Negosyo 101: Mayor’s Permit o City Business Permit for New Small Business

Ang Mayor’s Permit o City Business Permit ay ang sunod na aasikasuhin pagkatapos ng DTI Business Registration at bago ang BIR Certification of Registration. Requirement sa huli ang dalawang naunang dokumento. Anu-anong hakbang at magkano ang kailangan para magkaroon ng Mayor’s Permit?

Very Important Notes: 

    • Ang tips ko ay mas bagay sa mga small-business like carinderia at sari-sari store.
  • If you intend to go all the way to BIR Registration:  may mga comments akong nagtatanggap na iba-iba ang rule sa bawat  RDO (Regional District Office) na ang counting ng BIR (when you file) ay mula sa pagkaka-register ng DTI.  So after mo ma-accomplish  ang DTI, don’t waste time na  i-process ang Mayor’s Permit at BIR Registration mo. Yes Deadline-driven ito para makaiwas sa penalty. 

Kung gaano kadali iyong DTI Business Registration, medyo matrabaho at mapapagastos ka sa Mayor’s Permit. Tandaan na hindi lang pagkakaroon ng certification at registration plate ang gagastusan mo rito, kasama na d’yan ng ilang beses na pagpa-photo copy at pagpapa-notario (notary public). Pero mapapadali ang process kung sa iyo mismo ang iyong puwesto, may titulo ang inyong lupa, at mayroon ka ng iba pa nilang papel na kanilang kailangan. Anu-ano iyon?
• Barangay Business Clearance – Okay din na may Baranggay Business Permit ka pero mas trip nila ang business clearance.
• Photocopy of DTI Business Registration
• Photocopy Land Title o Lease of Contract ( dapat naka-notario)
• Ihanda na rin ang iba pang papel kung sakaling special ang klase ng iyong negosyo.
• Photocopy of your valid government IDs. Ako para tipid, lahat naka-scan para print at pa-photocopy na lang pa-photocopy

Additional tips: Before ka pumunta sa City hall:

• Maganda kung alam mo ang sukat ng floor area and if applicable, lot area ng business location mo.
• May photos ka ng loob at labas ng store/ office mo
• Computed mo na ang capital at asset na gagamitin mo sa business – Halimbawa Php 25k ang perang ilalaan mo sa sari-sari store mo pero kung may ref ka idagdag nila ‘yon. Possible na maging Php 50K depende sa assessment.
• Kung umuupa ka, ang halaga ng iyong upa ay makakaapekto rin sa iyong assessment.

Tips and Steps to get a Mayor’s Permit or City Business Permit

Step 1 : Assessment Stage  of your business- Rent or Own

Dala ang mga kailangang papel, punta ka na sa inyong city/municipal hall at hanapin ang office na namamahala sa pag-i-isyu ng business permit. Bibigyan ka nila ng form para sa detalye ng iyong negosyo. Kasama na roon iyong sketch ng store/office mo, floor area, at capital. Pagka-pass mo ng form i-attach mo na roon ang mga requirements gaya ng business clearance, photocopy of land title or lease of contract kung rumerenta ka, at (kung) may iba pa silang hihingin.

*Sa Quezon City, ang BPLO ( Business Permits and Licensing Office) ay matatagpuan sa Mayaman Street  at mas malapit ito sa parte ng East Avenue kaysa sa side ng Kalayaan.

Paano kung wala pa kayong tititulo o rights lang ang meron kayo?

Dito na yung extra effort at expenses. Possible na ang ipagawa sa inyo ay magpasa ng Neighbors Consent Certification. Ang laman nito ay pagpapatunay na bilang negosyante ay hindi ka bahagi ng anumang home owner’s association sa inyong baranggay at hindi nakakaistorbo ang iyong negosyo sa inyong magkakapitbahay. Kasama rin dito ang pagpapapirma sa may 10 kapit-bahay mo para patunayan na ‘no objection’ sila sa business operation mo.

‘Pag tapos ka na sa pagpapapirma sa iyong mga kapit-bahay ay ipa-notario mo ang iyong Neighbors’ Consent bago mo i-submit. Paano kung ‘di ka marunong gumawa nito? Actually, nagbibigay sila (City Planning and Development Office -10th floor Main Office in QC City Hall) ng form o copy nito na iyong susundan o ipi-fill in.
Kung okay na ang iyong assessment ay ihanda na ang iyong sarili at lalo na iyong bulsa sa pagbabayad.
Additional Tip: Kung rumerenta ka, makakaapekto sa bill mo ang halaga ng upa

Step 2. Ang Tax Bill at pagbabayad

Kung okay ka na sa assessment stage ay gagawan ka na ng Business Tax Bill ng staff na ang ilan ay kinabibilangan ng
• Mayors permit
• City tax ( kaya no need na magbayad agad o ng separate ng Cedula)
• Fire inspection fee (LGU) – Kaya nagtataka ako bakit, nagbayad pa ako ng extra at separate Php 178.7 at 100 for inspection fee (nasa underground ito ng QC- BPLO)
• Zoning fee

=
Anyway, better na i-check mo kung tama ang info especially yung detail ng name mo at store mo, at declaration of assets kasi baka may wrong spelling or what. Dito mo na rin s’yempre makikita kung magkano ang babayaran mong MAIN. Bakit may “main?” Kasi labas d’yan ang miscellaneous fee, inspection fees (hiwalay yung P178.7 + Php 100), locational clearance fee, at fire extinguisher.

Additional tips: Pa-photo copy mo ang mga receipts hanggang maaari  (3-5 copies) lalo na yung Official receipt. Mainam din siyempre na huwag mong wawalain ang original copies ng mga ‘yan.

Step 3. Locational Clearance and Fire Safety Inspection Certificate

Pagtapos ka ng bayad at halos makumpleto mo na ang iyong papel, maaari na i-apply at ma-release sa iyo ang iyong precious Mayor’s Permit and New Registration Plate/ Sticker. Sa totoo lang dahil sa ilang beses kong pabalik-balik at pangangapa noong unang nag-apply ako parang plaque of recognition yung plaka ng business permit. Hehehe!

