Negosyo 101: Mayor’s Permit o City Business Permit for New Small Business


Ang Mayor’s Permit o City Business Permit ay ang sunod na aasikasuhin pagkatapos ng DTI Business Registration at bago ang BIR Certification of Registration. Requirement sa huli ang dalawang naunang dokumento. Anu-anong hakbang at magkano ang kailangan para magkaroon ng Mayor’s Permit?

Title Image of Paano Magkaroon ng Mayor's Permit for New Small Business

Very Important Notes: 

  • Ang tips ko ay mas bagay sa mga small-business gaya ng karinderya at sari-sari store.
  • If you intend to go all the way to BIR Registration:  may mga comments akong nagtatanggap na iba-iba ang rule sa bawat  RDO (Regional District Office) na ang counting ng BIR (when you file) ay mula sa pagkaka-register ng DTI.  So after mo ma-accomplish ang DTI, don’t waste time na i-process agad ang Mayor’s Permit at BIR Registration mo. Yes Deadline-driven ito para makaiwas sa penalty. 

Kung gaano kadali iyong DTI Business Registration, medyo matrabaho at mapapagastos ka sa Mayor’s Permit. Tandaan na hindi lang pagkakaroon ng certification at registration plate ang gagastusan mo rito, kasama na d’yan ng ilang beses na pagpa-photo copy at pagpapa-notario (notary public). Pero mapapadali ang process kung sa iyo mismo ang iyong puwesto, may titulo ang inyong lupa, at mayroon ka ng iba pa nilang papel na kanilang kailangan. Anu-ano iyon?
• Barangay Business Clearance – Okay din na may Baranggay Business Permit ka pero mas trip nila ang business clearance.
• Photocopy of DTI Business Registration
• Photocopy Land Title o Lease of Contract ( dapat naka-notario)
• Ihanda na rin ang iba pang papel kung sakaling special ang klase ng iyong negosyo.
• Photocopy of your valid government IDs. Ako para tipid, lahat naka-scan para print at pa-photocopy na lang pa-photocopy

Additional tips: Before ka pumunta sa City hall:

• Maganda kung alam mo ang sukat ng floor area and if applicable, lot area ng business location mo.
• May photos ka ng loob at labas ng store/ office mo
• Computed mo na ang capital at asset na gagamitin mo sa business – Halimbawa Php 25k ang perang ilalaan mo sa sari-sari store mo pero kung may ref ka idagdag nila ‘yon. Possible na maging Php 50K depende sa assessment.
• Kung umuupa ka, ang halaga ng iyong upa ay makakaapekto rin sa iyong assessment.

Steps to get a Mayor’s Permit

Step 1 : Assessment Stage  of your business- Rent or Own

Dala ang mga kailangang papel, punta ka na sa inyong city/municipal hall at hanapin ang office na namamahala sa pag-i-isyu ng business permit. Bibigyan ka nila ng form para sa detalye ng iyong negosyo. Kasama na roon iyong sketch ng store/office mo, floor area, at capital. Pagka-pass mo ng form i-attach mo na roon ang mga requirements gaya ng business clearance, photocopy of land title or lease of contract kung rumerenta ka, at (kung) may iba pa silang hihingin.

*Sa Quezon City, ang BPLO ( Business Permits and Licensing Office) ay matatagpuan sa Mayaman Street  at mas malapit ito sa parte ng East Avenue kaysa sa side ng Kalayaan.

Patalastas

Paano kung wala pa kayong tititulo o rights lang ang meron kayo?

Dito na yung extra effort at expenses. Possible na ang ipagawa sa inyo ay magpasa ng Neighbors Consent Certification. Ang laman nito ay pagpapatunay na bilang negosyante ay hindi ka bahagi ng anumang home owner’s association sa inyong baranggay at hindi nakakaistorbo ang iyong negosyo sa inyong magkakapitbahay. Kasama rin dito ang pagpapapirma sa may 10 kapit-bahay mo para patunayan na ‘no objection’ sila sa business operation mo.

‘Pag tapos ka na sa pagpapapirma sa iyong mga kapit-bahay ay ipa-notario mo ang iyong Neighbors’ Consent bago mo i-submit. Paano kung ‘di ka marunong gumawa nito? Actually, nagbibigay sila (City Planning and Development Office -10th floor Main Office in QC City Hall) ng form o copy nito na iyong susundan o ipi-fill in.
Kung okay na ang iyong assessment ay ihanda na ang iyong sarili at lalo na iyong bulsa sa pagbabayad.
Additional Tip: Kung rumerenta ka, makakaapekto sa bill mo ang halaga ng upa

Step 2. Ang Tax Bill at pagbabayad

Kung okay ka na sa assessment stage ay gagawan ka na ng Business Tax Bill ng staff na ang ilan ay kinabibilangan ng
• Mayors permit
• City tax ( kaya no need na magbayad agad o ng separate ng Cedula)
• Fire inspection fee (LGU) – Kaya nagtataka ako bakit, nagbayad pa ako ng extra at separate Php 178.7 at 100 for inspection fee (nasa underground ito ng QC- BPLO)
• Zoning fee

=
Anyway, better na i-check mo kung tama ang info especially yung detail ng name mo at store mo, at declaration of assets kasi baka may wrong spelling or what. Dito mo na rin s’yempre makikita kung magkano ang babayaran mong MAIN. Bakit may “main?” Kasi labas d’yan ang miscellaneous fee, inspection fees (hiwalay yung P178.7 + Php 100), locational clearance fee, at fire extinguisher.

Additional tips: Pa-photo copy mo ang mga receipts hanggang maaari  (3-5 copies) lalo na yung Official receipt. Mainam din siyempre na huwag mong wawalain ang original copies ng mga ‘yan.

Step 3. Locational Clearance and Fire Safety Inspection Certificate

Pagtapos ka ng bayad at halos makumpleto mo na ang iyong papel, maaari na i-apply at ma-release sa iyo ang iyong precious Mayor’s Permit and New Registration Plate/ Sticker. Sa totoo lang dahil sa ilang beses kong pabalik-balik at pangangapa noong unang nag-apply ako parang plaque of recognition yung plaka ng business permit. Hehehe!

=
PERO hindi ibig sabihin na nakuha mo na yung Business Permit mo ay yun na ‘yon. Mare-revoke  ang validation nito kung hindi mo maipasa within 30 days ang Locational Clearance (LC) at Fire Safety Inspection Certificate (FSIC).

the awesome map to maginhawa street

Sa LC, punta ka sa tanggapan for Locational clearance for business permit. Sa QC ay sa City Planning and Development Office -10th floor Main Office in QC City Hall) ito. Madali naman ang process kung gaya ng sinabi ko ay may photos ka na ng loob at labas ng tindahan mo, barangay clearance for business, alam mo na sukat ng tindahan/ office mo, ma-i-sketch mo kung saan ito located, at may photocopy ka ng land title/ Lease of Contract and Neighbors’ Consent. ‘Pag napasa mo na ang requirements ay bibigyan ka ng form o papel para bayaran mo na ang fee for your locational clearance. Kung tama ako ay Php 150 ang halaga lang nito at ang maganda sa LC ay 3 years itong valid.

=
Sa FSIC, punta ka sa Fire Department. Kung sa QC, nasa tabi-tabi ito ng kuhaan ng NBI at Police Clearance. Nasa Mayaman Street din ito pero this time mas malapit sa Kalayaan Ave. area.

=
Kapag naipasa mo yung photocopy ng mga pinagbayaran mo about sa Fire Inspection, valid id at iba pa ( na malamang photocopy din ng ibang papel na nagamit mo na sa pagpa-process) ay sasabihin sa iyo na within a week ay i-inspect ang iyong store/ office).

=
Sa inspection time ay malamang ire-require na sa iyo na magkaroon ng fire extinguisher (kung wala ka pa). Kung mayroon ka na better, kasi ang initial na sinabi sa akin noon ay Php 3000 ang fee. Pero dahil ang mayroon kami kailangan na lang i-refill kasi expired na which cost Php 700. Kapag okay na ay saka ka na bibigyan ng FSIC.

Step 4. The Final Step for your valid Mayor’s Permit

Ipasa ang iyong Locational Clearance at Fire Safety Inspection Certificate sa BPLO o tanggapan kung saan ka nagsimulang mag-process ng iyong business permit.
Ang Mayors Permit ay valid for one year from January to December. Kaya better na i-apply mo na itong January para sulit at ideally after siguro ng Jan. 20 para hindi ka makasabay sa daluyong ng mga nagre-renew ng business permit at nagbabayad ng business tax.

Congrats!
Ang susunod na post ay may kinalaman sa BIR Certificate of Registration. Ito ang Final step para makapag-open ka na ng Store/Office legally.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

374 thoughts on “Negosyo 101: Mayor’s Permit o City Business Permit for New Small Business

  • Fritz Vidal

    halimabwa po..may office kami sa isang province tapos nakakuha ako ng client sa ibang lugar na kung saan mag dedeploy ako ng tao sa kanila..kailangan ko po ba kumuha ng business permit sa kanila at gumawa ng sarling office ulit?

    • Hitokirihoshi Post author

      Not sure kung anong type of business ung LNG, I just assume na may kinalaman sa gas. Sa kabuaan po, lahat ng klase ng business ay puwedeng kunan ng permit. Ang kailangan lang po pag-isipan bago kumuha ay ang puhunan, location nyo at gaano ba kalaki. May mga negosyo naman na maliliit ay kahit baranggay permit lang ay okay na.

  • Dins

    Hi po sir, newbie po ako sa kalakaran ng business, actually sa pagprocess ng business ko matagal bago ko na accomplished ang papers, ang kulang sakin ay bir. Actually the issuance date ng dti ko is october(take note hindi pa po ako ngsimula nun kasi papers ang inuna ko at hindi tuloytuloy) then nung medyo okey na nag operate kami w/o bir pa po wala pa kaming 2 mos. Na nag ooperate. Then biglang nagvisit si bir at nag iwan ng papers that i need to go to their office. Malaki po ba ang babayaran ko dun kasi nasa trial stage pa muna ako. And besides hindi malakas yung store na napatayo ko?

  • Sherlyn incognito

    Hi may tanong po ako pag poba nag patayo ng tindahan sari sari store may hinihingi po ba silang tamang sukat ng tindahan na dapat sundin?

  • Ray

    Delivery rider po sa gogo express, kailangan ko po kumuha ng dti, business permit, at magpagawa ng sariling resibo, un po ang need ni gogo express para sa rider na mag aavail ng mga parcel na ipapa deliver ni gogo express, pano ba gagawin ko salamat po

    • Hitokirihoshi Post author

      Hi Sir actually I sent you an email. Iyon lang ang access ko nung time na yun. Anyhow, kapag resibo ang kailangan BIR Ang diretso nyo ( please check the link sa post na ito kung paano mag-apply sa BIR permit at DTI).

