May Sari-Sari Store business kami na sara-bukas at umikot na sa aming magkakamag-anak. Kung tutuusin bongga dati kasi iilan pa lamang ang kakumpentensya sa lugar namin at bongga rin ang dami ng paninda ng 1st owner pero in two to 4 years ay nagsara. Tapos 2009 -2013 ang ma-PR na 2nd owner ang humawak. Marami itong kaibigan pero sa 2009-2013 ay on and off ang kanyang business affair. 2014 nang i-take over uli nung 1st owner ang tindahan pero around February 2015 ay nagsara ulit ito. Kaya ito naman ang tips ko base sa karanasan at sariling business lessons.
- Okay ang maraming paninda pero dapat madali mo rin silang maibenta
Ito ang unang mistake na nakita ko dun sa past. Maganda naman ang rason na nakakagana na maraming naka-display para hindi na lilipat ang mga customers kasi kumpleto kana. Iyon nga lang…
- Maraming customers na kapag pupunta ng tindahan ay alam na nila ang brand na gusto nila. May chance man sila na bumili ng alternative brand kaso maliit yung percentage. So, I suggest, kung maglalagay ka ng alternative brands medyo untian mo. Kung same yung dami roon sa mas mabiling brand ay matatambakan ka lang ng produkto. Matutulog din ang pera na sana ay ginastos mo para sa mas mabiling items.
- Maraming customers na ngayon ang sinisipag na mag-supermarket. Unless ang puwesto mo ay malayo sa kabihasnan, like sa tindahan na inakyat ko sa Mt. Pamitinan, better watch your inventory. Sa lugar namin, sipagin lang talaga ang customer na maglakad ay makaka-avail na siya ng cheaper price pang-wholesaler and grocery-level. So dalawang tips dito:
- Calculated dapat ang dami ng bibilhin mong paninda
- Maglagay ka ng kakaibang uri ng paninda na halos ikaw lang ang mabibilhan. Sa akin, ilan sa choices ko ay pop corn, processed food, at school supplies. Iyong huli puwedeng mabagal ang bentahan pero hindi ma-e-expire at forever na pangangailangan. Bentahe din na malapit kami kahit papaano sa mga school at small offices.
2. Huwag magpapautang! Though mayroong times na makakapagpautang ka, make it minimal or better not at all. Isa kasi sa ito sa nangungunang nagpapabagsak sa lahat ng negosyo, especially sa small time business (gaya ng sari-sari store) na nalaman ko. Kapag nagpautang ka, hindi lang ang product ang hiniram sa iyo, kundi maging ang kita mo at oras na napaikot at napalago mo na sana ang iyong cash flow.
Ano ang ang cash flow? Ito ang literal na pera na hawak mo bilang kita para panukli, pambili ng supply, pambayad sa bills at iba pa. Ika nga ay kung may “Content is King” sa blogging, sa business ay “Cash is King.”
*Business lesson tungkol sa utang: Naaala ko yung mga kapit-bahay na umuutang sa 1st owner na halos Php1k to 3k worth of paninda na aabot ng 1 to 2 months (or never) bago bayaran. Syempre, ang gagawin ni 1st owner ay maglalabas ulit ng capital o uutang (with interest) para itapal na pambili ng mga paninda. Kung iisipin, kahit ata bumalik ang utang in one month ay talo na s’ya. Babayaran niya kasi sa 5/6 ay 20% interest. Magkano ba ang kinita niya sa pautang? Usually, ito ay Php 100-Php 150 o less than 5%?
Personally, hindi ako trip ang business model na ipapautang ang biniling produkto. Iba ito sa networking at multilevel marketing ha, kasi doon ang totoong puhunan ay laway. Ibebenta mo yung produkto na hindi naman iyo pero kumita ka. Mas pipiliin ko magbenta na konti lang ang patong na presyo at kita o benta talaga. Natutunan ko ito lalo na sa mga Chinese entrepreneurs.
