Mahina sa Math, paano na?


Mahina sa Math. Kaya iniiwasan ang pagko-compute, lalo na kapag walang calculator. Kaya sa halip na engineering o accounting ay ibang kurso na lamang sa kolehiyo ang kinuha.  “Kaya nga ako nag___ e, dahil walang Math” ‘Di ba? Relate? Pero paano kung sukat mo ng ikalugmok at ika-tense ang pag-solve mo sa numerical problems, may Math Anxiety ka na?

Ano ang Math Anxiety?

Ayon sa Oxford Learning, ang may Math Anxiety ay iyong kapag  hindi na magawa ang kanilang gawain gaya ng pag-aaral o pagkatututo dahil sa nararamdaman nilang negatibong emosyon dahil sa kanilang pagso-solve sa math.

Kung aanalisahin ang Math anxiety, hindi ito dahil mahina sa Math, kundi pagpapadala sa emosyon. Kapag nangyari yon ay maraming aspeto ng buhay ang apektado. Hindi malayo dahil napakaraming bagay ang may kinalaman sa numero, pagbibilang at kalkulasyon. 

At siempre pa ang Math ay bahagi ng buhay ng bawat estudyante.  Kapag ang mag-aaral ay kabadong-kabado sa exam o recitation na may kinalaman sa Math at MAPAHIYA ito dahil sa mali n’yang sagot. Kahit tapos na ang Math class, buong school day ay parang hindi pa ito makakapag-move on.  Dumaan din ako sa phase na I feel so tanga dahil sa mahina sa “Math ability” ko.

Sintomas ng Math Anxiety

  • Kawalan ng ganang mag-aral ng Math (buong subject o learning activity gaya ng quiz o assignment). Ito ay dahil sa takot at stress na kanyang nararamdaman.
  • Naniwala na si Nene at Totoy na nasa DNA n’ya na ang pagiging mahina sa Math kaya…
  • Wala rin s’yang kumpiyansa na mag-solve at iaasa sa iba ang maka-solve ng math problem. At kapag wala ng makatulong ay feeling n’ya ay kawawa s’ya. Nandoon din yong ideya na “bukod tangi s’yang mahina sa subject na ito.

Nagkakaroon nito dahil?

Noong first year college ako lima sa classmates ko ang nag-summer class dahil bumagsak sa Math. Ibig sabihin noon ay

Patalastas

  • dagdag-gastos sa kanilang magulang,
  • bawas sa kanilang bakasyon,
  • at dagok sa kanilang self-esteem. 

I know kasi dalawa sa kanila ay nag-open up sa akin.  Hiyang-hiya sila na sukat na ika-depress nila.  Hindi na ako sure kung na-announce sa buong klase na kukuha sila ulit ng Math 1, which probably a major blow sa sinumang estudyante.  Ang sure ako ay muntik na akong mapabilang sa kanila, nakatikim din kasi ako ng red color mark grade noong prelim.

Ayon sa mga pag-aaral, ang Math Anxiety (o kahit pa ang paniniwala na mahina sa Math) ay madalas na nag-uugat sa bad learning experience. Kaya sa nagtuturo sa bata (teacher, magulang o kung sino man) na ipinamukha sa kaniya na gaano siya kahina sa Math, ay may epekto po ‘yon.  Puwede rin napahiya s’ya ng labis dahil sa mali-mali n’yang sagot.

Kaya mainam din na hindi lang dapat magaling ang Math Teacher, kundi effective siya magturo ng Math. Kung babalikan ko lahat ng Math classes ko mula elementary, lahat ng mataas kong Math grades ay i-associate ko sa galing magturo ng mga Math Teachers ko. So I can say, we should have more effective, innovative, and creative Math Teachers. Need ba ng training?

Aside naman sa may advance at delayed learning ability ang bawat tao, wala pa akong nababasang article o research na nagsasabing may ipinapanganak na mahina talaga sa Math.  Ang mayroon ay may gumagaling sa Math dahil sa istratehiya o tyaga nila sa pag-aaral. Kasama na rito ang suportang pagtuturo ng magulang, tutor, at Math teacher.

Math Problem is Money Problem?

Siempre mabubuhay ka pa naman kahit maniwala ka na mahina ka sa Math. Pero hindi mapapasubalian na may epekto ito sa iyong pamumuhay sa pang-araw-araw, pag-aaral, karera at pinansyal. Halos lahat nga kasi ng bagay ay may kinalaman sa pagbibilang o Math. Ngayon kong malaman mo ito bilang estudyante o graduate na mayroon kang Math Anxiety o thinking ka na mahina sa Math ay ano kaya ang epekto o posibleng mangyari kapag ‘di mo na-overcome? Isa na rito ay may kinalaman sa iyong pananalapi ngayon at bukas.  

