Pinangarap ko noon na makapunta sa Greece kasi naaliw ako sa Greek Mythology, sa Japan kasi nahumaling ako sa anime at super sentai, sa Taiwan dahil sa Meteor Garden at It Started with a Kiss, at sa South Korea dahil sa mga Korean series na Winter Sonata, My Love Patzzi, My Girl, Coffee Prince, at iba pa. Siyempre gusto ko ring ma-feel ang nilalakaran ng mga bida, iyong pinagmamalaki nilang lugar. Pero bakit nga ba masarap mag-travel sa South Korea kahit magastos?

(Invitation! Please SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel for more travel tips and stories. Salamat and Mabuhay 🙂
Nami Island
This is the main filming location of Winter Sonata starring Bae Yong Joon and Choi Ji Won. Sabi nga ni Mhona ay 8 months ang aming preparation for this trip, pero para sa akin, 10 years! Sampu dahil, dahil 10 years na ang nakalipas nang mapanood ko ang Winter Sonata at pinangarap kong makarating ng South Korea.
Promise, dati ‘pag sinabing singkit dalawa lang papasok sa kokote ko, mga Chinese at Japanese. Pero nung umere na ang mga series nila sa ‘Pinas (pati na yung mga Taiwanese series), doon ko na-realize hep-hep may Koreans din.


Noong kumuha kami ng entrance fees dito ay ₩10,000 pero para sa foreigner na gaya ko (did I mentioned na foreigner ako? wow!) ay ₩8,000 won. Para makapunta sa island ay sasakay ng ferry na pumapalaot kada 30 minutes mula sa Gapyeong Wharf. Parkeng-parke ang peg nito na punong-puno ng puno, exhibition halls, stages, theme gardens at iba pa. Ilan pa sa pinuntahan namin ay UNICEF eco stage (na gawa sa mga libro at softdrink cans), Recycling Garden, Happy Garden, Artshop Imagine Nami, at Nami Gallery. Pero nakakatuwa rin yung mga upuan nila na may mga kabinet na libro. Nag-aaya talaga na magbasa.
Hindi ko alam pero ‘di ako nagkainteres na mamili ng souvenir item mula sa islang ito. Pero kasi masaya na ako na magpa-picture sa First Kiss, Nami Shop/Sonata Gallery at Winter Sonata Statue. Plus, ‘yung makalakad sa gitna ng mga mababango, green na green na mga puno at makakita ng mga exhibitions. Ay naku tuwang-tuwa ako sa parada ng mga ahjumma at ahjussi (ale or manong) na naka-costume at lovely sumayaw. Ito yun oh!
Teddy Bear Museum
If I need to describe my experience sa place na ito in one line, “This is the cutest presentation of Koreans’ culture!” Yes, isang factor kaya kami nagpunta rito ay dahil Princes Hours starring Yoon Eun-Hye at Ju Ji-hoon. Pero kapag nasa loob ka, gaano man kalalim ang pagka-like mo sa mga teddy bears ay maaaliw ka sa kanilang mga pinagagagawa.
Mayroong nagpapakita ng paraan ng pagbuburol, pagkakasal, merkado at fashion ng mga Koreano. Siyempre, hindi rin mawawala rito ang mga makasaysayang bears na kanilang nakalap.
Lotte World Adventure
Hindi ako naging fan ng Stairway to Heaven, pero mabuti rin na hindi mapalagpas ang pagpunta sa Lotte World. Ito na ang pinakamahal na nabayaran naming tourist spot, pero sulit naman kahit hindi rin ako mahilig sa mga rides. Why oh why? Dahil ang lawak, makulay, masaya at malaki ang castle sa loob. Hindi ko ito ma-compare sa ating Enchanted Kingdom dahil hindi pa rin ako nakakapunta roon pero okay magpunta rito ang mga gaya kong young at heart. Kung may kasama kang bata mabuting igala rito.

Please also visit the,
Part II ,
Part IV of my travel journal to South Korea, and
My 7 tips


Pingback: 11 Tourist Spots to Visit In South Korea part 3 - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: My Shining Shimmering Korean Stars - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: 11 Places to Visit in South Korea IV | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: 11 Destinations to Visit In South Korea Part 2 | aspectos de hitokiriHOSHI
Yun dongseng hoshi sana ikaw ay nagenjoy sa mga lugar na ating napunthan
wah gamsamhamnida mhona Unni. de!
Wow! kakainggit naman Madam Hoshi. Ansaya saya naman ng iyong gala sa SoKor 🙂
Nakakatuwa lang talaga sa kanila kasi mahal na mahal nila ang tradition and culture nila at masyado silang patriotic. Sana makakuha tayo kahit 10%. Hindi yung pakitang taong makabayan lang tulad ng majority sa mga Pinoy. hehehe.
Next time sa NoKor naman. hehehe 😀
sama ka sa NoKor? hehehehe! i respect their tradition and tourism. as in yung tulong or info na need mo bilang turista gusto nila maiabot sa iyo. Kahit saan may mapa, kahit saan may information office for tourists na may English, Chinese at iba pang speaking assistants, and kahit yung mga ordinaryong tao nagpipilit na sagutin ka kahit ang alam lang nila ay nagtatanong ka . cool di ba?!
Mukhang marami-raming pages ang gagawin mo rito dahil 11 kamo, so far 3 pa lamang ito. Naghahangad ako ng mas in depth na paglalarawan sa bawat lugar na napuntahan mo para sa mga gaya kong hindi alam kung mararating din ang narating mo. 😉 Nagrere-quest din ako ng conversion para sa mga halagang nabanggit mo sa iyong blog. Ako’y nagagalak sa embedded video sa post na ito,
Maraming salamat sa pagbahagi mo ng iyong experience, ito’y kakaiba at alam kong enjoy na enjoy ka. 😉 Gaya ng Pinoy, sadyang makulay din ang kultura ng mga Koreans. Congratulations Hoshilandia!
maraming salamat sa iyong pagbati Unni Jube at totoo ang iyong sinabi makulay din ang kanilang kultura, kasaysayan at paniniwala.
3 part ang lalabas para sa seryeng ito. susubukan ko pero hindi ko na maipapangako ang kalaliman yung part ng pagkadetalye at math ay ibabalato ko na kay Mhona. ako na bahala siguro sa paraan nang paghahalina sa mas natural kong pamamaraan hehehe.
ang totoo rin kasi nyan hindi na ako nag-note taking kung ano na lang ang pinaka-ideya na papasok sa kokote ko once na naalala ko ang lugar.
Kapag nasa lakaran kasi ka sa South KOrea iisipin mo ay mapagod maglalakad para makadami at pag-uwi mo pahinga na para bukas lakad ulit, hehehe
Aja! makakarating din kayo doon ni Ka Ver, padala na rin ako ng padlock. hohoho.
Syempre naman may sariling istilo si Hoshi kaya ko nga sya mentor! Bitin lang ako sa mga nabasa ko, tipong “I want more” lang ang peg! 😉
Mabuhay ang Hoshilandia, napakaswerte mo dahil nakapaglakbay ka sa Land of the Morning Calm.
hehehe salamat! makakarating din kayo don, kayo pa!
mabuhay!
magic word: rides. yey! ay teka, pambatang rides po ba o yung nakamamatay na rides? 😀
yung nasa picture ibang part na yun, yung mga pambata nasa loob ng mall. yung castle na nakita mo dyan yung mga pang kagaya mo. I think trip mo yung mga rides nila dyan. yung itatatas ka ng ilang feet thenihihinto ka sa ere tas ibabagsak ka ng matindi