3. Huwag ka lang umupo, mag-marketing and promotion ka rin. Puwedeng hindi mo na ito kailangan depende kung okay ka na sa lakas ng bentahan sa sari-sari store mo. Pero sa dami ng retail stores ngayon, you have to do something extra para makaengganyo ng mamimili nang hindi magastos. My suggestion ay gamitin mo na ang iyong mobile phone para rito. Inform mo sina kamag-anak, kaibigan, katrabaho at iba pa na may ganito kang paninda. Para kapag may kailangan sa iyo sila lalapit. Puwedeng mag-offer ka na “for pick up nila ng ganitong oras, reservation o delivery—kung mapapadaan ka sa kanila.
*Business Lesson: Naranasan ko na magbenta sa opisina na kinukuha ko sa 2nd owner. Nagsimula lang ‘yon sa nagtatabi ako ng pagkain sa office cabinet ko. Palagi akong busy sa mga work task ko para bumaba parati sa convenience store. Bukod pa sa malaki ang patong sa presyo ng ganitong establishment. Aba, napansin ko yung kakainin ko na lang ay binibili pa ng mga kaopisina. Iyan ay kahit dagdagan ko pa konti ng presyo o kasing halaga sa convernience store. Kinagat ko yung idea, tapos sabi ko text na lang nila sa akin sa gabi kung anong order nila para dalhin ko sa morning. That was a good experience for me kasi kahit mga guards at bosses namin ay sa akin na bumibili.
4. Palaging mag-inventory check at bookkeeping/accounting – Aaminin ko nakakatamad ang gawain na ito pero ang laking bagay kahit estimation lang pala. Hindi naman kailangan na complicated basta malaman mo ang totoong gastos, bad debt (yung wala ng balikan na gastos), at kita mo. Ginagawa ko ito sa Excel.
Kung di natin ito malalaman, baka magaya tayo sa nalulunod sa mataas na gross sale pero iyon pala ay hindi kumikita (revenue). ‘Di ba kung empleyado ka, ang totoong kita mo ay “net income” at hindi ang iyong gross income. Sa gross income, ibabawas pa roon ang ang tax, penaties (like late), mandated contributions (e,g. SSS at Pag-ibig) at iba pa. Actually mas mainam pa ang ikinakaltas sa sahod kasi halos alam mo na kung magkano agad ang binabawas. Sa business ay kailangan mong mag-effort dahil medyo complicated. But if you monitor your inventory ay
- mapagtatanto mo kung ano ang need na i-promote,
- bawasan sa susunod na pagbili mo,
- at halaga ng expenses versus sa totoong kinikita mo.
- Huwag na huwag paghaluin ang personal mong pera sa iyong business money. Para sa akin isa pa sa leading cause ng ‘di paglago ng sari-sari store ay ang gawin itong free grocery o stock room lamang ng inyong pamilya. Sabi nila usually ang retail stores ay for livelihood lang at hindi business, iyong pantustos lang talaga sa pangangailangan. ‘Pag ganito na ginagamit din ay ni hindi nga for livelihood ito.
6. Mapapangatawanan mo ba? I think dapat alamin mo ring kung itong business type na ito ay tugma sa iyong personality. Kung outgoing ka at nasa daan ang customers mo, ‘wag kang magtayo ng physical store na iniiwan mo palagi. aheem. Unless may kukunin kang taga-bantay na maasahan at same kayo ng wavelength.
7. Matuto ka rin mag-cost cutting, compounding o maging financially literate (Money Management) at usaping legal– Ito yung nilalaban ko na hindi puwedeng sa “livelihood program” ay paggawa lang ng kandila, sabon, siomai at iba pa ang ituturo. Dapat kasama sa programa ay yung may kinalaman sa tamang paghawak ng pera o Money Management. Gaya nung items 4 and 5, kapag ‘di mo alam ito ay gagawa ka ng bagay na siguradong ikakalugi mo pala.
Hiii! wala po kaming background sa pagtitinda, di naman po kalakihan yung sari sari store namin kasi sa terrace lang namin. 20K lang po ang puhunan namin (10K bigas others na po yung mga softdrinks etc). Just wanna ask kung tama po yung pagpapaikot ko nang pera kasi everytime may mauubos na product yun lang ang bibibili ko hanggang nag dagdag na ako ng mga laruan pangakit sa mga bata. May goal din po ako na kahit everyweek may 2K na nadedeposit. Usually umaabot ng 1500-2000 lang po yung pinambibili ko nang paninda. Tama po ba yung strategy na ginagawa ko? Sitio lang po pala ang location namin. Thank you!
