Ilang beses na akong napadpad para mag-shopping sa Divisoria at mag- travel sa Intramuros, pero itong December ay ako naman ang naging guide sa isang teenager named Rica. Natuwa s’ya at napatunayan ko na malayo ang mararating ang Php 2,000 n’ya.
What is Divisoria?
Bilihan ng murang kagamitan in Metro Manila, ito talaga ang ideya ko at realitiskong pagsasalarawan sa mataong lugar na ito. Siyempre mas kilala itong Shopping Mecca in the Philippines. Kung kailangan mo ng school supplies, costumes, kasangkapan sa bahay, kagamitan na pambata, party needs, gamit sa iyong resto, gamit sa iyong shop, pangregalo sa anuman okasyon, paninda sa iyong business, materyales sa iyong art & crafts, at siempre damit ay go-go-go ka sa Divisoria. Sa laki nito na may sulok-sulok pa ay medyo malabong hindi mo makita ang hinahanap mo.
Itong mga nabanggit ko ay iyong bagay pa lang na nasubukan kong mabili. Ang pinakamadalas kong dahilan para mag-Divisoria ay pam-Pasko (regalo/dekorasyon), pang-school (pasukan), at party needs na usually mga pang souvenir and decors. May pinsan ako from Davao na dito pa talaga namimili ng panindang damit.
Paano papuntang Divisoria?
Linggo kami nagkasundo na umalis ni Rica kasi ‘yon ang free time namin at hindi mahirap mag-commute…basta makalabas ka na ng Divisoria district. In-anticipate ko na ang maraming tao dahil December at Linggo kaya lagpas 5am ay umalis na kami ng bahay. Mabilis naman ang biyahe sa dalawang sakay namin.
Travel By Bus/ FX/ Jeep. Nag-bus kami pa – Quiapo at bumaba kami sa Morayta (2-3 kanto/ street)mula sa University of Sto. Tomas. Tawid sa foot bridge, bumaba sa kanang bahagi, at lumakad pa-direksyon ng Morayta o Nicanor Reyes Street. Sa kanto noon (hindi na tatawid) nakapila ang mga jeep pa-Divisoria.
Para sigurado, magtanong ka na rin saan ang pila kasi may jeep pa-puntang Gastambide at Mendiola roon. Maguguluhan ka lalo na kung may pasok ang mga taga-Ubelt.
Kung manggagaling ka ng Caloocan o SM North ay may jeep ata na diretso ng Divisoria. I am not sure kasi parang nakakita lang ako once noong nandoon ako sa mga area na iyon.
Travel by Foot. This time ay nasubukan naming lakarin mula Divisoria to Quiapo. So ire-reverse ko lang para sa iyo, kung manggagaling ka naman ng Quiapo. Heads-up na medyo mahaba ito kaya puwedeng hindi advisable kung mainit, may sakit, at may mabigat na dala. Ginawa lang din namin ito kasi may bibilhin ako sa Avenida area at sanay kaming maglakad nang malayo.
Saka sa haba at pasikot-sikot na daanan ay baka may alam kang kalye na mas lalapit ka. Gaya halimbawa sa may Binondo Church o Sta. Cruz Area na may dumadaan na jeep, bus Check my Hitokirihoshi Wise map from Quiapo going to Divisoria.
Remember na pinangalanan ko lang yung dinaanan namin at ilang landmarks na makikita mo along the way. Hindi ibig sabihin nito na wala kang makikitang ibang street, landmarks at iba pa.
Tips in Philippines’ Shopping Mecca
Travel on a budget. Ang budget ko ay Php 1500 + Php 1000. Ang Php 1000 ay para sa pagiging personal shopper sideline ko sa kuya ko. Sa mga halagang ‘yan ay kasama na ang aming pamasahe. Gaya nang nabanggit ay may Php 2000 si Rica at siya ang bahala sa aming lunch.
Tip 1. Come prepared, Eat before you shop
I think one of the most practical shopping tips, especially in Divisoria, is to eat before you go there. Sa buong tanan ng pamimili ko dito, hihimatayin ka na lang sa gutom o stress bago ka makakain ng tanghalian. Kahit saan maraming tao lalo na sa food courts and food chains. Kung gusto mo makakain agad ay mapipilitan kang pumasok sa mamahaling resto or kumain ng kahit ano, malamanan lang ang t’yan mo.
