na siyempre hindi s’ya papatalo sa pa-gown ng ibang prinsesa.
Okay din ang getups nina Maulani (Maymay) at Junjun (Edward), esp. noong fight scenes nila (sa roof top/ fantastica); Noong naghananapan sina Rapunselya ( Loisa) at Ariella ( Kisses), at gayon din ang pang-musikero look ni Pepe ( Donny). Si Kisses Delavin ay pansinin sa kanyang red hair at super surround sound power. First time ko makapanood na ganun yung power (meron nito sa X Men First Class) na hindi na dapat mag-adjust ang tutuli ng mga kakampi at kayang mapuntirya ang mga kalaban, hohoho!
- Punch ng Adlib, sundot na comedy. Para sa akin mas madali ang drama, kaysa komedya. Sa mga movie ni Vice Ganda ang comedy ay wala sa istorya at pagbatok, kundi nasa sundot ng linya. Pero, of all, ang tumatak sa akin yung mga hirit sa character ni Junjun (Edward Barber). Napanood ko na sa Instagram (2nd video sa ibaba) iyang “prinsisa” n’ya, pero natawa pa rin ako sa sinehan. Dagdag siyempre doon ang resulta ng kanyang “vitamins” at bloopers.
Dito ko rin naramdaman ang sinasabing naiibang Richard Gutierrez. Kapansin-pansin talaga ang effort n’ya na gawin iyong awkward, na siguro malabong gawin ng kanyang totoong persona. Nandoon pa rin naman iyong seryoso, pero s’ya iyong nakakatawang seryoso.
Next kina Vice, Edward, at Richard ay gusto ko rin yung natural na bato ng linya at acting ni Donny Pangilinan. Inangkin talaga n’ya ang drama sa isang “exciting ride” (Hohoho!) at in fairness, sakto yung delivery ng acting n’ya overall. Hindi UA or OA, kundi sakto at na-feature pa ang kanyang passion sa music. Kung boses ni Donny yung kinakanta n’ya puwede! Bagay sa kanya iyong ganung kanta, yung ibang songs din kasi n’ya na napakinggan ko ay lakas makasosyal. This time ay makaka-relate ang masa na gaya ko 🙂
I realize din habang sinusulat ko ang movie review ng Fantastica ay parang mas nadale o napabilib ata ako sa komedya ng mga seryosong artista rito sa pelikula.
- Versatility of actors – Well sa acting ay may ku-question pa ba kay Jaclyn Jose? Pero ang galing talaga n’ya dito bilang si Aling Fec, lalo na yung sa naluluha na s’ya sa wewe. Parang 3 dimensional sa akin ‘yon. Dama mo ang acting bilang manonood dahil alam mo yung sitwasyon, yung character n’ya, at relasyon noon sa drama ni Belat. Gamit na gamit din dito ang kanyang monotone acting voice. Sana nga ay may mag-produce ng film na siya naman ang komedyante at ma-feature ang pamoso n’yang acting style. Tutal ginagaya na rin s’ya palagi gaya ng napanood ko sa Ang Babae sa Septic Tank (where is as is) ni Eugene Domingo at Die Beautiful ni Paolo Ballesteros.
Napansin ko rin ang versatility ni Maymay Entrata. Iilan lang ang kanyang dialogue, pero nagmukha talaga s’yang magaling sa karate at boyish na prinsesa sa kanyang mga fighting scenes. May kabog ang galawan n’ya, kahit iyong paghawak n’ya ng armas. Malayo si Maulani sa inosenteng si Apple ng La Luna Sangre, at kawawang Shine ng Loving In Tandem. Si Loisa dama ko ang pagkamahinmahin n’ya rito na malayo sa mga nakikita ko sa galawan n’ya sa The Good Son at interviews sa TWBA at GGV. Saka feeling ko ang hirap ng costume at wig n’ya ( haba e) tapos nag-iikot sila sa mainit na lugar. Pero nadala n’yang magaan at mahusay, mukha talaga s’yang character sa wonderland.