I think para sa nagsisimula ay tama naman po–tutukan mo ang iyong inventory ( ang mabil at hindi). Pulsuhan mo rin kung ano laging hinahanap sa tindahan mo at lugar nyo bago mo bilhin. Matulog lang nang matagal ang produkto halos talo ka na. What more kung di mabenta. As for the savings, tama rin naman na nagtatabi ka. Iwan mo yung kapital and konting pang-salo sa mga biglaang gastusin. Kung kaya mong wag galawin yung perang naiipon mo gawin mo, iyon ang gamitin mo in the future for possible expansion.
Hello po, ano po kayang magandang strategy sa sari-sari store namin na may katabing tindahan din… This is a long story pero sige I’ll detail nalang po.
bali 15 years na po kaming may tindahan ngayon po lumipat kami ng bahay sad to say yung nahanap namin meron din tindahan ang malala pa MAGKADIKIT! AS IN DIKIT NA DIKIT TALAGA (Honestly meron pa 4 kami na magkasunod na tindahan) pero advantage sa amin ay malaki ang pwesto tapat kami ng isang Factory ng Feeds so maraming employees back to story… yung kadikit kasi namin na tindahan ay maliit lang ang kanyang mga paninda (mga kapitbahay tuwang tuwa dahil may isang tindahan na nagbukas na kumpleto which is kami) ang masaklap lang simula noong nagbukas kami LAHAT NG PANINDA NAMIN GINAGAYA! FROM CANDIES TO ESSENTIALS! Pati yung pampa-swerte even yung pwesto ng paninda namin GINAYA (na threat siya) tapos yung mga suki niya e naeenganyo bumili dahil marami silang mapipili PERO hinaharangan niya (habang nabili samin kakausapin niya, parang iniistorbo para lumipat sa kanya tapos magagalit siya magdadabog, may times pa nga na papunta na sya amin bigla niyang tatanungin) Si Mama naiinis na kasi lahat lahat nalang ng tinda namin gagayahin (1 year palang daw si kadikit na tindahan) kaya kapag may maisip kami na strategy bulong lang ang paguusap) May mga pasaring ang kanyang kapitbahay bago kami lumipat every sunday daw 7 am nagbubukas or minsan sarado tapos hindi pa daw kumpleto “noon” minsan pa daw ang hirap tawagin kasi laging walang tao mauubusan nalang ng boses bago makabili maraming gustong lumipat samin but yun na nga NAGAGALIT SIYA kaya ayun GINAYA NIYA LAHAT LAHAT LAHAT! pati SCHOOL SUPPLIES kasi wala daw talaga nagtitinda sa lugar namin dito ngayon… pati sa tinapay (nagtitinda siya pero mga biscuit lang na tinapay) kami marami kaming ibang klase ng tinapay katunayan nga sabi ng mga tao natutuwa sila at may mga tinapay na paninda pang meryenda pero GINAYA NIYA PARIN KAMI! anong maipapayo niyo sa amin na mahahatak namin ang mga tao dito na gusto narin talaga lumipat.? Pati narin samin (may balak po kami ngayon bakasyon na Fishball, Bbq).
Hi Emmanuel and welcome dito sa Hoshilandia!
Thank you sa iyong comment at actually i like to answer this one sa isang separate post at ito na po iyon:
Tips para makaakit at mapanatili ang iyong customers
Asahan mo ang kumpetisyon sa mga sari-sari store, pero hindi lahat kayang magtagal depende sa owner and business management nito. The best way to attract customers and make them loyal to you is to good customer service 🙂 MABUHAY at God bless
paano po icompute ang net income per day? meron po ba kayo xls file with formula na para less hassle. Thanks po!.
