Movie Review: Barcelona, A Love Untold


Ang Barcelona: A Love Untold ay ang ikalawang movie na napanood ko ang KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla). Na-curious ako sa “mas mature o seryoso” raw at dinirek ni Olive Lamasan. After manood ng movie, may napatunayan ako na una kong napansin sa She’s Dating the Gangster.

The not good sides of Barcelona A Love Untold

Convoluted / missing spot in Ely’s Story – isa sa maipupuri ko sa Barcelona: A love Untold ay ang napakarami nitong hugot lines. Iyon lang sa dami ata at doon ang focus ay parang nagkabuhol-buhol at nakagulo sa pagkakadugtong-dugtong ng mga pangyayari at elemento sa storyline. Masyadong complicated ang sanang simple pero mabigat na story ni Ely ( Daniel Padilla). Hindi ko sinasabing ganoon kapangit, pero para sa akin masyadong mabigat ang pasanin ni Ely para sa apat na magkaibang issue n’ya sa buhay.

  • Alam natin na nahihirapan s’ya makapag-move on sa ex niyang si Celine
  • and then malalaman natin na may hinanakit din s’ya sa kanyang Mommy.  Bukod sa magkaiba iyon, hindi rin siya na-connect nang maigi sa pagkaka-establish ng character ni Ely. Parang may missing spot.barcelona-a-love-untold-movie-ticket
  • Need yung suportahan family nya sa Pinas
  • at ayaw n’ya sa college course n’ya

Pumunta si Ely ng Barcelona para sa something n’ya kay Celine (The Ex) – okay klaro yun. Tapos pagdating doon pinagbigyan n’ya lang din pala ang mother n’ya na nandoon, pero ayaw naman n’yang makita? Pini-pursue n’ya ang larangan na ayaw pala n’ya pero para sa taong wala na sa buhay n’ya?  Alam mo yung hinihintay ko na yung linya na “may mga ayaw ka noong una  pero sa bandang huli ay mahal mo na pala” … kaso wala.  Nag-aaral ba s’yang mabuti para kay Celine o kay Mother Belinda (Maria Isabel Lopez)? IMHO, ang nawawalang link ay nakaapekto ba sa relasyon n’ya kay Celine yung issue niya sa mother niya at ganun din ba kay Mia (The Present)?

Kung tatanggalin natin yung mother angle, puwede pa at klaro o kaya tanggalin na natin si Celine at baka bearable. Kung napadaan lang yung angle ni Celine, okay din e pero bumabad at pinaghugutan ng matindi.  Mas okay itong storyline kung ginawang teleserye o three-part movie (yung kagaya  sa movies nina John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo) para mas chewable.

 Unnecessary accessories – since mabigat na sa akin yung major and subplots kaya hindi ko na rin na-enjoy yung journey nina Ely at Mia sa paggawa ng pre-nup photos (tama ba ako?) But wait, di ba tourist guide lang sila paano nga sila napunta doon? O part iyon ng trabaho na ginagawa ng group ni Ely? Ewan, nadamihan ako sa paglalagay ng anu-anong anik eh iyong pagiging maid pa lang ni Mia mabigat na para magkalapit sila.

Tight shots – Hindi ko alam kung bakit mas naalala ko yung mga tight shots sa katawan at mukha ni Daniel kaysa sa mga views sa Barcelona. I am not complaining- maliban sa  babaeng sumipa sa upuan ko dahil kilig na kilig- alam ko naman guapo siya pero hindi ko napansin masyado ang ganda ng Barcelona dahil doon jejeje.  Iyan ay maliban sa Sagrada Familia, tulay somewhere, at mga building.  Mas nakaupo rin madalas sina Ely at Mia kapag nag-uusap. Nasayangan lang ako sa view, hindi ganito na-feel ko nung napanood ko ang She’s Dating… kung saan nagustuhan ko ang Albay, Hello Stranger (Thai Movie  feat. South Korea),  iba pa.

The beautiful parts of Olive Lamasan and KathNiel’s Barcelona

Mia’s story is engaging. Kung anong sala-salabat ng istorya ni Ely ay s’yang klaro ng story ni Mia. Masusundan mo kung paano dumating s’ya sa point na nasa Barcelona siya para tanggapin na mag-chamber maid at paano s’ya mapalapit ka Ely.  Maganda iyong dahilan ng paglalayas n’ya ng Pinas at iyong suicidal tendency n’ya. Pinakagusto kong shot ni Kathryn ay yung  sa subway kung saan rumehistro sa mukha n’ya ang takot at lungkot nung mag-attempt na s’ya. No need of dialogues nasa facial expression n’ya na lahat.barcelona-a-love-untold-movie-poster

Patalastas

Daniel’s acting – ito yung binabanggit ko na una kong napansin sa She’s Dating The Gangster. Daniel Padilla can deliver sa role na hiningi sa kanya. At ang gusto ko rito sa pagganap n’ya kay Ely ay hindi ko matandaan na napanood ko na ito noon.  Ang nakikita ko ay si Daniel bilang si Ely sa masalimuot n’yang buhay.  May punch din ang bitaw din n’ya ng mga linya at parang kapani-paniwala na hindi  n’ya trip si Mia. Hindi ko nakikita si Daniel na close kay Kathryn, kundi si Ely sa masalimuot n’yang buhay 😛

Dialogues – gaya rin ng nabanggit ko ay maraming panalong dialogues sa film. Ilan sa nagustuhan ko (kung tama ang alala ko) ay  “mag-ingat ka, mahirap magmahal ng di pa tapos magmahal ng iba” na binatawan ni Insiang (Aiko Melendez) at “para tumigil ang walang katapusang sana” ni Ely,

Joshua Garcia – Ngayon ko lang napanood si Joshua at magaling pala s’ya sa comedy. Actually trip ko lahat ng scene nila ni Aiko.  Dama mo iyong pagiging maloko n’ya.  Favorite scene ko sa kanya ay nung ginagaya n’ya ang laman ng diary ni Mia. Okay din s’ya sa drama, hindi OA o UA sakto!

Aiko Melendez – Hindi ko alam kung dahil ito sa exposure, pero oo among the adult supporting cast mas pansin si Aiko.  Naalala ko lang yung acting n’ya sa Maalaala Mo Kaya the Movie.

Overall okay naman ang movie at mabuti  nakapagbigay naman ng justice ang mga bida.  Si Kathryn  mahusay sa facial expression  at si Daniel malaki ang potential sa drama. Talagang may imbalance lang sa story at ito ang film  sa mga  napanood ko ( Madrasta, Maalaala Mo Kaya, Got 2 Believe, at Milan) ni Direk Olive Lamasan na nakumplikaduhan ako sa pagkakalahad.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.