Business 101: Paano magpa- DTI Business Registration


Ang saysay ng business registration o pagkakaroon ng business permit ay depende na minsan sa kung paano mo ito tingnan. Mayroong napipilitan dahil kailangan, may kusang sumusunod, mayroon din nasita na, at may naniniwala sa halaga nito. Pero para sa akin ay may magagandang dahilan din kung bakit mabuting mag-legal business, isa na roon ang seryosohin ang pagnenegosyo.  Tatlong serye ng post ang gagawin ko – paano maglakad ng Mayor’s Permit, BIR Business Certification, at DTI Business Registration. Sisimulan ko sa DTI dahil ito talaga ang kailangan unang ma-accomplish kung magnenegosyo ka bilang sole proprietor.

Update/ Important Notes if you intend to go all the way to BIR Registration:  may mga comments akong nagtatanggap na iba-iba ang rule sa bawat RDO (BIR Regional District Office) na ang counting ng BIR (when you file) ay mula sa pagkaka-register ng DTI. So after mo ma-accomplish  ito, don’t waste time na i-process ang Mayor’s Permit (if needed sa line of business mo) at BIR Registration. Yes, deadline-driven ito para makaiwas sa penalty.

Pero commend na sa lahat ng pagdadaanan kong government agency na may kinalaman sa pagnenegosyo, ang pinakamabilis at nag-o-offer ng convenience ay ang Department of Trade and Industry (DTI).  Una, mada-download ang kanilang Business Name Application for Sole Proprietor (new or renewal) sa kanilang website o mismong sa online platform ka na mismo magpasa.   Iyong huli po ang ginawa ko.

Puwede bang hindi sa isang DTI main office magpa-business registration?

Aba’y oo naman. Actually mayroon na silang satellite offices sa iba’t ibang mall gaya sa Ali Mall (Cubao).  Doon talaga ako nagpunta noong una pero may problema (nakalimutan kung ano na eksakto) kaya sabi nung personnel ay subukan ko sa SM Mall magpa-register. Wow, pa-SM SM na lang hehehe. Hindi na ako nagdalawang isip tumawid at kumembot ako papuntang SM Cubao dahil magkatabi lang naman iyon.

Pero kung malapit/ nagagawi ka sa SM Megamall  ay dumiretso ka na sa DTI NCR office Area III na nasa tapat lang nito. Sakop nito ang area III ng Metro Manila o ang Quezon City, Mandaluyong, San Juan, at Marikina City. Nasa 3rd floor ito ng Lux Center na nasa tabi ng Highway 54 building.  

Mahirap at mahal ba ang DTI Business Registration?

Nung nagpunta ako SM Bills Payment/ Customer Service ay para lang ako nag-shopping. Ipinakita ko yung print out na nagpa-register na ako online, nagpapirma sila ng panibagong form (to make it sure ng aking trip na name or para may kopya sila?), at after noon ay saka na ako siningil. Ang total amount talaga ng DTI Business Registration ay Php 215 (200 for application fee + 15 for documentary stamp). Samantala ang service fee naman ng SM ay Php 30. May additional pa na P20 ata for print out.

Ito na ang pinakamadali at pinakamurang part ng pagpaparehistro ng negosyo, maliban siyempre sa Baranggay Business Permit. Magagamit mo ang DTI Business Registration certificate mo sa pag-apply ng Mayor’s business Permit at BIR Certificate of Registration. Ito rin nagamit ko sa ibang non-business transaction gaya ng pag-open ng bank account at proof of income sa travel.

Noong kumuha rin ako ng Barangay Micro Business Enterprise o BMBE at baranggay business clearance  (sa amin lang?) ay isa rin ito sa ni-require sa akin. Valid ang dokumentong ito hanggang limang taon.

Patalastas



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

18 thoughts on “Business 101: Paano magpa- DTI Business Registration