7 Movies that teach about Money Management


Ang movies ay salamin ng buhay, kaya kahit ano pang genre ay dadalhin tayo ng mga ito sa ating katotohanan. Bibigyan din tayo ng  inspirasyon at tips sa iba’t ibang paksa gaya tungkol sa career, business, o finances.  Narito ang pito sa mga napanood kong movies na nakapagturo sa akin at posible rin sa iyo tungkol sa money management o anumang financial issues:

Reality Bites starring Winona Ryder, directed by Ben Stiller

Noong bata ako ay naalala ko na pinapanood ito ng kuya kong cinephile rin.  Eh may time nagmura ang bentahan ng mga original VCD (transition sa DVD at digital) kaya bumili ako ng mga old films at isa rito ang Reality Bites. Ang Reality Bites ay 1994 films na pinagbibidahan ni Winona Ryder, na sikat noong kapanahunan n’ya, at directorial debut ni Ben Stiller.  I’m glad na nakabili ako dahil kahit pang-Generation X struggles ito ay marami akong natutuhan gaya sa career at money management.

Treat problems with solutions, not with excuses and blame game

May isang point dito na natanggal sa trabaho si Lelaina Pierce (Winona) at ang pinagbalingan niya ay komunsulta sa manghuhula sa TV. Iyong pagtawag doon ay may bayad, so kakatelebabad ni ateng ay lomobo ang telephone bills nila.  Kaya inaway siya ng kanyang mga kaibigan na kasama n’ya sa apartment.

Maging madiskarte, Earn using what you have

Walang work at parang hirap makahiram ng pera si Leilana, eh may gas card na binigay ang Daddy n’ya.  Ito ang naisip n’ya para makapag-generate ng cash ng mabilisan.  Paano?

( for reference 1st Video⇓ )

Tumambay s’ya sa mga gas stations at ino-offer na sa kanya na lang magbayad ng cash yung mga nagpapa-gas.   Siempre hindi tama solusyon n’ya kasi ang magsa-suffer ay ang Daddy niya. Pero tama ang umaksyon at umiisip ng diskarte para magkapera, kaysa magmukmok.

Honor Thy Father starring John Lloyd Cruz

Ang Honor Thy Father ay ang 2015 controversial film na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz at directed by Erik Matti.  Pero hindi lang ito interesting dahil sa pagka-disqualify nito sa Best Picture category sa 41st Metro Manila Film Festival.   Interesante ito dahil sa mismong content nito gaya tungkol sa investing at Ponzi Scheme.

Patalastas

 Be careful where you invest your money 

Nagsimula ang kalbaryo sa pamilya ni Edgar (John Lloyd) nang bumagsak ang networking/ Ponzi scheme  ng kanyang asawang si Kaye (Meryl Soriano).  Dahil  karamihan sa mga investors ay ka-church nila, nasira ang kanilang reputasyon, samahan, at kanilang buhay.  Umabot na sumubok magnakaw si Edgar sa bangko at mag-acetylene gang s’ya maisalba n’ya lang ang buhay ng kanyang mag-ina. ( 2nd video ⇓)

So ang moral of the story ay be careful sa investment na i-offer mo o kukunin mo. It’s not about trust, but practical reasons and calculated risk. Sabi nga ni Chinkee Tan:

NEVER INVEST IN SOMETHING YOU DON’T UNDERSTAND NO MATTER HOW PROFITABLE IT MAYBE.

Confessions of a Shopaholic starring Isla Fisher

Title pa lang ay madali ng makuha kung saan o kanino tatakbo ang istorya ng 2009 film na ito, na pinagbibidahan ni Isla Fisher at Hugh Dancy, at dinirek ni P.J. Hogan. Pero hindi lamang ito tungkol sa consequences ng impulsive buying, kundi iresponsableng paggamit ng credit card.

Use Credit wisely or don’t use  it at all.

Dahil lomobo na ang kanyang credit card debt ay napilitan ng magtago ni Rebecca Bloomwood (Isla) sa kanyang debt collector. Dito na rin nagsimula ang kanyang adventure and misfortunes na sumira sa kanyang career, friendship, at self-esteem. ( 3rd video ⇓)

shopping galore?!

Everything About Her starring Vilma Santos and Angel Locsin

Wala akong chance na mapanood  ang Everything about Her starring Angel Locsin, Xian Lim, at Vilma Santos  at dinirek ni Bb. Joyce Bernal  sa sinehan. Kaya mabuti na lang mayroon sa KBO (TV Plus) at nakita ko yung execution at iba pang laman ng movie. Isa na nga roon ang katotohanan na…

Death/ medical emergency is part of life so insurance should be part of your money management.

Well base pa lang sa trailer ( 4th Video⇓) ay given na may cancer si Vivian (Vilma) at may chance talaga na matigok s’ya.  Pero  baka isipin natin na “ah mayaman naman ‘yon” o “money can’t solve everything like death.”

a photo with angel

Pero may isang eksena na pinagsabihan ni Vivian si Jaica (Angel) na ayusin nito ang kanyang finances at kasama na roon ang insurance.  Talagang nanggaling  sa kanyang  nakikipaglaban sa cancer at iiwan ang kanyang yaman sa earth?  Pero tama siya  dahil ‘pag mamamatay ka hindi ka naman itatapon lang at mabubulok nang ganon-ganoon lang. Habang may sakit ka may bills at gamutan.  Kapag namatay ka ay mayroon kang iiwang pamilya.  Dapat ipanood ng mga insurance agent itong movie na ito sa mga clients nila, hehehe.

