Gusto natin sumaya at humiling din ng happiness para sa mga taong mahalaga sa atin. Kaya nga siguro laging may “happy” sa mga pagbati gaya ng Happy Birthday at Happy New Year. Syempre sino bang ayaw maging masaya?
But as we mature, we realize that being happy is not easy, it is a choice. At may dagdag na ako d’yan, ang piliing maging masayahing tao. Anong sabiii?

Ano ang tunay na nagpasasaya sa tao?
Marami ka na bang naringgan ng “gusto ko lang naman maging masaya?” Ako rin! Sinabi ko na rin yan maraming beses na minsan pa-joke, madalas tonong pagrereklamo.
Nung bata ako, iniugnay ko ang kasiyahan sa bagay. Halimbawa, gusto kong magpabili ng barbie sa nanay ko. Pakiwari ko masayang magkaroon ng barbie. Gusto ko lang sumaya sa paglalaro.
For the record, never akong binilhan ng nanay ko ng barbie. Pero pinapasalubungan nya ako ng laruan o merchandize mula sa nakakainan nyang fast food chains. Madiskarte rin e, kailangan 2 in 1—masaya sya sa food at ako sa laruan.😅
Sumaya naman ako sa binibili nya. At sure ako na sasaya rin ako kahit ‘di pa n’ya ako bilhan ng merchandize. That’s life lang siguro lalo na ‘pag bata.
Ngayon adult na, mas nauugnay ang kasiyahan sa power, fame, and fortune. May ibang tao rin na ikinokonek ang kaligayahan sa travel, career success and relationship. Pero pinaka popular ang fortune o material possesions lalo na ang pera.
Pera ang nagpapasaya sa tao?
Backed by years of research and experience, masasabi kong money cannot buy happiness. Iyan ay lalo na kung usapang genuine source of happiness.
Sa realidad, malabo namang hindi kailangan ng pera. Ang daming real-life stories na money matters ang ugat ng problema. Ganoon pa man, mahalagang maintindihan na ang pera ay hindi ang point sa happiness. Mananatili itong tool lamang.
According to several studies, money can indeed contribute to one’s happiness, but only up to a certain point. Iyan ay kapag nag-uumpisa pa lang kumita o living paycheck to paycheck. Kailangan ng pera para mabili ang mga kailangan at gusto e.

PERO once na makatawid ka na sa point na afford muna yung pangangailangan, kagustuhan at luho ay mag-iiba na. Sa ganoon level, detrimental ang pagkakaroon ng negative money behavior. Patunay rito ang mga taong
- malalaki nga ang kita pero lubog sa utang o stressed.
- Nanalo ng malaking pera pero nauwi rin ulit sa wala.
- Nasa malaking palasyo at ubod ng yaman pero di masaya.
- May times din na hawak muna yung material possessions pero parang may kulang.
Isa sa powerful lesson na natutuhan ko ay ang halaga na ma-identify kung ano talaga ang nagpapasaya sa iyo. Iyong nagde-define sa iyong values, success o worth sa buhay. Kung direktang pera ang kaligayahan, nasa wrong mindset na. Bukod pa dyan yung idea na puwede kang mapasama. Dito perfect ang payo, wisdom at katotohanan sa bible verse na:
“For the love of money is a root of all kinds of evil. Some people, eager for money, have wandered from the faith and pierced themselves with many griefs.”
1 Timothy 6:10
Pansinin ang pagbanggit ng “for the love” sa pera. Strong word ang “love” hindi ito basta sinasabi o ginagawa sa isang tao lalo na sa bagay. Kung minamahal na ang pera, marami nang puwedeng mangyari o ma-develop. One clear example of this is corruption. For the love of money, a politician can betray public trust and abandon the integrity of being a public servant. Is that normal? No. It’s still a choice.
Ang study tungkol sa happiness
Ang Harvard Study of Adult Development ay may ongoing 88-year old study tungkol sa ano ba ang nagpasaya sa tao. Sa nasabing pag-aaral, na nagsimula noong 1938, lumalabas na hindi katanyagan o kayamanan ang nagpasasaya sa tao. Ang sagot ay nasa maganda at positibong relasyon sa kanilang kapwa—kabilang na ang pamilya, kaibigan at iba pa.
Ang isa sa ilang bagay binanggit sa Harvard study na nagpapanatili ng happiness ay emotional resilience at positibong pananaw sa buhay. Importante ito para sa stress management at makabangon sa pagkabigo. Hindi nga ba’t ilan ito sa nagpapalungkot sa buhay.
Ikokonek ko ang ‘emotional resilience’ sa importance ng pagkakaroon ng joy, hindi lang happiness. Pwede ring sabihin na mas mabuting maging joyful person kaysa yung laging naghahabol lang ng happiness.

