Ang Philippine History o Kasaysayan ng Pilipinas ay isa sa nakakabagot na asignatura sa eskwelahan, bagaman madali. Aminado, isa rin ako sa minsang napapikit sa klase habang si teacher ay nagmumuwestra tungkol kina Gabriela Silang, Gen. Antonio Luna, Gen. Gregorio Del Pilar, Apolinario Mabini, o dami e. Pero teka-teka bakit nga ba kailangan pang pag-aralan ito?
Sa aking teorya kaya nakakabagot ang Araling Panlipunan gaya ng Kasaysayan ay dahil:
- It is so easy to understand. Parang walang challenge ‘di gaya ng Math dahil para ka lang
ipinag-Maalala Mo Kayakinuwentuhan ni Ma’am Charo ng mga istorya na pinatunayan ng iba o mismong tao. - You have to memorize. Maliban sa ka-birthday mo si Rizal o ma-declare na national holiday ang isang date, parang doon lang ito may importansya.
- The Past is in the Past. Sa modern living ngayon, na kung saan advance na ang technology, medicine, architecture, communication at iba pa ay napakaraming dapat aralin at intindihin para balikan pa ang mga tapos na.
Siguro may iba pang rason d’yan bakit nakakabato ang pakikinig at pagbabasa ng Kasaysayan pero let me give you…
5 Reasons why Philippine History is important in our modern living
- To become globally competitive. Kapag nakakausap ka ng foreigner, puwedeng ma-conscious ka o maiparamdam sa iyo na somehow there’s something about you’re being Filipino. Papasok ngayon sa edge at disadvantage mo kung gaano mo kaalam ang iyong pinagmulan at saan ka tutungo. Why are you conservative? Bakit ang mga kable sa ‘Pinas ay nasa taas ng poste, hindi gaya sa Japan na nasa ilalim ng lupa? Kung may kanya-kanya mentality ang mga Pinoy, paano naisulong ang first non-violent revolution sa buong Mundo o People Power Revolution ( EDSA Revolution)? To cut it short, knowing your origin is great. By the way, advantage din ng mga Pilipino ang pagkakaroon natin ng pamilyaridad sa wikang Espanyol, Nihongo at Ingles.
To make smart choices like in investing. Para sa akin sa lahat ng rason kung bakit essential ang history ay ito na ‘yon. Kung ano ang nangyayari ngayon ay resulta ng nakalipas. May ilang dapat baguhin at gayon din naman ay dapat panatilihin. Kung baga, maganda itong pattern sa mga susunod para sa progreso ng ‘Pinas.
Kamakailan nga ay nag-research ako tungkol sa investing in real estate (pang-hinaharap). Nabasa ko ang trend gaya kung saan magandang manirahan na hindi binabaha at hindi gaanong maaapektuhan sakaling lumindol (pangkasalukuyan). Dito naman pumapasok ang malaking aral na idinulot ng Bagyong Ondoy (history) na kung saan hindi naligtas sa flash-flood ang prominenteng villages sa Metro Manila. Partida high end na yun ha? Pero ayon pa sa ilang nabasa ko sa ZipMatch, ito ay dahil naman sa obsolete urban planning na nakamodelo pa sa mga imprastraktura noon panahon ng Espanyol (history). Isang halimbawa na nito ay walled city o Intramuros na kung saan itsa-puwera ang mga Sangley at Indio.
- To boost our know-how in current affairs – ito na lang… sa pulitika marami kasi sa atin ang hindi natututo sa mga nagdaang eleksyon. Sa modus operandi ng mga scammers, may naloko na before sa pyramiding hala sige pa rin sa paniniwala sa mali at quick money schemes. Tandaan hindi ka maloloko nang mga manloloko kung hindi ka magpapaloko kasi may alam ka.
- To strengthen our tourism. Kapag tinatanong ka kung ano ang magandang puntahan sa Pilipinas, ano ang isasagot mo at bakit aber!? Pagkatapos ng beaches ano pa? Lumang simbahan? Museum? Kweba? Bundok? Park?
` Ang isang lugar o bagay ay nagkakaroon ng priceless value dahil sa kasaysayan nito. Halimbawa ay Rizal monument sa Luneta. Kung hindi nilibing dun si Rizal ay magiging tourist attraction ba iyon o baka ni isang establishments ay walang itayo sa paligid.
- To know yourself ( strength and weakness) – Personality development . Ito simple pero malalim… hindi ka lang anak nina mr and mrs, nag-aral sa mababang paaralan at nagtapos sa pamantasan ng… Isa kang Pinoy sa dugo’t pawis pero puwedeng hindi sa puso’t diwa. Hindi mo kakayaning mahalin ang Pinas, kung hindi mo kikilalanin ang background nito. Kung hindi mo kikilalanin ang background nito, hindi mo makilala ang pinagmulan ng lipi ng mga magulang at kapit-bahay mo. Kung hindi mo kikilalanin ang lipi ng magulang at kapit-bahay mo, hindi mo nasasalamin ang kabuuan ng pagkatao mo. Ano nga ba ang misyon mo sa buhay? Para saan ka bumabangon sa umaga? Kung hindi mo naiintindihan ang diwa ng pagkatao mo? ‘Yan ang isang malaking problema mo para sa pag-unlad ng iyong buhay at ng personality development mo.