Julie and Julia starring Amy Adams and Meryl Streep

Ang cooking at blogging ang paksa sa 2009 film based on true to life stories nina  Julie Powell (Amy Adams) at  Julia Child ( Meryl Streep), na dinirek ni Norah Ephron. Hindi man ako mahilig magluto, pero alam ko at marami akong kakilala na passion ang pagluluto. Sa blogging siempre ay relate na relate ako at naniniwala ako na pag-combine ng dalawang passions na ito ay awesome, especially if you want to earn money.

Make money from something you’re passionate to do and expect rewards

Hindi na masaya sa kanyang work si Julie nang maisipan n’ya ang kanyang The Julie/Julia Project. Ito ay pagdodokumentaryo (blogging) ng kanyang pagluluto ng 524 recipe mula sa cooking book ng kanyang idolong si Julia Child.  Ang tangi niyang motivation ay i-pursue ang kanyang passion kahit mahirap. Eventually ay pumatok ang kanyang proyekto. Hanggang sa alukin siya na gawin libro (Julie and Julia: 365 Days, 524 Recipes, 1 Tiny Apartment Kitchen o Julie and Julia: My Year of Cooking Dangerously) ang kanyang journey.  Dito na lalo pa umarangkada ang kanyang career at maiba ang kanyang buhay. ( 5th Video ⇓)

food trip @ Love Dessert

A Second Chance starring John Lloyd Cruz and Bea Alonzo

Ang Second Chance ay ang sequel ng box office hit and cult classic na One More Chance na pinagbibidahan  nina John Lloyd Cruz  at Bea Alonzo.  Ang setting nito ay 7 years after nang ikasal sila so ang takbo ng movie ay tungkol sa  marriage life struggle nila at kasama na nga rito ang katotohanan na…

You mindset/ attitude affects your business.

Maganda ang tandem nina Engr. Popoy (JLC) at Arch. Basha (Bea) para sa kanilang family business na Gonzales and Gonzales firm. Pero minsan ang problema nila ay um-attitude si Popoy dahil sa kanyang pagiging idealistic.  Mabuti na lang  marunong si Basha to compromise and negotiate. Eh kaso need n’yang magpahinga para magka-baby Gonzales, so ang business ay naiwan kay Popoy. Nahirapan si Koyah kasi hindi na nga ito engineering matter  lang,  kailangan n’yang manligaw ng clients, mag-secure ng good qualities of work,  pag-aalaga ng mga tauhan,  at paghawak ng pera etc-etc.  Eh hindi na nga kinakaya , nagbisyo pa ang mokong!

Money matter is a family matter.

Ang repercussion ng attitude problem ni Popoy ay hindi lang nakaapekto sa  business at finances nila ni Basha, kundi overall sa kanilang pagsasama.  Palagi na silang nag-aaway, bumaba na pagtingin nila sa kanilang sarili, at unti-unti ay nagiging idea na maghiwalay na sila ng landas. Yung  hiwalay na isara na ang company, magtrabaho na lang sa ibang bansa si Popoy, at lumamlam ang kanilang pagmamahalan ( 6th video⇓)

Yes Man starring Jim Carrey, directed by Peyton Reed

Knowing si Jim Carrey ang bida, madaling i-conclude na comedy ang 2008 film ito na ang isa sa sidekick ay si Bradley Cooper at leading lady ay si Zooey Deschanel.  Pero isa ito sa mga intelihenteng comedy story na napanood ko. Ang plot kasi ay kailangan mag-yes si Carl Allen (Carrey) sa bagay-bagay sa buhay ayon sa isang covenant. Iyong pagsasabi n’ya ng “Oo” ay nagpabago ng kanyang pagiging negatibo at nagbigay sa kanya ng ilang kasiyahan, kasama na rito ang new love life niya na si Allison (Zooey).    Pero…

Learn when to when to say no

Actually wala akong matandaan na eksena na direktang tumukoy sa money o business sa movie. Pero ang aral ang plot  ay applicable din sa career, business, at money management.  Totoo na nabago ang perspektibo ni Carl dahil sa palagi n’yang pagye-Yes sa mga nagre-request sa kanya.  Iyon lang dahil sobra-sobra na ito at maka-Oo lang ay nauwi ito  sa mismanagement, confusion, broken promises, at tangled consequences.  So walang masama mag-“say no” kung ang ibig sabihin nito ay pag-yes mo sa mas may kalidad at mahalagang bagay/ tao. Kung ang “no” na ito ay dapat at totoo.  ( 7th Video ⇓)

1 Reality Bites gas card scene

2 Honor Thy Father Trailer

3 Confessions of Shopaholic

4 Everything about her trailer

5 Julie & Julia Trailer

6 A Second Chance – confrontation scene

7 Yes Man trailer



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.