Anong pinagkaiba ng joy at happiness?
Isa ka rin ba naipagpapalit-palit ang paggamit ng “joy” o “happiness?” Guilty ako dyan! Alam kong posibleng may differences ang mga ito pero deadma ako dati.
Nagbago yun nung nabasa ko ang article na “Something More Than Happiness” sa devotional book na “God’s Best For My Life” by Lloyd John Ogilvie. Ipinaliwanag dito ang kaibahan ng joy at happiness sa mas malalalim na aspeto—primarily spiritual.
Ani Ogilvie, ang happiness ay nakakondisyon sa pangyayari sa iyong buhay. Samantala, ang joy ay nandyan kahit ano pa ang kaganapan, kagulo o parang walang tama sa iyong buhay. Iniugnay nya rin ang joy sa “grace” (grasya) ng Panginoon. Iyong kagalakan na alam mong mahal ka ng Dios kahit sino o ano ka pa man. Unconditional kung baga.
Tinignan ko sa English-Pilipino Dictionary (by Vito C. Santos and Luningning E. Santos) ang translation ng joy at happiness. Halos walang pinagkaiba ang mga salitang kasing kahulugan nila o synonyms. Subalit, ang napansin ko ang konting pagkakaiba ay
- Ang joy ay galak o kagalakan – “anumang nagdudulot ng saya o galak”
- Ang happiness ay saya o ligaya
Para mas malinaw pa, punta tayo sa explanation sa psychology side. Sa artikulo ng VeryWell Mind, sinabi ni Daniel Boscaljon, PhD, co-founder ng Alchemy of Love: “Joy is the ability to affirm the goodness of life even in the midst of sorrow.”
Sa paliwanag naman ni Lindsey Rae Ackerman, LMFT, vice president ng Clinical Services at Clear Behavioral Health, ang happiness ay “emotional state that can occur through momentary experiences and is often dependent on external factors such as an achievement or gaining material satisfaction.”
Samakatuwid, sa lahat ng ito, mas mainam ang makadama ng joy o kagalakan. Nanggagaling ito sa iyong kaibuturan o kalooban. Tipong kahit anong mangyari, maganda o hindi, ay makukuha mong maging masaya. Samantala, ang happiness (kaligayahan o kasiyahan) ay biglaan o panandaliang emosyon. Nangyayari lalo na kung nakuha ang nagugustuhan bagay.
Pero alam natin na kahit nasiyahan sa yaman, even sa career o relationship, ay pwedeng pa ring malungkot. Hindi naman kasi nagtatatapos lang ang lahat. May mga pagsubok pa rin, including boredom.
So, dapat ba ipalit ang joy sa happiness sa “happiness is a choice?” Sino ba nag-start n’yan, paki-correct! char!
Piliing maging masayahin
Isa sa naobserbahan mula pagkabata ay may mga tao talagang sadyang joyful sa buhay. Iyong kahit walang-wala sa materyal na bagay ay unbothered sila. Hindi dahil sa iresponsable sila, kundi natural lang na positibo ang kanilang pananaw. Palagi silang nakakahanap ng rason o paraan para maging masaya. May iba na likas na na-appreciate ang simple joy gaya ng mga namayapa kong itang at mamang.
May mga nakilala rin akong mayayaman na hindi mo aakaling mayaman kasi ang simple nilang manamit. Their joy comes from focusing on their passion and service (through their business), which ultimately brings them fortune.

Paano ba maging joyful person o mas happy pa sa buhay?
Bukod sa emotional resilience at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay, binanggit pa sa Harvard Study ang mga sumusunod:
1 Mahalaga na may nakakasama kang tunay na may pagpapahalaga sa iyo. – Iyong supportive, hindi yung puro lang pakabig sa gusto lang nila.
Know energy vampire people here.
2. Magkaroon ng malusog na katawan at lifestyle – Kasama na rito ang regular na exercise, tamang diet at pag-iwas sa bisyo. Ang cliche ng payong ito, pero sa totoo lang nakakalungkot ang may sakit.
3. Magka-social life o makibahagi sa iyong komunidad – Malaking tulong na may social life kahit na, by default, preferred na mag-isa. Magkaiba yung alone o lonely na kasi palaging mag-isa. As someone na ambivert at maraming introvert friends, kaya na maging sociable. Sa umpisa lang ang awkwardness, lalo na kung matutuhan mong maging palangiti at makipag-usap kapag kinausap. Pag ubos na ang social battery, recharge lang.
4. Magkaroon ng may saysay na gawain, kahit hanggang magretiro – Iba rin yung aktibo at may dahilan ka parati para bumangon araw-araw.
5. Bumuo ng kapaligiran/ kultura na puno ng care. Sa tahanan, ang halaga na alam at dama ng bawat miyembro ng pamilya na ito ang safe place sa kanila. At hindi dahil yun sa matibay ang pundasyon ng bahay, kundi may love at care doon.
Ikaw ano ang tunay na nagpapasaya sa iyo? Joyful person ka ba?