7 Dahilan Bakit Okay Mag-Business Permit, Gawing Legal ang Negosyo


May nagtatanong kung bakit dapat mag-business permit pa o gawing legal ang negosyo. May kumikita na naman kahit walang permit. May bad trip din na sa daming proseso at gastos kapag gawing legal ang negosyo. Pero narito ang pitong dahilan kung bakit okay i-legalize ang business. Ang mga ito ay base sa mga natutuhan ko sa ibang negosyante, business experts, at sariling analysis.

1. Ang mag-business permit ay magka-business identity

One of the earliest business lessons na natutuhan ko ay mula sa “21 Steps on How to Start Your Own Business” written by Dean Pax Lapid and Ping Sotto. Ang sabi sa book nila ay ang mag-business permit ay parang pagbibigay ng birth certificate sa iyong anak.

I am referring sa book sa dulong left side

a) Ayaw mong maunahan sa idea mo. Kung may gusto ko ng company o brand name, kailangan makuha mo na iyon bago ka maunahan ng iba. Sa business registration sa Department of Trade and Industry (DTI) pa lang, possible na may kapangalan na ang iyong business. Syempre ‘di pa maganda ‘yon, kung iisa kayo ng area.

b) Para sa branding and marketing. Noong na-interview ko si Mr. Wilfred Sanga, manager ng Wil-Fel’s Delicacies, sinabi n’ya na pinayuhan nya ang kanyang magulang na gawing legal ang kanilang family business.  Sabi nya, ang kakanin nila ay matagal nang sikat. Kung bibigyan nila ng maayos na packaging at branding ang kanilang kakanin ay mas makilala pa ito hindi lang sa San Fernando, Pampanga.

At saka, sa case na ito ng Wil-Fel Delicacies, bilang traveler at foodie ay gusto kong malaman o matandaan kung saan ko nabili iyong masarap na pagkain na nabili ko. Personally, kung kaya kong dayuhin yung tindahan na nakahuli ng panlasa ko, gagagawin. For example, bibili ako ng buko pie sa isang tindahan sa Laguna, Sapin-sapin sa Marilao Bulacan at pancit at kakanin sa Malabon.

FYI: hindi okay na maglagay ka ng produc label sa iyong produkto, tapos hindi ka naman pala legal entity. Masisita ka talaga ng authority

Note din na in terms of marketing ang challenging din ng rebranding lalo na kung na-establish mo na ang iyong business presense. Halimbawa: Marami ka ng followers sa social media under sa account name ng target company name mo. Kung naunahan ka ng iba, need mo ibahin ang name or magcreate ng new social media accounts to make a distinction. Bukod pa sa ang hirap palipatin ang mga followers, balik ka sa scratch in terms sa views, hits, and promotion.

Patalastas

wil-fel's  maja blanca, cassava cake,  and rice cake
Yung may Wil-Fel’s label (maja blanca, cassava cake, and rice cake)
Yung walang label

c) Makuha mo ang right mo sa iyong business property. Kung iisipin din ay kung walang name, iyong mga gaya nilang food business ay baka yung credit ng “sarap,” “quality” at “originality” ay mapunta basta sa iba.  Kapag naka-register ang business mo with copyright, trademark, patent at iba pang patunay iyon ay puwede mong sampahan ng mapangheng kumot kaso.

2. Kapag legal ang negosyo, mas believable na seryosong negosyo

Para sa akin ang mag-business permit ay desisyon pa rin ng negosyante. Pero ganito na lang, maraming nagbi-business o paraan ng pagnenegosyo, ‘di ba?  Ako noong grade 3 ay may monkey business ako. Iyong kita ko ay ibinibili ko rin ng paper doll, puzzle, at luto-lutuan.  Noong nagwo-work ako ay may sideline businesses. Iyong tipong makabenta pang-dagdag ng pambayad ng bills, panggala, o pang-shopping. 

