Noong una, ang idea ko tungkol sa I Love You, Hater starring Julia Barretto, Joshua Garcia, at Kris Aquino ay tungkol ito sa bashing. Noong napanood ko hmmm, malayong-malayo naman pala at dito ko naman mas napansin ang galing ng JoshLia sa kani-kanilang forte sa acting.
The Good sides of I Love You, Hater
Julia Barretto as Zoey – Sa first 10 minutes siguro ay ang naiisip ko ang nagdadala ng movie ay si Joshua Garcia, but wait-wait dahil nagwa-warm up lang pala ang character at acting ni Julia. Ang galing niya roon mula sa pagpasok sa condo unit, paglabas, at paglakad hanggang harap ng elevator. Naipamalas doon yung transition ng happy to frustrated to dismayado to anger. For me medyo mahirap ‘yon sa hindi bihasa sa acting at direksyon. Magagawa, yes, pero baka hindi convincing. Sa case ni Julia ay hindi niya lang naitawid, kundi epektibo ang kanyang delivery. Iyong taas ng boses n’ya ay galit na parang totoo na nanggagaling sa puso n’ya na sa sobrang bigat na ay sinasabayan na ng tuloy-tuloy na daloy ng luha n’ya.
Superb din ang delivery n’ya sa determinadong Zoey na gagawin ang lahat makuha lang ang dream job n’ya. Sa happy-happy sides, okay din naman si Julia pero mas okay sa akin ‘yong mga times na sinusubukan n’ya si Joko (Joshua Garcia) at yong pagtitimpi n’ya sa kanyang tatay (played by Ricardo Zepeda).
Sa lahat ng napanood kong films na kasama o pinagbidahan ni Julia ay ito ang pinakagusto kong performance n’ya so far.
Joshua Garcia as Joko – Joshua didn’t disappoint me dito sa movie. Hindi ako tawang-tawa pero tuwang-tuwa ako sa kanyang facial expressions the whole time na naghuhulihan ng loob sina Joko at Zoey. Idagdag ko rin dito ‘yong pagpipilit n’yang bading s’ya.
Nabanggit ko sa mga past review ko about Joshua na gusto ko s’ya sa kanyang mga mischievous o makulit characters. Dito sa I Love You Hater ay in-entertain n’ya ako sa galing n’ya bilang Joko na may mga pretentions, hugot, at frustrations. Galaw pa lang ng mata n’ya at ayos ng buhok ay naso-solve na ako.
Kung mayroon man akong medyo hindi nagustuhan ay ‘yong reaction n’ya habang naglilitanya na si Julia/ Zoey sa harap ng elevator. Alam ko na naman na iyon naman ang usual reaction, but ‘yon nga e– “usual.” Baka naman may iba pa sanang facial expression na authentic pero may dating. Pero sa overall ay gusto ko ang performance n’ya mabuhay! Like na like ko ang endorsement nila ng phone este places sa Binondo hohoho.
Mark Neumann at Markki Stroem – Sa acting side so-so pa sa akin ang performance nina Mark Neumann at Markki Stroem bilang lovers. Iyon naman ay siguro ay dahil hindi ko maalis sa isipan ko kung sino sila in real life. Medyo hirap din i-appreciate dahil may pagka-serious ‘yong characters at iilan lang naman ‘yong eksena . Mayroon akong mga napanood na straight na actors na nagpi-play ng gay pero effective at entertaining ( nalala ko tuloy ang galing ni Christian Bables sa Die Beautiful). Pero karamihan sa kanila ay may patawang characters.
I’d like to put these two actors sa good sides ng Gisselle Andres’ film na ito. Bakit? Sa limited time na ibinigay, at least nakita ko ang effort at strong support nila sa male lead. Because they accept the demands and do the best that they can. For me what they did ay hindi lang trabaho na may talent fee, kundi paghubog sa kanilang acting career. Who knows baka mas iba ang dating nila kung ang nakuha nila ay ‘yong tipong John na ginampanan ni Gio Alvarez. Between Mark and Markki, mas relax si Markki.
