iBlog the Finale na raw ang #iBlog15 kaya kahit part ng new year resolutions ko na maging choosy sa pupuntahang event (as if marami akong invites) at may works to do ako that day ( bukod sa labada ), I decided to attend. No deep reasons, I just want to attend. But in the end, the reward is immeasurable—reflection, refreshment, relate, reinforcement, and rediscovery.
For recap there were three discussions at the iBlog the Finale:
1. How Blogging Has Changed the Philippine Internet Space – ang mga panelista ay binubuo nina ( l-r) below) Tonyo Cruz, Ruben Licera, at Jane Uymatiao
2. Bloggers: Crossing Boundaries – ang panelista ay binubuo nina (l-r) Carlo Ople, Chad Ting Ramos, Joemar Belleza, at Apple Allison (not in the picture below)
3. Bloggers: Monetization & Competition – ang panelista ay binubuo nina (l-r in photo below) Anton Diaz, Fitz Villafuerte, Vince Golangco, Earth Rullan, and Bert Azura Padilla
Sa post na ito ay I would like to cite the meaningful tips na maaalala ko at reflection ko habang nakikinig ako sa kanila. Ito ang mga ‘yon:
iBlog the Finale: Blogging no more?
Sa buong tanan ng iBlog, the finale ay dalawang tanong ang naglalaro sa isipan ko isa na roon ang
- Buhay pa ba ang blogging? O
- May naniniwala pa ba sa power ng blogging?
Gusto ko ang ideya na ibinahagi ni Sir Ruben Licera na ang hamon sa blogger ay hindi lamang makipagsabayan sa content creator sa iba’t ibang media gaya ng YouTubers/ Vloggers and Podcasters. Ang mga news sites at business firms din dahil gumagamit na rin sila ng blogging style to disseminate information.
Malamang ay nakita na nila na ang blogging/ online publishing ay automatic na content marketing. It also makes them searchable online, which make them more relevant sa internet users .
Kaya magandang rason sa nagtanong—na uso pa ba at buhay pa ang blogging? Hindi masakit sa tanong na ‘yan dahil realidad ang pag-ariba na mga tinatawag na social media influencers. Pero dahil kakilala ko s’ya, aminado ako medyo naapektuhan ako. Alam n’ya na matagal na ako nagba-blog and this is one of passions. But I understand that he’s just one of the many social media users who follow and see the effectiveness of influencers. Hindi ko na maalala kung naidepensa ko ang blogging, but most likely ay nirespeto ko ang kanyang opinyon.
BUT
For the experts, and digital marketing people—they know the answer. And not only them, but all individuals who search online to know (to order) the products/services they want. These searchers, no matter how many or few, are most likely sure buyers than “likers” only. ( oh e nagbigay din ako ng answer, ‘da va).
iBlog15: How Blogging Has Changed Me?
Nasabi ni Ma’am Jane Uymatiao na somehow yung direksyon ng ibang bloggers or other content creators ngayon is to be extension of PRs or to be social media influencers. She encourages everyone to not lose own voice. Gamitin ito para sa iyong causes, passion o kung ano pa man. It make someone relevant and valueble.
By redefining my core values. Kung ako lang sa aspeto ng pagiging social media influencer, somehow I am 7 years behind sa mga kasabayan ko and even sa new content creators. Baka nga hindi ako considered na belong sa group, lalo na kung usapang “number games” ng followings and earnings. Siempre I am also aiming to gain more ng mga ‘yon. Ang akin lang ay I’d like to balance while leveling up ang aking pagiging content creator.
I agree sa sinabi Tonyo Cruz dapat hindi ibang tao ang nagde-define sa content creator at sa kanyang posts. Dapat make a stand sa gusto mong sabihin.
I don’t like also to compromise my other passions or aspects in my life. And sa aspeto ng blogging I consider myself bilang passion-driven blogger. There many ideas na masarap patulan. But I rather be conservative, than to go all out. It’s not pride, sinong ayaw kumita? Hindi nga ba’t nagba-blog din ako about money making and business. But mahalaga pala talaga sa akin ang protektahan ang aking core values—my welfare, my art, my privacy. I think that’s one of the great reason why I’m still blogging.
Napatunayan sa akin ng pagba-blog na hindi pala ako ganoon ka-mukhang pera. 😛 Hindi ko isasakripisyo ang aking websites at pagiging blogger para lang sa pera at popularity. Natutuhan ko rin sa blogging na ang gusto ko lang ay right credit at recognition, hindi popularity. Basta ma-credit ako sa pinaghirapan ko – comments, share, or likes okay na sa akin. Personally, I believe that invisibility is superpower.