Ang simple way to compute your net income ay gross sale – expenses= net income. Parang ang hirap n’ya lang i-compute per day, unless per day ang bili ninyo ng paninda dahil naubos. Ang pinaka the best ay naka-inventory muna lahat ng paninda nyo mula sa simula na kayo magbukas. para kita nyong yung pumapasok at lumalabas. naritopo ang link ng aking post about inventory
http://hoshilandia.com/2018/05/negosyo-101-bakit-paano-mag-inventory-sa-store/
hi! thanks for all the information u’re sharing very helpful for a starter like me. Asking for your help sana if meron po ba kayo sample excel file ng inventory & computation para mkita ko ung net income ko for the day. I have an inventory file but everyday transactions i had it written in a logbook pa lang kaya it would be helpful po sana if i can also include the data para mas convenient na 1 file n lang ung purchases & sales ko. hope to hear from you. Thanks again!
pa emil din po ako on how to evaluate and inventory pls. thanks,
God Bless
may blog post po ako about inventory- pakisundan na lang po ang link na ito
http://hoshilandia.com/2018/05/negosyo-101-bakit-paano-mag-inventory-sa-store/
Hello po sir,may itanong lang po ako.plan ko po magbukas ng general merchandise na negosyo. pina ka main talaga na paninda ko ay ung like ng nasa botika sya sir pero wala pong mga gamot kc pag lagyan ko ng gamot may bayad po sya. at naisip ko rin sa labas mag display din ako ng mga kids accesories mga damit shorts tsaka narin mga itlog mantika asukal. Malapit po kc kami sa palengke,itong pwesto ko po daanan sya bago talaga ung pina ka main na palengke. Tanong ko lang po ok po ba kaya itong negosyo na naisip ko? paki reply po sa inbox ko. Salamat po kung sasagutin nyo tanong Ko.
Okay naman ang mga naisip mo and I commend na naiiba ang mga ideya mo sa usual na tindahan. That’s good kasi kung normal na tindahan, madali kang matalo sa rivalry at kitaan. dahil bago, pulsuhan mo kung alin ang mabenta at hindi sa ilang buwan. kapag hindi mabenta, yun agad ang tanggalin mo by sales or promos. Tas hanap ka ng ibang item na alam mong patok sa lugar nyo.
Good day..please help me or give me some advice how to handle sari sari store business..4 years n store ko pero parang walang nangyayari..i was working before kaya d ako focus tlaga..lagi ang nangyayari panay lagay ko ng puhanan tapos uubos..lagay lng ako ng lagay..unemployed nako ngaun..makakapagfocus na.please help me what to do para manage ko ng husto business. It would greatly appreciated.
knowing you are unemployed now so you can focus more sa iyong business. Then, don’t think as an employee anymore. Adapt Beginner’s Mind Better if you can Think as an startup entrepreneur na you will do all you can to make your business grow and profitable. Siempre kailangan ipapalaman mo muna sa puso’t isipan mo ay positive, para kahit bago o nega sa paligid, carry mo. Kung ganoon rin kasi ay gaganahan ka to learn how to negotiate, how to be productive even in dry spell days, how to do inventory, at ano-ano pa. I can say ibang battle field ang business. Mahihirapan ka lalo kung papatalo ka sa sarili mong pag-aalinlangan sa iyong kakayanin.
2 Timothy 1:7
Paano po maglagay ng tamang tubo sa mga products? Yung hindi po malulugi salamat po
Sa tubo ang SRP between 3-5% daw. kung susundin mo ito mababa, pero puwede rin naman kung makakabawi ka naman sa volume.
Ang iba pang ideas para makuha ang magandang tubo
1. check the price of your competitor – puwedeng mas mahal ka o sila. dikitan mo lang yung presyo nila. babaan mo kung ito kung kaya.
2. the supermarket style – babaan mo yung ibang presyo ng items especially yung medyo mabili, tapos taasan mo kunti yung bibihira at mabenta.
Sa pag-compute ng tubo, isinasabay ko na ito sa inventory ng purchase actually. Halimbawa pagkabili ko ay rerepasuhin ko na ang resibo sa excel agad para madali at automatic ang sum.
Pwd ba magtinda nang mga frozen products sa sari sari store may karagdangang permit ba pag nag benta ka nito.. Salamat
pa email naman po how to evaluate and inventory po.. slamat.
Na-email ko na po ang sagot.
