Movie Review: Diyos-Diyosan


Titulo pa lamang ng Diyos-Diyosan ay parang preachy na itong movie na pinagbibidahan nina John Prats, Princess Punzalan, Kiko Estrada, at Tirso Cruz III. Subalit kung susundan mo ay madala ka rin sa kwento at ma-appreciate mo ang mga simpleng panawagan lalo na ang tungkol sa pagboto at kalakaran ng pulitika sa Pilipinas.Diyos-Diyosan movie Poster

Panawagan sa tamang karera sa Pulitika, Eleksyon

Ang unang nagustuhan ko sa pelikula ay pagkaka-establish ng mga karakter lalo na kay Bernard Mojica (John). Katunayan dahil sa pagsunod sa  kanyang karakter ay may iba pang social issues ang natalakay gaya ng edukasyon, rebelde, at fraternity.

  • Kahalagahan ng Edukasyon gaya ng Teach students not to get High IQ or medals, but to have better wisdom and values.  At the end of the day, hindi naman achievement ang sukatan, kundi ang talino at values ang sukatan sa bawat pagpasya ng isang tao.  Klarong naipakita ‘yan sa karakter ni  Bernard at  Ma’a Estrell  Subido( Princess Punzalan).
  • Pagrerebelde nga ba ang sagot? Personally wala akong komento sa topic na ito,maliban na lang kung ang rebelyon ay may kagyat na kinalaman sa terorismo. Ang masaklap nga lang dito ay may namamatay gaya ng lamang sa asawa ni Ma’am Estrell dahil isa rin syang    Naalala ko tuloy ang word at movie na “Atonement.”
  • Fraternity. Usually sa documentary at special feature show (wala ng Calvento Files e). Base sa movie, hindi lamang pala ang hazing ang nakakakatakot na part sa brotherhood na ito.

The actors in Diyos-Diyosan

  • John Prats – naalala ko yung teen days ni John noong high school at college days niya as Bernard Mojica sa film. Parang episode sa Maalaala Mo Kaya pero mas mahaba at depth na.  I don’t know what really stopped him to pursue drama other than na mahinto s’ya pagla-love team pero this film is a good vehicle to show that he can act in dramatic roles na walang  pa-tweetums.  Ang best scenes n’ya ay nung nalaman n’ya na ang ipinadala n’yang regalo sa tatay n’ya ay oops ‘di na unwrap at yung kinukumbinse niya si Jojo ( played by Kiko Estrada).  Nandoon yung art of negotiation and pagdadalawang-isip.  I hope makagawa pa ng indie films si John para mahasa pa and to breakaway  sa usual nyang ginagawa. Ito ay para masanay din ang kanyang manonood na he’s not only pang TV and Movie star, but also versatile actor. After all I think nandoon pa rin ang charm niya na mala-Aga Muhlach  at Ryan Agoncillo. Bagay sa kanya ang mga movies  na tulad na ginagawa nina  Jessie Eisenberg. This movie let me think may ile-level up pa pala si John and this is sincerely a compliment.
  • Princess Punzalan – Kung tama ako parang napanood ko na yung feature story ng buhay n’ya ( Lovingly Yours?). Parang ganun din ang nakita ko rito sa film pero siempre iba dahil si Ma’am Estrell ay guro  na rebelde pa. Ang pagkakatulad lang ay parehong nabago ng pananampalataya ang kanilang buhay. Iyon ang tingin ko kaya lalo s’yang effective siya sa  pangangatwiran sa asawa  n’ya at pangungumbinsi sa kanyang mga students.#mayhugot
  • Kiko Estrada – Aaminin ko na hula ko lang na baka kamag-anak siya ni Erap at alam ko lang ay Kapuso actor s’ya. Sa simula ay tipikal na best friend ang role niya na tipong wala kang maasahan kundi maging sounding board. Pero maganda rin yung twist sa buhay ni Jojo at mahusay ang ang pagkaka-deliver ni Kiko  lalo nung sa guilt scene niya sa Campus, nung nagkumpisal siya kay Ma’am Estrell at nung tinabla na niya si Bernardo hanggang sa…end.
  • Tirso Cruz III – well beterano na si Tirso at peg na peg lang niya talaga lately ang unting exposure sa pero bongga ang effect ng kanyang karakter. Parang sa Honor Thy Father at dito sa diyos-Diyosan.

The cool and not so cool parts

  • Hindi effective ang make up at costume lalo na yung kay Kiko, Vanessa Del Moral, at Ryza Cenon – ganun din medyo kay Princess.
  • Sa lahat ng extra yung ka-frat lang ni Bernard at Kiko ang may dating.
  • I respect and I like Cesar Evangelista Buendia’s, diYOS-DIYOSAn writer and director, script. Maaaring di ka mag-agree sa  ilang mensahe ng pelikula pero maaayos ang kanyang pagkakalahad at may patutunguhan. Gaya ng nabanggit ko magaling s’ya sa pag-build ng character at masasabi kong treat yung pagdokyu nya ng ilang pangyayari at isyu pannlipunan. Ang hindi ko lang masyadong trip ay iyong last part, may iba akong naiisip o wish na atake sa awakening moment ni Presidente Mojica. Pero maliban dun, gusto ko ang script at pagkakadirek niya kina John at Kiko.
  •  Naguluhan ako nung una yung mensahe na habang nag-i-speech si Ma’am Estrell at nagbubulungan ang mga tao. Ang hula ko noon ay baka may video na kumalat si Senator lalo na’t may dala ___ nung gabing yun. Waley maingay lang pala talaga sila at  walang respeto sa nagsasalita.
  • Pero in IMHO maganda ang kabuuan ng Diyos-Diyosan , may makabuluhang mensahe at malaman na istorya. Sakto sa Election Day ngayon May 09 para magising ang mga botante at tatakbo. Vote not only wisely, but according to your conscience. 🙂



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Old Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.