Anak ng pating, what’s the matter if fishes die?


Pamilyar lamang ako sa tipo ng tugtugan ni Joey Ayala pero kung may isang stanza ng kanta n’ya na laging tumugtog sa alaala ko ay ito “ang lahat ng bagay ay magkaugnay.” Ito rin ang linyang nag-fade in and fade out sa akin, habang nakikinig ako sa talk ni AA Yaptinchay ng Marine Wildlife Watch of the Philippines tungkol sa Philippine Biodiversity, Ecology, at Thresher Sharks. I-imagine mo na ito ang tugtog  habang binabasa mo ang comprehensive analysis ko.SaveThresherTala PhSayYes cammpaign by hitokirihoshi

Comprehensive Analysis on Importance of Ecology and Philippine Biodiversity

Busy ang mga tao sa socio-political issues, at viral news, why bother to think about sharks? Oo alam natin na mabuti ang maging makakalikasan pero paano natin bibigyang pansin ang isyu na  hindi napapanood sa TV at parang wala namang direct effect sa araw-araw ng ating buhay.

Subalit, ang environment ay hindi lamang isyu kundi bahagi mismo ng ating buhay. Parang paghinga na  dahil natural  at casual na  ginagawa ay hindi na binibigyan ng pansin. Ito ay maliban na siguro kung may  hika o may dinaramdam na gaya ng lung cancer.  Ang mga pating o iba pang wild animals sa ibabaw ng lupa at ilalim man ng dagat ay may direct and indirect effects sa ating buhay.

1. Poor livelihood = Poverty

Sa Maynila, pumunta ka lamang sa palengke o supermarket ay makakabili ka na ng isda.  Isa pa’y we have options to create multiple income streams, especially with the advent of online selling and freelancing. Back in the province, ang tangi o pinakaikinabubuhay lamang ay ang pangingisda. Hindi ito business, kundi livelihood to sustain their daily needs.

Nakakita at nakakausap na ako ng mga mangingisda sa Pundaquit (Zambales) at Baler (Aurora).  Fishermen there sail  before sunrise (around 3-5 am) and see to it that they are already in the shore before everyone’s breakfast time. Sa magkanong halaga? Sa halagang ikakatuwa ng mga taga-Maynila. Yung halagang nabibili mo per kilo, doon ay baka per timba na presyong mas mababa pa sa palengke.

Baler, Aurora

Baler, Aurora

2. No Business, no Employment

Bukod sa mga mangingisda ay marami pang trabaho ang nagagawa nang mainam at malusog na karagatan. Alam mo ba kung paanong nakakarating sa mga palengke ang mga isdang nahuhuli sa iba’t ibang lalawigan?  Isa roon ay pagti-trade sa Fishport.   Karamihan ng mga pamilihan sa Metro Manila ay sa Navotas Fish Port kumukuha. Ang usapan ng bilihan doon ay per banyera at kung nandoon kayo makikita n’yo na parang pang- stock market ang kaganapan.  Uso doon ang “bulungan” o bidding ng mga wholesaler at retailer.  Ilan sa nabibigyan ng trabaho dahil sa mga huling isda  ay gaya ng kargador, wholesalers at ang kanilang mga tauhan, mga retailers,  taga-deliver at iba pang transportation-related businesses, at mga establisyemento sa paligid.  Katunayan ay may tinatawag na “bakaw” doon o mga batang humihingi/ nagtatabi ng mga nalaglag na isda sa paligid para kanilang ibenta o dalhin sa kanilang pamilya.

Tanggalin natin ang mga isda sa dagat. Mawawala ang isda sa Bangka, fish port, palengke, at kahit sa lata ng sardinas. Walang huli, walang negosyo, walang trabaho at lalo ng walang kita?  Balik tayo sa usapan ng kahirapan.  Sa Pundaquit kahit simple at maliit lang kinikita ng mga fisher folks  doon ay walang nakawan. Nasubukan kong iwan ang lahat ng gadgets ko. Walang nawala at buong-buo yung bag na naiwan at nadatnan ko.

Patalastas

Pundaquit, Zambales

Pundaquit, Zambales

3. Booming Tourism means more business, more jobs, and lower  poverty level

Noong nag-trip to South Korea kami ni Mhona, nag-stay kami sa hostel na kami lang ang Pinoy. Kapag may nakakasabay kaming kumain sa dining table, ang lagi kong tanong ay what to do you know about the Philippines?  Oo, 3 out of 5 na tinanong ko ay beaches ang kanilang alam o tanging alam.  Tingin n’yo pupunta lang ang mga foreigners sa Boracay, Palawan, Baler, Cebu, La Union at iba pa para lang magtampisaw sa tubig?  Siyempre trip din nila ang iba’ ibang water activities gaya ng surfing, banana boat, island hopping, scuba diving, snorkeling, at iba pa.  Sa Boracay, may tinatawag na helmet diving at sa Cebu ay submarine trip para makita ng mga tao ang ilalalim ng dagat kahit di sila maalam lumangoy. Hindi mag-bo-boom ang mga ganitong interesting activities kung ang makikita under the sea ay lalamya-lamyang mga isda at floating basura, instead of squids and jelly fishes. ‘Di ba?

Talking about Tourism and thresher sharks, ang dalawang ito ay malaking ambag sa kabuhayan ng mga taga- Malapascua Island.  Kung hindi mo pa nababasa ang tungkol dito, tanging sa Pilipinas lang makaka-dive ang mga tao na kung saan sila makakakita ng mga pating buong taon.  Sa Oslo, Cebu ay butanding pa nga ang nakikita ng mga turista.  Ngayon tanggalin natin muli ang mga isda at halimbawang mawalan ng balanse sa ecology… baka iba ang lagay ng ating turismo.  Maraming report ang nakakapagpatunay na malaki ang naiambag ng tourism industry sa Philippine economy.  Ayon sa report ng Philippine Star, 7.8% kita ang naiambag ng tourism industry sa Philippine economy in 2014.   Again, sa mausbong na turismo ay may mabubuo at aalagwang negosyo at trabaho.

Back in Puerto Princesa Palawan… Sundan ang part 2 😉

[hana-code-insert name=’Palawan Travel Book’ /]

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

One thought on “Anak ng pating, what’s the matter if fishes die?