Ang isa sa highlight ng pag-attend ko ng iBlog 13: Philippine Blogging Summit ay for the first time ay na-interview ako sa TV about blogging at Fake News. Saan at kailan ko kaya mapapanood ‘yon? Hehehe! Pero siempre gusto ko rin yung natutuhan ko about SEO (Search Engine Optimization), how to monetize your blog, how to become responsible bloggers, at dapat na batas para sa mga bloggers. But let me share my opinions on differences of bloggers and media practitioners at ano ang news, bias report, and fake news.
Bloggers versus journalists
Hopefully wala naman mang-bash sa akin, but I think ano man nasabi ko sa interview (kung mai-air man yun o hindi) ay general idea ko about bloggers and journalists, fake news, at iba pa. For me ay kaya ng bloggers at media mag-work to disseminate information at makatulong sa publiko. However, I hope that people should also be aware of their differences.
Bloggers are empowered netizens who can help to influence and share info. Ganito ‘yan e, lahat na may access sa internet ay maaring mag-share ng kanilang opinyon, kwento at impormasyon. Nagkataon lang na may mga talentado, kakayahan, at pinagpala na malakas ang hatak sa mga tao. Bloggers/ Vloggers/Social Media Influencers/Content Creators can be celebrities, or ordinary people na may K.
Well let’s commend yung mga sumikat kasi nakaka-entertain, relevant, and responsible bloggers/ vloggers. Sa totoo lang ay wala pa rin naman overnight success. Pinaghihirapan nila at may complications din ang kanilang ginagawa. In fact, mas expose at prone ang mga bloggers/ vloggers sa bashing, cyberbullying, at iba pang concerns (including depression at lawsuits)
I am aware na may ibang bloggers na feeling journalists at powerful. Pero hindi naman tayo basta-basta makakapaghusga ‘di ba ? May kwento naman sa bawat isyu at may kinikilala tayong demokrasya. Nasa nakikinig/nagbabasa na actually ‘yan kung paano n’ya iti-take ang isang impormasyon sa isang institusyon o tao. Pero at the end of the day, what bloggers/ vloggers have ay modern and shareable medium na kung saan sila makapagbibigay ng kanilang info o kwento. Parang pagpapagaling ‘yan, may iba na kilala na kayang makapagpagaling ( faith healer, magtatawas, mambabarang, at ano pang alternative medicine) pero iba ang pagkonsulta sa doctor.
May mga reputable bloggers/vloggers naman at nagsasabi ng totoong pangyayari base sa kanilang firsthand experience. May magaling mag-analisa, may mabuting intensyon, at reliable na pagkunan ng impormasyon. PERO more or less ang info na nanggagaling sa bloggers/vloggers ay documentary and feature type of writing.
Journalists are trained and skilled to deliver information. Everyone can share and express their opinions online. However not everyone can be news journalists ng ganun-ganun lang. These people are protected by law, follow code of ethics, spend years in schools/fields para ma-train, and consider many things for their jobs. Huwag nating maliitin ang kanilang propesyon dahil lang may nalaman tayong ilang reporters/ media men na pasaway.
Puwedeng may bias at may case din ng “envelopmental,” “yellow journalism or sensationalism” sa hanay ng mga media practitioners.
But let us not forget, not all journalists ay gumagawa nito. Hindi nila sinasangkalan ang buhay nila sa bagyo, giyera, sakit, at pananakot kasi gusto lang nila mag-express ng opinion. Hindi nga nila nilalaban ang personal nilang isyu sa halos ng lahat ng pagkakataon kundi:
- Ano ba ang dapat na malaman ng taong bayan?
- Paano kung mangyari ito, ano ang epekto nito sa nakararami?
- Paano makukuha ang pahayag(statement) ng isang taong dapat na magsalita sa isyu.
- Ano ang totoong kwento sa likod ng pangyayari
Itong mga journalists/ reporters (kahit may ayoko ang way mag-present) habang gumagawa ng mapa sa unan o naghihilik pa tayo sa higaan ay nasa daan na at naghahanap ng balita. Hindi pa nga nangagaling sa tax natin ang sahod nila ( maliban siempre sa PTV, so let’s also support this media station).
What is fake news and bias news?
Kamakailan lang ay nakipagdebate ako sa kuya ko. Sa tingin ko ay naipagkakamali n’ya ang bias reporter/ report sa fake news/ news fabricator. Puwedeng may katotohanan na may mga bayaran at bias reporter. Ganoon pa man ay mas magbabasa/manonood/ makikinig pa rin ako sa news firms para makumpirma ang isang balita kaysa maniwala agad sa share-share info sa Facebook, Youtube, at kung ano mang basta sites.
Hello, I can name my blog “Your News Authority” in seconds at mag-create ng website na may word na “news” sa url kung gugustuhin ko. Walang pinagkaiba ‘yan sa mga poser o iyong mga gagawa ng account gamit ang pangalan ng iba (usually sikat) para magpanggap na sila. Buti nauso ang verified accounts e.
Bias News is subjective opinion sa pagkakalahad ng balita. Sa Youtube at Facebook, nakakakita ako ng mga balita mula sa kung ano-anong site at bentang-benta ha! Kung itse-check lang ng tao ay sa title pa lang ay baka alam na agad nila kung hindi news writer at reporter ang nagsulat at kung bias ito o hindi.
Paanong posibleng magkaroon ng bias report?
Tricky din ang pagbuo ng news dahil limited ang time sa airing sa broadcast media at space sa print media. Ang tanong d’yan ay anong natanggal na part at bakit yung isang part lang ang ini-air/ publish at doon posibleng papasok ang bias/ impartiality. Puwede rin naman may bad or good judgement. Never the less, mayroon materyal at napagkunan ng source at mismong reporter ang kumuha nito.
Fake news is Fake News. Sa traditional media ay may gumagawa rin ng bias news (since nth time pa siguro) pero hindi yan nanggagaling sa straight news, kundi sa ibang segment/department like for example sa entertainment news. Naniniwala ako na hindi lahat ng blind items ay totoo. Kung nagagawa ng ibang showbiz reporter na magtahi-tahi ng tsismis, ano pa ang blind items. Pero again, kinaklaro ko na hindi lahat ng showbiz reporter ay gumagawa ng fake news at bias report. Usually lang ay mas feature type ang ginagawa nila. Iba d’yan ay may hina-highlight na part talaga like gaano kaalaga ni tienes sa kanyang teines. Entertainment nga di ba?
May tinatawag din na “kuryente” sa news. Ang kuryente according to Mr. Howie Severino (My interview sa iBlog 10 ay…
Ang mahirap kasi sa iba ay kung saan-saan kumuha ng source at ang daling maniwala. Wag maging bulag na panatiko at noob that’s confirmation bias
Pero gaya ng sinasabi ko, may mabubuting blogger/ vloggers at news reporters. Tao din sila by the way 😛 😛 😛 nagkakamali.