=
PERO hindi ibig sabihin na nakuha mo na yung Business Permit mo ay yun na ‘yon. Mare-revoke  ang validation nito kung hindi mo maipasa within 30 days ang Locational Clearance (LC) at Fire Safety Inspection Certificate (FSIC).

the awesome map to maginhawa street

Sa LC, punta ka sa tanggapan for Locational clearance for business permit. Sa QC ay sa City Planning and Development Office -10th floor Main Office in QC City Hall) ito. Madali naman ang process kung gaya ng sinabi ko ay may photos ka na ng loob at labas ng tindahan mo, barangay clearance for business, alam mo na sukat ng tindahan/ office mo, ma-i-sketch mo kung saan ito located, at may photocopy ka ng land title/ Lease of Contract and Neighbors’ Consent. ‘Pag napasa mo na ang requirements ay bibigyan ka ng form o papel para bayaran mo na ang fee for your locational clearance. Kung tama ako ay Php 150 ang halaga lang nito at ang maganda sa LC ay 3 years itong valid.

=
Sa FSIC, punta ka sa Fire Department. Kung sa QC, nasa tabi-tabi ito ng kuhaan ng NBI at Police Clearance. Nasa Mayaman Street din ito pero this time mas malapit sa Kalayaan Ave. area.

=
Kapag naipasa mo yung photocopy ng mga pinagbayaran mo about sa Fire Inspection, valid id at iba pa ( na malamang photocopy din ng ibang papel na nagamit mo na sa pagpa-process) ay sasabihin sa iyo na within a week ay i-inspect ang iyong store/ office).

=
Sa inspection time ay malamang ire-require na sa iyo na magkaroon ng fire extinguisher (kung wala ka pa). Kung mayroon ka na better, kasi ang initial na sinabi sa akin noon ay Php 3000 ang fee. Pero dahil ang mayroon kami kailangan na lang i-refill kasi expired na which cost Php 700. Kapag okay na ay saka ka na bibigyan ng FSIC.

Step 4. The Final Step for your valid Mayor’s Permit

Ipasa ang iyong Locational Clearance at Fire Safety Inspection Certificate sa BPLO o tanggapan kung saan ka nagsimulang mag-process ng iyong business permit.
Ang Mayors Permit ay valid for one year from January to December. Kaya better na i-apply mo na itong January para sulit at ideally after siguro ng Jan. 20 para hindi ka makasabay sa daluyong ng mga nagre-renew ng business permit at nagbabayad ng business tax.

Congrats!
Ang susunod na post ay may kinalaman sa BIR Certificate of Registration. Ito ang Final step para makapag-open ka na ng Store/Office legally.


229 thoughts on “Negosyo 101: Mayor’s Permit o City Business Permit for New Small Business”

  1. Paano po pag Sosyo kami ng kaibigan ko na nsa abroad sa negosyo tapos ako po maglalakad ng mga permit pti business permit knino po ipapangalan yung business? or kelangan pb ng mga IDs nmin parehas para sa paglalakad ng business permit? salamat po. First timer lng po ako sa paglalakad ng permit. Umaasa at mag iintay po ako sa reply nyo po. Maraming salamat po at Godbless po madami kayo natutulungan masagot ang mga katanungan. Salamat po!

    1. Hello po! Kailangan nyo po mag-usap ng inyong kaibigan kasi sa inyong 2 nakapangalan, papatak po na partnership po iyan. magkaiba po iyon sa sole proprietorship na binanggit ko rito. And check kung under pa kayo ng DTI or SEC na. after nun halos same na siguro sa mayor’s permit at BIR ang lakaran ninyo. since nasa abroad po sya kailangan mayroon kayong special power attorney n’ya para sa inyong lahat ng transaction. kung sa inyo lang ipapangalan ang magiging problema lang sa just in case if may problem ay kayo lang ang aako ng liabilities. check nyo na rin po iyong books about partnership. mabuhay!

  2. Thanks po sa response.Pano po yun kasi yung sala lang naman plan ko na gawin na office kung sakali.Yun lang po ba idedeclare na sukat?or yung buong unit na nirerentahan namin?Salamat po.

    1. try n’yo po na sa sukat ng sala nyo since yun lang naman gagamitin for business. Nasa assessment na po nila kung papayag sila o hindi. galingan nyo na lang po sa explanation

  3. Mura lang po kaya ang mayors permit kapag homebased travel agency?Balak lang po kasi namin na gawing mini office yung sala namin if ever.Then me idea po ba kayo na nereject na application sa pagkuha ng business permit dahil saturated or stop na si cityhall ng pagaccept ng ganung klase ng line of business?Better po ba na mauna muna na maginquire muna sa cityhall if mabibigyan ang line of business na gusto ng permit kesa sa DTI?

    1. Hi po!
      Hindi ko po sure Sir, pero makakatulong na makamura siguro kung homebased lang at kung paano application. Mas mura rin kung mas maliit ang floor area /space, declaration ng capital, at scope ( brgy, citywide, o nationwide). Try to apply BMBE baka makatulong din.

      Sa travel agency wala naman akong alam na ni-reject o anumang line of business. Pero base po sa mga comments dito sa hoshilandia.com may mga business na ni-reject dahil sa hindi ma-comply ang requirements ( some are really over-the-top requirements din kasi).

      I agree na mag-inquire muna kayo sa City hall para alam n’yo na muna kung ano ang iko-comply n’yo. Pero kung aabot po kayo sa BIR at resibo talaga ang habol nyo, maigi rin magtanong kayo roon.

  4. Ronald Allan Silva

    Hi, Good morning po! I’m planning a business consultancy dito sa bayan namin. ano po dapat ko gawin di po kasi nakapangalan yung land tittle saken or sa parents ko since mana lang po nila at paghhahatian pa ng iba pang relatives.. possible po ba ako makakuha ng mga mayor’s o business permit? o makakakuha po ba ako ng mayor’s/business permit kung sasabihin ko hindi ako mag ooffice since business consultancy naman pwede ko magawa yun sa iba’t ibang place to set a meeting na lang with clients. gusto ko sana maging legal lahat kaso my mga ilan problema need ko kasi mga permit na yan sa pag open ng bank under the name of my business.. sana po matulungan nyo ako. maraming salamat po..

    1. sa business address/ office– kahit saan nyo po gawin ang business at ano man ang linya nito ay maglalagay kayo ng address for sure. Kung walang formal office, automatic ay home address ang mgiging office address.

