Philately @ Postal Heritage Walking Tour


Mahilig akong magtabi ng mga sulat,siempre iyong para lang sa akin. Ginagawa ko iyon sa dahil sa pagiging sentimental sa mga taong nakaalala o nagpapahalaga sa akin. Nakatulong ang mga ito lalo na noong nagsimula na akong mag-scrapbook, na pang cover up na rin sa kakulangan ko sa visual arts.Philately Postal heritage tour by Hitokirihoshi 2

Aminado ako na ang pinaka-focus ko lang ang sulat mismo o cards. Itatabi ko siguro ang sobre kong maganda pa ang itsura o galing sa ibang bansa. Sa pag-attend ko sa Postal Heritage Walking Tour na may kasamang lecture about philately mula sa mga philatelist or member ng Filipinas Stamp Collectors’ Club, ‘yong isang work of art na maliit ay naging mahalaga sa aking paningin. Ang selyo o postal stamp ay kumikilala sa mga makukulay na tao, makasaysayang kaganapan, at magagandang tanawin.

Isang makabuntong-hiningang mga realisasyon ang aking napala sa pakikinig sa lecture bago ang Postal Heritage Walking Tour. Open sila sa pagtuturo at pag-e-encourage sa amin hindi lamang sa hobby ng stamp collecting or philately kundi ibang may masaya at pakinabang na interes. Kay Sir Rey Ong de Jesus, nakuha ko na ang stamp ay makabuluhang bagay.  Nagpapakilala ito sa iyo ng bagay na maaaring hindi pinapansin dati gaya na lamang ng currency, heritage, symbols at personalities sa iba’t ibang bansa. Ito ay bukod pa kamalayan na humihina na ang pagpapadala ng sulat  at pagkahumaling ng marami sa ibang diversion bunsod  ng technology. (Saya rin po ng MoonCake Festival dice game! Nakakuha kami ng commemorative coin! )

People Power Coin

People Power Coin

Agree naman ako sa sinabi ni Mr. Pers Stein na ang sobrang pagdepende sa gadgets ay hindi na hobby kundi addiction.  Ang may malalang kaso nito ay nawawalan ng social life at nagiging robot pagdating sa human interaction.

Bravo naman kay Sir Laurence Chan (vice pres ng FSCC) dahil  sa lawak ng kanyang nalalaman at kayang lakarin o gawin sa ngalan ng philately, Filipinas Stamp Collectors’ Club, at pagpapakilala ng mga Historical places. Ilang beses na akong napadpad sa Intramuros pero first time kong napuntahan ‘yong Plaza MexicoAduana, bantayog ni Queen Isabella II, National Press Club, at Postal Museum & Philatelic Library. Aba hindi biro ang maging tour guide ha at probono pa. Mabuhay po sa inyong lahat sa FSCC!

Mula ngayon magiging particular na ako stamps at imbes na textmate or chatmate, ang maghahanap na ako ng penmate este pen pal pala.

Sa mga gustong bumili ng stamps at stock book – go na sa Stamps & Philatelic Division (Rm. 203 Left Wing of the PhilPost Office Lobby, Liwasang Bonifacio). Puwede ring tumawag sa 527-01-32.

Patalastas

Note: Iyong details ng Tour malalaman n’yo rin sa takdang mga posts…US Administration Stamp by Hitokirihoshi

[hana-code-insert name=’Manila Travel Book’ /]



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

15 thoughts on “Philately @ Postal Heritage Walking Tour