Ask ko lang po,gusto ko din malaman paano magdagdag ng tubo as sarisari store at paano compyutin and tubo salamat po,,,,pls hide my names
Na-email ko na po ang sagot.
Any idea po paano maglagay ng tubo kada items? Plano ko po kasi magtayo ng maliit na sari sari store
Na-email ko na po ang sagot.
Hello po, mag open po ako ng sari sari store, pls. help po paano ko e inventory ang mga items ko,, every end of the month po ba. Waiting for your advice.
Thank you
Na-email ko na po ang sagot.
Good day! Pwede po humihingi ng format nung inventory template na gamit nyo saka rin po ung Kung paano tama paglagay ng presyo at tamang pagcompute ng tubo. Thanks po and God bless! Mabigay po kayo…
thanks sa tips. Very helpful
mayroon akong excel vba in userform na makakapagmonitor ng sales, purchases, expenses and inventory. this can also generate income statement , just email me at kruschmells@gmail.com
Maraming salamat po!
How po mag inventory.
Kasi plano ko po mag open ng grocery store. Bigasan,itlog at ang leading brand detergent per kilos.
I dont know where to start po. Pahelp naman.
Good day! Pwede po humihingi ng format nung inventory template na gamit nyo saka rin po ung Kung paano tama paglagay ng presyo at tamang pagcompute ng tubo. Thanks po and God bless! Mabuhay po kayo…
sure padala ko sa email mo.
Pa email po ng format ng iventory salamat
Okay po.
email sent for more details about pagi-inventory, visit this page
http://hoshilandia.com/2018/05/negosyo-101-bakit-paano-mag-inventory-sa-store/
Pwd ba magtinda nang mga frozen products sa sari sari store may karagdangang permit ba pag nag benta ka nito.. Salamat
Hi pwede din po ba mag paemail ng template ng inventory nyo po. thank you
Sige 😉
ito po ang post ko ang tungkol sa pag-i-inventory.
http://hoshilandia.com/2018/05/negosyo-101-bakit-paano-mag-inventory-sa-store/
hello po nag babalak po kami ng mama ko magtayo ulit ng mini grocery kasi dati medyu nalugi ko ung una kasi hindi paku marunong talaga,kya etu nakita ko yung blog mo at nagbasa ng mga tips po marami akung natutunan na talagang makakatulong na sakin para maayus kung mapa takbo at wag malugi maraming salamat po.please more tips pa po God bless you.
Hi Gennysel, you are welcome at thankful din ako na makatulong sa inyo. Mabuhay!
Salamat at may idea na ako. 👍
You are welcome Tin! Mabuhay!
Gudpm po ask k po pano po b gumawa ng inventory ng sari sari store kpg end of jan.submitan s bir
Thank u po
Oh sorry ngayon ko lang nabasa ito.
kung may resibo ka naman. Kung ano total sa lahat ng sales invoice mo ngayong january. yun na yun basically.
Mam pano po ang inventory weekly saka monthly?
Narito po ang post ko about inventory: http://hoshilandia.com/2018/05/negosyo-101-bakit-paano-mag-inventory-sa-store/
mag oopen kami ng store this january 2018. We will adopt yung mga tips mo. thank you so much.. sana you can share a soft copy of your inventory system in excel… thanks a lot! and God Bless
Hi Ai at Happy New Year!
Your welcome, let’s see sa mga susunod. Please subscribe na lang sa aking email or fan page para ma-update ka. Mabuhay!
hi mam ,sir .
nang nabasa ko po ito ay nagkakulay ang buhay ko at dahil dito lalong lumakas po ang loob ko para simulan ang plano kong magtayo ng sari sari store.
salamat po
Hi johnlextagumapay!
Nakakataba ng puso na malaman ito. nawa’y magtagumpay ka sa iyong pagnenegosyo. Mabuhay!
