What is RO 9048? Things You Should Know about Changing Names, Birth Certificate?


Motherly

Motherly by NeMiranda Art House

In crucial moments such as delivering a baby, registering birth or something about birth certificate is possibly the least thing parents do.  However, when you start to file papers like passport (DFA), facing immigration officers or just filing your SSS loan– errors in birth certificate (BC) is a big problem. Check your birth certificate now, I tell you some legal matters I learned about RO 9048 and changing name.

RO 9048: correcting clerical errors / change of first name?

I don’t know kung uso ba ito retro days at pagkatapos ng World War 2 pero marami sa kamag-anak ko ay magugulo ang records. May lola ako nagse-celebrate ng birthday every December 25, iyon pala ay nasa February ang birthday niya.   May mga kamag-anak din akong wrong spelling na ang name, mali-mali pa ang middle initials. Halimbawa ay imbes na K for Kardashian ay G. Pero ang malupit ay iyong  wala talagang nakalagay na pangalan. Katawa-tawa ito pero ang laking sakit sa ulo doon sa tao.  Bakit kaya tinatanggap ng NSO (National Statistics Office) ang pagrerehistro ng  certificate na walang pangalan?

Sa aking sariling pagsasalin at interpretasyon ng Republic Act No. 9048 –  “ito ay isang batas na nagbibigay kapangyarihan sa City/ Municipal Registrar ( nasa City Hall) o consul general na itama ang pagkakamali sa mga detalyeng nailagay sa BC  at/ o kaya ay baguhin ang unang pangalan/ palayaw sa civil registrar na hindi kinakailangan ng sumailalim sa judicial order.”

Judicial Process to Clarify Identity

IDAno ba ang nangyayari sa pagdaan sa judicial order, at base sa mga nalaman ko kay Manila Judge Teresita Soriaso (this is not an interview, but informal inquiry). Ang taong nais magpa-correct sa kanyang BC  halimbawa ay pangalan at marami pa… kailangan magpasa ito ng petition sa korte sa tulong ng isang abogado. Ira-raffle ito kung kaninong judge mapupunta, at kapag napatunayang balido ang rason ay kailangan ding ilathala sa mapipiling dyaryo ng korte ang pagbabago.  Sa totoo lang, pagpa-file pa lang ng kaso ay masakit na sa bangs.

May nakausap din ako na lawyer mula sa PAO (Public Attorney’s Office) at idinitalye niya  ang kailangang supporting documents. Subalit ang basic na dapat mayroon ang petitioner ay original copy ng BC from NSO, BCs ng kanyang mga magulang, CENOMAR (Certificate of No Marriage Record) or marriage contract ng mga magulang.  Aabot sa point na kailangang magharap ng mag-asawa para patunayan ang pagkakakilanlan ng kanilang anak. Para sa iba pang requirements sa RO 9048 (dito ka)…

When you can change your name?

Ayon sa kay Judge Soriaso, though aprobado ang pagbabago ng pangalan, madalas na naiuugnay ito sa mga kriminal na nais magbago ng identity.  Sa ibang banda, nakasaad sa RO 9048 na balido ang sumusunod na rason sa pagpapalit ng pangalan:

  1. Hindi na trip ng petitioner ang kanyang sablay, niyurakan, at mahirap na maisulat na ngalan.
  2. Yung gaya sa kakilala ko – mas sikat ang petitioner sa matagal na niyang ginagamit na pangalan at mas trip ang pamoso niyang nickname. Kung tama ako ay ganito ang ginawa ni Cesar Montano na ang totoong surname ay Manhilot.
  3. Para once and for all ‘wag nang malito ang mga tao.

Let’s honor our kids first with giving them right name

birth certificate

Johnson’s baby Bedtime discoveries

Ilang tao na ba ang nakilala ko na hindi gusto ang kanilang name dahil parang ginawang joke lang ang name nila.  Iyong mga tipong kung saan lang nahugot o kaya hayok sa pangalan ang magulang na isinaksak ang 5 long proper nouns as first name ng anak- susme!

Patalastas

Sana ang ipinapangalanan  sa anak ay iyong bagay sa kanya at gustong maging representasyon ng pagkatao niya.  Kaya nga siguro ang mga lumang ngalan especially Spanish names ay may ibig sabihin gaya ng Esperanza for hope, Domingo for Sunday at   Corazon for love.   Gayon din naman,  maging maingat  sa paglalagay ng impormasyon sa birth certificate  at kapag mali ay mabuting maglaan ng oras para maitama ito habang maaga. Kahit man lang sa papel ay mapamanahan nang magandang pangalan ang anak.   By the way…

If you have kid with other man  but you are married…

Bad news para sa inang hiwalay sa pinakasalang asawa at may bago ng pamilya, as long as valid ang kasal n’yo at naka-follow ang surname mo sa asawa mo ayon sa batas…  ang surname pa rin nang leche  nakahiwalayang mong asawa ang magiging surname ng iyong anak mo ( illegitimate child).  Ito ang personal na nalaman ko kay PAO attorney.

Kaya maliban sa pagpapangalan ng anak, dapat una pa lang ay alam mo ang pinapasok mo sa pagpapakasal. Hay… hanggang papel ang gulo ano?



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.