Mayroon akong article tungkol sa kung bakit mahalaga ang pagbabasa. Happy ako na isa iyon sa top posts ko dahil din proof din iyon marami ang nakabasa ( hehehe) at nagbabasa pa ( hehehehe). Naniniwala rin kasi ako na malaki ang porsyento ng success sa self-study, independent at lifelong-learning ay nagmumula sa sipag at gana sa reading.
Pero hindi lahat ay likas na mahilig sa reading kaya mahirap para sa nagtuturo at nag-aaral ang magustuhan ito. Kaya, narito po ang alam kong taktika upang maintindihan at nawa’y makatulong upang maging masipag na mambabasa:
Kilalanin ang benepisyo at epekto ng reading sa iyo
Siempre, ang dapat kilalanin o i-acknowledge ng tao na mahalaga ang pagbabasa. Anu-ano nga ba ang importansya ng pagbabasa?
- Pagpapalawak ng vocabulary. Maaari kang matututo ng mga salitang banyaga at lokal sa ibat ibang paraan gaya ng paglalakbay at panonood. Subalit,
- Gagaling din sa pagsusulat. Kung baga sa nutrition, you are what you eat. Ang laking bagay kung palabasa ka sa iyong pagsusulat ( sa professional, negosyo o pag-aaral man). Malalaman mo kung anong styles, tones, right words o genre na bagay sa iyo kung aware ka sa pagsulat ng iba.
- Makakatulong sa iba mo pang communication skills.
- Mas marami kang malalaman. I think madaling maiugnay ang well-informed sa pagkakaroon nang mas matatalinong desisyon.
- At mas iigi ang iyong karunungang (wisdom) taglay. Para sa akin, ang ano mang paraan ng pagsagap ng impormasyon ay nakakadagdag sa katalinuhan (intelligence) sa isang bagay. Pero iba yung kung nai-level mo na ito sa karunungang magagamit mo sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Iba rin kung naging dahilan na ito para mas lumawak pa ang pananaw mo sa buhay o bagay-bagay. At upang maabot mo ang ganoong antas ng karunungan, kulang ang one time big time na panonood ng video tutorial o pag-scan sa isang artikulo. Kailangan pag-aaralan pa nang mas malalim, na maaaring mangahulugan ng extensive reading. Gayon din ng panonood ng ibang video o pagpa-practice.
Intelligence is a skill?
Sa opinyon ko rin, ang katalinuhan ay maaaring ‘di likas na talento o gift na kapag wala ka ay olats ka na. Base sa mga nabasa ko at naranasan ko, nakukuha (you gain it) at nade-develop. Share ko lang yung istorya ng isang taong kilala ko na successful sa kanyang profession. Ang impression ng lahat (kasama na ako) ay napakatalino n’ya kasi kitang-kita naman. Nung nagkataon nabasa ko yung report cards n’ya nung nag-aaral pa sya, na- shock ako. Ang bababa at may bagsak pa. Sobrang nakaka-amaze na sa pagiging palabasa n’ya (kasama na ang persistence at hard work na matutuo sa buhay) naging intelihenteng tao sya.
Tips para maging mahusay na mambabasa
Okay, punta naman tayo sa ilang paraan huhusay sa pagbabasa.
- Magbasa ng magbasa. Ang corny o basic ng tip na ito, pero walang mas basic pero epektibong paraan kundi gawin ito palagi. Hanggang sa makasanayan.
- Pero maging mapili sa materyal na iyong babasahin. Ito man ay web articles, libro, dyaryo at iba pa.
Sa pag-aaral, siempre, mas okay na mag-stick sa pormal na mga salita. Base na rin sa mga napag-aralan at obserbasyon ko sa ibang tao ay kapag masyado kang babad sa panoorin at babasahing impormal ( iba pa ang conversational dito, ha!) na paraan ay makukuha mo ito sa pagsusulat at pagsasalita. At ang hirap matanggal nito sa aspeto ng pag-aaral o trabaho. Ganoon din, maaaring ito ang makaapekto sa iyong kumpiyansa sa pakikipag-communicate lalo na sa business/ professional level.
- Sa pag-intindi ng kwento o impormasyon, iprayoridad kung ano mensahe. Tip ito sa para sa reading comprehension tests o kahit pa sa pang mabilisang pagbabasa. Kailangan masagot kung ano, bakit, paano, saan at kailan. Kapag nakuha mo alinman o lahat ng sagot dito ay halos okay na.
Dagdag din dito, may pagkakataon na ‘di na kailangang isa-isahin ang mga salita. Bagkus ay magandang pagtuunan ang mensahe ng pangungusap. Siempre okay na maghanap sa diksyunaryo pero may sentence na klaro nang naipaliwanag ang buong ideya. Subalit, kung nagmamadali at walang mahahanapan na paliwanag ay magandang pagtuunan ito.
