COVID-19 lessons from Philippines? Mayroon ‘yan at magandang pagnilayan. Bagaman nababalot tayo ng pangamba, problema at ilang tanong, may silver lining at lessons na puwede maging motivation sa pagharap sa medical crisis na ito ngayon at sa iba pang mababago natin sa ating sarili at lipunan sa mga susunod na araw.
Narito po ang ilang isyu o lessons from COVID-19, Community Quarantine experiences :
Kahalagahan ng pagiging healthy. Kung mabilis ang pagkalat ng COVID-19 at may ilang namatay na rito. Sa buong mundo, mapapansin na marami ang bilang ng nakaka-recover. Base na rin sa mga pag-aaral ay ang malakas na immune system ang pinakamatibay na panlaban sa COVID-19 (actually sa halos lahat ng anong virus). So kung iisipin ang rate ng survival talaga ay depende sa immune system natin. Kaya mainam na palakasin natin ang atin kalusugan at hikayatin din ang iba na maging healthy.
Kahalagahan ng proper hygiene. Madalas kung naririnig ang “walang namamatay sa marumi” at namoroblema sa “sobrang linis” na parehong may kinalaman sa hygiene. Well, base sa mga research ay may mga tao at hayop ang nagiging immune sa certain virus at bacteria after long exposure. Kaya may makikita tayo na kahit madumi ay parang ang tibay ng resistensya. BUT the issue in poor hygiene ay hindi mo lang ini-expose ang sarili mo sa mga sakit, kundi puwede ka pang mandamay ng kapwa, kasama na ang iyong pamilya.
Dito sa case ng Coronavirus Disease 2019 ay may local transmission na. Paano napapasa ang COVID-19 nang hindi naman nakausap o nakasalamuha ang nag-positive dito? Puwedeng makuha kasi ito sa maruruming bagay (mula 4 hours hanggang ilang araw na puwedeng mag-stay ang virus) gaya sa hawakan sa mga pampublikong sasakyan o lugar. Tapos ang maruming kamay/daliri ay pinangkusot sa mata, pinanghawak sa pagkain at sinubo sa bibig, at pinan-dial sa ilong. Paano pa kaya kung yung may poor hygiene ay naghahanda ng pagkain at touchy-touchy? Kaya ugaliin ang maghugas ng kamay at mag-sanitizer/ alcohol, at huwag din kalimutan maligo. Paalala lang baka yung iba puro alcohol lang sa kamay.
Kailangan ng matutuhan ang sneezing / cough etiquite. For the longest time ang alam ko lang na may nasasabi na takpan ang bibig ay kapag puno ng pagkain ang bibig. But what about coughing (pag-ubo) at sneezing ( pagbahing o paghatsing)? Dapat matutuhan din ng lahat ang sneezing / coughing etiquette ay dahil ang binabahing at inuubo ay dumi sa katawan. In milliseconds kayang mag-travel ng bacteria o virus na inubo/binahing sa paligid at masinghot ng iba.
May mga tao na gaya ko ay may allergic rhinitis, may masinghot lang ako na alikabok o hangin na may something ay babahing. Kung ganito na ang kalagayan o alam ng inuubo/ sinisipon, ‘di ba dapat ay may nakahanda ng panyo o tissue?
Ano ang ibig sabihin ng lockdown at community quarantine? Kung pagbabasehan ang report ng Manila Bulletin, ang “community quarantine” ay pagpapairal ng pagdistansya sa isa’t isa ng mga tao sa kumunidad ( this time sa buong Metro Maynila) upang hindi magkahawaan ng sakit ( tandaan din na hindi lahat ay madaling masabi na carrier o may sintomas na ng COVID-19 na nito. Bukas pa rito ang palengke, supermarket, bangko, money transfer, at botika. Pero suspendido ang transportasyon papasok o papalabas ng Metro Manila. Bawal din ang mass gatherings o events.
Mayroon itong dalawang klase ayon sa DOH:
- Ang modified community quarantine ay pagpapayag pa rin ng pagbabyahe papuntang trabaho basta may ID.
- Ang enhanced community quarantine ay hindi na pagpapayag sa pagpapasok sa trabaho, pagpapairal ng absolute quarantine sa lugar ( City/ municipality o barangay na my isa o higit pang may COVID-19 case).
Sa ipinatupad na enhanced community quarantine simula March 16 ni Pres. Rodrigo Duterte at ng kanyang Inter-Agency Task Force ( IATF) sa buong Luzon na ay sarado na ang malls at ibang negosyo. Maliban sa may kinalaman sa pagkain, gamot, utilities at pera (bangko/ money remittance).