      IMHO,possible naman po kayo makakuha ng permit. either pagawa kayo ng neighbor consent/ agreement/ affidavit ng city hall to prove na dyan at okay kayo mag-business sa lugar n’yo. Be ready lang po na baka strict yong city hall ninyo na marami pang hihingin.

  5. Gud am po pano po kaya kung courier? Rider partner ako sa isang company na courier ng Shopee…
    Sa work ko kasi pinapakuha kame ng dti,brgy bussiness clearance,mayors permit at sa bir.. pwde ba i pang puhunan ang mutor? Kung 67k ang presyo ng mutor ko ganun na din po ba pinaka value ng magiging capital ko? Sa SJDM Bulacan po kasi ako. Pero nagdedeliver ako sa Brgy. Pasong Putik Q.C.

    1. Ang suggestion ko sir diretso po kayo humingi ng requirements sa BIR. baka kasi you don’t need to get mayor’s permit at habol ng company ninyo ay resibo. Ang alam ko kasi sa grab at taxi wala ring mayor’s permit, ganoon din po sa self-employment basis gaya sa mga freelancers. Dun sa motor ninyo, opo sa palagay ko po ay pasok yan sa magiging capital ninyo at puwedeng dagdagan ang calculation na php67k depende sa assesment sa cityhall.

  6. good morning po ask ko lng po sana kung magkano ang kailangan capital na pera kung mgtatayo ako ng construction office? sana po matulungan nyo ko..thank you

  7. Hello, mga magkano kaya ang maging income tax ko kapag ang na declare na gross sale is 70,000 hindi kasi kami nag BIR last year pero naka kuha kami ng mayors permit kaya nag penalty kami,

    1. ito personal take ko lang and i suggest consult din kayo sa isang CPA

      first time nyo po ba? I am not good in income tax pero ang good thing po ay mayroon naman ebirform na kung saan kayo magpa-file online. don nyo na po ilalagay yung sa gross and expenses nyo. I assume na non-vat kayo kasi ang 70, 000 ang gross sale nyo for the whole year, which is below 3M threshold para maging VAT tax payer kayo. kung ito ang first time nyo at nakapag-penalty kayo, i assume na wala pa kayong babayaran sa BIR this year.

  8. Hello, grabe ang itinaas ng mayors permit namin, P4,800 compare last year na 2k plus lang,grabe,mga magkano po kaya babayaran sa income tax next year ang declare gross sale ko is 62,000 ,hindi kc kami ng BIr last year kaya nagpenalty kami.

  9. ask ko lng po mga magkano po kaya kpag nsa 5k lng ang capital? maliit na sari sari store kng po ksi. salamat in advance

    1. wala pong eksaktong halaga ang sagot dyan kasi depende po iyan sa assessment ng cityhall. mas maliit na kapital, mas maliit na tax. pero hindi ibig sabihin nun na halagang 5000 or lower ang babayaran ninyo. please check mo yung first part/ step sa post na ito nandoon po iyong ilan sa madalas na in-assess. salamat at mabuhay!

  10. Pano po kung di sakin mismo nakapangalan yung permit na rerenew hin ko..wala kasi yung amo ko na syang naka pangalan..pwede din po kaya un?…salamat sa sagot

    1. Opo. may mga nakasabay ako na tauhan na naglalakad ng permit ng kanilang company o ibang tao. In general po que for Mayor’s Permit o iba pang legal documents, kailangan po ninyo ng letter authority/special power of attorney at valid ID nung nagpapalakad.

  11. hi po, ask lang po pwede kopo magamit ang brgy businees permit as a proof for travel/tour requirement?? Salamat po

  12. Hi pano kung 3,000 lang ang puhunan dahil reseller ng mga dishwashing liquid. Walang renta kasi sa garahe mag lalagay ng tindahan at sariling bahay namin yung paglalagyan.

  13. Hi po!ask to lng po mgkano mababayad ko for business permit:
    Store rent :4000
    Store capital 10,000
    Carendiria lng nmn….
    Thank you po

    1. In general ay depende po assessment (please check step 1) ng city hall sa inyong business. yang mga binanggit nyo ay mga factors pero dagdag dyan ang laki ng inyong puwesto at mga kagamitan gaya ng refrigerator.

  14. Heloo gud evning po, ask q lng po if magkano ang magagastos qng ang capital lng eh 10k sa sari sari store lng po tnx.

  15. Hi 😊 Thank you for the info , Ask ko lang if magtatayo ako ng laundry shop . First laundry shop ko siya and nasa bahay lang din namin siya. Do I need to process mayors permit? or pwede na dti permit lang po? Thankyou somuch.

  16. mOnicah Liwanag

    Good day!

    Thankyou for the infos, anyway gusto ko lang iverify meron kc ako Lugawan//kainan. maliit lang nmn mga 20qm. then dto n din kami tumtira.. need pa ba nmen mgkaron ng Mayors Permit? kc sabi noon dto ok lang nmn n brgy.business permit. wala nmn po kc akong branches first business po nmen dto. and hnd pankami nkkbawi sa expenses. pls reply.

    thankyou

  17. Harvey caballero

    B4 po ako magtinda ng pares mami sa sidewalk gamit ang sidecar cart lang po ay lalakarin ko muna ang mga business permit para kung sakaling masita may maipakita akung documento. Let say 10k po ung puhunan ko sa pares magkano mababayaran ko sa mayors permit? Okey naba kung dti at mayors permit lang ang meron ako? Thanks po sa rply

  18. Norren Vicky reig

    Hi po..
    Balak ko pong magtayo ng food cart business so ask ko LNG po kung ano2x ba ang mga kelangang permit at ang mga price po nito .
    Tnx po

      1. Dexter Ponciani

        Hello po. Food cart businees din gusto ko simulan na business. Kasi maliit na space at movable Kung kelangan. Pa send Naman po ng mga kekelanganin na permits para dito sa maliit na negosyo.
        Thanks po in advance

        1. I am not sure po sa requirements ng food cart business. More or less halos ganito rin ata ang pagdadaaanan ninyo. inyon lang dedepende iyan kung sa loob kayo ng mall or anumang building.

