Work from home (WFH) is one of the new normal daw? Paano mo nasu-survive ang WFH o telecommuting? Hindi ba nakakabuwang ang magtrabaho sa bahay? Ilan lamang ito sa narinig at natanong na sa akin, lalo na noong nag-lockdown at ECQ sa kasagsagan ng COVID19. Well, narito po ang aking important tips sa work from home at paano maging effective rito.

Best Tips for a Productive Work-from-Home Setup
Madaling sabihin na trabaho mode sa trip mong time like from 9am-6pm kung nasa office ka. Pero kung nasa bahay ka at maraming distractions, struggle ang maging productive. So, what are the best steps para ma-switch on ang iyong work mode?
1. Designate your work station. Mainam kung may sarili kang kuwarto o may dedicated area sa bahay n’yo na puwedeng work station mo. Ideal yung space na ‘di ka maiistorbo sa ingay, sagi, at kalabit nang kalabit. S’yempre okay ang lugar na maayos ang lighting, ventilation, kalinisan, at luwag. Takaw attention at nakakawalang gana kapag hindi ka kumportable. Ganun din kung nasa iba’t ibang lugar yung tools and materials for work mo.
The most important thing to remember is to work only in your designated workstation. This is crucial because it signals to you and your housemates that when you’re there, you’re in “work mode.” Kaya nga rin para sa mga regular freelancers, telecommuters or work from home employees ay magandang may home office.
(Christmas everyday theme hehe)
Ang ilan sa malalang nangyari sa akin nung wala akong designated work station ay nahirapan akong makakuha nang quality sleep. Nagwo-work ako sa kama at kahit saang table. Then, nagiging palagi akong stressed, always work mode ako, at na 2 to 4 hours na lang tulog ko per day. Nagrereklamo na rin yong mga kaibigan at pamangkin ko na palagi raw akong busy.
2. Set a personal deadline. Nung binago ko yong always busy mode ay naging lazy at procrastinator naman ako. I think those are the most common problems among work from home or remote employees. Ang immediate na antidote ko sa ganito ay setting my own deadline. Naka-planner din lahat ng mga personal and professional goals at activtiies ko.
Kapag may deadline at naka-planner, gumagana iyong work mode ko kasi may sense of urgency. Kailangan matapos ko yung work tasks ko sa ideal time para maka-move ako sa iba pang personal or professional activities. Moreover, maigi ang mag-set ng time and space boundaries to achieve work-life-balance. What I mean sa personal deadline ay pagtapos ng work ahead sa work due date ng client o boss mo.
3. Be casual to say your work schedule. Ang simple nito pero may hindi nagsasabi at nagpapakaprangka hindi sila pwedeng maistorbo. Siyempre, may mag sitwasyon o tao na struggle ito lalo na sa mga working moms and dads. Pero kung gusto mo talagang makapagtrabaho nang maayos, kailangan mong istriktong protektahan ang iyong focus o work mode. Kailangan mong maging firm na magsabi na nagtatatrabaho ka at hindi puwedeng gambalain.

4. Silence all your internal distractions. For me, ang pinaka mahirap labanan sa work from home productivity ay internal distractions, including dito ang bad habits. It takes a lot of practice of self-control and self-discipline takaga.
Anu-ano ba ang bad habits na dahilan kung para di maging effective working from home?
- Panay ang check ng social media – Madalas ang browsing ay nagiging 30 minuto o ilang oras. Isang step ko talaga dito wag mag-data o mag-offline. Nakaka-save pa ng battery ng laptop at phone.
- Panay ang check ng email – Puwede namang sumagot later o never
- Nag mo-mobile o computer game – Feeling ko mentally exhausting yung nag-iisip ka for work, then attune ka rin mag-isip for gaming. May games na pang-break at pang-diversion lang pero I don’t recommend this kung ang work mo need ng creative thinking and problem-solving.
- Procrastination (all forms)
- Sobra o palaging multitasking – Nabasa ko sa isang study na ang kaya lang i-handle ng ating utak ay isang task at a time. Ibig sabihin switching of focus ang ginagawa natin kapag nagmu-multi-tasking tayo. Ang negative effect nito ay mahirap bumalik sa task lalo na kung ito ay deep work at eventually halos walang natatapos na trabaho.
Kung gugustuhin ng tao na maging productive o disiplinado ay ang daming libro, artikulo o blog post (gaya nitong sa akin hehe) para mapagkunan ng tips. Ilan sa mga nakuha kong ideya at napatunayan kong effective sa akin to fight internal distractions ay
- compartmentalization,
- social media detox,
- at finding your biological prime time.
Ang bioligical prime time ay kung kailan ang katawan mo ay in the mood to work. Of course, this works well kung hawak mo ang oras mo like kung flexible time setup. Halos ganito rin ang ideya sa Time Warrior book ni Steve Chandler. Binabanggit naman dito na i-match ang bigat o gaan ng trabaho sa taas at hina ng iyong attention/energy level. It matters dahil hindi naman tayo pare-pareho na morning person at nocturnal.
Tandaan na remote working, required ang disiplina, professionalism and reliability. Kasam na rito committment at organization sa iyong trabaho.