- Team players – Dahil nakita ko na ilang beses ang acting range ni Dingdong Dantes sa ilang shows n’ya. Alam ko na kaya n’ya ang hiritan sa comedy sa isang Vice Ganda movie. Actually there’s nothing new, pero it’s nice to see na game (professional) s’ya sa kung ano man ang ide-demand sa kanya. Isa pa’y napaka-effective n’ya sa pakilig, na para bang naniniwala ako na may gusto si Dong kay Belat.
Of course team players din sina Ronnie, Bella, MC Calaquian (Chubbylyn Jose), Lassy Marquez as (Chakalyn Jose), Juliana Parizcovia Segovia (Song Bird) at Angelica Mapanganib (Angry Bird).
- Drama sa drama sa comedy. Sa lahat ng comedy movies ni Vice Ganda na napanood ko, ito na so far ang napaniwala ako na may “drama sa drama sa comedy” ni Vice Ganda. I think dito papasok ang input at direction ni Barry Gonzalez. I am not saying hindi nakakatawa yung mga past movies na hinawakan ng ibang director. Ang namayapang si Dir. Wenn V. Deramas knew kung ano mga maisasahog para gawin pang mas exciting ang comedy. Si Bb. Joyce Bernal ay relatable at naglalagay ng kiliting pang-romcom sa comedy. Hindi ako sure kung ano ang mas nakakatawa sa alin mang movies ni Vice Ganda, dito sa Fantastica ay mas hindi lang ako na-overwhelm sa dami ng sikot ng istorya at adlibs. Naramdaman ko rin na parang nag-tone down o nag-mature si Vice. Mukhang sinubukan nilang bumalanse sa acting at pagbibigay ng subplots para mas may momentum ng 2-3 major plots.
- Gusto ko rin yung pag-appear ng totoong Boylet dito. Cute-Cute!
Bad Points sa Fantastica ni Vice Ganda
- Superfast phase – Sa normal na manonood (abnormal daw kasi ako) at narinig ko mismo sa mga ilang kapwa ko moviegoers — “ay parang naka-fast forward yung mga eksena.” Actually while watching parang iyong din ang naramdaman ko. Ang bilis ma-solve yung problema ni Prince Pryce at mga prinsesa. Well IMHO ay ito ang consequence ng masyadong maraming cast, dalawang settings, at tatlong major plots. Kasi kung babalikan natin ang ibang movie (gaya ng Tanging Yaman) with powerhouse cast, hindi siguro problema ang maraming cast kung isa lang sana ang punto ng major plot. Eh may mother, perya, at Fantastica issues. Pero in the end, I appreciate na hindi na hinabaan ang kuda sa ibang maliliit na bagay.
- Mababaw na lalim – Yung lalim ng reason ng walang amor ni Aling Fec (Jaclyn Jose) kay Belat ay parang ang babaw o saliwa ata. O may na-miss akong point dun sa dialogue nang pagtawid ni Belat sa nagliliyab na floor sa Fantastica. O pwedeng hindi lang ako agree sa reason. Pero kasi inikutan yung issue na iyon, tapos ay iyon lang ang dahilan ni Aling Fec kung bakit. Pero gets ko na nagsimulang lumala dahil sa “fuse box.” Puwede ring kaka-superfast forward kaya hindi nag-iwan ng impact.
- Nagasgas na ang hirit sa paggawa ng reel and real film. Sa trailer nandoon na iyong hirit na ‘oh di ba sa comedy film kailangan sabay-sabay, paano?” Hindi lang iyon once na inihirit sa Fantastica, na kung hindi ako nagkakamali ay may 3-4 ganung similar na punch line pa. Ginamit na rin ang ganitong hirit sa ibang Vice Ganda film (at even sa ibang recent Filipino comedy flicks) gaya sa Beauty and the Bestie with Coco Martin and JaDine love team (James Reid at Nadine Lustre). Kaya rin hindi na ako natawa sa pa-abs nina Dong Nam at Prince Pryce. Hopefully next time wala na (or i-less) kasi some point ay nagnanakaw ng momentum sa flow ng story at naka-distract. Naniniwala naman ako na may ilalabas pang creative juices at comedy sa mga susunod na Vice Ganda Movie. Napapanood ko s’ya sa It’s Showtime mabilis s’ya mag-isip.