Ang lockdown ay pagbabawal ng pagpasok o pag-alis sa isang kontroladong lugar habang may peligro sa kalusugan. So mas malala ito at ito iyong madalas na napapanood natin sa mga pelikula.
Kahalagahan ng safety culture. I think better ito kaysa displina lamang, lalo na kung pag-uusapan natin ang community quarantine. Ang safety culture ay may kinalaman sa sama-samang kasanayan, asal, paniniwala, kaalaman ng mga tao sa isang komunidad tungkol sa kaligtasan. Ang safety culture ay puwedeng resulta, natutuhan, pinapairal, ipinapaunawa at ipinapangalat na disiplina tungkul sa kaligtasan. Mayroon ba tayo nito? Kung kaya ng mga Filipino na magkaroon kulturang hospitable, bayanihan, faithful, festive o resilient kaya natin ang sama-samang mag-isip, manindigan para sa kultura ng kaligtasan ng lahat. Sa pandemic na gaya ng COVID19, we need to think of we can do and share to make our self and everyone safe (napa-English ako a). Isipin natin, ano ang panic buying at hoarding kung marami sa palagid natin ang may sakit?
Kahalagahan ng well-informed critical thinker. May post about sa roles and importance of mass media (di ko pa pala tapos) at how to spot the fake news. But dahil dito sa community quarantine at COVID-19 ay mas lalo kung na-realize ang halaga ng hindi ka lang well-informed, dapat critical thinker ka rin sa pagsagap ng impormasyon. Napakahalaga nito lalo na ngayon ng medical emergency.
May 16 cities at one municipality sa Metro Manila. Nakakatawa yung sinuspende ang klase sa buong Metro Manila, nang Pangulo ng Pilipinas mismo, pero may mga nagtanong na “kasama po ba ang Quezon City/Pasig/Caloocan etc?” “wala pa bang declaration si Mayor? at galit pa minsan ha – “Oi Mayor wag kang tutulog-tulog.” Tas ang sagot ng ibang asar “Pasig/QC/Paranaque etc left Metro Manila” and “Mayor __ left the group (chat).” Nakakatawa pero siempre hindi nakakatuwa. Ang naiisip ko na lang na excuse rito ay baka first time kasi na Presidente ang mag-suspend ng klase. Actually rare nga. But then again, ano ba ang Metro Manila? So the lesson here for all who don’t know ay sakop Metro Manila ang the 16 cities ( Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, San Juan, Mandaluyong, Pasig, Makati, Taguig, Paranaque, Pasay, Manila, Las Pinas, Muntinlupa) at 1 municipality (Pateros) na. At opo may pagkakaiba ang paglalagay ng “Metro” o “Kalakhang” bago ang “Manila.”
Sa pag-intindi ng fake news at hindi. Sa takbo ng panahon ngayon ang fake news ay hindi na lang masisi sa mapanlinlang. Ito na ay sumasalamin din sa critical thinking (at information and media literacy) ng taong sumasagap ng impormasyon. Ang kapansin-pansin sa madalas mag-share ng fake news ay hindi naman talaga nagbabasa o kung nagbabasa ay di naman iniintindi nang maigi ang kwento.
Be careful kasi may legit news na kapag naikuwento ay sinamahan na ng sariling opinyon at interpretasyon ng tagabalita o ng kakilala mong nakakinig. Kung hirap ka pa sa pag-distinguish ng straight news sa pag-interpret ng info, paano mo pa iti-take ang feature o documentary reporting at commentary? Somehow bilang manonood/ tagapakinig/ tagabasa ay madadala ka sa ilang news program or news anchor kung paano nila i-deliver ang balita. Galit e, iritable, bumira agad at mukhang may point.
So what we can do here? Get info straight from the interviews or official statements, hindi sa konteksto ng nag-report o komentarista (esp if you dont get the whole story yet). Focus on questions and answers, nakakatulong ang questions ng mga reporter hindi lang sa manonood, kundi sa kanilang kausap to clarify or verify things. But it should be you who will interpret the info/ news. Don’t just accept or criticize agad, but analyse.
Kahalagahan self-study– Bagaman I respect opinion, isa ako sa nalungkot noong in-announce ang “no assignment policy.” Naniniwala kasi ako na sa paggawa ng assignment ay nati-train ang estudyante na mag-aral sa labas ng eskwelahan at higit sa lahat mag-self study. Ngayon na may isang buwan na walang pasok ang laking halaga ng batang sanay na magself-study o mag-aral sa labas ng eskwelahan que may online class o wala.