–Mabuti rin na magdala ng eco/ sako/grocery bags na malaki at better kong may zipper o masasara. Ito ay para masiksik mo kung marami ng laman at hindi matapon.
–Okay din kung may tubig at calculator para hindi cp mo ang inilalabas mo sa daan .
–Wear your most comfortable outfit. Ako, nakatsinelas, nakapangbahay na t-shirt, jeans, at backpack lang ( iyong mukhang nautusan lang hehehe)
Tip 2. Suerte ng Bueno Mano
‘Pag sinundan mo ang travel by jeep namin from Morayta (o basta manggaling ka sa Recto at Rizal Avenue) ay pagkababa mo sa terminal ay ang makakakita ka na agad mga tindahan sa gitna ng daan. Tapos may iba’t ibang shopping malls sa paligid, una na d’yan ang pamosong Tutuban Mall , 999, D8, at 168 malls.
Dahil around 7am ay nasa Divisoria na kami ay sarado pa ang malls, pero magandang time iyon para mag-ikot sa mga nakapuwesto sa daan. Doon sa naniniwala sa suwerte ng Bueno mano (unang customer) ay mas pagbibigyan kang tumawad. Maigi lang ay kung prepared ka na barya ang iyong pera para hindi mabanas si seller at maibigay mo agad iyong halaga na itinatawad mo. Dagdag pa d’yan na mas ang flexible street vendors sa tawaran dahil mas mura ang kanilang puwesto. Yung denim jacket na gusto ni Rica ay Php 250 sa bangketa, habang nasa Php 350-380 sa mga mall. Ano pinagkaiba sa brand at quality? Parang wala naman.
Maigi rin na maaga dahil pagpatak pa lang ng 11 am ay nagsisimula na ang human traffic at pasikip na ng pasikip ang mga daan. Basta maluwag ata ang daan ay may pupuwesto at pupuwestong magtitinda. Dagdag pa doon iyong mga nagdadaan na sasakyan.
Tip 3. Discount in buying 2+ items
Well alam naman natin na iba ang presyuhan ng tingi (retail) at bultuhan (bulk / wholesale). Pero bakit ka naman bibili ng marami kung ‘di mo naman kailangan ‘di ba? So dito papasok yung kasama mo. Kung dalawa kayo bibili sa isang stall at dalawa o higit pa ang bibilhin ninyo ay nakakalakas ng loob na makipagtawaran.
Sa loob ng mall ay puede ka rin namang tumawad, basta nga marami ka naman bibilhin. Iyong binili kong red transparent plastic pouch ay mula Php 20 ay natawaran ko ng Php 12 dahil 15 pieces ang kinuha ko.
Tips 4: If you’re doubting, then don’t buy it
Nakakapanghinayang na hindi nabili iyong gusto mo sa Divisoria. Pero mas nakakapanghinayang iyong nabili mo pero hindi pala magagamit. So ang advice ko kay Rica, kung nagdadalawang-isip s’ya ay huwag ng bilhin. Bakit? Kasi no return, no exchange!
Kapag may problema ay malabo kaming makabalik agad para papalitan. Kung sa kalye pa nabili ay walang resibo at wala assurance na nandoon pa yung puesto/vendors.
Isa sa okay mamili sa malls sa Divisoria ay mayroong fitting areas (kahit takip kumot lang). Kung ‘di ka sure sa size ( o kahit pa alam mo) ay mainam i-tsek mo iyong tabas ng damit sa iyong katawan. Usually ito problema ko sa damit, either malaking-malaki o may masikip sa isang bahagi.
Tip 5. Be always vigilant
In a crowded shopping place such as Divisoria, being always alert is a must.
- Protect your valuables. Kung kaya ay ‘wag na magdala ng smartphone. Ang bag ( recommended backpack o body bag)na gagamitin ay nasa harapan mo lang.
- Check what you buy and your change. Kaya maganda ay barya ang pera mo at sakto ang ibinabayad mo.
- Be vigilant who’s around you. May time na magitgit ka, pero may nanggigitgit talaga o gumagawa ng kabalbalan sa gitgitan. As much as possible umiwas ka na nako-corner ka
Sundan ang Part 2/ Update
- Shopping Results?
- Trip in Intramuros