Ayon sa pag-aaral ng RAND, sa mag-aasawang may mataas na basic math skills ay lumalabas na mataas din ang halaga ng kanilang yaman o ikakayaman.

But of course, hindi ko pasusubalian na may mayayaman na sinasabing mahina sila sa Math. Pero malamang wala silang Math Anxiety.

Paano gagaling mula sa Math o Math Anxiety?

Adapt beginner’s mindset. Kung ikaw ay mag-aaral ay huwag kang ma-pressure na kailangan ka-level mo agad ang mga kaklase mong magagaling sa Math. Hindi mo kailangan ikumpara ang iyong sarili sa kanila, ang mahalaga ay matuto ka sa Math. Baka hindi mo alam ay sa bahay nagpa-practice o nagtyu-tutor sila. 

Siguro itong mindset na ito ang nakatulong sa akin para makabawi sa bagsak kung grade sa Math noong first year college ako ( from 3.5 to 1.75). Iba yung thinking na mahina ako sa Math kaya ako bumagsak, kaysa kailangan ko mag-aral nang mabuti pa sa Math para maipasa at gumaling ako rito. Tinanggap ko, oo, pero tinulungan ko rin ang sarili ko, at binalewala ko ang ibang bagay na makakaapekto sa akin. Nasa star section ako, tapos bagsak? Baka patigilin ako ng nanay ko sa pag-aaral? Siguro pinagpipiyestahan ako sa tsismisan ng mga kaklse ko? At higit sa lahat, paano ako makakapanood ng anime programs ko? 😛

Importante na sa mga magtuturo, magulang o teachers, na mainam na ilagay sa puwesto ng tinuturuan ang level at pang-unawa—iyong panahon na natututo ka pa lang din sa Math. So kailangan nandoon ang pasensya, tiwala na matututo rin, bawasan ang pagkukumpara, at lalo na ang mamahiya. Sana iyong tipong mapadama iyong saya at sense of accomplishment kapag nakaka-solve ng Math problems.

Learn effectively using your own ways. Sa post ko tungkol sa effective learning and reviewing ay nabanggit ko ang tungkol sa iba’t ibang literacy. So, may tinatawag na numerical literacy at may taong numerical literate na mabilis maka-pick up na bagay-bagay may kinalaman sa pagbibilang, calculation, at formulas. Pero paano kung hindi ka ganoon?

The Mind Musuem’s Atom Gallery

Tandaan na hindi mo man kalakasan ang Math ay hindi ibig sabihin nito na hindi mo na ito matutuhan at tanga ka na. No one can push you to be best in Math, but you have to motivate yourself to learn Math…dahil marami kang bagay na paggagamitan nito, hindi lang sa school.  

Balikan natin ang iba’t ibang literacy. Sa panahon ngayon ang halos kulang na lang ay tyaga at tamang asal sa pag-aaral para matututo.  Bakit? Kasi ang daming learning materials na available at fit sa iba’t ibang literacy, isa na roon ang video tutorial sa YouTube (media/ digital literacy). Ang laking tulong nito para ma-enhance ang iyong math skill/ numerical literacy.

Value self-practice.  I am a fan of self-study, almost all skills that I am using for work, business, and blogging are enhanced and learned through self-study, training, reading, and seminars. Kasama na rito ang ilang kahinaan ko gaya sa Communication at Math (i.e. sales at accounting. )

Sa Math, importante ang self-study and practice. The best way to explain this, including studying tips sa Math ay ang video na ito ni NumberBender. Noong napanood ko ito, sobrang relate na relate ako:

Lastly, the best tips I can share, aside sa  pagkuha nmg tutor, ay kapag hindi mo naintindihan ang turo ni Ma’am at Sir sa school ay magtanong ka. Ipa-explain mo yung nahihirapan kang term or lapitan mo after class. Huwag kang mahiya. Huwag ka ring matakot na magkamali.

Mabuhay!

Para sa mga concerned citizens ( guro, eskwelahan or grupo ng mamayan) na nais suportahan ang Teaching and Learning Empowerment (TALE) sa ating mga pampublikong eskwelahan, mangyaring mag-message lang po dito or sa educPinoy. May distance learning program for teachers po na madali, masining, at makatulong na mapag-aralan akong nirerekomenda.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.