Bagaman masarap ang nakakatanggap ng bigay, iba rin ang saya na maging financially independent. Mas malakas ang loob, may freedom, at hindi nakaka-guilty na pagbigyan ang trip mo. Siyempre kasama d’yan yung pride na may “power” ka at hindi ka nang-aabala ng ibang tao. Paano nga ba mas madali ang magsarili?
Why millenials want to be independent?
Madalas ko naririnig ang term na “gusto ko nang maging independent” sa atat umalis na sa poder ng magulang at sa mga mag-aasawa na gusto ng magsarili ng bahay malayo sa kontrabidang biyenan :P. Pero que single ka, pamilyado o may sabit este breadwinner, hindi magiging madali ang magsarili kung hindi ka rin financially able. Katunayan, hindi natin mare-reach ang ultimate goal na financial peace o financial freedom kung hindi muna tayo financially stable at financially independent ‘di ba?
Ano ang kapalit ng pera mo?
Sa post kong 5 Money Mistakes of Pinoy Yuppies ay nabanggit ko ang ilan sa naobserbahan kong mindsets or behaviors ng millenials (Generation Y) o sige kahit pa sa Generation X at Baby Boomers. Hindi ba’t nakakapagtaka na sa dami ng matatalino, okay naman ang sahod, regular sa trabaho at take note, Single, ay nabubuhay pa rin sa paycheck to paycheck lifestyle. Siempre kung magpapamilya na ay lala pa ito, tipong goodbye financially able na, hello pa sa financial woes.
Kung tutuusin talaga ay may edge ang tayong millennials dahil sa technology at social media, puwedeng-puwede tayong maging well-informed at empowered. But of course, mangyayari ito kung gagamitin ang mga medium na ito sa tama at para sa mabuting goals. Gaya rin ito ng money, nilakha ito bilang tool para magamit sa tama at para sa magandang goals o tinatawag natin life goals. Hindi ginawa ang pera para basta panggastos (for spending), kundi “pangpalit’ (for exchanging or trading).
Kung babalikan nga natin ang history, ang pera ay ang alternatibo sa barter system na ang trading produkto sa produkto. So halimbawa gusto mo ng pitong gatang na bigas, ang ibibigay mo ay tatlong bibe na kumakwak-kwak? Charr! Siyempre nakitaan ng butas ang barter system, kasi ano ba ang halaga ng bibe at butil ng bigas ‘di ba?
What’s the essence of being financially independent?
Sa modernong panahon ay parang may mga taong galit sa pera. Iyong parang ayaw na may laman ang wallet o bank account. Kapag may pera kailangan gastusin- ganern. Mabuti kung kailangan na kailangan o magagamit pero iyonng iba naitatambak lang din kapag nagtagal. Hindi bat magandang tool ang pera to exchange with “security,” “peace of mind,” “wellness,” at “enjoyment”? Puwede rin naman for “convenience” “entertainment” “craving,” at “fun.” Pero alam natin na ang huling apat ay short term lamang at kapag masyadong pinag-uukulan ay baka mawala na ang para sa iba pang mas mahahalagang life goals gaya ng
- security – insurance, money for expenses such as education, emergency fund etc.
- peace of mind – retirement, health, etc
- enjoyment – ability to afford things you like such as travels, business plans, house for you family, etc.
Kapag umabot ka na sa punto na kapag nagkasakit ka o sino sa pamilya mo, sipain ka man sa tinitirhan mo, puwedeng-puwede kang bumukod ng bahay, o mawalan ka ng trabaho/ kabuhayan pero HINDI ka kabado kahit for 3-12 months pa dahil may natabi kang pera- congrats! Ikaw ay may financial independence.
A tool for financial independence
Maraming paraan para maging independent (yes especially financial independent) at isa na roon ay ang pag-i-invest ng pera sa halip na gastos pagkakaroon ng investment vehicle. Kung di ka pa aware, ang mga investment vehicles na tinatawag ay share sa stock market, T bond, UITF, at mutual fund. Bagaman may “financial risk” din sa mga ito, pero hindi naman scam at mga kilalang company ang nag-o-offer. Nung nakaraan nga ay naka-attend ako sa MakeitMutual conference ng Sun Life Financial Asset Management na kung saan dinaluhan din ni Matteo Guidicelli. Sa mga susunod na araw ay mapanood sa isang vlog series produced by Sun Life ang award-winning car racer turned actor.
Ang Make It Mutual ay tungkol sa pag-i-invest sa mutual fund na pamamahalaan ng Sun Life. Ang mutual fund po ay isang investment vehicle kung saan ang pondo (fund), na mula sa investors, ay aalagaan ng isang magaling na fund manager. Ang fund manager ang bahala kung saan i-invest sa iba’t ibang na alam n’yang kikita ang pera ng mga investors. Bagay na bagay ang mutual fund sa mga working class, millenials, OFWs at sino pa mang busy sa work dahil hindi nila kailangan palaging i-monitor. Ang fund manager ang bahala at ang company ang magbibigay ng access sa mga investors kung paano nila sisimulan, makukuha, makikita ang update, at kung ano ideal na gawin.
Para sa iba pang info tungkol sa #MakeitMutual o Mutual Fund campaign ng Sun Life narito ang aking mga videos
Paano ang frequency ng pag-i-invest?
Easy to withdraw for emergency?
Matteo Guidecilli’s experience Mutual Fund Investment
(R-L ) Gerald Bautista (GB), Head of Bank & Alternative Distribution Channel for Sun Life Asset Mgt. Co., Inc. (SLAMCI); Matteo Guidicelli, and Mylene Lopa, Chief Operating Officer of Sun Life Financial
Yeah! Maraming noypi talaga ang mistulang galit sa pera :p