  19. Hi. We’re planning to register our business this month sana. Do you advisable pa yun? Db by January is renewal of permits na ulit? DTI reg namis is end of September pa. Thank you!

  20. Hello po,
    Gusto ko lang po makahingi ng breakdown ng cost ng establishing business (500K capital):
    1. Barangay Clearance
    2. Locational Clearance
    3. Mayor’s permit
    4. FSIC

    Additional question din po, magkaiba pa ba ang cost if renewal? and advisable pa ba na magestablish ng business ng Nov or December?

    Thanks Po God Bless!

  21. Hi can i ask for your breakdown payment on securing mayors permit in quezon city. Thank you. God Bless

  22. Hi.. can i also ask for your TOTAL breakdown fees sa pagkuha ng Mayors Permit..im planning to get one also but currently saving money for the fees 😓

    Thank you po 😊
    God Bless

  23. I’m planning to open a Tapsilogan/lugawan/lutong bahay at mag rerent ako ng commercial space. Magkano po kaya yung kailangan kong bayaran para sa mga permit. ask ko na din kung pwede bang mauna ang operation then saka ko ilakad yung mga papers?
    Thank you

  24. Hello ask ko lang kasi yung may ari ng Bldg ng business namin lagi namin hinihingan ng OCCUPANCY PERMIT para masubmit namin as one of the requirements sa pagkuha ng Mayor’s Permit. Kaso di kami iniintindi. Running na yung business. Pano po kaya yun. How much po ang penalty?

  25. Good afternoon po, pwede po ba kong makahingi ng breakdown ng mga fees na binayaran nyo po? For feasibility studies din po sa school. Thank you! 🙂

  26. requilito asilo

    MAGANDANG ARAW PO ASK KO LANG PO SANA NA KUNG ANG ISANG SARI SARI STORE NA MAY 24HOURS OPEN AY MAY PERMIT PA PERO MAY MAYORS PERMIT NA PO AKO

  27. Hi! pwede ko po ba malaman magkano yung mga fees na magagastos mo sa mga permits po na yan? kelangan ko lng po for feasibility study namin sa school. Thank you in advance xoxo

  28. hello, im planning to open a small sari sari store na may alak at sigarilyo, location is owned by my ninang, and wala din akong binabayaran, studio type asa harap ang sari sari store, sa likod may kama kung saan kami natutulog. May harap ng kalsada, secondary road, may question is mga magkano kaya ang aabutin for the permits etc. May work kami ni hubby, regular employee 9-6 pm sched, Monday to Saturday. kaya ang store magoopen lang siya kapag gabi pag uwi namin which is 8pm until 10 or 11 pm. Pag sunday maghapon nakaopen kasi day off namin. Medyo marami umaawit ng pwesto kasi maganda location kaya gusto ko legal, baka may magsumbong na mabait na kapitbahay. kaso lang baka malugi naman kami kung sunday lang siya operational, para at least mapag-aralan kong mabuti if tuloy pa ba or not, or kung kakayanin ba, in preparation din kasi if ever magplan na magresign ang isa sa amin at least establish na ang business. Thank you.

  29. Lina Autida Balasabas

    Hi ask ko lang nag rent ako ng commercial. Ginawa kung sari sari store.balak ko lagyan ng vedio oke.my mga alak din .magkano kaya estimate kukuha ng mayor’s businesse permit?

  30. Mag oopen sana ako ng small eatery na puro porkchop ang menu.
    anu ano ang mga kelangan na permits at mga requirements.
    at anu ang step by step na procedure, kung anu ang unang asikasuhin.
    at kung magkano bawat isa.

  31. Hi! Tanong ko lang po, nag tayo kami ng online travel and tours, wala pa po kaming physical office. Meron na po kaming mga ibang permits except Mayor’s Permit. Itatanong ko lang po sana kung magkano ang magiging Fee. Salamat.

  32. Good am po..may tanung lang po sana ako balak ko po sa mag online ticketing may business permit po ba yun kahit nasa house ka lang?or gusto ko din sana kumuha ng pwesto sa ganitong business po.at kung meron magkanu po ang gastosin at ano po ang mga reqs nito po.
    maraming salamat

  33. Charlene Ferrer

    I’m opening an online services business (graphic design/layout), NO PRINTING. Because online lang ako, my office address is the same as my home address. Capital est. is about 30k (laptop, internet/month, electricity/month). How can I apply for a mayor’s permit?

      1. Renato I. Ontuca

        Good Morning po

        Tanong ko lang po kung ang capital na 1000,000 magkano po ang fees sa business permit po?salamat po

        09x557971x0

  34. Collette Madera

    Good day!
    Estimate costs of
    1. Barangay business clearance
    2. Mayor’s permit
    3. BIR registration

    Tapos mga expenses in total for legal requirements. Corporation po ang business.

    Thanks…

  35. How much po estimate na magagastos in securing Barangay business clearance and Mayor’s permit? thanks.

      1. pag karenderya lang po ang itatayo magkano po ang bayad sa business permit at ano ano ang mga requiremnets? Thanks

  36. kumuha po ako ng business permit pero di ako binigyan dahil pinababayaran muna sa amin yung property tax na may kalakihan bago sila mag issue ng permit. Yung titulo po kase ng lupa at deed of sale meron kami pero ayaw kami bigyan kung di bayad ang tax…kelangan po ba talaga mabayaran yung tax para makapag issue sila ng permit? Salamat

  37. Estimate costs of
    1. Barangay business clearance
    2. Mayor’s permit
    3. BIR registration

    Tapos mga expenses in total for legal requirements. Sole prop po ang business.

  38. hi!tanong ko lang po kung kelangan pa ba kumuha ng BIR certificate kahit small business lang like magtatayo ako ng store for imported products.?or ok na lang kahit dti,brgy permit and mayors permit?thank u

  39. magtatanong po sna ako. may pinapatayo na commercial building ang mother ko at doon po namin plano umupa para sa ipapatayo namin Laundry Shop. kailangan pa po ba namin iapply ng business permit ang commercial building niya?