Ronaldo Valdez – First and foremost ay napakasarap gampanan siguro para sa isang actor ang character na may Dementia. Pero kapag i-tap mo ang kung sino-sino lang ( kahit gaano pa sila katanda) ay parang balewala ang role. Napaka-good job sa nag-cast kay Mr. Ronaldo Valdez. Sa sobrang effective n’ya sa role n’ya ay madadama mo ang hirap kung ikaw iyong anak o nakakasalamuha n’ya. Iniisip ko kung paano kung yung ibang kilala kong magaling na effective actor, pero tingin ko fit pa rin kay Mr. Valdez.
Gisselle Andres – Dahil napanood ko ang Loving Tandem (starring MayWard) na directorial debut ni Giselle Andres ay parang kahit papaano ay nakikita ko ang style at progress n’ya. Dito sa I Love You Hater, I commend na nadirek n’ya ang acting ni Joshua, yung pilantik ng comedy ni Julia, at bet na bet ko ang travel photography.
- guide kay Joshua Garcia- naiba ang acting na tipong nakalimutan ko si Joshua sa Vince and Kath and James at Barcelona, kasama pa ‘yong sa The Good Son. Makikita mo talaga sa film ay si Joshua sa katauhan ni Joko.
- guide kay Julia Barreto- sa VKJ ay medyo patawa rin naman ang role ni Julia pero ang effort at nasa side ni Joshua, this time ay bumanlanse s’ya. Konti na lang din parang naalala ko ang Got to believe performance ng tita Claudine Barretto n’ya .
Pero may mga napansin din akong ‘di maganda sa direksyon mababasa mo mamaya kung anu-ano ‘yon.
Other noticeable parts to commend: I think maganda rin na purihin ang cinematographer, musical score (though paulit-ulit ang OST), at location manager.
- Nagustuhan ko yung top shot/ aerial shot sa Guadalupe Bridge. Kung drone camera or aerial camera man ang ginamit doon, perfect ang dating.
- Maganda yung office ni Sasha Imperial, fit yong condo unit, La Casa Azucar (sic) at iba pa. Iyong bahay sa Paete lang ata hindi ko masyado bet pero ipina-feel naman noon yung simple joy ng mga naninirahan.
The not so Good sides of I Love You, Hater
The host’s acting or acting hosting? Hindi naman sa totally hindi maganda yung entire performance ni Kris Aquino. Pero sa dami na rin siguro ng napanood ko na Kris Aquino films ay wala akong nakitang bago or extra effort. Sa mga scene na hindi naman s’ya nagho-host ang ginagawa ni Kris ay para pa rin s’yang nagho-host. Puwedeng hinayaan na ni direk, hindi nag-effort ang artist, or ginawa ang role to fit kay Kris so effortless.
I could say magaling naman si Kris sa Mano Po (forgot ano part), All You Need is Pag-ibig, at Etiquette for Mistresses pero dito sa film ang dating ay Kris TV: the drama special. Ini-explain ko sa kasama ko (teenager/ fan of Joshlia) na i-peg na lang n’ya si Martha Stewart. Siguro ang best scenes na n’ya ay iyong napahiya siya sa live streaming at noong nagda-dialogue si Ronaldo Valdez tungkol sa anak n’yang bunso.
Corny Scenes – Okay na ibalato ang acting ni Joshua sa elevator at mga ilang hosting acting ni Kris, ang hindi ko ma-take ay yong takbuhan nina Zoey at Joko sa kainan sa bahay nila Joko. Ang awkward! Oo sa film ay may “suspension of disbelief” pero ang awkward talaga panoorin ng nagtatakbuhan sa harap ng tatay o ng pamilya ng bet mong lalaki. Sino matinong gagawa noon? Sana naghabulan na lang sila sa palabas ng bakuran o papasok ng bahay.
I don’t mind din yung placement of ads kasi nakaka-entertain naman halos lahat, PUWERA ‘yong sa vitamins. Hard Sell, Ateh at Koyah! Opo mas mainam pa rin yong sa phone part, hehehe!
Film soundtrack – okay maganda ang official theme song ng I Love You Hater, ang Gusto ko lamang sa buhay by Unit 406. Pero paulit-ulit hindi lang nakakasawa, nakaka-distract na.
Overall commendable na panoorin ang I Love You Hater. Kung may bad sides man ay mas marami ang good sides. Kasama na roon ang story at moral lessons about career,life, and love.