Ultra jogging or running


si Liz na may auto-smile sa Camera

si Liz na may auto-smile sa Camera

Hindi ko alam ang puno’t dulo ng lahat pero napagdesisyunan ng mga kasama ko sa… na mag-jogging sa Ultra (University of Life Training and Recreational Arena)o Philippine Sports Complex. Sa kasawiang palad ay sumama lang ako sa kanila pero hindi nakatakbo. Inuubo kasi ako at feeling sakitin.

First time kong makapasok sa Ultra na open around 4am to 10pm at wala akong gaanong ideya kong ano talaga itsura. Ang ini-imagine ko rito ay iilan lang bahagi lang ‘yong nasisinagan ng ilaw at ako na hindi naman tatakbo ay tatabihan ng mumu. Akala ko kasi hindi na ito tinatao pagkatapos ng stampede incident sa isang noontime show. Pero hindi naman, malaki naman pala  ang complex at iba pa iyong venue noon.

Habang nakaupo ako at nagbabantay ng gamit ng mga kasama ko (hehehehe,wawa!) naisip ko na hindi na masamang ideya ang mag-workout sa loob ng Ultra. Kaya naman natuwa ako kasi okay naman ito para sa mga sporty and willing maging sporty. Maliban sa kalat sa paligid, in my opinion, okay ang ULTRA particularly iyong oval track.  Buhay na buhay ito sa gabi dahil marami pala ang nagti-training rito na kung hindi ako nagkakamali ay football o soccer. Siyempre doon sa oval track, sari-sari na ang nagtatakbuhan. May nakita akong mataba na akyat–panaog sa hagdan sa may kalayuan at mayroon namang bata na kasamang nag-i-stretching ng kanyang ama siguro.

Hindi kalayuan ito Ortigas area at siguro hindi rin naman sa bandang Eastwood kaya naman mainam itong puntahan ng mga gustong mag-exercise after office or school. Then, mainam din ang ganitong jogging para ma-bonding moment at ma-expose sa sports.

“Maganda lang yung may kasabay ka para namo-motivate ka,” sabi ng isa kong kosa.

Pero para sa akin, isang attraction din dito ang kalapit nitong  restaurant, ang Ay See’s.

Halos mga boses foreigner ang mga naririnig ko sa field at bench. Naisip ko tuloy, buti pa sila ay alam na may ganitong lugar na puwede silang mag-practice o maglaro.  Ang entrance sa oval track ay P35 at 60 naman sa swimming pool. Tingin ko okay naman ‘yong mga facilities in general knowing na dito nagpa-practice ang ilan sa ating mga atleta at pinangangalagaan ito ng Philippine Sports Commission.

Patalastas

 

note: kuhang cp lang ang mga ‘to at sa puwesto ko lang habang nakaupo. 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

14 thoughts on “Ultra jogging or running