Stores in Divisoria, Manila
Somewhere in Divisoria

When you legalize your business, seryosong venture at investment na ito. Hindi na lang ito yung isang araw, linggo, buwan ay okay ka na. Taas ang paa, nganga na sa kama.  Dito mapu-push ka talagang magseryoso kasi hello maglalakad at magbabayad ka ng anu-anong dokumento (hi notary public at photocopy people!).  Wala pa roon iyong pagbabayad mo ng buwis bago ang due dates, at iba pang expenses.

3. Ang mag-business permit ay magplanong maging bigatin

Ito talaga ang motivation ko, na ipinapayo ko rin sa iba, lalo na roon sa mga naba-bad trip na. Ito ang advice sa akin ng business mentor-friend ko. Ang sabi n’ya ‘pag hindi ka legal parang wala kang balak na palakihin ang negosyo. Siempre puwede namang palaguin pero since hindi legal ay tago ka ng tago.

a) Preferred ng big companies/ clients ang legit business partner. Sa experience ko at comments na nasasagap ko sa blog na ito, most likely ay preferred ng mga big companies ang mga registered businesses. Kahit small time ka pa, basta legal ay okay ka.

Iyong isang blog visitor ko, nagkwento na may matagal na raw silang customer na binalaan silang hihinto sa pagkuha ng supply sa kanila. Ang problem, si blog visitor/entrepreneur ay hindi makakapag-isyu ng official sales invoice sa customer na ‘yon. 

Bakit ang importante ng pag-isyu ng BIR approved sales or service invoice? 

It downs to accounting process na kung saan kailangan documented ang kanilang mga transactions like expenses, purchases at iba pa. I think okay yung petty vouchers kung maliit lang din yung binili o isang beses lang, pero iba kung palagi kayo may transaction. Mahirap i-book keep o i-accounting ‘yung mga ganung activities. Sa mga legal companies, tinatingnan ang kanilang book accounts at hinihingan din sila ng financial statements ng BIR.

For a small time entrepreneur, sayang naman iyong big clients na sustainable at tumataas ang orders, kaysa random selling na paisa-isa at baba ng kita.

Basic Accounting Lesson
Accounting Lesson


4. Para walang legal issues kina LGUs at Gov’t agencies

Sabihin na natin na matagal ka ng may business (mga 1 year +), okay na kitaan, may physical store/ office, may kasangkapan, at talk of the town ka. Eh nasita ka? Tapos wala kang maayos na permit na maipakita. Pinag-iinitan ka man o hindi, kapag kinasuhan at ipasara ang negosyo mo ay medyo mahina laban mo. Sayang naman ang pinagpaguran mo at kinabukasan ng business mo.

Business Plate, Mayor's Permit
Business Plate/ Permit


5. Ma-enjoy ang privileges ng mga Pinoy entrepreneurs

Marami sa atin ay ilang taon ng nagtatrabaho pero walang ideya kung paano, ano at para saan ang buwis na binayaran natin. Ako masaya lang ako dati ‘pag nakakatanggap ako ng income Tax Return. Hehehe! Pero mag-iiba na ‘yan kung ikaw ay legal entrepreneur kasi intentionally o unintentionally ay maku-curious ka sa taxation, accounting, government policy, economy, at ano-ano pa. 

a) Tax exemptions/ special. Mainam na malaman mo kung ano ang tax exemption, tax planning, tax avoidance, at tax evasion.  Iyong dalawa huli ay nalaman ko sa kakabasa lang ng column at book ni Mon Abrea. Kakabasa nga sa kanya at kapapanood kay EmelinoTMaestrosa Youtube baka balang araw karerin ko na ang maging Tax Specialist.  