  40. Hello po isa po ako reseller minsan po nagttinda ako sa labasan nmin..konti lng po puhunan ko nagsimula po ako sa 2k at konti lng din po kinikita ko..dapat po ba kumuha ako ng barangay permit ? Marami po slamt

  41. Hi po ask ko lang magtatayo po kasi ako ng wholesale/retailer samin bahay, ano ano po ba dapat mga requirements na ifile ko? Dapat po ba mag file na po ako bago mag start ang business? Salamat

  42. what if may water refilling station na ako at may mga permit na yon at gusto ko magtayo ng maliit na bakeshop sa katabi niya, kailangan ko pa ba uli kumuha ng isa pang permit?

  43. Good day! Patulong naman po… nakakuha na ko ng DTI for my online (tour) business sa laguna, makikishare lang po ako ng pwesto sa rerentahan ko kase sari sari store yun. Nakaprepare na din ako ng lease of contract. Need pa din po ba macomply ang FSIC? Iinspect pa din ba nila ang location pag ganun? Appreciate your response. Thank you very much.

  44. Hello sir,
    My katanungan lng po ako, paano po kung online business like capital mga 5 to 10k. Clothing ang ebenta ko need pa ba ng business permit. 2nd question, dto po ako sa europe pero plan ko dyan sa pinas kukuha ng business permit pwede ba un?
    Salamat sir.

  45. Good evening po tanong KO Lang po blak kung magtayo ng maliit na computer shop d2 Sa bhay ko. Magkno po Ba mauubos pagnag pa busniss papermit po at ano pa po Ba ang mga dpat iparihistro KO

  46. Good morning po….tano ng ko Lang po my water refilling station po ako gusto ko sana na ung sa katabi niya eh lalagyan ko ng mali it na sari sari store my business permit po ako sa water refilling ko, need ko po bang kumuha ulit ng business permit para a sari sari store? Salmat

  47. hello po sir , balak ko po sana magtayo ng mamihan sa lugar nmin pero rerentahan lang po nmin ung pwesto. pano po ba ang apag asikaso pag ganun po ?

  48. Hi! May tanong po ako. Paano po pag online business ka lang at sa bahay ka lang magwowork at sa bahay din office? Need pa ba nila yun inspect for the location clearance?

  49. Thank you sa guide na yan. Ang nagiging problema ko dito s inaapply kng mayor’s buss permit ay pagpirma ng health officer ( btw nag aapply ako ng rent a car buss) hindi daw nya sakop ang ganung buss. Eto namang bplo ay hindi papayag n hindi mapirmahan ng health. Sa ganun n lng natatapos yun? Sabi s health, dumerecho n ako s ltfrb, hindi n daw kailangan ang mayor’s permit? Sa tingin ko naman kailangan yun kahit saan kasi kahit national level ang pag aaplayan ko, kailangan ko magsimula s city namin. Nakakadalawang pagpunta n ako s health officer, pero ganun p din ang stand nya. Para akong naiipit s sitwasyon. Maraming salamat po

  50. Good am po sir/mam. Ask ko lang po kong pano po ako makakapagpa rehistro ng business ko. Nagpatayo po kasi kami ng Water Refilling Station sa brgy. po namin, somewhere around Laguna. Meron na po akong DTI. Nationwide po kinuha ko dun. Ngayon, kukuha sana ako ng brgy. business clearance/permit. Dineclare ko kasi na tatay ko yung mayari ng lupa. So hinanapan ako ng Land Title. 15years na po kami dun sa brgy. naming yun. Pero rights lang po kasi meron kami dun. Ano po ba ang ibang alternative para makakuha po ng Mayor’s Permit at BIR. Gusto ko kasi maging legit yung business ko. Thank you po in advance😊

  51. Hi. Ask ko lang if yung declared amount of rent sa contract of lease na sinubmit for Mayor’s permit dapat yun din ang isusubmit sa BIR? Late ko na po kasi nabasa yung blog niyo. Pwede kaya ako mag gawa ng Affidavit of No Rental or contract of lease na mas mababa yung amount ng renta para minimal lang yung withholding tax na idedeclare? Thank you.

  52. Hello po ask ko lng po. Tpos na po ako sa dti, mayors permit. Bale BIR nlng. Ang tanong ko po meron po ba akong dapat ibalik sa municipyo na copy or anything na kasama dun sa permit? like fire protection permit at sanitary mga ganun. Isa tanung dpat po ba same yung amount ng declare capital sa dti at municipyo at bir? Naiisip ko lng po kung may namimiss ako. Salamat

  53. My foodcart p ako kuumpisa lng tpos my ngcheck s permit on the spot nakita wlang permit tpos sbi ko closed ko rin lng s katapusan kz tatangalin ung pinagpwestuhan nmn tpos need b tlga bayaran ung permit kahit stop daw. Kz malaking halaga din un,Pls advice. Thanks

  54. Hi po, magandang araw. Balak ko po mag setup ng smart padala center dito po sa bahay nmin. Ang hinihingi po na req ni smart ay dti registration, mayors permit bir registration. Madali lng po ba kumuha ng req na iyon.

  55. Hi ask lang po matrace po ba ang old business permit kapag nawala na ito.
    Matagal na rin po itong expired.
    Kailangan ba na kumuha na lang ng bago?
    Salamat po sa kasagutan

  56. Hi po,tanong ko lang sana kung pwede ba ako magpa Mayors permit sa apat na unit ko ng Pisonet?mahina naman po ang kita 50/day lang kasi de naman matao ang area nami,,sa bahay lang namin kasi nakalagay ang apat na unit,,salamat po

  57. Magandang araw po,

    Maari niyo po ba akong tulungan, may bigasan po dito sa amin na walang permit, wala po silang signage confirming their NFA control number. Nakabili po ang maybahay ko sa bigasan na to na dapat ay denuradong bigas pero tila iba po ang binigay niya, malayo po sa quality ng denurado rice. Saan po ba ako dapat tumawag para magreklamo? Maraming salamat po..

  58. Sir salamat s blog nyo, nakTulong po eto s marami n katulad ko medyo nalito pa kung ano next na gagawin. Nagregister npo ako ng DTI kaso dko nadownload ung generate na business permit. Sabi sa notif, nadownload n daw ang permit. Pangalawa eh ung nature ng business bale ggawin ko lng sya online. Booking system po, kelangan po ba tlg na kumuha ako ng barangay business clearance at mayors permit?

  59. Hello! Paano po pag sa lupa ng parents ko ako magtatayo ng sari sari store? Katabi ng bahay nila. Land title nila ang gagamitin? Tnk u.