Mag totwo months na yung sari sari store namin ng boyfriend ku , adopt na min yung mga tips na nababasa namin at isa ito sa mga blog na binabasa namin.. daily 200 ung saving namin, dun namin kukunin mga expenses like tubig at kuryente. after mbayaran ung expenses , isasave nmin ung natira.Savings na di na dapat kunin pa sa alkansya.. So far, maganda ung takbo ng sari sari store namin.. no utang policy kami.Tapus ung tubo namin sa mga paninda namin di masyadong malaki peru di ka nmn lugi , para ung customer babalik at babalik pa sau . nag popromo din kmi like cigarettes, 3.50 to 4 pesos per stick , promo nmin 3 for 10.00, di kna lugi dun..kya maraming bumubili samin kahit marami competence 🙂
Wow nakakataba naman ng puso ang iyong komento. Salamat sa pagbabasa, may isa lang akong ma-move, ma-inspire o matulungan ay worth it na worth it ang pagba-blog ko lalo na sa paksa ng pagnenegosyo.
tama ang inyong ginagawa. ang pagpapalaki ng kita sa pagre-retail ay hindi sa laki ng patong kundi sa dami ng volume at dalas ng bili. Ito ay maliban sa snowball concept 😉 mabuhay nawa’y umunlad pa ng umunlad ang inyong negosyo.
Very inspiring..dati nad start ako mag business ng food 3 mos lng nagsara nalugi ako..pero di parin AKO susuko..mag start ulit ako pero sari sari store nalang
Salamat Tiffany Go sa iyong komento. Nakaka-inspire din na mag-share pa ng helpful tips kapag ganito ang nababasa ko.
Ang pagbi-business ay para rin paglalaro sa akin ng puzzles games ngayon. Hindi mo bibilangin kung ilang beses ka natalo o ilang beses kang susubok. Basta ang goal ay manalo. 😉
paano yung dito sa amin na may sari sari store pinapatay lahat ang iba. dahil hindi sya naglalagay ng tubo . kung ano kuha nya as wholesale ganon din benta nya .may batas ba sa ganito.?
Hi Maria!
May batas sa tamang pricing pero mas swak ata iyon sa mga mataas kung magtubo. Medyo hindi ako kumpiyansa na yung presyo na kuha n’ya sa wholesaler ay walang tubo na kahit maliit. Baka s’ya mismo ang wholesaler o branch s’ya ng wholesaler. Pero kung kumpirmado nga na ganoon ang laro n’ya ay I don’t think magtatagal iyan. Parang ang labo lang ng business strategy n’ya dahil everyday may expenses s’yang dapat labanan from kuryente, bayad sa suppliers, at iba pa. follow item 2 under no. 1 tip ” Maglagay ka ng kakaibang paninda na halos ikaw lang ang mabibilhan.” at no. 3 tip ” mag-marketing and promotion ka rin”.
Mabuhay!
may naitulong ito sakin, kasisimula ko lang ng sari-sari store dito sa amin. sana meron pang ibang tips na ilalabas. tatlo kaming tindahan dito sa amin ako yung tinatawag na rokie( pag basketball ang usapan) sana matulungan nyo pa ako.
Hi Pardon Dela Cruz!
Ikinaggalak ko na nakatulong itong article na ito sa iyo at hayaan mo maglalabas pa ako ng ibang tips. Pero maaari mo ring ma-check ang iba ko pang naisulat na tungkol sa pagnenegosyo at pananalapi, sa aking page na ” Negosyo 101 (unang tab sa itaas).
Maraming salamat and mabuhay!
Maraming salamat nagkaroon ako ng idea sa mga sinabi mo. Balak ko rin kc magtayo ng sari sari store pinagiisipan ko maigi pano imanage
Your welcome Mary Ann at nawa’y lumago nang bongga ang iyong sari-sari store.
Hi po… Ask q lang po qng ilang percent dapat ang ipapatong sa bawat item ng paninda lalo na kapag may kkumpetensya??? Thank u
sa pagkakaalam ko ay 3% yung usual and recommended. pero puwede po naman taasan o babaan yan. choose yung competitive price na hindi ka rin lugi. ang isang taktika ay babaan mo sa produktong mabili then taasan mo kunti sa medyo mabili. ang hahabulin mo kasi sa kaunti man ang patong mataas naman ang volume ng pagbili.
Hello po. Ask ko lang po kung ano yung tawag dun sa ginagamit ng mga grocery store sa cashier. Yung naka encode na po agad yung products. Then swipe na lang