  • Ray

    Delivery rider po sa gogo express, kailangan ko po kumuha ng dti, business permit, at magpagawa ng sariling resibo, un po ang need ni gogo express para sa rider na mag aavail ng mga parcel na ipapa deliver ni gogo express, pano ba gagawin ko salamat po

  • AMAYA MIKAZUKI

    ask lang po, magkano po usually umaabot o magagastos kapag nagrenew ng business permit. sari sari store lang naman po ung business

  • Joseph

    paano po mam gusto ko po gumawa ng dishwashingliquid dto sa apartment na inuupahan ko para pandagdag gastos.kailangan ko pa po ba ng mayors permit pagkatapos ko mag paregisterd ng name ng dishwashingliquid.puhunan ko lang po 4000 lng po.ano po kya requirements

  • Harboy

    Good morning po.

    Magpapatayo po ako ng maliit na milk tea shop ,loob po ng subdivision

    Kaso leasing contract lng po daw pwd maibigay ng may ari, walang occupancy permit? Ok lng po ba un? Pwede po Brgy Permit nlng ang kukunin namin?

  • ailyn david

    ask lang po need ba muna kumuha ng permit sa HOA bago sa munusipyo kasi malaki din bayad sa HOA eh,tsaksa pandemic ngaun bakit kelangan pasukin ng taga munusipyo ung mga tindahan sa subd.at pakuhanin ng permit at dadaan muna ng HOA kasi magbabayad bago sa munusipyo?nasa batas po ba yan?gusto ko lang malaman kong nasa batas ba ng munusipyo na isa isahin nila ung mga tindahan kasi utos daw ng HOA

  • Jefred

    Hello po. May tax assessment po agad nai-send sakin thru email na 3600+ pesos. Ano na po mangyayari after ko ito mabayaran?

  • Abegail Rili

    after po ng SEC Registration ng company, may period po bang kailangan para mag apply ng business permit? like 30 days or 60 days need na makapagapply ng business permit?

  • Myla Montecillo

    tanong ko lang po pwede ko bang ipabago ung name sa business permit ko ililipat ko sa pangalan ng husband ko bale cya na ung tatayung owner.

    • Hitokirihoshi Post author

      Not sure po, parang mas better kung bagong application na lang ulit or i-add n’yo sya. Depende rin po kasi yung rule sa LGU business dept nyo yan. some make it easy and possible, may iba ang daming requirements

  • Kring

    May tanong po ako sana masagot. May maliit po akong sarisari store sa loob ng bahay namin 10k puhunan, nasa 1k lang po daily ang binta ko. Ok lang po ba na brgy permit lang at dti ang kukunin ko?

    • Hitokirihoshi Post author

      Usually ang sagot ko dyan ay depende po sa rule ng city nyo. May iba talaga strict, pero kung maliit lang naman baka okay na ang Brgy permit. Sa DTI parang better gawin nyo yun kung magmi-Mayor’s permit at BIR na po kayo. Kasi dun talaga required yun at may rules na dapat within a period mo pa lang na-apply yung DTI, Mayor’s and BIR

  • asmaa

    hi po gusto ko po sana magtanon sir/ mam hitokirihoshi nag online busines po ako ng mga goods galin japan kaka simula ko pa lang po . gusto ko po sna magtayo ng shop na ang paninda ko ay mostly from japan goods na ako ang mamimili dto sa japan at ippadala ko po sa pilipinas . ano po ang dapat ko kunin permit at ano po kailangan ko kunin sa dti na permit lisence ng gusto ko busines sna po masagot nyu ang katanungan ko maraming slamat po.

  • Leidz

    Hello po, depende po ba sa capital declaration mo ung amount ng mayors permit? Residential paupahan po.

    Any idea anong capital ilalagay ko? buong construction cost po ba? Para kasing sobrang laki nman, at di nman kikitain agad un. Salamat

  • jen

    Hi po.
    Ask ko lng po. Nagbusiness ang kapatid ko gamit ang TIN no. ko pero karinderia lng nman. NaApply ko yung DTI at bgry clearance/permit pero di ko na natuloy to mayor’s permit and so on dhil sa hirap ng byahe at pandemya. May effect kaya yun sa TIN ko? Medyo naniwala kc kami sa mga nagBusiness din na ok lng daw na hanggang brgy clearance/permit lng ang tapusin.
    Ano po ba ang need kong gawin para malaman kung napenalty nko?

      • jas

        tatawagan ba nila ang owner ng lupa kung ikaw nag rent ka lang kung legit na nag rent ka sa lugar nila
        (kung icall nila ang owmer ng lupa to verify na meron sila tenant na taga dun na nag apply ng mayor permit)

        • Hitokirihoshi Post author

          Sa tatawagan mismo I think malabo Yun. Pero baka mag-evaluate sila base sa ipapasa mo na document. Kailangan i-prove mo Yun base sa mga hihingin nilang requirements.

        • Gina

          Sir same question may dti ako at brgy business permit pero hindi pa ako nag go sa Mayors permit dahil nga maliit pa lang naman ung tindahan sari sari store lang po. Mapenalize din ba ako nun? If possible ba pwede ko ba ipa void sa dti ung ginawa kong name sa kanila? Para hindi magkaproblema?

          • Hitokirihoshi Post author

            Sa pagkakaalam ko naman po sa DTI, puwede sya ipa-cancel anytime.

            Hindi ko po sure sa Mayor’s permit level, pero sa BIR mape-penalize po kayo kung ang tagal nyo na may DTI tapos ngayon (halimbawa) pa lang kayo mag-apply ng BIR permit.

        • Roselyn Lomangaya

          Sir/ma’am tanong ko lang po may tindahan po kasi dito kaso hindi pa po siya kumukuha ng permit kahit isa .tapos po lumalago na po yung paninda niya.
          Ask ko lang po salamat po😉

      • Rejandro Mateo

        Tanong ko lang po maliit LNG Yong tindahan ko as in tyangge LNG talaga sya d nga kami nakakabinta ng 500 bawat araw at sa bukid po kami sabi ng brgy namin kailangan daw kumuha ng business permit sa munisipyo…kailangan pa po ba ng ganun permit Yong tindahan namin??

  • Jennifer gerangco

    Magkano po ang posible na bayaran skaling di agad makakuha ng majors pirmit at due ang deadline ng pag poprocess ng papers?.

  • Nancy Paginag

    Gud day po.may roon po akong maliit na sari sari store nsa 15k po puhunan ko pinapaikot ko lang po ito kpag nakaipon po ng benta ipinamimili ko po agad ito.1500 na po ung pinaka mataas kong benta sa isang araw .ang meron lang po aq e ang Barangay permit.kinakailangan ko parn po ba na kumuha Ng dti at mayors permit.dto po kmi CALOOCAN.salamat po sa sagot!

    • Hitokirihoshi Post author

      Ito opinyon ko lang ha. Legally dapat, pero given na bago ka at maliit pa lang I think Brgy permit ay sapat na muna.
      Usually yung Mayors permits ay sa malalaki na.

    • Mirinisa Barbon

      Hello po..nadelay po ako nang pag renew nang aking business permit sa aking panindang karneng baboy sa may palengke every Sunday po yan…ang sabi nang market administrator may papalitan na po kami sa pwesto namin..bukas pa po ako mag renew..nagipit po kase ako dahil sa pandemic..matumal kaya ang benta noong nakaraang mga buwan..makatarungan po ba?delayed lang naman nang 2 weeks

      • Mhie benesen

        Paano po kung magpapaliit ako ng sari sari store magbabawas po ako ng paninda at ililipat po ung store ipapasok q po kc sa loob..mawawala n sa kalsada nasa loob kc bahay namin..so iilan na lang mkakabili sa akin..renewal padin ba ang permit nia o bago permit ang tutubusin ko?

        • Hitokirihoshi Post author

          wala po akong masabi kundi it is your decision po kung pagpapatuloy nyo yung permit o hindi. Sa practical na aspeto, maganda siguro i-update nyo or close nyo muna kung unsure. sa expense, makakabawas sa singil ying liliit na store area at kita. Yung ganoong downsize depende sa approval at LGU. so kaya isang option ay close na muna and then pag okay na ulit , saka kayo magpanibagong permit.

    • Hitokirihoshi Post author

      Depende po sa pinili nyong type ( 8% it rate or graduated)

      Ang good rule of thumb po ay check your COR naka-indicate po dyan kung anu-ano ang taxes na applicable sa inyo.

      Normally po if graduated and percentage tax ay halos quarterly.
      Although magkakaiba ang deadline.

      To give you ideas:

      -Percentage ay 25 days after a quarter
      -Income tax return quarterly din with it without Kita ( check dates sa COR)
      -yearly registration (Jan 30)
      -yearly itr (April 15)

    • rebecca forte

      nag start po aq 10thousand lng n puhunan inutang ko pa nga pp sa card bank medjo nkkaipon po aq pero ag benta ko po ay wala pang isang libo isang araw…noong kukuha po aq ng pirmit and dami ko po dapt provide fire distiquiser smoke detector, emergency light, fire alrm ang yindahan ko po ay nsa looban sa brggy nmn at kakaunti po nabebenta ko sa araraw hindi ini hold po pirmit ko pag kuha ng mayor pirmit..bussiness pirmit tama po ba na kumaha po aq ng mga pinapakuha nila

  • Geraldine

    Hello po gusto ko lng po sana magtanong.

    May ukay ukay business akonung 2014 may mayors permit, nag rent ako ng pwesto. Pero di ako nakakauha ng BIR as in wala po akong idea that time na need pa😅. Nag last lng business ko ng one year tapos na closed na rin sa city hall the fallowing year.
    Pero nag nag tayo ako ng business this year found out na di pa na closed business ko so nag bayad po ako para makakuha ng permit ulit.

    Ngayon po mag aapply na po ako ng BIR sa bagong business ko
    Question ko po na since po na di ako naka pag apply before ng BIR may babayaran po ba ako sa dati kong business na ukay na di ako nakapag apply ng Bir.

    Salamat po

  • Rafael Bautista

    anu anong negosyo and di na kailangan ng BIR permit? pasok ba ang lechunan business sa small
    scale business?

    • Hitokirihoshi Post author

      Hmm di po ako sure kung aling business ang no need ng BIR, pero sure ako na may inilabas na memo ang BIR na di na nila required ang magpasa ng mayor’s permit

    • Mariz albuera

      Kailangan po bang kumuha ng pirmit kong my tinda ka sa loob ng bahay ng kaunting groceries na nagkakahalaga ng 3k slmt po.

    • E

      I dont think may business na hindi need ng permit, unless underground economy ang business mo. even online shops now are being asked to register.

  • cristen

    hello po.tanong ko lang pano po yung proseso kung ang binigay ng barangay ay endorsement letter lang para makakuha ng bussiness permit.san po kukuha ng barangay permit sa munisipyo na po ba?

      • Jenna doma

        Hello po magtatanong lng po Kung kailangan PA po bang kumuha ng business permit kung nangungupahan lng po at pansamantalaa lng nmn po yung pagupa namin dun. Hnd PA po kami ng sisimula.

        • Hitokirihoshi Post author

          opo lalo na kung malaki ang negosyo ninyo. kung maliit na sari-sari store at temporary baka puwede na ang brgy business permit. ang warning lang sa ganito ay baka istrikto ang LGU nypo

  • king

    hi po… ask k lng po kng ano maganda k gwin? my existing business po k na sari sari store with dti at municipal permit pero wlng BIR permit tpos last year ngdagdag ako ng business na feeds and farm supply with DTI t municipal permit wla lng BIR. location po dto karugton mismo ng bahay ko ang pwesto ko . gusto ko po kumuha ng BIR permit pero makano po kaya babayaran k sa BIR? ang capital k po sa feeds and farm supply ay 30k kc d2 lng nman po kmi sa baryo. kunting insecticide forliar at feeds lng po pandagdag kita, yng sarisari store naman po nga 40k tpos balak k dn po mgopen ulit ng kaunting meatshop. gusto k po makmpleto ang pirmit pero baka masydo po malaki babayaran k ngaun s BIR at sa taonang tax po nya pgmkpgregister n po ko.

  • dencio palangkis

    hi po… ask k lng po kng ano maganda k gwin? my existing business po k na sari sari store with dti at municipal permit pero wlng BIR permit tpos last year ngdagdag ako ng business na feeds and farm supply with DTI t municipal permit wla lng BIR. location po dto karugton mismo ng bahay ko ang pwesto ko . gusto ko po kumuha ng BIR permit pero makano po kaya babayaran k sa BIR? ang capital k po sa feeds and farm supply ay 30k kc d2 lng nman po kmi sa baryo. kunting insecticide forliar at feeds lng po pandagdag kita, yng sarisari store naman po nga 40k tpos balak k dn po mgopen ulit ng kaunting meatshop. gusto k po makmpleto ang pirmit pero baka masydo po malaki babayaran k ngaun s BIR at sa taonang tax po nya pgmkpgregister n po ko.

    • AMOR POWERS

      SIR goodafternoon Po
      Parehas Po tayo ng business unang permit ko is for mini grocery Lang sya
      Kaya Lang nag dagdag ako ng aggrivet
      Chickens feeds at mga vitamins ng manok
      Kaso wala pa sya permit

      possible Po ba sya dalawa permit
      Need ko pa mag apply ulit ng bagong permit para sa feeds ?
      Please help ano Po process ginawa mo sir

      Dito sa email add ko nalang sir
      madamota28@gmail.com

      • Hitokirihoshi Post author

        I think better to assess your business type. baka kasi may category na pasok naman lahat ng iyong produkto o serbisyo. kasi kung magdadalawang permit ka pa, ibig sabihin nun ay 2 beses na bayad, effort

  • elmer afable

    hi poay dti na aq at barangay permit
    so nxt step ko naman po ay mayors permit..
    kahit small sari sari store need pa ng bir?
    tnx po

      • Denden

        Hello po . Ask ko lang kung okay lang po ba na sa cityhall kame kumuha ng business permut hindi na sa brgy. Salamat

        • Sss

          Hello po. Tanong ko lang po, nangupahan lang po kasi kami, paano po un kapag may problema ung titulo , for example, namisplaced or di pa clean, in short may problema po sa titulo. makakakuha pa din po ba kami ng business permit?

          • Hitokirihoshi Post author

            Puwede po kayong makakakuha. sa post ko ay nabanggit ko na pinagpasa ako ng neighbor consent at contract agreement sa aking inuupahan. However base na rin po sa comments dito ay may ibang LGU na mahigpit at nagre-require ng ibang documento.

  • Reynaldo doble

    Good Day po
    Hm po ba dapat kinikita ng business para masabi na kailangan ko mag permit taga silang cavite ako nasa Subd. Kumukita ako ng 7k to 8k monthly babayad kuryente 3k net 1600 bali 4600 less muna sa 8k 3400 Lang piso net Lang sa bahay pang bigas bigas kasi mahirap Lang naman kami May nag punta kasi dito taga City Hall daw diko naman nakausap kasi wala ako May work dapat pati Sari Sari Store kuhaan din nila Business permit kasi di sila pair pwede ba nila pasara pisonet ko kahit walang closure order

    • Hitokirihoshi Post author

      sa legal na aspeto ay halos every business na itatayo ay kailangan irehistro ( kapag hindi ay hindi rin siya part ng formal economy at kung ganoon wala syang tax). nagkakataon lang na may mga LGU na maluwag o may ibang arrangement para sa mga small-time entrep. kaya puwedeng hindi usapan na kung magkano kinikita sa pagkakaroon ng permit. Papasok iyan sa pagbabayad na ng permit. kung ano ang declared nyong kita yun ang babayaran ninyo lang dapat. kung maliit, dapat maliit din ang bayad. sa usapang ipasara, puwede po.

      • Leidz

        Hello po, depende po ba sa capital declaration mo ung amount ng mayors permit? Residential paupahan po.

        Any idea anong capital ilalagay ko? buong construction cost po ba? Para kasing sobrang laki nman, at di nman kikitain agad un. Salamat

        • Hitokirihoshi Post author

          Opo tama po kayo. I am not sure pero puwede naman siguro na mag-start kayo sa running capital. When I applied, hindi ko naman isinama ang pagpapapagawa ko ng tindahan kundi yung gastos ko sa laman ng tindahan o paninda ko. Dingadag lang nila sa capital yung malaking ref na ginagamit ko.

  • rovin

    kukuha ako ng business permit ngayong December. Same amount lang din ba ang babayaran I mean walang discount kasi magrerenew din pala ng January eh. bali 1month lang magagamit ang business permit kapag nirehistro ngayong december.

  • jerme

    Hi po ask ko lang po sana pag po ba na miss place or hindi mahanap yung mayors permit pwde po mag pa print ulit sa municipality?

  • Maricel berdon

    May parusa ba sa mga negosyanten nagtitinda ng mga karne ng baboy at manok sa loob ng palengke na walang lisensya..

    • Maricel berdon

      May parusa ba sa mga negosyanten nagtitinda ng mga karne ng baboy at manok sa loob ng palengke na walang lisensya..

      • Hitokirihoshi Post author

        i think po. pero on the brighter side, mas believable at reputable kayo maging sa inyong mamimili kung may BFAD approve na kayo, may lisensya pa kayo. coordinate na lang po kayo sa assoc. nyo sa palengke. baka naman possible iisa kayo ng permit.

  • Nhietan Quintana

    Hello po..ask lang po..kapag kumuha ng DTI and mayors permit, required na din po ba kumuha ng BIR.. .Maliit lang po kasi ang business baga yung income pangbayad lang sa mga tax..Salamat po

  • Nana

    Hi po! May paupahan kasi ang mother ko commecial space. Yung iba minsan may naupa yung iba bakante ng matagal. Pano po malalaman yung rate per month kada space rent? Las Pinas area. Para po kasing mababa masyado magpaupa ang mother ko di kasi sya nagtataas ng paupa 10yrs ago na upa is same parin nya till now.

    • Hitokirihoshi Post author

      Hello po,

      ang alam ko ay may batas or legal basis na puwede magtaas ng paupa. the mere reason na tumataas din naman ang inflation which affects fee sa maintenance and all- may say naman po kayo. about doon sa amount depende po yan sa lugar nyo , bukod pa sa city. kahit naman sa makati or qc areas mismo ay may part na mataas at mababa. ang suggestion ko naman para makakuha ka ng idea sa amount ay mag-check po kayo ng mga online classified ads and real estate market place gaya ng OLX/carousel, mybenta, lamudi, zipmatch locanto at iba pa. you may filter yung search sa mga nagpapa-ads sa area at city nyo.

      • Rodnie Dapar

        good day po…ask lang po ako, ka oopen ko lang po kc ng maliit kong sari sari store nitong buwan lang, need na po ba talaga kumuha ng business permit kahit last quarter of the year na? or pwede next year nalang po? barangay business clearance nalang po muna..ok po ba yan?

          • susan hernandez

            dati nko me puesto sa palengke ,nuong oct binigay kona sa anak ko sinurender ko old bus.permit ko.pate sa bir sinara ko for new owner, ngayun jan sabi nila hindi daw nabago tinda ko same lang daw .so same din price ng bus .permit ko na 21,950 :dto sa nueva ecija dipo ba pag new owner syempre baba bus permit ..maiiba na kase iba na bir nya yung po bang AFS ko ilang percent sa tax kinukuha nila para idagdag sa amount ng bus
            permit ko
            .

          • Hitokirihoshi Post author

            Depende po sa pinili nyong type ( 8% it rate or graduated)

            Ang good rule of thumb po ay check your COR naka-indicate po dyan kung anu-ano ang text applicable sa inyo.

            Normally po if graduated and percentage tax ay halos quarterly.
            Although magkakaiba ang deadline.

            To give you ideas:

            -Percentage ay 25 days after a quarter
            -Income tax return quarterly din with it without Kita ( check dates sa COR)
            -yearly registration (Jan 30)
            -yearly itr (April 15)

    • Jenny Apache

      Hello po. May papaupahan kaming bahay dito sa bikol,residential property lang namn kelangan ko po ba business permit ?maliit lang namn yung papaupahan namin ,kelangan ko po b kumuha ng business permit hindi namn commercial ,ito residentual lng nmn…

  • Edward E

    Thank for this. Ang laki ng tulong.

    May tanong lang po. Nag kamali kasi ako, hindi ako nkpg search agad bago ako kumilos. August 28, 2019 ako nakakuha ng Mayor’s Permit, d ko alam na ang renewal pla is January din. So sayang ang months. Sa BIR din ba ganun din?

  • Donnabelita

    Hello po. May existing business na akong computer shop then meron na syang business permit. Ngayon po plano ko pong magtayo ng isa pang computer shop
    sa parehong city at barangay lang po street lang po naiba.. kelangan ko pa po bang kumuha ng panibagong business permit para sa bagong shop na itatayo ko kahit pareho lang nature ng business at nasa iisang lugar lang naman?

    • lhen

      hi!ang dati pong palengke namin ay nalipat sa medyo palabas na ng bayan kaya kapag hapon ay hindi na pinupuntahan sapagkat malayo at merong savemore sa bayan kung saan namimili ang karamihan.ang ilan sa mga maliliit na magtitinda ay nagtayo ng maliliit na tindahan ng ulam, gulay isda karne na hinahango nila sa palengke kapag umaga at tinitinda sa hapon.isa kami sa mga magtitinda na kung tutuusin ay private ang aming kalagayan sapagkat hindi kami sa kalsada nagtitinda.ipinatawag kami ng municipal engineer, utos daw ng mayor pati na yung mga nasa bara baranggay na nasa sariling bahay ang mga tindahan upang pagbawalan magtinda sapagkat ang mga ulam ay dapat sa palengke lang daw tinitinda at illegal daw ang aming pagtitinda sa kabila ng kami ay may mga permit.ngayon lang nangyari ito ng magbago ang mayor at nagreklamo ang ilan sa mga taga palengke.wala pong nailatag na municipal ordinance o ano mang basehan na ang mga small enterprises na tulad namin ay dapat pagbawalan na magtinda.ang tanong ko oo ay ano ang posibleng batas ang pwedeng basehan nila para lahat kami ay pagbawalan na magtinda.bakit hindi nila kayang pagbawalan ang savemore?Ang ipinaglalaban ko po kasi ay SME empowerment..ano pi mapapayo nyo?

  • Dong Ryan Reyes

    Hello,

    Ask ko lang po kung need pa bang kumuha ng kahit anong business permit mapa baranggay man o city pag yung business mo halimbawa eh parang nagtitinda ka lang ng street food tapos palipat lipat ka ng pwesto?

    Or let say, ang food mo ay nilalako mo na naka bike ka or kahit maliit lang na food truck? Sympre wala ka ngayong permanent na location na pinagtitindahan, so saang barangay ka dapat kumuha ng permit?

    Thank you in advance for your kind response.

  • jan michael

    hello po. ask ko lng po mgkano usually kahat ng gagastusin ko s permits, from mayors permit to BIR. magopen po kasi ako ng kiosk sa mall.. around 200k po yung capital ko. sana po matulungan nyo ako para may idea ako. thanks

  • arnold

    nag franchise po ako ng bills payment, sabi nila skin ndi n rw kelangan ng mayors permint dun, okay n raw ung brgy business permit, 75k po ung bayad s franchise, need ko p po bng iparegistered s dti ung bills payment n n franchise ko?

    • Hitokirihoshi Post author

      na-explain po ba sa inyo kung bakit hind mo kailangan? napapaisip ako kung paano ang pag-isyu ninyo ng resibo. bills payment pa man din. I am not sure pero base sa kakilala ko na nag -franchise ay mayroon silang separate na permit o depende sa franchise? ang alam ko pa nga sa mga nagga-grab ay kumukuha rin sila ng dti at bir pero wala na mayor’s permit. isa pa’y pansinin ang bills payment para hndi kayo masita ng city hall at bir.

      • arnold carpio

        ang sabi po kc nila skin, ndi nman po umabot ng 100k ung capital q s franchise, ganun p man gusto q cya kunan ng mayors permit, nsabi nila sa qng gusto q raw pde q rin kunan, kya lng napaisip aq, since franchise un, dapat q po bng i parehistro ng bago s dti un o, ung rehistro ng company s dti ung ipapapasa q s city?

        • Hitokirihoshi Post author

          ayon sa nkausap ko na supervisor sa company na nag- franchise ( food carts). ang kanilang business permit ay under sa pangalan ng may-ari, hindi sa name ng company na ini-franchise kahit 7 na iba-iba yung franchised products. Ang nakalagay lang sa line of business ay “food” at kung baga naka-internal na usapan ang franchise. so you have the choice to register yung company sa DTI, city or BIR. actually kung magtse-tsek din po kayo ng mga resibo gaya sa mga food chains or even services na nag-franchise makikita ninyo yung ibang company name. pero i suggest to ask other people na nag-franchise ng same bills payment na in-avail nyo bago kayo mag-register.

  • Paola

    Hi, possible po ba na mag ka b.permit kung rights lang po ung arean namin? Walang nag cclaim sa lupa. Dito napo kami lumaki. For 40 yrs. salamat sa reply.

  • Jane guevarra

    Hi po tanong ko lng po mag tatayo po sana ako maliit na sari sari store 10k lng po capital ko nangungupahan dn po ako nsa loob lng po sya ng street malayo sa pinaka bayan. . Anong need na requirements? Kasi ung ibang tindhan po na nag titinda dn mismo malapit sa pwesto ko sabi nila ok n dw po business permit lng galing brgy . . First time ko lng po kasi mag nenegosyo kaya wala pa po tlga ako idea kng ano mga need na requirements

  • Maxxie

    Hi ask ko po sana what if I’m into car detailing business pero home-service po muna ako within metro manila since wala pa akong place to establish my shop/studio for car detailing and wala pang budget to rent. Can I register my own name na po ba? Will they still require me to apply for mayor’s permit or any other permits po? Any advice with this kind of situation/ issue? Thank you po in advance! 🙂

    • Hitokirihoshi Post author

      in general my business advice is better you should try first if your business concept will work. start with your kakilala or make it a sideline gig. Kapag nakita mo na may market ka at okay ang sales, malalaman mo na rin it matters na mag-legal, kahit ano pa ang situation o limitation mo. medyo mababawasan din ang agam-agam mo when it comes to money matters knowing malakas naman ang kita.

      on getting permits, the best advice i can give is when you start to register (DTI level) better ituloy-tuloy muna. Check comments below and on my blog post about BIR, you will know why and the keyword is penalty. Your DTI will have no bearing, other than reserving the business name you preferred. im not sure, pero i think sa car detailing required ka mag-mayor’s permit

    • susan hernandez

      dati nko me puesto sa palengke ,nuong oct binigay kona sa anak ko sinurender ko old bus.permit ko.pate sa bir sinara ko for new owner, ngayun jan sabi nila hindi daw nabago tinda ko same lang daw .so same din price ng bus .permit ko na 21,950 :dto sa nueva ecija dipo ba pag new owner syempre baba bus permit ..maiiba na kase iba na bir nya yung po bang AFS ko ilang percent sa tax kinukuha nila para idagdag sa amount ng bus
      permit ko
      .

  • Marlon calvario

    Hi po ask Kolang Kong mga Magkano po magagastos ko Magpapatahi kase po ako Ng sari sari store gusto ko Sana Kumuha ng mga permit kaso nakikitayo Lang ako Ng presto anu po ba mga Kailangan tas Mga Magkano magagastos Kapag 20k to 30k ANG capital

  • Yna

    Matagal po ba talaga kumuha ng FSIC? 3 MONTHS na po kasi hindi pa rin narerelease… Sabi kasi sa CityHall antayin na lang daw within 3 days bibisita na yung inspector.. Antay kami ng antay di naman dumarating. Nagfafollow up kami sabi wala pa raw sa list nila yung store namin. Yun pala ipapasa sa kanila yung referencw slip bago maipila.. 2 weeks ago nagpasa kami wala pa rin kaming FSIC?…

    • Hitokirihoshi Post author

      usually po ay within one week po ay may mag-i-inspect sa inyo. tapos para clear ay sa mismong taga-fire ang magsasabi na ready for inspection kayo. kung sure na po na naipasa nyo yung mga papers at nag-sabi na sila. wait nyo na nga lang, normally po kasi talaga unti lang ang taga-inspect tapos nagre-requirparati yan ng fire extinguisher

  • elisea macahia

    may i ask po if how much ang magiging cost ng mayors permit kapag comp shop 250k puhunan tapos 10 pcs rent na 8k . at pwede po ba mag operate na kami habang pinaprocess pa namin ung permit.

  • lablab

    ask ko lang po, before po kami mag operate ng business namin na fruits and vegetables ay kumuha muna kami ng bry clearance at sinabi sa amin na okay lang daw na hindi kami kumuha ng iba pang mga permits dahil sa maliit plang nman daw ang aming capital. Nong nag doble ang taas ng renta sa amin. Nagbalak na din kami magdagdag ng paninda para matugunan ang pag bayad sa upa. Dahil kami ay nag dagdag ng paninda umabot na ng 50k ang aming capital. Kaya nag desisyon na kami na kumuha ng Mayor’s permit (nakuha nmin buwan ng abril, 2019) at BIR. Pagkakuha namin ng Mayor’s permit ay sunod naming inasikaso ang BIR. Pag dating namin sa BIR, pinapabayad kami ng 20,000 as penalty, tama po ba pag bayarin nila kami ng ganon kalaki halaga?

    • Hitokirihoshi Post author

      ito po ay opinyon ko lang…
      depende po sa RDO yan at ano ang pagkakaintindi nila. may maluwag at hindi, pero ganito po ang analysis ko:
      Kung sinabi nyo na nagbukas kayo dati pa ( yung sinabihan kayo na okay lang walang permit), technically doon ang simula ng counting nila. kung hindi, naman ang counting sa ilang RDO ay dapat within 30 days ng pagkakuha ng DTI, hindi ng Mayor’s permit.

      • Marie

        Hi po!may water refilling station ako at complete na sa permit.question po what if magtatayo ako ng branch Ng water station at sasamahan ko po ng ice cube business?paano po pagkuha ng permit?thanks po sa sagot!

        • Hitokirihoshi Post author

          Kung city hall level, ang choice nyo ay idagdag na as branch or panibago ( like na name or under ng kamag-anak nyo). I think mas madali yung first option kasi halos update lang pero it doesnt mean na madali rin ang process.

  • BabyBird27

    Good pm po, nag put up ako ng business na ticketing nagkaroon ako ng mayors permit at plate nung Feb. 12, 2019 pinalakad ko lang kasi wala akong enough time para mag asikaso. Pina asikaso ko na din yung bir registration sa isang accounting firm. Wait ko na lang yung cor ko by next week. Tanong ko lang po about naman sa signage or signboard na ilalagay sa office/pwesto may nag sabi sa akin na kailangan ko pa din kumuha ng permit para sa signboard. Maaari mo po ba akong bigyan ng advice kung saan at paano po ang una kong gagawin at mga hakbang nito? Maraming Salamat sa tulong.

  • Camille

    May balak po kami magbusiness sa lupa na nkapangalan sa mother ko, maiissuehan po ba kami ng permit kung nkpangalan sakin ang business pero nkapangalan sa mother ko ang titilo ng lupang pagtatayuan ng business? Thanks po.

    • Hitokirihoshi Post author

      I am 80% sure. una titulo na po yan versus renta. then ang may-ari nanay ninyo, automatic halos yan na bahagi kayo ng pamilya. siguro just in case lang ay pagawan kayo ng affidavit na pinapayagan ka ni mother na mag-business sa lupa nya/ nyo

      • Dianne

        Hello ako naman is travel and tours ang business ko , homebase lang muna sa bahay namin ang lupa nakapangalan sa mama ko ngayon itong munisipyo ng caloocan dito sa amin Eh napakaraming hinihingi since wala pang land title kasi binabayaran pa namin ang lupa, humingi ng purchase of agreement, copy ng transfer of certificate title, authorization from my mom to approved ang business, receipt sa pagbabayad ng mortgage, eh di ok na lahat aba juskolord sa pang apat na balik namin hinihingan pa kami ng memorandum of agreement na ibinenta sa mama ko ang lupa galing Social Housing, sir, sa opinyon nyo po pinapahirapan ba kami nito o ano ba nag aantay ng lagay? Grabe dito sa manila anong logic na hihingi pa ng ganun? Your answer is much appreciated.

        • Hitokirihoshi Post author

          Kung ikukumpara sa ibang madaling mag-process na city or province, ang hirap na nga po ng pinagdaanaan ninyo. kung ano po yung nasa post na sa itaas. yun na po talaga ang napagdaanan at requirements sa akin.

    • Nicolas

      Good day! I read everything po in this article including in the comment section po. Hope active pa ito. Ask ko lang po, may 20k capital po ako sa business. May Mayors permit and DTI na po ako. need pa po ba mag-apply sa BIR? Ang concern ko po kasi maliit lang ang margin ng kita, per box 3-7 pesos lang po ang margin ng profit. Nag-aalala po ako if magrerelease ng Official Receipt baka wala na po ako tubuin kais napunta sa tax na pagkamahal mahal po. If ever po ba na magdemand si customer ng OR, possible po na kapag magrerelease po ako ng OR sa kanila papatungan ng tax like 1.2 po per receipt para sa tax ng BIR? Salamat po

      • Hitokirihoshi Post author

        kung maliit na store ay hindi naman sila mahigpit. ideal lang po esp. need na mag-isyu kayo ng resibo sa customers, malakihan ang inyong bentahan, or i-require kayo ng bir

  • Frannie Lontok

    Good evening.

    I’m planning to open a sari-sari store sa residential house ng mother ko inside the village. For now, it’s a sari-sari store with liquor and cigarettes lang muna but later on, I’ll add another business if ever maganda ang kita and mabawi na capital.

    My question, it is okey to put up a new store and pang 3rd ako dun sa street? pwede din ba huwag muna kumuha ng business permit and dti. i’ve read also na okey lang exempt sa BIR kung minimum earner or no income ang magtatayo.

    please enlighten me on this.

    thanks.

    • Hitokirihoshi Post author

      In reality po ay marami naman talaga ang walang business permit na sari-sari store at i guess maluwag ang govt dahil nga maliit ang kita. Sa DTI post ko ay binanggit ko bakit depende ang pagre-register. Pero sa iyong case, nagbebenta ka ng liquor so mas takaw pansin ka and in fact may, nakapaloob na liquor permit if you aim to get a mayor’s permit. In the case naman ng BIR you are correct, pero technically ( kung strict) dapat registered ka to determine your taxes. Kapag zero income din, zero din naman talaga taxes mo at ganun din sa minimum. Kaya mas straightforward ang taxing ng BIR kaysa Cityhall. Read the other comments here to check why.

      On the other note, if you decide to go legal at mag-o-all the way ka pa-BIR ay dapat within sa time-frame ang application mo. I suggest for all who want na mag-test muna then kung okay na ( malakas ang sales o decided na) ay saka mag-register. I hope I answer your questions.

  • Jessa

    Paano po pag Sosyo kami ng kaibigan ko na nsa abroad sa negosyo tapos ako po maglalakad ng mga permit pti business permit knino po ipapangalan yung business? or kelangan pb ng mga IDs nmin parehas para sa paglalakad ng business permit? salamat po. First timer lng po ako sa paglalakad ng permit. Umaasa at mag iintay po ako sa reply nyo po. Maraming salamat po at Godbless po madami kayo natutulungan masagot ang mga katanungan. Salamat po!

    • Hitokirihoshi Post author

      Hello po! Kailangan nyo po mag-usap ng inyong kaibigan kasi sa inyong 2 nakapangalan, papatak po na partnership po iyan. magkaiba po iyon sa sole proprietorship na binanggit ko rito. And check kung under pa kayo ng DTI or SEC na. after nun halos same na siguro sa mayor’s permit at BIR ang lakaran ninyo. since nasa abroad po sya kailangan mayroon kayong special power attorney n’ya para sa inyong lahat ng transaction. kung sa inyo lang ipapangalan ang magiging problema lang sa just in case if may problem ay kayo lang ang aako ng liabilities. check nyo na rin po iyong books about partnership. mabuhay!

  • JM AVELLANO

    Thanks po sa response.Pano po yun kasi yung sala lang naman plan ko na gawin na office kung sakali.Yun lang po ba idedeclare na sukat?or yung buong unit na nirerentahan namin?Salamat po.

    • Hitokirihoshi Post author

      try n’yo po na sa sukat ng sala nyo since yun lang naman gagamitin for business. Nasa assessment na po nila kung papayag sila o hindi. galingan nyo na lang po sa explanation

  • JM Avellano

    Mura lang po kaya ang mayors permit kapag homebased travel agency?Balak lang po kasi namin na gawing mini office yung sala namin if ever.Then me idea po ba kayo na nereject na application sa pagkuha ng business permit dahil saturated or stop na si cityhall ng pagaccept ng ganung klase ng line of business?Better po ba na mauna muna na maginquire muna sa cityhall if mabibigyan ang line of business na gusto ng permit kesa sa DTI?

    • Hitokirihoshi Post author

      Hi po!
      Hindi ko po sure Sir, pero makakatulong na makamura siguro kung homebased lang at kung paano application. Mas mura rin kung mas maliit ang floor area /space, declaration ng capital, at scope ( brgy, citywide, o nationwide). Try to apply BMBE baka makatulong din.

      Sa travel agency wala naman akong alam na ni-reject o anumang line of business. Pero base po sa mga comments dito sa hoshilandia.com may mga business na ni-reject dahil sa hindi ma-comply ang requirements ( some are really over-the-top requirements din kasi).

      I agree na mag-inquire muna kayo sa City hall para alam n’yo na muna kung ano ang iko-comply n’yo. Pero kung aabot po kayo sa BIR at resibo talaga ang habol nyo, maigi rin magtanong kayo roon.

  • Ronald Allan Silva

    Hi, Good morning po! I’m planning a business consultancy dito sa bayan namin. ano po dapat ko gawin di po kasi nakapangalan yung land tittle saken or sa parents ko since mana lang po nila at paghhahatian pa ng iba pang relatives.. possible po ba ako makakuha ng mga mayor’s o business permit? o makakakuha po ba ako ng mayor’s/business permit kung sasabihin ko hindi ako mag ooffice since business consultancy naman pwede ko magawa yun sa iba’t ibang place to set a meeting na lang with clients. gusto ko sana maging legal lahat kaso my mga ilan problema need ko kasi mga permit na yan sa pag open ng bank under the name of my business.. sana po matulungan nyo ako. maraming salamat po..

    • Hitokirihoshi Post author

      sa business address/ office– kahit saan nyo po gawin ang business at ano man ang linya nito ay maglalagay kayo ng address for sure. Kung walang formal office, automatic ay home address ang mgiging office address.

      IMHO,possible naman po kayo makakuha ng permit. either pagawa kayo ng neighbor consent/ agreement/ affidavit ng city hall to prove na dyan at okay kayo mag-business sa lugar n’yo. Be ready lang po na baka strict yong city hall ninyo na marami pang hihingin.

  • Wally simeon

    Gud am po pano po kaya kung courier? Rider partner ako sa isang company na courier ng Shopee…
    Sa work ko kasi pinapakuha kame ng dti,brgy bussiness clearance,mayors permit at sa bir.. pwde ba i pang puhunan ang mutor? Kung 67k ang presyo ng mutor ko ganun na din po ba pinaka value ng magiging capital ko? Sa SJDM Bulacan po kasi ako. Pero nagdedeliver ako sa Brgy. Pasong Putik Q.C.

    • Hitokirihoshi Post author

      Ang suggestion ko sir diretso po kayo humingi ng requirements sa BIR. baka kasi you don’t need to get mayor’s permit at habol ng company ninyo ay resibo. Ang alam ko kasi sa grab at taxi wala ring mayor’s permit, ganoon din po sa self-employment basis gaya sa mga freelancers. Dun sa motor ninyo, opo sa palagay ko po ay pasok yan sa magiging capital ninyo at puwedeng dagdagan ang calculation na php67k depende sa assesment sa cityhall.

  • rodelyn sala

    good morning po ask ko lng po sana kung magkano ang kailangan capital na pera kung mgtatayo ako ng construction office? sana po matulungan nyo ko..thank you

  • Lolita Ramirez

    Hello, mga magkano kaya ang maging income tax ko kapag ang na declare na gross sale is 70,000 hindi kasi kami nag BIR last year pero naka kuha kami ng mayors permit kaya nag penalty kami,

    • Hitokirihoshi Post author

      ito personal take ko lang and i suggest consult din kayo sa isang CPA

      first time nyo po ba? I am not good in income tax pero ang good thing po ay mayroon naman ebirform na kung saan kayo magpa-file online. don nyo na po ilalagay yung sa gross and expenses nyo. I assume na non-vat kayo kasi ang 70, 000 ang gross sale nyo for the whole year, which is below 3M threshold para maging VAT tax payer kayo. kung ito ang first time nyo at nakapag-penalty kayo, i assume na wala pa kayong babayaran sa BIR this year.

  • Lolita ramirez

    Hello, grabe ang itinaas ng mayors permit namin, P4,800 compare last year na 2k plus lang,grabe,mga magkano po kaya babayaran sa income tax next year ang declare gross sale ko is 62,000 ,hindi kc kami ng BIr last year kaya nagpenalty kami.

  • gray pidlaoan

    ask ko lng po mga magkano po kaya kpag nsa 5k lng ang capital? maliit na sari sari store kng po ksi. salamat in advance

    • Hitokirihoshi Post author

      wala pong eksaktong halaga ang sagot dyan kasi depende po iyan sa assessment ng cityhall. mas maliit na kapital, mas maliit na tax. pero hindi ibig sabihin nun na halagang 5000 or lower ang babayaran ninyo. please check mo yung first part/ step sa post na ito nandoon po iyong ilan sa madalas na in-assess. salamat at mabuhay!

  • Arjho

    Pano po kung di sakin mismo nakapangalan yung permit na rerenew hin ko..wala kasi yung amo ko na syang naka pangalan..pwede din po kaya un?…salamat sa sagot

    • Hitokirihoshi Post author

      Opo. may mga nakasabay ako na tauhan na naglalakad ng permit ng kanilang company o ibang tao. In general po que for Mayor’s Permit o iba pang legal documents, kailangan po ninyo ng letter authority/special power of attorney at valid ID nung nagpapalakad.

  • samish

    hi po, ask lang po pwede kopo magamit ang brgy businees permit as a proof for travel/tour requirement?? Salamat po

  • Shinnette

    Hi pano kung 3,000 lang ang puhunan dahil reseller ng mga dishwashing liquid. Walang renta kasi sa garahe mag lalagay ng tindahan at sariling bahay namin yung paglalagyan.

  • Gina Sardido

    Hi po!ask to lng po mgkano mababayad ko for business permit:
    Store rent :4000
    Store capital 10,000
    Carendiria lng nmn….
    Thank you po

    • Hitokirihoshi Post author

      In general ay depende po assessment (please check step 1) ng city hall sa inyong business. yang mga binanggit nyo ay mga factors pero dagdag dyan ang laki ng inyong puwesto at mga kagamitan gaya ng refrigerator.

  • Theresa

    Heloo gud evning po, ask q lng po if magkano ang magagastos qng ang capital lng eh 10k sa sari sari store lng po tnx.

  • Sharra Reterta

    Hi 😊 Thank you for the info , Ask ko lang if magtatayo ako ng laundry shop . First laundry shop ko siya and nasa bahay lang din namin siya. Do I need to process mayors permit? or pwede na dti permit lang po? Thankyou somuch.

  • mOnicah Liwanag

    Good day!

    Thankyou for the infos, anyway gusto ko lang iverify meron kc ako Lugawan//kainan. maliit lang nmn mga 20qm. then dto n din kami tumtira.. need pa ba nmen mgkaron ng Mayors Permit? kc sabi noon dto ok lang nmn n brgy.business permit. wala nmn po kc akong branches first business po nmen dto. and hnd pankami nkkbawi sa expenses. pls reply.

    thankyou

  • Harvey caballero

    B4 po ako magtinda ng pares mami sa sidewalk gamit ang sidecar cart lang po ay lalakarin ko muna ang mga business permit para kung sakaling masita may maipakita akung documento. Let say 10k po ung puhunan ko sa pares magkano mababayaran ko sa mayors permit? Okey naba kung dti at mayors permit lang ang meron ako? Thanks po sa rply

  • Norren Vicky reig

    Hi po..
    Balak ko pong magtayo ng food cart business so ask ko LNG po kung ano2x ba ang mga kelangang permit at ang mga price po nito .
    Tnx po

      • Dexter Ponciani

        Hello po. Food cart businees din gusto ko simulan na business. Kasi maliit na space at movable Kung kelangan. Pa send Naman po ng mga kekelanganin na permits para dito sa maliit na negosyo.
        Thanks po in advance

        • Hitokirihoshi Post author

          I am not sure po sa requirements ng food cart business. More or less halos ganito rin ata ang pagdadaaanan ninyo. inyon lang dedepende iyan kung sa loob kayo ng mall or anumang building.

  • Jean

    Hi. We’re planning to register our business this month sana. Do you advisable pa yun? Db by January is renewal of permits na ulit? DTI reg namis is end of September pa. Thank you!

  • Joboy

    Hello po,
    Gusto ko lang po makahingi ng breakdown ng cost ng establishing business (500K capital):
    1. Barangay Clearance
    2. Locational Clearance
    3. Mayor’s permit
    4. FSIC

    Additional question din po, magkaiba pa ba ang cost if renewal? and advisable pa ba na magestablish ng business ng Nov or December?

    Thanks Po God Bless!

  • Sadie Rix

    Hi.. can i also ask for your TOTAL breakdown fees sa pagkuha ng Mayors Permit..im planning to get one also but currently saving money for the fees 😓

    Thank you po 😊
    God Bless

  • Rafael

    I’m planning to open a Tapsilogan/lugawan/lutong bahay at mag rerent ako ng commercial space. Magkano po kaya yung kailangan kong bayaran para sa mga permit. ask ko na din kung pwede bang mauna ang operation then saka ko ilakad yung mga papers?
    Thank you

  • Mame loons

    Hello ask ko lang kasi yung may ari ng Bldg ng business namin lagi namin hinihingan ng OCCUPANCY PERMIT para masubmit namin as one of the requirements sa pagkuha ng Mayor’s Permit. Kaso di kami iniintindi. Running na yung business. Pano po kaya yun. How much po ang penalty?

  • Ccs

    Good afternoon po, pwede po ba kong makahingi ng breakdown ng mga fees na binayaran nyo po? For feasibility studies din po sa school. Thank you! 🙂

  • requilito asilo

    MAGANDANG ARAW PO ASK KO LANG PO SANA NA KUNG ANG ISANG SARI SARI STORE NA MAY 24HOURS OPEN AY MAY PERMIT PA PERO MAY MAYORS PERMIT NA PO AKO

  • CYCY

    Hi! pwede ko po ba malaman magkano yung mga fees na magagastos mo sa mga permits po na yan? kelangan ko lng po for feasibility study namin sa school. Thank you in advance xoxo

  • asa ka pa

    hello, im planning to open a small sari sari store na may alak at sigarilyo, location is owned by my ninang, and wala din akong binabayaran, studio type asa harap ang sari sari store, sa likod may kama kung saan kami natutulog. May harap ng kalsada, secondary road, may question is mga magkano kaya ang aabutin for the permits etc. May work kami ni hubby, regular employee 9-6 pm sched, Monday to Saturday. kaya ang store magoopen lang siya kapag gabi pag uwi namin which is 8pm until 10 or 11 pm. Pag sunday maghapon nakaopen kasi day off namin. Medyo marami umaawit ng pwesto kasi maganda location kaya gusto ko legal, baka may magsumbong na mabait na kapitbahay. kaso lang baka malugi naman kami kung sunday lang siya operational, para at least mapag-aralan kong mabuti if tuloy pa ba or not, or kung kakayanin ba, in preparation din kasi if ever magplan na magresign ang isa sa amin at least establish na ang business. Thank you.

  • Lina Autida Balasabas

    Hi ask ko lang nag rent ako ng commercial. Ginawa kung sari sari store.balak ko lagyan ng vedio oke.my mga alak din .magkano kaya estimate kukuha ng mayor’s businesse permit?

  • richard

    Mag oopen sana ako ng small eatery na puro porkchop ang menu.
    anu ano ang mga kelangan na permits at mga requirements.
    at anu ang step by step na procedure, kung anu ang unang asikasuhin.
    at kung magkano bawat isa.

  • Verna Ayuman

    Hi! Tanong ko lang po, nag tayo kami ng online travel and tours, wala pa po kaming physical office. Meron na po kaming mga ibang permits except Mayor’s Permit. Itatanong ko lang po sana kung magkano ang magiging Fee. Salamat.

  • Raquel Taboada

    Good am po..may tanung lang po sana ako balak ko po sa mag online ticketing may business permit po ba yun kahit nasa house ka lang?or gusto ko din sana kumuha ng pwesto sa ganitong business po.at kung meron magkanu po ang gastosin at ano po ang mga reqs nito po.
    maraming salamat

  • Charlene Ferrer

    I’m opening an online services business (graphic design/layout), NO PRINTING. Because online lang ako, my office address is the same as my home address. Capital est. is about 30k (laptop, internet/month, electricity/month). How can I apply for a mayor’s permit?

  • Collette Madera

    Good day!
    Estimate costs of
    1. Barangay business clearance
    2. Mayor’s permit
    3. BIR registration

    Tapos mga expenses in total for legal requirements. Corporation po ang business.

    Thanks…

  • Bill

    kumuha po ako ng business permit pero di ako binigyan dahil pinababayaran muna sa amin yung property tax na may kalakihan bago sila mag issue ng permit. Yung titulo po kase ng lupa at deed of sale meron kami pero ayaw kami bigyan kung di bayad ang tax…kelangan po ba talaga mabayaran yung tax para makapag issue sila ng permit? Salamat

  • Ram

    Estimate costs of
    1. Barangay business clearance
    2. Mayor’s permit
    3. BIR registration

    Tapos mga expenses in total for legal requirements. Sole prop po ang business.

  • rhea silla

    hi!tanong ko lang po kung kelangan pa ba kumuha ng BIR certificate kahit small business lang like magtatayo ako ng store for imported products.?or ok na lang kahit dti,brgy permit and mayors permit?thank u

  • Toni Domingo

    magtatanong po sna ako. may pinapatayo na commercial building ang mother ko at doon po namin plano umupa para sa ipapatayo namin Laundry Shop. kailangan pa po ba namin iapply ng business permit ang commercial building niya?

  • Jennifer

    Hello po isa po ako reseller minsan po nagttinda ako sa labasan nmin..konti lng po puhunan ko nagsimula po ako sa 2k at konti lng din po kinikita ko..dapat po ba kumuha ako ng barangay permit ? Marami po slamt

  • Liit

    Hi po ask ko lang magtatayo po kasi ako ng wholesale/retailer samin bahay, ano ano po ba dapat mga requirements na ifile ko? Dapat po ba mag file na po ako bago mag start ang business? Salamat

  • Mench

    what if may water refilling station na ako at may mga permit na yon at gusto ko magtayo ng maliit na bakeshop sa katabi niya, kailangan ko pa ba uli kumuha ng isa pang permit?

  • Sam

    Good day! Patulong naman po… nakakuha na ko ng DTI for my online (tour) business sa laguna, makikishare lang po ako ng pwesto sa rerentahan ko kase sari sari store yun. Nakaprepare na din ako ng lease of contract. Need pa din po ba macomply ang FSIC? Iinspect pa din ba nila ang location pag ganun? Appreciate your response. Thank you very much.

  • Jona

    Hello sir,
    My katanungan lng po ako, paano po kung online business like capital mga 5 to 10k. Clothing ang ebenta ko need pa ba ng business permit. 2nd question, dto po ako sa europe pero plan ko dyan sa pinas kukuha ng business permit pwede ba un?
    Salamat sir.

  • Jocelyn joson

    Good evening po tanong KO Lang po blak kung magtayo ng maliit na computer shop d2 Sa bhay ko. Magkno po Ba mauubos pagnag pa busniss papermit po at ano pa po Ba ang mga dpat iparihistro KO

  • Norlailah

    Good morning po….tano ng ko Lang po my water refilling station po ako gusto ko sana na ung sa katabi niya eh lalagyan ko ng mali it na sari sari store my business permit po ako sa water refilling ko, need ko po bang kumuha ulit ng business permit para a sari sari store? Salmat

  • joann galas

    hello po sir , balak ko po sana magtayo ng mamihan sa lugar nmin pero rerentahan lang po nmin ung pwesto. pano po ba ang apag asikaso pag ganun po ?

  • Leizel

    Hi! May tanong po ako. Paano po pag online business ka lang at sa bahay ka lang magwowork at sa bahay din office? Need pa ba nila yun inspect for the location clearance?

  • Lyn

    Thank you sa guide na yan. Ang nagiging problema ko dito s inaapply kng mayor’s buss permit ay pagpirma ng health officer ( btw nag aapply ako ng rent a car buss) hindi daw nya sakop ang ganung buss. Eto namang bplo ay hindi papayag n hindi mapirmahan ng health. Sa ganun n lng natatapos yun? Sabi s health, dumerecho n ako s ltfrb, hindi n daw kailangan ang mayor’s permit? Sa tingin ko naman kailangan yun kahit saan kasi kahit national level ang pag aaplayan ko, kailangan ko magsimula s city namin. Nakakadalawang pagpunta n ako s health officer, pero ganun p din ang stand nya. Para akong naiipit s sitwasyon. Maraming salamat po

  • Gerald

    Good am po sir/mam. Ask ko lang po kong pano po ako makakapagpa rehistro ng business ko. Nagpatayo po kasi kami ng Water Refilling Station sa brgy. po namin, somewhere around Laguna. Meron na po akong DTI. Nationwide po kinuha ko dun. Ngayon, kukuha sana ako ng brgy. business clearance/permit. Dineclare ko kasi na tatay ko yung mayari ng lupa. So hinanapan ako ng Land Title. 15years na po kami dun sa brgy. naming yun. Pero rights lang po kasi meron kami dun. Ano po ba ang ibang alternative para makakuha po ng Mayor’s Permit at BIR. Gusto ko kasi maging legit yung business ko. Thank you po in advance😊

  • Rapha

    Hi. Ask ko lang if yung declared amount of rent sa contract of lease na sinubmit for Mayor’s permit dapat yun din ang isusubmit sa BIR? Late ko na po kasi nabasa yung blog niyo. Pwede kaya ako mag gawa ng Affidavit of No Rental or contract of lease na mas mababa yung amount ng renta para minimal lang yung withholding tax na idedeclare? Thank you.

  • Jenny

    Hello po ask ko lng po. Tpos na po ako sa dti, mayors permit. Bale BIR nlng. Ang tanong ko po meron po ba akong dapat ibalik sa municipyo na copy or anything na kasama dun sa permit? like fire protection permit at sanitary mga ganun. Isa tanung dpat po ba same yung amount ng declare capital sa dti at municipyo at bir? Naiisip ko lng po kung may namimiss ako. Salamat

  • Diane

    My foodcart p ako kuumpisa lng tpos my ngcheck s permit on the spot nakita wlang permit tpos sbi ko closed ko rin lng s katapusan kz tatangalin ung pinagpwestuhan nmn tpos need b tlga bayaran ung permit kahit stop daw. Kz malaking halaga din un,Pls advice. Thanks

  • Justin Serafin

    Hi po, magandang araw. Balak ko po mag setup ng smart padala center dito po sa bahay nmin. Ang hinihingi po na req ni smart ay dti registration, mayors permit bir registration. Madali lng po ba kumuha ng req na iyon.

  • Me ann

    Hi ask lang po matrace po ba ang old business permit kapag nawala na ito.
    Matagal na rin po itong expired.
    Kailangan ba na kumuha na lang ng bago?
    Salamat po sa kasagutan

  • jenin bustamat

    Hi po,tanong ko lang sana kung pwede ba ako magpa Mayors permit sa apat na unit ko ng Pisonet?mahina naman po ang kita 50/day lang kasi de naman matao ang area nami,,sa bahay lang namin kasi nakalagay ang apat na unit,,salamat po

  • Romeo Martinez

    Magandang araw po,

    Maari niyo po ba akong tulungan, may bigasan po dito sa amin na walang permit, wala po silang signage confirming their NFA control number. Nakabili po ang maybahay ko sa bigasan na to na dapat ay denuradong bigas pero tila iba po ang binigay niya, malayo po sa quality ng denurado rice. Saan po ba ako dapat tumawag para magreklamo? Maraming salamat po..

  • Berly

    Sir salamat s blog nyo, nakTulong po eto s marami n katulad ko medyo nalito pa kung ano next na gagawin. Nagregister npo ako ng DTI kaso dko nadownload ung generate na business permit. Sabi sa notif, nadownload n daw ang permit. Pangalawa eh ung nature ng business bale ggawin ko lng sya online. Booking system po, kelangan po ba tlg na kumuha ako ng barangay business clearance at mayors permit?

  • Liezl Naik

    Hello! Paano po pag sa lupa ng parents ko ako magtatayo ng sari sari store? Katabi ng bahay nila. Land title nila ang gagamitin? Tnk u.

  • Nana

    Hellk po..wanna ask po about sa permit…anong permit po ba ang kukunin q for bbq stall…maliit lng sya…sa market lng po namin ibebenta…apos magkno po

  • Joana

    Magkano po magagastos at ano po kelangan pra sa sari2 store na mga 5000 lng ang start capital at nagrerent lng po kme 3k per month??salamat po sa pagsagot

  • cheche

    ello po tanong ko lng po, meron po kaming sari-sari store at gusto namin kumuha na business permit. ang problema po wala pang titulo yung lupa po namin kasi si lolo ay tenant po nung lupa sa may likod ng compound po namin bale binigyan po kami ng lupa natitirhan namin kaso ngayon patay na po siya.
    pano po kaya yun wala po kaming mapapakitang titulo, tapos di rin naman po kami umuupa??

  • Rowena Olave

    good pm po.Sir/Mam, kailangan pa po ba ng Mayor’s Permit kasi magtatayo po ako ng school supplies pero po loob ng lupa nmn po eskinita..maraming salamat po.

  • Rowena Olave

    good pm po. Sir/Mam, kailangan po pa ba ng MAYOR’S PERMIT kung school supplies sa loob ng sarili mong lupa na tatayuan nmn.

  • estela

    halimbawa po ang sale ay 500,000.00 less 250,000.00 (train law) ang naiwan na 250,000.00 multiply by 8% flat tax. Ang tanong ko po pag nag renew ka ng business permit magkano po ang babayaran sa business permit?

  • Keith Loren M. de Torres

    Hello po ! panu po kpag yung magrerent lang kami ng pwesto tas yung ititinda nmin ay bigas at grocery.. ganun din po ba yun? at saka mabilis lang po ba mkuha yung permit ? Thank you po

  • Jimmy

    Pano Kung Ang business ko ay pang cake decor. Bibilhin ko sa divisoria at ibebenta. Buy and sell.
    Ang kailangan ko Lang talaga ay OR resibo dahil ibang customer ay ayaw mag order Kung walang resibo.

  • Gemini

    Hi po gud afternoon.. Hingi lang po sana ako ng advice regarding closure po ng business, nakapag renew po kmi ngaung 2018 which is quarterly po pinacompute namain para di gnun kabgat bbyaran yung tax sa municpyo.. We close our business nung Feb 28, tas ngaun nung lumapit po kmi sa municpyo sabi nila need pa raw pong babbyaran ung natititang quarter,tama po b?

  • Evelyn Piamonte Campo

    Ano po requirements namin mga urban poor na may isang maliit na sari sari store sa bahay at mahigit.10 to 20 k lang ang maaring istart na puhonan ?

  • Evelyn Piamonte Campo

    Paano po kung mallit lang ang tindahan namin na sari sari store sa bahay mahigit 20 to 10k lang at wla kami titulo kay hindi pa tapos kami mgbayad sa lupa na tinitirikan ngaun ng bahay namin.

  • Ian

    Good day!

    Ang tanong ko po sana ay magkano kaya po aabutin pag yung business ko ay isang internet cafe. Ipalagay nalang natin nasa 10 yung computer. Lahat ba ng papel o documents dapat meron ako? Please advice. Thanks

  • YLE

    Hi, ask ko lang breakdown ng gagastusin for baranggay permit and mayor’s permit for a store and general merchandise. Thank you!

  • Tsinyi

    Hi! Ask ko lang po if need pa ng land title or certificate of lease if ang type ng business is trading ng goods. Gust ko po kasi mag buy and sell ng mga prutas at gulay. Small business lang. How long po kaya ang pagprocess ng BIR? Also, if gagawin kong online ang business ko. Since di ko naman need ng pwesto, pwede ko pa din ba sya iapply for business permit. Need ko kasi ng resibo para sa mga susupplyan ko.

  • Richel

    Hi i have question.. nakapag apply ako ng BiR pero DTI lang ang ipinasa ko. Di q kasi alam na kelangan ng Mayors permit and brgy cert. naka1 year na ako ang updated ako sa pagbabayad ng tax.. balak ko na sya iclose.. magkaron ba ako ng problem sa closing?

  • maddi tour

    Hi asked ko lang po, ,,,kung àng sari sari store at karindirya, ,,ay ipagsama lang po sa isang puwisto,,,kailangan po ba dalawang permits ang kunin ko,,,para sa sari sari store permit at karindirya, ,,,thanks po, ,,,

  • maddi tour

    Hi p.o. ask ko lang p.o. kung ang business ko p.o. ay ipagsama sa isang puwisto,tulad ng sari sari stores at karedirya,,,kailangan po ba dalawa permit ang kunin ko,,sari sari store permit at karendiryapermit ,,,thanks po, ,,

  • Edna M Torcuato

    Hinge lng po ng idea.kng ang itatayo kng businesss ay bigas itlog mantika mga gulay anu po dapat ga
    mitin

  • Aira

    Tanong ko lang po, maytao kasing Basta nalang nagtayo ng tindahan para sa kanyang barbeque business, dito sa tapat ng aming gate, maykarapatan ba kaming ipatigil ang kanyang pagtitinda,kasi nahihirapan po kami sa pag atras, dahil sa kanilangtinda, tapos Wala naman po silang permit at Hindi sila ang may aring lupa, na tinatayoan nila. Please advice

  • Nelle

    Hello! May sample ka ba for the capital and assets? And sample assessment? Di ko kasi sure kung magkano inaabot ng ganyan. Thank you!

  • Maricar Corral

    Hi poh ask q lng po pnu f ung tatayuan q po ng small sarix2 store is d2 lng s haus nmin den wla nman po kmi titulo nito dhil libreng patira lng po kmi d2 plus 15k lng po plan q n startingn puhunan..plan q lng kmuha ng bus. Permit pra legal ang pgooperate q lalo s pgbbenta ng alak.tnk u po s mbbigay mo info..more power

  • Kay

    Hi! Paano po ba pag renewal ng permit pero ng change kme ng name of owner at business name sa dti..ngayon hinahanapan kme ng gross income doon sa una nameng business name kase ngoperatr kme ng kulang 1year..pero wala po kmeng bir last year sa old name..kase iniscam kme ng dating owner

  • Bei

    hi, ask ko lang po if printing services (shirts, invites, mugs etc.) kami and sa bahay lang, online lang kami tumatanggap ng clients then shipping lang or pick up ang mangyayari kasi private subdivision po itong lugar namin, need pa po ba ng mga fire and locational clerances? and pano po ba magcompute ng fees na babayaran if nasa 75k po ang capital namin, para alam po namin ang dadalhin naming amount once mag register kami. And last po yung homeowner’s certficate na may nakalagay po na wala sila objection na mag operate kami sa subdivision namin need pa ba ipa notaryo? Thanks

  • Mocha

    Hi, kindly delete kung inappropriate po ang post ko na to, I just want to share my experience sa pagkuha ng Mayor’s permit. Una- pabalik balikin ka, pangalawa hindi nila ibibigay sa yo ang total na babayaran mo, apparently kada punta mo may isa permit fee na dapat na lilitaw na dapat kang bayaran. Pangatlo- binigyan ako ng temporary sanitary permit na nasa sang crosswise coupon bond ( xerox copy) at pagbabayarin ka ng 300.00 pero hindi sila magbibigay ng O.R for that, iba pa yung Php2010.00 sanitary permit na kasama sa O.R. Pang-apat ng binabasa ko ang mayor’s permit may nakalagay na REFUSE FEE na kasama amounting PHP4020.00 na tinatanong ko kung ano ang REFUSE FEE PERO hindi nila maipaliwanag. Ang total ng nagastos ko para lang makakuha ng mayor’s business permit sa caloocan umabot ng PHP15,000.00. Ang starting capital ko is Php20,000.00 lang at ang nature ng business ko ay homebased online retail shop at ang space for my stock ay nasa 4 -6 sqm pero hihingan ka ng lahat ng klaseng fee na pwede nilang ilagay sa O.R nila pati building insurance fee at meron pang isang non-existing insurance fee na ewan kung anong insurance fee amounting Php800.00 na wala ding O.R.