  60. Hellk po..wanna ask po about sa permit…anong permit po ba ang kukunin q for bbq stall…maliit lng sya…sa market lng po namin ibebenta…apos magkno po

  61. Magkano po magagastos at ano po kelangan pra sa sari2 store na mga 5000 lng ang start capital at nagrerent lng po kme 3k per month??salamat po sa pagsagot

  62. ello po tanong ko lng po, meron po kaming sari-sari store at gusto namin kumuha na business permit. ang problema po wala pang titulo yung lupa po namin kasi si lolo ay tenant po nung lupa sa may likod ng compound po namin bale binigyan po kami ng lupa natitirhan namin kaso ngayon patay na po siya.
    pano po kaya yun wala po kaming mapapakitang titulo, tapos di rin naman po kami umuupa??

  63. good pm po.Sir/Mam, kailangan pa po ba ng Mayor’s Permit kasi magtatayo po ako ng school supplies pero po loob ng lupa nmn po eskinita..maraming salamat po.

  64. good pm po. Sir/Mam, kailangan po pa ba ng MAYOR’S PERMIT kung school supplies sa loob ng sarili mong lupa na tatayuan nmn.

  65. halimbawa po ang sale ay 500,000.00 less 250,000.00 (train law) ang naiwan na 250,000.00 multiply by 8% flat tax. Ang tanong ko po pag nag renew ka ng business permit magkano po ang babayaran sa business permit?

  66. Keith Loren M. de Torres

    Hello po ! panu po kpag yung magrerent lang kami ng pwesto tas yung ititinda nmin ay bigas at grocery.. ganun din po ba yun? at saka mabilis lang po ba mkuha yung permit ? Thank you po

  67. Pano Kung Ang business ko ay pang cake decor. Bibilhin ko sa divisoria at ibebenta. Buy and sell.
    Ang kailangan ko Lang talaga ay OR resibo dahil ibang customer ay ayaw mag order Kung walang resibo.

  68. Hi po gud afternoon.. Hingi lang po sana ako ng advice regarding closure po ng business, nakapag renew po kmi ngaung 2018 which is quarterly po pinacompute namain para di gnun kabgat bbyaran yung tax sa municpyo.. We close our business nung Feb 28, tas ngaun nung lumapit po kmi sa municpyo sabi nila need pa raw pong babbyaran ung natititang quarter,tama po b?

  69. Evelyn Piamonte Campo

    Ano po requirements namin mga urban poor na may isang maliit na sari sari store sa bahay at mahigit.10 to 20 k lang ang maaring istart na puhonan ?

  70. Evelyn Piamonte Campo

    Paano po kung mallit lang ang tindahan namin na sari sari store sa bahay mahigit 20 to 10k lang at wla kami titulo kay hindi pa tapos kami mgbayad sa lupa na tinitirikan ngaun ng bahay namin.

  71. Good day!

    Ang tanong ko po sana ay magkano kaya po aabutin pag yung business ko ay isang internet cafe. Ipalagay nalang natin nasa 10 yung computer. Lahat ba ng papel o documents dapat meron ako? Please advice. Thanks

  72. Hi, ask ko lang breakdown ng gagastusin for baranggay permit and mayor’s permit for a store and general merchandise. Thank you!

      1. Hello. Pede mo din ako sendan ng breakdown ng lahat ng gastos for dti and mayors permit. Although, ang plano kong business is maliit na cofee shop. Pero pasend na rin po para may idea ako. Salamat

  73. Hi! Ask ko lang po if need pa ng land title or certificate of lease if ang type ng business is trading ng goods. Gust ko po kasi mag buy and sell ng mga prutas at gulay. Small business lang. How long po kaya ang pagprocess ng BIR? Also, if gagawin kong online ang business ko. Since di ko naman need ng pwesto, pwede ko pa din ba sya iapply for business permit. Need ko kasi ng resibo para sa mga susupplyan ko.

  74. Hi i have question.. nakapag apply ako ng BiR pero DTI lang ang ipinasa ko. Di q kasi alam na kelangan ng Mayors permit and brgy cert. naka1 year na ako ang updated ako sa pagbabayad ng tax.. balak ko na sya iclose.. magkaron ba ako ng problem sa closing?

  75. Hi asked ko lang po, ,,,kung àng sari sari store at karindirya, ,,ay ipagsama lang po sa isang puwisto,,,kailangan po ba dalawang permits ang kunin ko,,,para sa sari sari store permit at karindirya, ,,,thanks po, ,,,

  76. Hi p.o. ask ko lang p.o. kung ang business ko p.o. ay ipagsama sa isang puwisto,tulad ng sari sari stores at karedirya,,,kailangan po ba dalawa permit ang kunin ko,,sari sari store permit at karendiryapermit ,,,thanks po, ,,

  77. Edna M Torcuato

    Hinge lng po ng idea.kng ang itatayo kng businesss ay bigas itlog mantika mga gulay anu po dapat ga
    mitin

  78. Tanong ko lang po, maytao kasing Basta nalang nagtayo ng tindahan para sa kanyang barbeque business, dito sa tapat ng aming gate, maykarapatan ba kaming ipatigil ang kanyang pagtitinda,kasi nahihirapan po kami sa pag atras, dahil sa kanilangtinda, tapos Wala naman po silang permit at Hindi sila ang may aring lupa, na tinatayoan nila. Please advice

  79. Hello! May sample ka ba for the capital and assets? And sample assessment? Di ko kasi sure kung magkano inaabot ng ganyan. Thank you!