May iba-ibang klase pala ng facial mask. By now na nagkakaubusan ng facial mask, alam rin siguro ng marami ang halaga ng pagsuot nito. And coming from N95 facial mask na sumikat noong pagputok ng Taal Volcano kasi pang- volcanic ash ito, we know na surgical facial mask ay better sa telang facial mask na nabibili. Why? Because Corana Virus ay naipapasa sa droplets ( in layma’s term talsik ng laway o uhog).
Paalala rin po:
-wear your mask properly kasi baka dito pa lang ay wala na saysay ang gamit nito
-the one who should wear it ay yung may sakit na, at hindi raw yung healthy
Halaga ng pagkakaroon ID or identification card. Isa sa naging isyu sa pagpapatupad ng community quarantine ay pagkakaroon ng Work or company ID. malaking bagay ito lalo na kung naghahanap buhay ka sa Metro Manila pero nakatira ka sa labas nito gaya sa Laguna, Cavite, Rizal o Bulacan.
It just a card pero natutumbok nito ang ilang mas malalim na usapin. Gaya ng 1. wala kang ID kasi baka bahagi ka ng informal sector na usually vendors, construction worker, magsasaka, etc. 2. Baka hindi ka regular o talang employee ng inyong kompanya? Kasi bakit nga naman walang inisyu sa iyo na ID ang iyong kompanya? 3. Baka hindi mo alam ang halaga ng Identity mo. Understandable naman na hindi nadadala ang ID palagi lalo na nga kung walang paggagamitan. Pero kung nagta-travel ka na malayo o malapit ay mainam po na magkaroon ng ID.
For safety and security purposes din po ito:
- especially in case of medical emergency na wala namang makakakilala sa iyo. May matatawagan na iyong kamag-anak, que conscious ka o hindi noong point na yun.
- in case of calamity/ crime- may proof ka at guards/authorities na nandoon ka sa place na yun.
- in case of important transaction- kapag nasa business/ government offices isa sa mahalagang bagay na i-build ay trust. Ang trust na iyon ay maibibigay sa iyo kung ipinapakilala mo ng pormal ang iyong sarili.
Kahalagahan ng reliable internet. Dahil work from home ang uso ngayon importante ang internet. Hindi lang mayroon kundi reliable at hindi mabagal
Para sa tips sa work from home or telecommuting narito ang aking mga posts:
- Issues in Working From Home in the Philippines
- Life Lessons from being a freelancer
- Facts about Working from Home 1
- Facts about Telecommuting 2
Halaga ng budgeting hindi lang sa pera, kundi sa pagbili ng pangunahing pangangailangan. Noong nag-grocery ako sa isang pamilihan sa Commonwealth ay marami nga ang nagpa-panic buying. Halos wala ng laman ang lalagyan ng mga delata pagkain at alcohol. Ang tanong lang ay magagamit kaya ng mga sobra-sobrang mamili ang kanilang napamili? Paano nila natukoy na iyon ang kanilang kailangan?
Dito ko naisip na makakatulong talaga ang vegetable garden o puno ng prutas. Ang pagiging sanay sa pagkain ng basic at mura pero nakakabusog na pagkain gaya ng kamote, saba, bagoong isda, at buro.
At pagkakaroon ng emergency fund at ipon. Ang hirap isipin na namomoroblema ka sa kalusugan pero kailangan mong maghanap-buhay. Kailangan na kailangan kahit may peligro dahil wala ka naman ekstrang naitabi para sa iyo at iyong pamilya.
Opo hindi ito ang panahon para isipin ito, pero magandang magsilbing aral ang COVID19/ Quarantine na maging maayos sa paghawak ng pera. Kasi nga hindi natin alam kung kailan, gaano katagal, at gaano katindi ang epekto ng ganitong krisis. Opo baka kahit may emergency fund ay madali rin itong mauubos, pero kahit papaano ay magiging kutson ito para makagawa ka pa ng ibang paraan bago tuluyang masaid ang iyiong mga pangangailangan.
Ang mga ito ay ilan lang po sa mga aral at ideya na aking nasagap sa kasagsagan ngayon ng COVID 19 at enhanced community quarantine. Panalangin ko po ang kaligtasan ng lahat sa sakit na ito, naway gumaling na ang mga nagpositibo at makontrol o ma-treat na ito. Hindi lamang sa Metro Manila, Luzon o Pilipinas kundi sa buong Mundo.
Mabuhay at Ingat po.