My Home Mobile Office has:
1. foldable table
2. basket for my materials ( 2 notebooks, pens, mobile mini keyboard, mobile phones)
3 chair
(optional) whiteboard
Tune up your work-from-home tools
5. Regular maintainance ng iyong gadgets. Speaking of working everywhere or being digital nomad, malaking tulong na mayroong kang gadgets na puwede kang makapag-mobile office. But doon muna tayo sa basic, mahalaga na mabilis at functional ang iyong desktop or laptop computer, tablet, mobile phone o anumang ginagamit mong bagay for work. Hindi lang nakakainis ang mabagal na computer, nakakaapekto nang malala sa productivity at time management.

6. Choose your internet provider wisely. Piliing mabuti ang reliable internet provider sa inyong area. Maniwala ka, sakit sa ulo at bulsa ng remote workers at freelancers ang sablay na internet. Ang hirap kung nasa gitna ka ng pagsagot ng importanteng call, pagre-research, training, o deadline. Naranasan ko na dahil sa mismong araw ng work submission ko ay nawalan ako ng internet commection. Fron 10pm-2am ay nagwo-work ako sa isang computer shop na ang daming maiingay na gamers.
Balance sa Work From Home
Maniwala ka even ang work frome home veterans ay nakaka-feel ng pagiging isolated. O iyong pakiramdam na nag-iisa, nababagot, at nalulungkot. Kaya ang theory ko ay mahirap talaga for the extroverts ang mag-work from home. May binabagayan din na personality ang setup na ito. This is why also kaya inaral ko na mag-mobile office o magpaka-digital nomad kasi ambivert ang personality ko. Saka yung job ko, minsan need lumabas at certain extent of creativity na nasu-sustain ko kung iba-iba ang nakikita ko.
7. Don’t forget to socialize and to do your other interests. Kahit introvert ka, mainam na lumabas-labas ka ng bahay. May mga kakilala ako na nagkaroon ng Vitamin D deficiency dahil hindi na lumalabas at naaarawan. Ang Vitamind D or Sunshine vitamin ay nakakatulong din daw to prevent anxiety or depression dahil sa nakakatulong ito to have happy hormones.
So go makipagkita ka sa iyon sa mga kaibigan, o kaya uma-attend ng seminar. Ako I attend events, seminars, conferences bukod sa pakikipag-date with my friends. Nanood din ako ng sine o pasyal sa parks/ malls/ churches may kasama o wala. Sa akin kasi importante na ma-feel mong indibidwal kasama ng ibang tao. Wag kang mawalan ng pulso sa community at society mo. Bahagi ka ng kahit anong grupo, ganern.
8. Recharge for a Healthier You. Ang totoo prone din ang mga remote workers sa pagiging unhealthy, di maayos sa sarili, negative mag-isip, at low self-esteem. Dito papasok yong
- hindi na nakakapag-exercise,
- hindi ka na nagpapaganda o nagpapaguwapo,
- feeling mo OP ka na sa outside world (na hindi mo sila naiintindihan na or sila ang hindi mo na naiintindihan).
- Limited yung ginagalawan mo e. So baka nagiging limited na rin lawak ng kaya mong unawain),
- at parang ‘di na malakas ang loob mo na makipag-communicate ng personal.
Baging guilty ako sa mga ‘yan.
Ang exercise alone ay malaking bagay para ma-activate ang iyong positive energy, so don’t forget it. Huwag ding kalimutan ang halaga ng magdasal at mag-meditate. Makakatulong sa iyong spirituality. Kung may iba ka pang hobby na pang-break o makaka-energize sa iyong artistry/creativity o motivation, go! Sa work from home or office man, you have to always take care of your well-being.