  80. Hi poh ask q lng po pnu f ung tatayuan q po ng small sarix2 store is d2 lng s haus nmin den wla nman po kmi titulo nito dhil libreng patira lng po kmi d2 plus 15k lng po plan q n startingn puhunan..plan q lng kmuha ng bus. Permit pra legal ang pgooperate q lalo s pgbbenta ng alak.tnk u po s mbbigay mo info..more power

  81. Hi! Paano po ba pag renewal ng permit pero ng change kme ng name of owner at business name sa dti..ngayon hinahanapan kme ng gross income doon sa una nameng business name kase ngoperatr kme ng kulang 1year..pero wala po kmeng bir last year sa old name..kase iniscam kme ng dating owner

  82. hi, ask ko lang po if printing services (shirts, invites, mugs etc.) kami and sa bahay lang, online lang kami tumatanggap ng clients then shipping lang or pick up ang mangyayari kasi private subdivision po itong lugar namin, need pa po ba ng mga fire and locational clerances? and pano po ba magcompute ng fees na babayaran if nasa 75k po ang capital namin, para alam po namin ang dadalhin naming amount once mag register kami. And last po yung homeowner’s certficate na may nakalagay po na wala sila objection na mag operate kami sa subdivision namin need pa ba ipa notaryo? Thanks

  83. Hi, kindly delete kung inappropriate po ang post ko na to, I just want to share my experience sa pagkuha ng Mayor’s permit. Una- pabalik balikin ka, pangalawa hindi nila ibibigay sa yo ang total na babayaran mo, apparently kada punta mo may isa permit fee na dapat na lilitaw na dapat kang bayaran. Pangatlo- binigyan ako ng temporary sanitary permit na nasa sang crosswise coupon bond ( xerox copy) at pagbabayarin ka ng 300.00 pero hindi sila magbibigay ng O.R for that, iba pa yung Php2010.00 sanitary permit na kasama sa O.R. Pang-apat ng binabasa ko ang mayor’s permit may nakalagay na REFUSE FEE na kasama amounting PHP4020.00 na tinatanong ko kung ano ang REFUSE FEE PERO hindi nila maipaliwanag. Ang total ng nagastos ko para lang makakuha ng mayor’s business permit sa caloocan umabot ng PHP15,000.00. Ang starting capital ko is Php20,000.00 lang at ang nature ng business ko ay homebased online retail shop at ang space for my stock ay nasa 4 -6 sqm pero hihingan ka ng lahat ng klaseng fee na pwede nilang ilagay sa O.R nila pati building insurance fee at meron pang isang non-existing insurance fee na ewan kung anong insurance fee amounting Php800.00 na wala ding O.R.

    Natapos ko naman ang paglalakad na ng Mayor’s Business permit ko at nag-aantay na lang ako na marelease ang plate nya, pero napaisip ako dapat pala hindi na lang ako kumuha ng mga permit na to since nag uumpisa pa lang naman ako , dahil kung eto nga gobyerno na pero manininingil ng maliliit na amount lang naman sana pero hindi magbibigay ng O.R. ( 300 +800 ay malaking bagay actually ) . Yung mga ganitong klase ng patakaran ng gobyerno natin actually ang nakakawalang gana na magparehistro kung maliit ka lang na negosyante.

  84. Hi po tanong q lng po natural lng po ba na ung mga tao po sa cityhall pabalikbalikin ka kahit completo na po ung requiremnts n kylangan pra sa business permit kc po ung mga nag inspection po dto sa pwesto namin sbi ok na daw po marelese na dw po ung permit pro po pg punta nami dun sbi nun pinaka mag iisyu twagan nlng dw nya km at ang higpit nya po tas nag punta din po cya dto mg isa sa pwesto namin at nag sbi ng maling sukat sa pwesto pro ung mga ksama nya nun sinukat to iba din sbi nla… to think po na my ibang kahulugan ung isa prang humihingi ng lagay ayw nya pa po release permit namin. Thank you po

  85. Hi, nagpaprocess ako ng mayors permit ngayon for my online shop, ang problema ang hinahanap nila is for a business with a physical shop. Nakadeclare naman sa papeles na pinakita ko sa kanila and meron din photo ng stocks at photo ng mga damit na binebenta ko. Ano po kaya ang dapat kung gawin kasi pinabalik balik na kami nila sa mayo’s office.

  86. Paano po kapag gusto mo magkaroon ng isang company . Pero ang business mo ay thru online shop lang ?

      1. Could you please email me the info about the requirements for online business? Kailangan pa ba ng inspection? Please help

      2. Pa email din po ng steps for online shop. Need pa back ng mayors permit? Wala pong physical store, bale sa bahay lang.

  87. my tnong po ako, pnu po ang process kung gradually ko po iincrease ang tndhan ko, ndi ko po kc kya ng malakihang bgsak. so sbhin nntin 15k po capital ko and then s susunod mg.aad ako ng liquior,cigarette etc. mgaad lng po b ako ng permit o uulitin ko po ang proceso? slmt

  88. Ask ko lang bakit po nag apply po ako bussiness permit sila po ng lalagay ng capital ko tapos an laKi un nilalagY nila Like 60k

  89. hello po, ask ko lang po, kadalasan kasi school ang client ko, maintenace po ako ng computer, minsan po kasi humihingi sila ng resibo, papaano po ang procedure ng pagkuha ng business permit wala naman po akong pwesto at sa bahay lang din ako gumagawa minsan…
    thanks…

  90. Sir, magkano po permit mag maliit na kainan?
    Tapos, pag meron po 3 pwesto ng cart business 3 din po ba ang business permit na aaplyan ko?

  91. jannette velasco

    Hi Sir, ask ko lnag po, for rent a car business, ano po idedeclare ko na amount paid capital and subscribed?

  92. sir ask lang po ,magkano kaya gagastusin sa pagkuha ng business permit ? para lang po sa mallit na negosyo. thank you.

  93. Sir, kung malelate ako sa pgrerenew, ano po ang mga disadvantages/effect nito sa amin bilang nagpapaupa ng pwesto at dun po sa storeowner?

  94. good day , ask ko lang kung pano magrenew ng mga permit ? ngayon ko lang kasi maeexpirience magrenew ng bussiness, tnx

    1. same lang din halos ng pag-apply ng new business. Kung ngayon ka na nagre-renew I believe mas madali kasi bawat step ay ituturo na ng mga signage sa city hall ninyo dahil panahon talaga ng renewal ngayon at may deadline. Mabuhay!

  95. Hello po …tanung ko lang po kakasimula ko lang po ng small business for 5 computer at need ko po ng mayor’s permit para sa internet ano po ba ang kailangan..thanks

  96. Hello po. Same lang ba ng mga requirements pag sa bahay ko lang ginawa ang business? Kasi momshie na ako at gusto ko magkaron ng business at mas madali para sa akin kung sa bahay ko lang gagawin para bantay ko din mga anak ko. Please help me po. Salamat

    1. I think same procedure pa rin naman. Nagkakatalo na lang siguro sa requirements depende na sa klase ng business na itatayo mo. Kung di naman yan risky sa health ( ex. food resto / vulcanizing) at maliit pa lang, di ka naman na siguro ( hopefully) ire-require ng fire certificate at iba pa.