By experiential learning. Kung usapang personal growth (kasama na ang professional growth), I gain more than I can ask for in blogging. Before I thought ang laki ng kontribusyon ng aking propesyon sa aking pagiging blogger. Tinitingnan ko ito as other avenue to practice and share ‘yong mga nalalaman ko sa trabaho. Pero alam mo baliktad.
Blogging has changed my career mindset and the way I approach life.
In fact, dinala ako nito sa maraming oportunidad na dati ay ideya ko lang o baka ni hindi pumapasok sa aking isipan.
Through blogging natutuhan ko ang lead generation, public relations, SEO, online publishing/ content creation, ecommerce. Kahit pa ang weaving, dancing, creating lantern, managing family business, creative writing, architecture, reconstruction/ construction of cultural heritages, realty, filmmaking, philately, songwriting, boating, photography, anemia, baby massage, painting, car maintenance, at maraming-marami pang iba.
Sa pamamagitan din nito lumalim pa ang kaaalaman ko sa personal finance—naka-attend ako sa seminars about wealth creation, culture and arts—I was even invited to cover Taboan in Subic and Giant Lantern Festival in San Fernando Pampanga, marketing, selling, freelancing, and more.
Ang gusto ko rin sa blogging events such as iBlog ( and even WordCamp and Blogapalooza) ay maraming batikang bloggers na actually nagbibigay ng great tips on how to handle your career/ life. Iyong hindi ka lang happy to do what you love, but earn and grow from it.
Ganito rin ang say ni Carlo Ople sa iBlog the Finale, who’s very vocal that he’s all for monetization. He’s right sa statement n’yang passion should be sustainable. Anya, dapat binabayaran ka sa passion na pinaghuhusayan mo. S’ya mismo ay kumikita sa pagba-vlog ng kanyang passion or interest.
To aim to live a meaningful life. Blogging also allows me to think and to do things that extraordinarily. I learn and experience different community involvements or social interactions. Kung sa ordinaryong buhay-buhay ko lang ay ‘di ko makilala sina Matt Mullenweg ( creator of Wordpres), Janette Toral, Atty. JJ Disini, Fitz Villafuerte, Randiel Tiogson, Chinkee Tan, Jayson Lo, Carlo Ople, Vince Golangco, Tonyo Cruz, Jayvee Fernandez, Danny Arao, JB Solis (of PEBA), Prof. Felipe De Leon (NCCA), AA Yaptinchay, Richard Paglicawan, Donald Lim at iba pa. Baka wala akong paki sa kanila—eh hindi naman ako panatikong tao, I’m occupied sa sarili kong mga interes, at ang diverse ng expertise nila. Pero nakita / nakikita ko sila at nakakadalo ako sa blog events.
Sa mga ‘iyon at sarili kong paraan ng pagba-blog ay napagyayaman ang perspective ko sa buhay. Hindi lang pala karera, travel, food trips, arts, at pera— may iba pang masaya at makabuluhang gawin. At hindi lang pala iisang formula para magawa ko ang mga bagay na iyon.
I am proud na sa minsan sa buhay ko ay naging ako ng Online champion ng Habitat for Humanity, campaign to list thresher sharks as one of the endangered species, promoter of Philippine Culture and the Arts. I am also glad that I can help/exchange messages with different people. Isa sa naalala ko ngayon ay iyong nag-message sa akin na retired professor at OFW na nagpasalamat sa akin dahil sa business tips ko.
Gaya ng sinabi ni Joemar Belleza ng Baklapoako.com and advocate HIV awareness, may mabago ka lang na buhay sa isang tao kada post mo o blog mo ay para ng alapaap. May matulungan ka lang isa o ilang tao, nagkakaroon pa ang ng ibang saysay ang buhay mo. Paano pa kaya kung involve ka na sa buong community gaya nina Ruben Licera ( Cebu bloggers) at Apple Allison ( Bicol blogger).
When I started blogging, I was relatively young professional. Mayroon na akong little bit skills at experiences na napagyaman ko rin naman sa work at offline experiences ko. But I think na-fast forward yung growth ko kasi naging blogger o content creator ako.
My take home lesson mula sa iBlog the Finale ay hindi lamang magpatuloy o harapin kompetisyon sa content creation, kundi namnamin pa ang growth at happiness na maibibigay sa akin ng content creation. At iyan sa pamamagitan din ng pag-level up pa ng aking nalalaman at gagawin bilang content creator. Hindi patay ang blogging, ito ay nag-e-evolve.