BIR Payment forms 0605

Kung tama ako ay may pagkakaiba ang tax ng mga nagnenegosyo kumpara sa mga empleyado. Pansinin mo, bakit mas marami at mas mataas ang ibinayad ng mga individual top tax payers. Tapos hindi lahat ng top companies sa SEC/ Stock Exchange ay pasok din sa Top Company Tax Payers ng BIR. In fairness din kasi ay may privileges na ibinibigay sa mga companies (especially under PEZA).  I think isang way na ito to say thank you doon sa tumutulong sa economy and employment. At mayroon din silang personal tax exemptions.

b) Strong legal proof and document. Isa rin sa silbi ng business permits and income tax return ay maging proof ang mga iyon sa iba pang legal transaction. Puwedeng magamit para makapagpa-approve kung kukuha ng loans sa mga financial institutions, visa sa mga embassy o anumang travel out of the country, at…

Incheon Airport,, South Korea

VIP treatment ng Private at ilang Public agencies. Sa government agencies, ang isa sa pinakaaktibo ay ang DTI. Mayroon silang mga programa, negosyo fair, at seminars especially doon sa mga may permit na. May iba ring private companies na nagbibigay ng special discounts, rewards, delivery/ payment arrangement, at business loans doon sa may ipapakitang business permits. 

6. Ang Legal ang Negosyo ay Insured at may proteksyon

Isipin mo na ang ganda ng puwesto at takbo ng business mo, then may biglang nakursunadahan ang business/ puwesto mo.  Iyong taong iyon ay susubukan kang mawala sa kanyang landas kahit matagal ka na sa baluarte mo. Eh, wala kang solidong proof (business permits) para angkinin ng legal kung ano mayroon ka. Ano ang laban mo?

Shenzhen China
Somewhere in Shenzhen China

Isa pa’y balang araw, hindi ba’t maayos mo itong maipapamana at maipapasa sa iba kung dokomentado, may kontrata, at legal.   Gayon din if ever na  gusto mo na i-merge, ipa-acquire or ibenta ang company mo ay may chance na madali itong gawin o mapataas ang value. Parang pagbebenta ng lupa na may titulo o rights lang.


7. Ang mag-business permit ay pagpo-formal economy

Iyong mga binanggit ko sa items 4, 5, at 6 ay actually ay ilan na salik ng pagiging bahagi ng “formal economy” dahil legal ang negosyo mo. So, para mas ma-appereciate natin ang legal businesses ay check natin kung anong mayroon sa informal economy.

Sa ulat ng International Training Center ng International Labor Organization (ITCILO) na may pamagat na “Transition from informal to formal economy: Awareness Raising on R204 towards designing an integrated policy framework in the Philippines,” ang pagiging bahagi ng informal economy ay nagdadala ng problema sa manggagawa, sa mga kompanya, at lipunan.

Somewhere in Raon, Manila
Somewhere in Raon

Ang mga manggagawa na sa informal sector/ economy (o not legal businesses) ay may limitadong proteksyon sa batas at maihayag ang kanilang karapatan. Gayon din, ang pagiging informal ng isang negosyo ay may limitadong tulong pinansyal (government/ private companies). Hirap ang mga ito sa pakikipagtransaksyong legal, kompetisyon sa mga legal na kompanya, at pagsuri kung sila ay sumusunod sa tamang pamantayan. 

‘Di ba saan most likely makakabili ng peke, huwad, o low-class produkto? Saan ka rin nakakasiguro na may fire exit, may sanitary permit etc. ?

Sa usaping pang-lipunan, ang informal economy ay medyo sakit din daw ng ulo dahil una nga ay walang kita/ buwis na nakukuha sa kanila para gawing  pondo o ipaikot sa ekonomiya. Binanggit din ng ITCILO na dinidiskaril nito ang pagpopondo sa ibang bagay gaya sa SSS.

Benefits of a legal or formal business. Ilan dito ay kontribusyon na makatulong sa iba sa pamamagitan ng serbisyo, pagbibigay ng trabaho, business to business deals or partnership, at pag-angat ng ekonomiya ng Pinas. Kasi kung part ka ng formal economy nakikita at kinikilala ka ng gobyerno.

Ready ka na gawing legal ang negosyo mo? Below are the links for how to legalize your business in the Philippines?

1. DTI

2. City Hall – Mayor’s Permit

3.  BIR



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

One thought on “7 Dahilan Bakit Okay Mag-Business Permit, Gawing Legal ang Negosyo