      I suggest mag-test drive ka muna bago mag-register. Kapag sunod-sunod na, malakihan na or may sure/regular clients ka na saka ka mag-register. Iba ang challenge kapag nagre-register, naka-register na, at kung maisip mong ipa-revoke yung licences mo. Mas mahirap daw ang magpa-cancel ayon sa mga nababasa ko at sa accountant na nakausap ko it takes time. So be sure muna sa business concept mo at determinasyon sa negosyo. Kapag may gritty ka naman, kahit ano pang requirements go go go lang sa buhay ‘di ba 😉
      Mabuhay!

  97. Hello po!!gud day,,tanung ko lang po kung anu ang daoat gawin pag ayaw na parenewhin ngmayors business permit,?

    1. Hi Ler!

      marami na rin akong na-encounter na similar question gaya sa iyo pero mas klaro pa ang mga hakbang kung sa BIR ka magpa-file. Wala pa rin ang klarong napagkunan ng impormasyon at marami akong kakilala na basta na lang huminto. So i think the smart move pa rin ay pumunta ka kung saan ka nagpa-register. gawin mo na agad bago pa mag-January. Mabuhay!

  98. hi good day,paano po ang online business ko,ano po ang requiremts sa pagkuha ng business or mayors permit,wala naman kasi akong office/store kasi online lang naman,diba need nila ng sketch/picture ng business location,Salamat po,God Bless

    1. Hmm oo nga no, napaisip ako sa question mo. Pero in my opinion lang po, que online lang ( na kung saan-saan ka) or may physical store ka pa– ang lalabas na pwesto nyo po ay ang bahay n’yo kaya dyan babagsak ang sketch mo. Need mo lang klaruhin na online ka, ano lang paninda mo, at saan lang scope mo. Para hindi ka na masyado bigyan ng requirements especially sa location clearance at fire (hopefully ha). Ipagdiinan mo na small time ka lang.

  99. Hi po
    Sa tulad kong inupahan ko lng yong sarisari store.kailangan pa rin po bang business permit or mayor permit?

  100. Kung sakali bang online business, kasama sa capital ‘yung laptop for example? Iaaccount kaya ‘yung depreciation, kunwari, nabili mo ng 30k, 20k na lang after some years?

    Ibig sabihin ba ng kung mag-apply ako ngayong September, sa January kailangan ko ulit mag-apply??

    Nakakaulol naman mag-business permit, nagpapakalegal ka na nga 🙁

    1. hi Jeri!
      Hindi ko alam kung may say ang city hall sa ganyan para sa iyong mayor’s permit. basta ang tanong lang sa akin noon ay kung may ref akong gagamitin for business. Tanong ka rin sa inyo, minsan kanya-kanya rin kalakaran yan ng LGU. pero I think pasok yan sa concern mo sa laptop mo kung usapang accounting side/ BIR.

      – Sadly, yes mag-a-apply ka ulit sa January at I sincerely feel your sentiment. Hirap yung, gusto mo lang naman kumita. Naramdaman ko yan at nararamdaman pa rin minsan. Pero siguro para mabigyan ka naman ng positive vibe. Kapag legal ka hindi lang maliliit ang madadale mong customers (B2C), kundi kompanya rin (B2B) kasi need nila rin na bumili sa legal. Mabuhay!

      1. Wow! Salamat sa agarang reply!

        Oo ang alam ko kinoconsider ‘yung depreciation for taxes eh. Pero tingin ko di nga rin iaaccount sa Mayor’s. Mukang anglaki ng lalabas ng assessment ko, tapos di pa sulit sa first year 🙁

        Anyway, salamat sa consolation at sa posts mo about this! Very informative at naappreciate kong naka-Filipino sya 🙂

  101. Hi,

    Sa tingin mo…kung ang capital ko ay nasa 30k…magkano ang lahat ng gagastusin ko sa lahat ng permit at clearance or mga papeles na sinabi mo… aabutin ba ng 10k…

    1. Mabuhay!

      I think below 5K kung mag-i-stick tayo sa 30K capital. Pero lalaki o baba pa yan depende sa laki ng puwesto mo, laman ng tindahan mo ( may ref ba?), at kung ano eksakto ititinda mo pa ( magtitinda ka rin ba ng alak? iba usapan sa liquor permit).

  102. hi gud eve gusto ko lang po sana malaman kung pwede naba kumuha ng business permit ang vulcanising shop na wala pang 20sqm.? thanks po in advance

  103. Zarah Mae B. Domingo

    hi ask ko po sana if magpaparenta ako ng bahay kailangna pa ba ang business permit? isang unit lamg man din kasi.thanks inadvance

    1. dapat kung usaping legal at kung hihingi ng resibo yung nangungupahan sa iyo. pero mostly ang naggaganyan ay yung mangungupahan na gagamitin din for commercial yung puwesto.

    2. Hi!gud evening !ask lng po same p rin po b ang babayaran sa business pwrmit even if nag start lng ng september ang opening ng sari sari store..tnx

      1. Opo. Ako nga nag-start ng December eh he-he-he pero ganun pa rin binayaran ko. Kaya tama yunh sinabi na ideal ay sa January (May post ako about dito) mag-apply. 😉 Good evening

  104. Hi po si mhie mhie po ito,
    Papaano po kung sanglang tira lang po ako sa tinutuluyan ko? Ibig sabihin ko po 1 year contract lang kami sa bahy na tinitirhan ko. Pero nagtayo ako ng small sari sari store sa bahay , tindahan para may panggastos ako sa araw araw . at makalibri na kami ng kakainin. Dahil yun lang ang income na pinagkukuhanan namin.. Kailangan ko po bang kumuha ng mayors permit??

      1. Hi..ask ko lang po pwede na bang mag operate ng business habang on process ang mayors permit may DTI and Barangay Clearance nadin po..And how much po kya ang fee sa mayors permit pag bolts n nuts gen.merchandise po ang business..thank u po

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.