- Sa pag-unawa sa salita, tingnan kung paano ito ginamit sa pangungusap. Filipino o English man ay may mga salitang same spelling and sound pero magkaiba ang meaning. Katunayan sa modernong pamumuhay ay may words na nilalaro, kinukulayan at binibigyan ng ibang kahulugan base sa bias ng nagsasalita. Halimbawa ay ang “awit” ay musika o kanta. Pero base sa mga naririnig ko ngayon nauuso ang expression na “awit” na ang ibig sabihan ay loser o panalo.
Marami pang isyung nakapaloob rito gaya ng lingo, salitang balbal, jejemon, Filipinism at Taglish . Take note lahat ito ay impormal na paraan na pakikipagkumunikasyon.
Sa ibang banda, kailangan ding analisahin ang creative play ng manunulat lalo na sa panitikan (literature) gaya ng nobela at poetry sa wika. Kung pagsasamahin natin ang lahat ng isyu at maging creative writing at figure of speech, tingnan kung paano ginamit ang salita sa pangungusap.
- Gumamit ng diksyunaryo sa wikang hindi maintindihan. Ang gasgas din ng tip na ito,pero ito talaga ang mabisang solusyon. Ang goal naman kasi ay makakapagbigay nang tamang kahulugan. Believe me, it is dangerous to use words that you don’t know exactly the meaning. Iibahin nito ang mensahe, mamaliin ang balarila (grammar) mo at iba pa. Ang maganda naman ngayon ay may online dictionary na. Madaling mag-research ng word meaning gamit ang gadget at internet.
Ano ang crowdsourced vs. privately owned dictionary?
Maram na pong free online dictionary. Pero, I recommend na sa privately owned or published ng isang company maghanap ng word meaning. May tulong ang dictionary or encyclopedia na “crowdsourced ” o yung bukas sa kahit sinong nais magdagdag at mag-edit ng information. Pero iba ang may back-up ng pag-aaral sa mga salita.
Ako ang ginagamit ko na English dictionary ay Macmillan, Cambridge, Longman, at Merriam. Gusto ko ‘yong may…
- May indication ng countable or uncountable noun. – malaking bagay ito sa subject-verb agreement at paggamit ng article ( the, a, and an) sa sentence.
- paano gamitin ang salita sa pangungusap
- Ano ang usual na katambal na preposition ng isang salita. Halimbawa “to” sa adhere to at according to
- Kita agad ang mga synonym (kasing kahulugan) at link sa definition.
- Saan madalas na nagagamit – casual o formal, negative connotation at iba pa.
- Link sa phrases at related words ( na may prefix at suffix)
Para sa akin mas madali malaman ang meaning ng ibang word sa English kung aware ka sa prefix (salitang idinudugtong sa unahan at suffix (sa dulo) ng salitang ugat.
Example: halos lahat ng may suffix na may “logy” ay nangangahuluhan ng study o pag-aaral gaya ng biology ( study of living things ), theology (study of nature of God and religious beliefs ) or psychology (study of human mind and behavior)
Halos lahat ng prefix na may “anti” sa unahan ng root word ay nangangahuluhan ng kontra gaya ng Antibiotic ( kontra bacteria). Halos lahat din ng prefix na may “Ambi” ay dalawa o higit pa gaya ng ambivert ( pagkakaron ng parehong karakter na extrovert at introvert) o ambiguity ( kawalan ng kasiguraduhan dahil maraming posibleng kahulugan).
Ang American and British English
May American at British English na nagkakatalo sa spelling (well, sa pronunciation din). Halimbawa ang liter sa American ay litre sa British. Ang flavor sa American ay flavour sa British. Para sa ating mga Filipino, ang ginagamit at sinusundan natin ay American English. Kaya you nanood tayo sa movie theater, hindi sa movie theatre.
Ang Filipino Dictionary
Sa pag-aaral o trabaho, nirerekomenda ko na mag-invest na bumili ng libro kung English-Filipino o vice versa. Medyo tricky at limited ang free online Filipino dictionary. One time sumubok ako ng “Mahal Kita” ang lumabas online ay hehehehe… “Expensive Profit.”
- Para mabasa nang tama, matututong makinig sa tamang pagbigkas. Sa usapang oral reading, magandang balikan ang basic lesson sa pagbasa sa Filipino (Spanish din) sa pagpapantig o pagbabaybay na madalas may ay tambalan ng patinig (vowel) at katinig (consonant). Kaya ang basic na turo ay ba-be-bi-bo-bu hanggang ya-ye-yi-yo-yu sa prep. Mula sa mga ito ay nakakabuo tayo ng ilang salita gaya ng “ba-ta” o “pusa.” Ang halimbawa ng may tatluhang letra ng pagbaybay ay “kum-ple-to” o “ka-rik-tan.”
Sa kabuuan ang oral reading o pagbabasa English ay iba at may ilang tips para magawa ito. Isang dahilan dito ay dahil iba-iba rin ang origin at pinagkunan ng mga salita. Kaya maigi na mapakinggan paano nabigkas isang salitang English. Ang good news ay marami na tayong napapanood na video tutorials at movies na ganito.