Visita Iglesia: Old Churches in Manila City


Sa totoo lang talaga  ay marami pang puwedeng i-explore sa Metro Manila  kagaya na lamang ng mga old  churches in Manila City na ang karamihan ay 16 to 18  century  pa naitayo.  Nitong Visita Iglesia ay  ako naman ang nagpasyal sa aking  ate at kaibigan na pareho kong laking Maynila (o Kyusi) pero ‘di pa pala nakakarating sa mga Lumang sa  Simbahan na gaya nito sa Lungsod ng Maynila ( puwera sa Quiapo Church).

Note: Para sa  iba pang simbahan sa Manila City sundan na lang link sa ibaba  ng post na ito…

Narito ang pagkakasunod-sunod ng aming  Visita  Iglesia na medyo ala alay-lakad:

1st and 2nd stations – The Chapel of St. Pancratius

Ang first stop namin ay  sa  bulinggit an Paco Church o The Chapel of St. Pancratius   ay center of attraction sa creepy pero stunning na Paco Park and Cemetery. Sa history ay mas marami kang malalaman about sa sementeryo na nagbukas sa publiko noong 1822.  Bagaman nasa labas ng Intramuros o “walled city” ng mga elitistang Espanyol ang  Paco cemetery ay para pa rin ito sa mga  namatay na mula sa buena  familia na tinamaan ng isang epidemya noon.

Ang The Chapel of St. Pancratius ay may 150 seating capacity lamang kaya swak na swak ito  para sa mga intimate wedding.  Sa  ilang beses na  pagpunta ko rito  ay ilang beses ko pa lang nakitang bukas ang church at yes, tuwing  may kasal din. In fact, ang unang beses na nakapasok ako rito ay kasal din  siguro mga prep pa ako noon. Tuwang-tuwa pa ako sa pag-ikot sa buong kapaligiran na sementeryo na pala hehe.  Pero nakaka-amuse naman kasi talaga. By the way, dito ikinasal ang former child star (and sister na  ni Kaye Abad) na si Sarah Jane Abad at ni Kamikazee vocalist Jay Conteraras. Nai-feature din ito sa 1989 Regal Shocker trilogy film: segmen “Pangako” ni Carmina  Villaroel, Randy   Soliven, at  Anjo Yllana.

Paano makarating? Bumaba ka sa Padre Faura  street  along UN avenue.   Kung kagaya ka sa amin na galing sa  Quezon  City ay  pagkababa mo ay tatawid ka sa left side ng Padre Faura at dire-diretsuhin mo na iyon para matunton mo na agad.

Note: Hindi ako aware na hindi sila open for Visita Iglesia or  station of the cross, I guess kasi marami na ngang simbahan sa paligid. May entrance fee sa park at ito ay Php 10 lamang 🙂

3rd and 4th stations – St. Vincent de Paul Manila

Konting kembot lang mula sa right side ng Paco Cemetery (San Marcelino Street)  ang St. Vincent  de  Paul Church.  Kung alam mo na kung nasaan ang Adamson University ay madali na sa iyo ang matunton  ito dahil magkatabi lang. O sige kahit sa Philippine Normal University (PNU), Technological University of the Philippines (TUP), at Emilio Aguinaldo College (EAC) ay makukuha mo na rin ito.

Patalastas

Ayon marker ng St. Vincent de Paul ay itinayo ito originally noong 1883 bilang isang chapel para sa mga taga Paco na nagsimula 1898 hanggang 1909. Ang concrete church nito ay sinimulan gawin noong 1909 at natapos ang preset structure nito noong in 1912. Sakto ang 1912 daw  para i-celebrate ang 50th anniversary ng mga Vincentian priests sa bansa. Ang mga pare rin na ito ang nangangalaga sa Paco park and cemetery.

5th and 6th stations – San Agustin Church

From St. Vincent de Paul ay nilakad na namin ang San Marcelino street, then kumaliwa kami sa  Ayala Blvd. (side ng PNU) at tumawid kami pa – Manila City Hall. Nag-underpass kami para makatawid sa  Intramuros  side at doon kami pumasok.  Puwede naman mag-pedicab going to General Luna Street mula sa entrance,  kung saan ang  San  Agustin, pero tinungo namin ito ng naglalakad ( walang basagan ng trip ‘di ba hohoho).

