Nagandahan ako sa pagkakagawa ng Kid Kulafu ni direk Paul Soriano. Kaya isang factor yan ba’t ko pinanood ang Dukot. Subalit, ang main reason ba’t ako mas lalo pang ginanahan ay dahil kay Enrique Gil. Biruin mo si Quen nasa independent suspense thriller film?
Sa lahat ng sikat na love team ngayon, ang LizQuen (Liza Soberano and Enrique) na lang ang hindi ko napapanood sa big screen ( oo napanood ko na ang Jadine, KathNiel at AlDub). Kaya ito rin ang first time ko mapanod sa sinehan si Enrique at buo. Sa video clips sa Youtube ko lang napapanood ang Forevermore at Dolce Amore. Busy lang sa buhay. Anyway…
The Simple Plot, but thought-provoking
Alam ko na iikot sa kidnapping ang istorya at indie movie ito. Ibig sabihin, may ini-expect na akong klase ng atake ng mga shots, story, at hindi enggrande ang setting. Ang maganda sa Dukot ( in-imagine ko Filipino version siya ng Taken ni Liam Neeson pero hindi) ay may tamang timpla na kahit ang babaeng gaya ko ay hindi mabibigatan sa action at drama. I guess, yun din ang kinakatakutan ng mga Pinoy pagdating sa panonood ng indie- mabigat at dark drama. Para bang nakakapanood na rin sila ng teleserye o totoong reality show. Sa Dukot, mapapa “oo nga no ka” dahil nadala ka sa frustration ng taong biktima ng kidnapping.
Favorite ko yung final scene sa hospital, maaawa kayo kay Quen at madadama mo ang yakap-hinagpis ni Ricky Davao. Tapos may background music pa. awwwww!
Well-established characters and effective performances
- Ang pinakagusto kong character ay si Mr. Charlie Sandoval ni Ricky Davao. Sa simula iisipin mo napaka-gray ng character niya at wala s’yang paki kay Carlo ( Quen). At ang transformation ng character n’ya hindi cheesy o pilit, kundi may puso. Makikita mo na lalaki lang s’yang nadala sa mabigat na dahilan at nagpakabulag sa mali para magawa ang tingin nyang tama. Iyon nga lang wala ngang
envelopelihim ‘na di nabubunyag lalo na sa crucial moment. Pero *&^%$# dama ko ang frustration n’ya mula Quiapo hanggang hospital. Alam ko na kahit sinong amang gaya niya will feel the same emotion. Na kung sana may superpower na lang ako para matulungan ko siya. ganern!
- Pinupuri ko ang artista na tsina-challenge ang kanyang talento, anu man ang kalabasan. Let’s face it, que tumabo ito o hindi sa takilya may something na tayong maalala about Enrique Gil and he’s versatile. For a 24-year old actor na tama na he should try different roles to widen his scope, while he’s so popular para many will notice (marketing). Kung tama ang analogy ko, halos same sila ni Piolo Pascual.
Sa henerasyon ni Papa P, talagang iilan o siya na lang ata ang sikat. Oo maybe he’s not as hot (popularity) as before, but we acknowledge that he’s also popular being a good actor. Why? Kasi as early as the time ng kasikatan pa ng tandem nila ni Judy Ann Santos ay gumagawa na s’ya ng iba-ibang proyekto. Naka-jackpot siya sa Dekada 70.
Kung pupunta naman tayo pagganap at character ni Enrique ay definitely, makikita natin ang naiibang Quen at nakapag-deliver siya. Although, hindi pa ito something na pang-award (pero malay natin di ba?). On the other hand, iniisip ko rin kung bakit parang ‘di maaksyon iyong galaw n’ya as a kidnap victim? Parang paawa na matalino naman at mahina pero malakas din naman. Pero oo nga pala, binanggit ni Carlo na 17-years old siya. It would be surprising kung masyado naman siyang palaban o nakikipagsabayan, knowing na veteran na hoodlum ang mga dumukot sa kanya. Don’t worry mayroon siyang makabasag ulong bawi. Hohoho. Isa lang ang di ako makapaniwala, parang balik-ayos ang hair n’ya kahit ilang araw na di naliligo. Aminin, nagpa-salon, hot oil or nag-rejoice. 😉
- Medyo predictable ang karakter ni Christopher de Leon bilang si Manong, the kidnapper or Shotgun Johnny. Isang beses lang ako nag-alangan sa kanya pero nung sunod-sunod na ang pagbibigay n’ya ng
pagkainrason, ‘la na. Tapos siya rin pala tumuloy sa________. Maganda ang istorya at hinanakit sa buhay ni Manong – Happy Father’s Day pag-uwi mo sa Cebu ha!
- Hindi ako fan ni Shaina, wala pa akong nakitang stunning performance niya na napabilib ako. PERO nadama ko ang pagka-ate n’ya rito, ang kanyang maturity, at hinagpis nung binasted siya ni kidnapper Ping.
- Ang gusto ko sa lahat ng kidnapper ay si Ping Medina. Ang cool ng background story n’ya! Alam mong kaya n’yang tomodas ng tao at sanay s’ya sa ganung gawain. Pero naipakita n’ya na kidnapper man ay pumapamilya rin at sipsip din kay lola. And sorry Alex Medina (Jimbo), mas crispy at creamy ang timing nang P.I. ni Ping hehehe.
The young filmmaker Direk Paul Soriano
After nitong Dukot, I think fan na ako ni Dir. Paul as a filmmaker. Why?
- Wala siyang takot na maglabas ng independent film at istoryang unconventional
- Pag nakikita ko yung pre and post prod photos and final output ng movie n’ya ay parang gusto ko na rin maging filmmaker. For his age (34 –year old), writer-director na s’ya. producer pa (Ten17). Sarap din kasing isipin na malaya and in control ka sa iyong artistry at klase ng pelikula.
- Nabibigyan ng chance ang mga artistang uhaw o kailangan ng acting piece gaya nina Maja Salvador ( Thelma) at Buboy Villar ( Kid Kulafu). Sana sunod sina Kim Chiu, Rhian Ramos, Kylie Padilla, Marian Rivera, Angel Locsin, Nash Aguas, Miguel Tanfelix, Julie Ann San Jose, and Christian Bautista?
- So far, gusto ko atake n’ya as a director. Dito sa Dukot ay mahusay ang kanyang pagkakalahad at klaro. Yung mga simpleng bagay at aura ay nabigyan n’ya ng ningning. May mga shaky and super tight shots pero hindi yun problema for me kasi parang mas napapalapit ka sa emosyon na ng karakter.
- Cinematic nga ang mga pagsilay ni Quen sa mga butas ng dingding at sa pinto. Ganun din naman yung pagtutok ni Boyet ng baril sa kanya.
- As a writer, talent n’ya ata humugot ng soft side sa hard core and realistic events.
- As a producer, mabuhay at sana di ka magsawa.
Ratings: 4 out 5 stars.
Pingback: Top Things in My Bucket List: 29 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE – kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI