Natatandaan mo pa ba nung nagtapos ka ng grade 6? Ilang taon ka noon? Sa pelikulang Old Skool na pinagbibidahan ni Tessie Tomas s’ya ay isang 69 taong gulang na balo ( widow) na naisipang pumasok muli. Ang movie ay produced by Bonfire Productions at sa panulat at direksyon ni Cia Hermosa-Jorge.
Sa totoo lang, ibang film sana ang gusto ko panoorin ( bida ang isang love team). Pero few hours before ako magpunta sa mall, I changed my mind nung nakita ko ang synopsis ng pelikula ( hindi pa yung trailer ha). Wala lang, bigla kong naisip na kung gagastos ako ng panoon ng sine bat hindi ko tayaan yung masu-surprise ako ng istorya at feeling ko mai-inspire ako. Doon kasi sa panonoorin ko sanang film ang gusto ko lang malaman ay kung magaling ngang umarte ang bidang babae dahil curious ako sa kanya. Feeling ko naman ay marami pa namang chance and tingin ko rin predictable ng story. So go na nga ako sa Old Skool.
Medyo sad lang na hindi ito tinatao pero wii ka hindi ko gagandahan ang movie review na ito for pity. I am after sa kung paano ako dadalhin nito. Though it just sad na isang sugal talaga ang pagpo-produce ng film- que mainstream or independent. Anyway…
Old Skool: Tessie Tomas
Humihirit sa dialogue pero hindi isang comedy actress dito si Tomas. Kilala ko s’ya sa impersonation, hosting and satire comedy pero dito halos straight drama ang ginawa n’ya. Sa simula bago n’ya nakasundo si Buboy o Robert Talampas (played by Buboy Villar of Kid Kulafu fame) ay parang walang ka- thrill-thrill ang movie. Medyo ‘di ko gusto ang dialogues, action at pag-inat inat ni Fely. May time specifically dun sa na-late s’ya ng gising ay sinasabi n’ya yung ginagawa at iniisip nya. Hindi sa kailangan i-dub na lang or may ibang effects… Parang ‘di lang normal na gagawin yun ng isang tao, unless palabasin na ganun talaga sya kaso hindi naman na-establish na ganun. Pang radio drama ang dating.
Isa rin sa ‘di ko nagustuhang execution o eksena ay yung nalaman ng anak n’ya na si Pinky (played by Angel Aquino) na nag-aaral s’ya. I know na magaling na aktres ang dalawa (ilang beses ko na sila napanood) pero bakit ang dating mula sa dialogue at blocking ay pang- play o bagong drama series. Gumanda na yung dating nung nagdahilan na si Fely na sana ay masunod na ang trip n’ya kasi sa mahabang panahon ay nagpakaasawa at nagpakaina s’ya.
Pero mula sa simula ay okay na ang production design.Yung lumang feel ng bahay na tinitirhan ni Fely and abang dampa ni Buboy ay talagang nandoon. Nakakangiti yung design ng typewriter with newspaper, mga photo frames sa dingding with medals . Totoong- totoo yun sa mga napuntahan kung bahay na mga oldies ang nakatira.
Old Skool: Buboy Villar
Samantala, hindi ko alam kung alin nauna sa Kid Kulafu o ito ang nauna. Natanong ko ito kasi medyo overboard ang atake ni buboy sa kanyang pag-arte bilang bully sa school. Oh masyado ako nadala sa galing n’ya sa kid kulafu, puwede ring baka hindi ako naka-encounter ng ganun ka oa na bully nung nasa school pa ako. Sana siguro medyo na-guide sya sa acting I think flexible naman si Buboy kailangan nyang kumawala sa usual n’yang acting. Anyway…what I like in his character ay yung transition. Yung di pilit na kailangan bumait s’ya at mabuti rin na hindi na binigyan ng issue na magkaaway sila ni Pinky. Ganun ang prediction ko e.
And it’s heartwarming to see a kid na na-transform not because of the force or preachy dialogues but through actions. I like yung idea na this time a kid finds care sa isang lola. Hindi sa nawawalan ng apong lola, kundi dahil pure na kabaitan. Naniniwala ako na bahagi ito ng realidad. In fact mas makatotohanan na ang isang lola na nag-iisa ang magbigay ng unconditional love.
Old Skool: Angel Aquino
As for Angel – I think hindi naman gannun ka-demanding ang character pero naibigay niya yung hinihingi at nag-shine sya bilang anak. Nandoon yung talagang kailangan harapan niya ang personal niyang buhay malayo sa kanyang ina pero at the same time, yung sobra niyang pag-aalala para rito. Yung highlights nya ay yung sanang pagtatalo nila nung nalaman niyang pumapasok sa school ang nanay nya at nung nagbigay sya ng surprise birthday party. Naiyak ako dun! Kung nangyari ito sa totoong buhay baka humahagulgol ako kahit siguro nasa last na upuan ako.
Bukod sa tatlo, maliit at halos wala akong kakilala sa cast. Pero familiar ako sa batang classmate ni Fely kung tama ako sya ang younger sister ni Vice Ganda sa Petrang Kabayo at doon sa principal – s’ya yung nasunugang kapit-bahay sa Tenement Uno sa hit series na On The Wings of Love nina James Reid at Nadine Lustre.
As a cinephile (and occasional moviegoer), nakuha ko yung aim ng movie and na-meet naman yung expectation ko. Personally, may kurot sa akin ang mga kwentong pang-matanda dahil sa mga may lolo’t lola rin ako. Espesyal pa kasi yung isang lolo ko makaka-relate sa buhay ni Lola Fely kasi parang nung namatay lola ko, nawalan rin ng saysay ang buhay niya and he wanted to die na lang. Minus yung early part na boring, the entire movie is very good. You’ll feel the desperation, the hunger to do something else kahit “kahibangan’ pa iyon para sa iba at inspirasyon na naidudulot nito. Napakabato na ng isang batang hindi makahanap ng inspirasyon sa isang kaklase niyang matanda na ang tanging gusto ay matupad ang kanyang pangarap na makapagtapos.
I commend the screenplay – may angas ! Pero sa direksyon okay lang naman I wonder kung paano ang look nito sa ibang kamay. Napaisip tuloy ako sa advantage ng writer-director sa director o writer lang. More challenging projects pa siguro for direk Jorge sa aspeto na ito, basta sa story – superb na s’ya for me. Ito pala ang debut film n’ya so understandable naman.
Ito ang mga gusto ko o naisip ko sa movie/ script
- Ano ang saysay ng pagtanda kung nag-iisa ka?
- Matatakot ka bang ipagpatuloy ang pag-aaral o pangarap mo dahil baka pagtawanan o i-bully ka?
- Yung dialogue na parang ganito “Nalulunod ako sa kalungkutan… pero nung nangarap ako nabuhay ang loob ko na baka may silbi pa ako.
- Pasasalamat sa suporta ‘Maraming salamat sa pagsakay sa aking hibang na pangarap.”
- Teka ano nga ba ako nung grade 6 ako at bakit ko ba tinapos ang aking pag-aaral?
Mabuhay!
ang gandang panuorin ang old skool lalo’t na kagigiliw din ito para sa iba pang mga matatanda.
ang ganda po ng palabas nakaka inspira po sya masyado lahat po kame ng mga kaklase ko ay nagulat dhil akala po namen ay di nla magagampanan ng maayos pro po maganda po tlaga super : )
Hi Arabella! Salamat sa iyong pagbisita at pagkomento.
nakakatuwa naman at nagustuhan ninyo ang ganitong klaseng movie. Sana’y nakatulong ito para mag-aral kayong mabuti at tangkilikin ang pelikulang Pilipino.
Na-InsPire ako nang mapanood ko to Ganda talga…..♥♥♥
Hi Niño and welcome sa Hoshilandia!
congrats sa iyo at napanood mo iyong film at mabuhay sa gumawa ng pelikulang ito dahil may isa pa silang napabilib. Mabuhay at pauloy ka sanang makapanood ng makabuluhang pelikulang Pilipino 😉