Ang San Agustin ay ang “oldest stone church in the Philippines.” Ang konstraksyon ng Baroque style na simbahan na ito ay sinimulan pa noong 1587 at natapos na noong 1607.  Sa pagkakaalam ko noong una ay ito na ang  pinakamatandang  simbahan sa bansa. Pero noong nakarating na ako sa iba pa ay marami pa palang BAKA mas matanda pa rito lalo na sa area ng Rizal, Laguna, at Ilocos Region.   Anyway, isa ito sa tourist spots sa Manila City at madalas ay nakakita ako ng  mga bus ng foreign travelers dito palagi.   Ang street ng  general luna especially sa  tapat ng San Agustin Church ay maikukumpara ko sa Calle Crisologo ng Vigan.

7th and 8th stations – Manila Cathedral

Mula sa San Agustin ay dire-diretsuhin mo na ang General Luna street going to Fort Santiago side. Madali naman matunton ang Manila Cathedral dahil kahit nasa San Agustin ka  pa lang ay makikita mo na ang simboryo (dome) nito .

Ang  Manila Cathedral ay pinakasikat na wedding church sa Metro Manila sa pagkakaalam ko at ito rin daw ang simbahan  kung saan nagmimisa ang dumadalawa na Pope sa bansa ( pero sa  pagkakaalam ko ay sa church ng University of Sto. Tomas din).  Ang istraktura nito ay ginawa noong 1581, habang kasalukuyang porma nito ay nakumpleto noong 1958. Bat ganoon? Well gaya ng ibang simbahan  ay dumaan ito sa ilang giyera at lindol.  Ang simbahan ay air conditioned by the way.

9th and 10 stations – Binondo Church a.k.a Our Lady of the Most Holy Rosary Parish a.k.a Minor Basilica of Saint Lorenzo Ruiz

 

Nalakad ko na ng two –three times mula Binondo Church to Manila Cathedral,  thanks  to Manila By Night photowalks, pero dahil pagod na ang mga ateng ko ay sumakay kami ng jeep papuntang  Sta. Cruz. Pero sa mga gustong maglakad,  gagalugurin n’yo ang  Escolta River patungong Quintin Paredes Street.

Ang  Binondo Church ay hawak ng mga Dominican priests  at itinayo noong 1596 para sa mga Chinese na  naisapi nila para sa Kristianismo.  Kung  matatandaan ay sa tinatawag na Parian  ang resettlement area ng mga Spanish para sa mga Sangley (Chinese) na ang iba pang tawag ay Binondo. Later on siempre ay naging Manila Chinatown na ito.

Ang pamilya ni San Lorenzo Ruiz ay Binondo district din nakatira. Siya ay half-Chinese, Half-Filipino at nag-train sa   Our Lady of the Most Holy Rosary Parish bago nagmisyonaryo sa Japan . So alam na natin bakit  tinawag din itong Minor Basilica of Saint Lorenzo Ruiz.

11th and 12 stations – Sta. Cruz Church

Sa left side ng Binondo Church ay mayroong rebulto ni Don Ramon Ongpin (ang mayamang Chinese na  tumulong sa mga Katipunero noon). Doon kami lumiko at yes sa Ongpin street para  dire-diretsuhin ( kahit mahaba) para makalabas ng Manila  Chinatown at para voila, makita ang Sta. Cruz Church.

Sa tuwina na mapadpad ako sa Sta. Cruz Church o Our Lady of the Pillar Parish Church ay madilim talaga ang loob nito. Ito ay dahil na rin sa marahil arkitektura nito na Baroque style  at may kalakihan ng dome.  Around   8pm na kami nakarating dito (kumain kami sa   isang Chinese resto …san pa?) kaya mas intense ang dilim (hohoho).

Our Lady of the Pillar Parish Church ay sinimulang gawin noong 1619 at binuksan sa publiko noong 1643.  Dumaan din ito sa ilang dagok (yung matindi talaga) ng mga pangyayari kaya yung present  nitong  itsura ay natapos around 1950s na. Ang  ‘di ko  makakalimutan na disenyo rito ay ang tupa sa altar area.

13th and 14th – Quiapo Church

Mula Sta. Cruz Church ay lumabas ka sa area kung saan naroon ang monumento ni Gat Andres Bonifacio.  Tapos pasok ka sa Cariedo street at dire-diretsuhin mo na iyon patungo sa gilid ng  famous Quiapo Church o Minor Basilica of the Black Nazarene.

Dito na nagtapos siempre ang aming Visita Iglesia. Pero siempre marami pa kayong makikita na  simbahan sa paligid na walking distance din o  mas malapit – for  reference please  follow the link  below:

Visitia Iglesia : visiting 14 +1 churches around Quezon City, Manila, and Pasay City

para masaya ito ang vlog version ko nito – subscribe na!)



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

2 thoughts on “Visita Iglesia: Old Churches in Manila City