    Natapos ko naman ang paglalakad na ng Mayor’s Business permit ko at nag-aantay na lang ako na marelease ang plate nya, pero napaisip ako dapat pala hindi na lang ako kumuha ng mga permit na to since nag uumpisa pa lang naman ako , dahil kung eto nga gobyerno na pero manininingil ng maliliit na amount lang naman sana pero hindi magbibigay ng O.R. ( 300 +800 ay malaking bagay actually ) . Yung mga ganitong klase ng patakaran ng gobyerno natin actually ang nakakawalang gana na magparehistro kung maliit ka lang na negosyante.

  • Shie

    Hi po tanong q lng po natural lng po ba na ung mga tao po sa cityhall pabalikbalikin ka kahit completo na po ung requiremnts n kylangan pra sa business permit kc po ung mga nag inspection po dto sa pwesto namin sbi ok na daw po marelese na dw po ung permit pro po pg punta nami dun sbi nun pinaka mag iisyu twagan nlng dw nya km at ang higpit nya po tas nag punta din po cya dto mg isa sa pwesto namin at nag sbi ng maling sukat sa pwesto pro ung mga ksama nya nun sinukat to iba din sbi nla… to think po na my ibang kahulugan ung isa prang humihingi ng lagay ayw nya pa po release permit namin. Thank you po

  • Mocha

    Hi, nagpaprocess ako ng mayors permit ngayon for my online shop, ang problema ang hinahanap nila is for a business with a physical shop. Nakadeclare naman sa papeles na pinakita ko sa kanila and meron din photo ng stocks at photo ng mga damit na binebenta ko. Ano po kaya ang dapat kung gawin kasi pinabalik balik na kami nila sa mayo’s office.

  • Ira

    my tnong po ako, pnu po ang process kung gradually ko po iincrease ang tndhan ko, ndi ko po kc kya ng malakihang bgsak. so sbhin nntin 15k po capital ko and then s susunod mg.aad ako ng liquior,cigarette etc. mgaad lng po b ako ng permit o uulitin ko po ang proceso? slmt

  • Lhyn

    Ask ko lang bakit po nag apply po ako bussiness permit sila po ng lalagay ng capital ko tapos an laKi un nilalagY nila Like 60k

  • cesar vidad

    hello po, ask ko lang po, kadalasan kasi school ang client ko, maintenace po ako ng computer, minsan po kasi humihingi sila ng resibo, papaano po ang procedure ng pagkuha ng business permit wala naman po akong pwesto at sa bahay lang din ako gumagawa minsan…
    thanks…

  • Tea

    Sir, magkano po permit mag maliit na kainan?
    Tapos, pag meron po 3 pwesto ng cart business 3 din po ba ang business permit na aaplyan ko?

  • jannette velasco

    Hi Sir, ask ko lnag po, for rent a car business, ano po idedeclare ko na amount paid capital and subscribed?

  • Mario Gay Jr.

    sir ask lang po ,magkano kaya gagastusin sa pagkuha ng business permit ? para lang po sa mallit na negosyo. thank you.

  • Shei

    Sir, kung malelate ako sa pgrerenew, ano po ang mga disadvantages/effect nito sa amin bilang nagpapaupa ng pwesto at dun po sa storeowner?

  • charleng

    good day , ask ko lang kung pano magrenew ng mga permit ? ngayon ko lang kasi maeexpirience magrenew ng bussiness, tnx

  • Jocelyn Lopez

    Hello po …tanung ko lang po kakasimula ko lang po ng small business for 5 computer at need ko po ng mayor’s permit para sa internet ano po ba ang kailangan..thanks

  • Janzell

    Hello po. Same lang ba ng mga requirements pag sa bahay ko lang ginawa ang business? Kasi momshie na ako at gusto ko magkaron ng business at mas madali para sa akin kung sa bahay ko lang gagawin para bantay ko din mga anak ko. Please help me po. Salamat

    • Hitokirihoshi Post author

      I think same procedure pa rin naman. Nagkakatalo na lang siguro sa requirements depende na sa klase ng business na itatayo mo. Kung di naman yan risky sa health ( ex. food resto / vulcanizing) at maliit pa lang, di ka naman na siguro ( hopefully) ire-require ng fire certificate at iba pa.

      I suggest mag-test drive ka muna bago mag-register. Kapag sunod-sunod na, malakihan na or may sure/regular clients ka na saka ka mag-register. Iba ang challenge kapag nagre-register, naka-register na, at kung maisip mong ipa-revoke yung licences mo. Mas mahirap daw ang magpa-cancel ayon sa mga nababasa ko at sa accountant na nakausap ko it takes time. So be sure muna sa business concept mo at determinasyon sa negosyo. Kapag may gritty ka naman, kahit ano pang requirements go go go lang sa buhay ‘di ba 😉
      Mabuhay!

    • Hitokirihoshi Post author

      Hi Ler!

      marami na rin akong na-encounter na similar question gaya sa iyo pero mas klaro pa ang mga hakbang kung sa BIR ka magpa-file. Wala pa rin ang klarong napagkunan ng impormasyon at marami akong kakilala na basta na lang huminto. So i think the smart move pa rin ay pumunta ka kung saan ka nagpa-register. gawin mo na agad bago pa mag-January. Mabuhay!

  • edrian tuliao

    hi good day,paano po ang online business ko,ano po ang requiremts sa pagkuha ng business or mayors permit,wala naman kasi akong office/store kasi online lang naman,diba need nila ng sketch/picture ng business location,Salamat po,God Bless

    • Hitokirihoshi Post author

      Hmm oo nga no, napaisip ako sa question mo. Pero in my opinion lang po, que online lang ( na kung saan-saan ka) or may physical store ka pa– ang lalabas na pwesto nyo po ay ang bahay n’yo kaya dyan babagsak ang sketch mo. Need mo lang klaruhin na online ka, ano lang paninda mo, at saan lang scope mo. Para hindi ka na masyado bigyan ng requirements especially sa location clearance at fire (hopefully ha). Ipagdiinan mo na small time ka lang.

  • JMingrams

    Hi po
    Sa tulad kong inupahan ko lng yong sarisari store.kailangan pa rin po bang business permit or mayor permit?

  • Jeri

    Kung sakali bang online business, kasama sa capital ‘yung laptop for example? Iaaccount kaya ‘yung depreciation, kunwari, nabili mo ng 30k, 20k na lang after some years?

    Ibig sabihin ba ng kung mag-apply ako ngayong September, sa January kailangan ko ulit mag-apply??

    Nakakaulol naman mag-business permit, nagpapakalegal ka na nga 🙁

    • Hitokirihoshi Post author

      hi Jeri!
      Hindi ko alam kung may say ang city hall sa ganyan para sa iyong mayor’s permit. basta ang tanong lang sa akin noon ay kung may ref akong gagamitin for business. Tanong ka rin sa inyo, minsan kanya-kanya rin kalakaran yan ng LGU. pero I think pasok yan sa concern mo sa laptop mo kung usapang accounting side/ BIR.

      – Sadly, yes mag-a-apply ka ulit sa January at I sincerely feel your sentiment. Hirap yung, gusto mo lang naman kumita. Naramdaman ko yan at nararamdaman pa rin minsan. Pero siguro para mabigyan ka naman ng positive vibe. Kapag legal ka hindi lang maliliit ang madadale mong customers (B2C), kundi kompanya rin (B2B) kasi need nila rin na bumili sa legal. Mabuhay!

      • Jeri

        Wow! Salamat sa agarang reply!

        Oo ang alam ko kinoconsider ‘yung depreciation for taxes eh. Pero tingin ko di nga rin iaaccount sa Mayor’s. Mukang anglaki ng lalabas ng assessment ko, tapos di pa sulit sa first year 🙁

        Anyway, salamat sa consolation at sa posts mo about this! Very informative at naappreciate kong naka-Filipino sya 🙂

  • JM

    Hi,

    Sa tingin mo…kung ang capital ko ay nasa 30k…magkano ang lahat ng gagastusin ko sa lahat ng permit at clearance or mga papeles na sinabi mo… aabutin ba ng 10k…

    • Hitokirihoshi Post author

      Mabuhay!

      I think below 5K kung mag-i-stick tayo sa 30K capital. Pero lalaki o baba pa yan depende sa laki ng puwesto mo, laman ng tindahan mo ( may ref ba?), at kung ano eksakto ititinda mo pa ( magtitinda ka rin ba ng alak? iba usapan sa liquor permit).

  • Analine Arreco

    hi gud eve gusto ko lang po sana malaman kung pwede naba kumuha ng business permit ang vulcanising shop na wala pang 20sqm.? thanks po in advance

  • Zarah Mae B. Domingo

    hi ask ko po sana if magpaparenta ako ng bahay kailangna pa ba ang business permit? isang unit lamg man din kasi.thanks inadvance

    • Hitokirihoshi Post author

      dapat kung usaping legal at kung hihingi ng resibo yung nangungupahan sa iyo. pero mostly ang naggaganyan ay yung mangungupahan na gagamitin din for commercial yung puwesto.

    • Mylene suyat

      Hi!gud evening !ask lng po same p rin po b ang babayaran sa business pwrmit even if nag start lng ng september ang opening ng sari sari store..tnx

      • Hitokirihoshi Post author

        Opo. Ako nga nag-start ng December eh he-he-he pero ganun pa rin binayaran ko. Kaya tama yunh sinabi na ideal ay sa January (May post ako about dito) mag-apply. 😉 Good evening

  • Mia

    Hi po si mhie mhie po ito,
    Papaano po kung sanglang tira lang po ako sa tinutuluyan ko? Ibig sabihin ko po 1 year contract lang kami sa bahy na tinitirhan ko. Pero nagtayo ako ng small sari sari store sa bahay , tindahan para may panggastos ako sa araw araw . at makalibri na kami ng kakainin. Dahil yun lang ang income na pinagkukuhanan namin.. Kailangan ko po bang kumuha ng mayors permit??

      • Mhaya

        Hi..ask ko lang po pwede na bang mag operate ng business habang on process ang mayors permit may DTI and Barangay Clearance nadin po..And how much po kya ang fee sa mayors permit pag bolts n nuts gen.merchandise po ang business..thank u po

      • Sherlyn incognito

        Hi may tanong po ako pag poba nag patayo ng tindahan sari sari store may hinihingi po ba silang tamang sukat ng tindahan na dapat sundin?